ikalawang kabanata.

1222 Words
"Kahit na kailan kang bata ka ay hindi ka nakikinig!Kailan kaba magtitino?Hindi naman ako nagkulang sa pagtuturo sa iyo."Ang ina ni Drako habang halos mapaos na sa kasasabi sa anak ngunit si Drako ay tahimik lamang na nakayuko at hindi man lang nagsasalita. "Tama na iyan."Ang ama ng tahanang iyon ang nagsalita.Halika na kayo rito't kumain na.Masamang pinaghihintay ang pagkain. Kahit labag sa kalooban ng ni Drako ay tumalima siya.Tahimik na kumain at ni sulyap sa dalawang taong naroon ay hindi niya ginawa hanggang sa matapos na siya.Umakyat siya sa kanyang kwarto at nagbihis ng pang araw-araw na damit.Binuksan niya ang kanyang bluetooth speaker sa kwarto at nagpatugtog ng malakas.Nilunod niya ang sarili sa paborito niyang musika.Habang nakahiga'y nag iisip-isip.Mga ilang taon pa,magsosolo na siya sa buhay. Ayaw niya sa pamamahay na ito.Napakalaki ng kanilang tahanan,maraming katulong ngunit hindi man lang iyon makatulong upang maibsan ang kahungkagan na nararamdaman.Mabait naman ang kanyang ina.Ang totoo niyon ay nakukonsensiya siya sa tuwing nagagalit ito dahil sa mga sadyang ginagawa niyang mali ngunit may isa itong naging desisyon sa buhay na kailanman ay hindi niya gusto at hindi niya gugustuhin.Na ikinahihiya niya.Lalo na ang kanyang ama.Sila ang karaniwang isinusumpa ng mga tunay na asawa.Ang mga kinasusuklaman ng mga anak ng unang pamilya.Dahil sila;sila ay nabibilang sa tinatawag na ikalawang pamilya. Galing na siya sa ibat-ibang eskwelahan.Nang dahil sa mga kalokohang pinag gagagawa niya ay lagi siyang na eexpelled o di kaya ay laging ipinatatawag ang kanyang mga magulang,na hindi naman laging buong nakakapunta,madalas ay ang kanyang ina lamang.At kung matityempong darating ang kanyang ama ay pinalalagpas ng eskwelahan ang kanyang mga ginawa at parang walang nangyaring muli uli siyang makakapasok.Hindi laging naroon ang kanyang ama tulad na lang ng nangyari noong nakaraan.Muli siyang nakickout sa pinapasukan niyang eskwelahan kaya naka ilang ulit siya sa highschool.Ngayon nga ay edad bente tres na siya.Matanda na kung tutuusin sa highschool,dapat ay noon pa siya nakatapos.Kaya simula sa araw na ito'y pagbubutihin na niya.Hindi sa kung ano paman kundi sa pansarili niyang dahilan at kapakanan. Kailangang makaalis na siya sa poder ng mga magulang.Gustuhin man niyang magtrabaho'y malakas ang impluwensiya ng kanyang congressman na ama,tatangkain nya palang ay magugulat na lang siya.Ang gusto talaga nito'y makapagtapos siya.Wala raw itong pakielam kahit habang buhay siyang paaralin nito at kahit tumanda pa siya sa eskwelahan.Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang makatapos ng pag aaral.Gusto naman talaga niya.Matalino naman siya ngunit hindi niya iyon ipinapakita lalo na sa kanyang ama.Ayaw niya itong bigyan ng kapanatagan.Ngunit wala siyang magagawa hanggat hindi siya nakakapagtapos ay mananatili siya sa malaking bahay na iyon na walang kabuhay-buhay. ... Dahil sa nangyaring kabwisitan sa school kanina ay dala niya tuloy hanggang trabaho niya sa bahay ang inis ay ramdam parin ni Berta.Kapag naiisip niya ang sinabi kanina ng bwisit na lalaki ay hindi niya maiwasang magalit ng sobra.Kahit ganito siya kapangit ay may delikadesa naman siya.Hindi niya gagawin ang magpatuloy ng lalaki sa kanyang pamamahay kahit ganito lang itong barong-barong niya.Hindi tuloy niya matranslate translate sa english ang request ng kliyente niya sa online.English translator kasi siya ng ibat-ibang websites.Medyo malaki narin ang kanyang kinita rito.Ang iba nga niyang naipon ay nauwing lahat sa pagpapagamot at sa pagpapaospital ng kanyang lola Basing.Ang iniipon naman niya sa ngayon ay ang pagpapalakad ng titulo ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay at ang natitira'y siya niyang ipinambabaon at ipinangmamatrikula.Bukod na siya ang ginawang benificiary ng kanyang nasirang lola dahil tulad niya'y ulila narin ito ay isa rin naman siyang eskolar.Isa pa'y sila lang naman ang kapitbahay dito na naka laptop at hindi lang iyon basta laptop.At isa din sila sa may internet sa bahay saan kapa!Pagkatpos ng ilang oras na pakikipagtalo sa kanyang isip ay hindi siya nagwagi.Itinigil na muna niya ang ginagawa at nahiga nalang.Magbabakasakali siya na maayos pa ang takbo ng kanyang isip.Hindi mapaknit sa isip niya ang nangyari kanina.Talagang napahiya siya.Kitang-kita niya kasing nakatingin si Carl noong pinagtatawanan siya.Pulang pula rin ang kanyang mukha.Kundi lang sa pagsasaway ng kanilang adviser ay hindi siya titigilan ng mga kaklase.Magmula ngayon ay iiwasan na niya ang lalaking iyon.Nararamdaman niyang walang mabuting gagawin ito sa kanya.Nasa hilatsa palang ng pagmumukha ng lalaki ay mukha itong sanggano.Wala siyang pakielam kung anak pa ito ng presidente.May araw din ito sa kanya.Hindi porke ganoon lang ang pagmumukha niya ay wala siyang karapatang mamili ng lalaking matino!Kahit pa kung dumating ang araw na nakahanap na siya ng lalaking magmamahal sa kanya at tulad niya ring pangit sisiguraduhin naman niyang gwapo ang kalooban nito.Yung igagalang siya at ipagtatanggol.Kailan kaya iyon?Doon na siya uli nagkaroon ng inspirasyon na kahit anong oras na ay nagtrabaho parin siya. Kinaumagahan pag pasok palang sa kanilang classroom ay nagkaroon kaagad sila ng group report. Kanya kanya sana sila ng grupo ngunit dissapointed ang mga kaklase ni Berta na makasama siya dahil nagpalabunutan silang lahat. "Mga anak huwag ng mag angalan 'yung unang grupong nabunot ay umpisahan nyo ng mamili ng leader nyo,bibigyan ko kayo ng isang oras sa inyong preparasyon dahil wala ang susunod niyong subject kaya pwede tayong mag extend. "Habang nagsasalita ang kanilang adviser ay dasal naman ng dasal si Berta na hindi sana mapunta sa magiging grupo niya ang lalaki na ngayon ay tila nakakuha na ito ng bagong hukbo.Paano'y nakaum-pok na agad ito sa grupo ng mga lalaking mayaya-bang,kasama rin doon si Carl.Biglang napatingin si Berta kay Carl."Pls Lord siya nalang po.Siya nalang po sana uli."Dasal ni Berta.Ilang beses nya na kasing nakasama ang lalaki sa competition at kahit ganoon ito kayabang ay aaminin niyang propesyunal ito pag dating sa mga ganoon.Sineseryoso nito at madali itong pakitunguhan kung ganoon ang usapan.Tiyak na hindi siya mahihirapan at tiyak din ang panalo ng grupo.Habang nakayuko si Berta at taimtim na nagdadasal sa kanyang upuan ay may biglang kumalabit sa kanya."Ay kabayong bundat!Ano b-" Biglang naudlot ang kanyang sasabihin ng makita niyang nakangiting nangaasar na naman sa kanya ang lalaking katabi.Hindi niya iyon pinansin.Sa halip ay nagbingi-bingihan siya. "Hoy ikaw ang leader ng grupo natin Miss Bartola!Sagutin mo ang tinatanong ni Mam."Ang lalaking bwisit sa buhay niya ang nagsalita. "Yes mam?"Wala sa sariling tanong ni Berta. Sa mga sinabi ng maestra ay isa lang ang sumaksak sa utak ni Berta ang reyalidad na kagrupo niya ang lalaking ayaw na niyang makausap pa.Nanlulumo siya sa nalaman.Wala siyang pagkakataon na iwasan ang lalaki dahil narito ngayon ito sa harapan niya sabay sabing. "Miss Bartola turuan mo ako ha."Lalo siyang nabwisit sa lalaki at sa tawag nito sa kanya.Dahil wala siyang choice kundi isama ito sa grupo ay nag umpisa na sila.Ipinaliwanag niya sa mga kagrupo ang kanilang gagawin.Tumayo siya sa gitna at nagsimula-ng isa-isahin at bigyan ng mga task na gagawin ang bawat isa.Sa kanyang bawat paliwanag ay ginamitan niya ang mga ito ng kanyang matatag na mga kum-pas at mga teknik.Pinasimple niya sa pinakamaba-ang lohikal upang maintindihan at makuha agad ng mga nakikinig ang mata ng lalaking singkit ay nakatuon lang sa kanya ang tingin hanggang sa matapos siya. Habang naging busy ang kanyang mga kagrupo ay sinasalungguhitan naman niya ang mga importan-teng dapat nilang tandaan.Hanggang sa may imisod na upuan sa tabi niya. "Ako nayan.trust me."At kinindatan siya ng lalaking singkit. Doon natigilan si Berta dahil malapit na malapit ang mukha nito sa kanya.Lalo pala itong gwapo sa malapitan.Mukhang artista at napakabango.Pagbiling nito ay huling huli siyang nakatingin sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD