ikatlong kabanata

1210 Words
Habang naggbabasa si Berta ng kanyang itatranslate ay hindi maiwasang sumagi sa isip niya ang kaklase.Maayos din pala itong kasama kung mag aayos lamang ito.Walang sinabi si Carl ang crush niya sa kagwapuhan ng lalaki.Kinilig siya ng sobra-sobra aaminin niya ng lumapit ito sa kanya.Kung maayos lang ang lalaki ay napaka swerte ng babaeng magiging kasintahan nito.Ito ay kung maayos lang ang lalaki ha!Ipinilig -pilig ni Berta ang kanyang ulo upang maalis ang memoryang iyon na pilit na nagsu-sumiksik sa kanyang isipan. Pagpasok niya kinabukasan ay ilang minuto na siyang nananalamin.Pilit sinusubukan ang bagong pag aayos sa buhok na napanuod niya kagabi sa youtube.Nagpahid si Berta ng foundation.Ninipisan niya lang upang maging natural ang dating,ganoon din ang liptint na paborito niyang ginagamit kapag may event sa eskwelahan.Hindi siya nasiyahan hinalungkat niya ang bagong biling body mist na naka wrap pa ang pinakatakip sa ibabaw at dali-daling binuksan at inspray sa kanyang katawan.Karaniwan ay hinihintay niya munang maubos ang ginagamit niyang pabango bago magbukas ng ibang scent.Pero ngayong araw ay gusto niyang mangibabaw siya sa mga kaklase.Bigla siyang natigilan.Bakit nga ba siya nagkakaganoon?May pinagagandahan ba siya ngayon?.Ah,wala ngayon lang talaga niya balak na maiba naman.Isa pa hindi na siya matatawag na bata siguro naman ay hindi masamang mag umpisa na siyang mag ayos ayos.Iyon ang totoo.Siya narin ang nagjustify sa ginagawa niyang kakaiba. Pagpasok palang ni Berta sa room nila ay iisa na agad ang hinanap ng kanyang mga mata.Ngunit nabigo siya."Absent ba ito ngayon?"Nanlulumo siyang lumapit at umupo sa kanyang silya. "Psst Berta.Nakita mo naba ang nangyayari sa labas?"Napakunot ang noo niya na tila naguguluhan sa tanong ng nasa unahan niyang kaklase.Si Melai at si Roderick alyas Roda. "Bakit ba?Anong mayroon?"Tanong niya sa mga ito. "Si pogi kasi.Nakipagaway.Kanina'y kagulo rito.Paano'y pumunta rito ang mga nasa kabilang section galit na galit gustong manakit.Si Drako kasi!Sukat ba namang inagaw yung syota nung isa ring sisiga-siga rito sa school natin,tulad ding kick-out sa school.Hayun!Pagsugod dito' nagkasapakan na ang mga grupo natin dito at grupo doon sa kabila.Ang pinaka latest ay nagharap daw kapwa ang daddy sa daddy,e mas mayaman at mataas pala ang katungkulan noong daddy ni Drako,malamang alam na this!Kung ako nalang ba sana ang inagaw niya'y walang kaproble-problema dahil I'm always single and available for him."Mahabang salaysay ng bading na si Roda sa kanya.Kinurot naman ito ng katabi sabay sabing"Gaga,may itlog ka kaya."Napairap naman ang Roda sa sinabi ng kaklase. Gumawi ang mga ni Berta kung saan nakapwesto ang kanilang mga boys at kaya pala wala ang mga iyon doon ngayon dahil nasa guidance pala ang grupo.Siyang pagdating ng kanilang teacher at sa kabila ng bulong bulungan ng mga kaklase ay natigil ang mga ito."Ok class tama na iyan!Buksan niyo ang inyong aklat sa pahina labing dalawa."Nawawalan ng gana si Bertang nagbuklat ng kanyang aklat. Mahigit isang oras na ng dumating eksakto ang grupo ni Drako sa oras ng kanilang breaktime.Sakto ring nagsisiyesta ang ibang kaklase ngunit siya ay napaderetso ng upo ng makita niya ang mga itong papasok.Nagkaingay na naman ang mga kaklase.Ang hinihintay ni Bertang pag upo nito sa tabi niya ay hindi nangyari.Naroon kasi ito nakaumpok kina Carl at sa iba pang mga boys.Nagkakantyawan ang mga ito subalit natahimik ng hindi umiimik ang tila itina-lagang leader ng grupo.Walang dilit iba kung hindi si Drako.Natigilan ang mga ito lalo na ng napasuntok si Drako sa desk ng upuan.Ngunit ang mga girls ay lalo yatang humanga sa barumbadong lalaki."Gaganti ta-yo"Doon parang mga alagad itong nagtanguhan.Napailing naman si Berta sa narinig.Ini-handa ni Berta ang sarili at medyo inayos -ayos ang uniporme ng makita niyang papalapit na ito sa lugar niya.Ang inaasahan niyang pag-upo nito ay higit pa roon ang ginawa ng lalaki.Kumuha ito ng tatlong bangko at ipinilada sa hanay niya at hinigaan iyon at umunan sa kanyang mga hita.Nagulat man ang dalaga'y pinagsabihan niya ito."Bakit hindi ka dito sa lamesa humiga?Dito'y makaka unat ka."Pagkasabi niya'y iniiwas niya ang kanyang mga hita sa ulo nito.Tinignan siya ni Drako na tila galit pa."Nakita mo ng matigas diyan,dito'y malambot.Sabay hinila ang hita niya upang makaunan uli.Halos hindi makahinga si Berta sa ginawa ng lalaki idagdag mo pa ang ismi-ran ng mga babae sa buong classroom.Imbes na makatulog at makabawi man lang si Berta sa mga ilang gabi rin namang puyat niya ng dahil sa lalaking ito na nakaunan sa kanya,pilit man niyang tumungo at matulog din ng nakapatong ang kanyang mga braso sa lamesa ay hindi niya magawa tulad ng dati. Paano ba nama'y kapag yumuko siya ay hindi niya mapigilang silipin ang lalaking nakapikit sa kanyang hita sa ilalim ng kanyang braso.Para itong isang matipunong anghel na bumaba mula sa langit.Masa-sabi na niyang matipuno ito dahil sa pagkakataong iyon ay nakasando na ito.Malamang sa malamang na hinubad nito ang polong suot kanina.Nakaangat din ang isang braso nito na nagsisilbing tabing sa mga mata.Kitang kita ni Berta ang mga muscle nito sa braso at mga ugat mula sa siko hanggang punong kamao.Na sabi nga nila ay ang mga kaninaan ng babae sa features ng mga lalaki.Bagaman may kahabaan ang mga balahibo nito pero pino ang mga iyon.Ani kaya ang pakiramdam kung yakapin siya ng mga braso nito at hawakan siya ng mga matitigas nitong kamay?Nanlaki ang mga mata ni Berta sa mga tumatakbo sa kanyang isip.Hindi siya makapaniwala na ang matagal ng crush na idinambana niya sa kanyang puso ay napalitan na agad nito.Aminin man niya iyon sa hindi ay pagsisjinungalingan niya lang ang kanyang sarili.Habang siya ay nakayukong pinagmamasdan ito mula sa ilalim ay naroon naman ang iba niyang kaklase na parang modelo itong kinukuhanan ng picture habang natutulog. Hanggang sa dahan-dahang tinanggal ni Drako ang isang braso nito sa pagkakatakip sa mukha at mula sa ilalim kung saan naroong nakasilip ang kanyang mga mata ay sinalubong siya nito ng titig.Pigil ang hininga ni Berta ng umahon ang ulo ni Drako at lumapit sa kanya sa ilalim.Namula si Berta at hindi alam kung paano ang kanyang gagawin hanggang sa dahan dahan nitong inilapit ang labi sa kanya.Palapit ng palapit palapit ng palapit.At tuluyan iyong lumapat sa kanyang labi.Nanigas si Roberta Mangalandakan at kinagat nito ang kanyang labi.Napakasakit!Hindi niya naiwasang mapasigaw "Arayyyyy kooioo!!!!" Napatayo siya bigla hawak-hawak ang labing nasaktan.Pagkatapos niyang sumigaw ay nagtatakang magkasabay na tinanong siya ng dalawang kaklase na nasa unahan na takang-taka at bago niya sinagot ang mga ito ay galit na binalingan ang lalaking may gawa niyon.Ngunit laking gulat niya.ng Wala na ito roon.Nakita niyang nakaumpok na ito sa sulok kung saan naroon at tawa ng tawa kasabay ng mga lalaking kagrupo nito.Galit na galit na nilusob ito ni Berta dahil sa kabila ng ginawa nitong pananakit sa kanya ay nagawa pa nitong pagtawanan siya.Walang ano ano'y binigyan niya ito ng isang malakas na sampal sa mukha na nagpatigil ng pagtawa nito at ng mga lalaki. "Bakit mo ako sinampal?Nanlilisik ang singkit nitong mga mata na ngayon ay nandidilat na sa kanya.Nakanganga rin ang mga kagrupo nitong lalaki habang nakatingin naman sa kanya si Carl. "Bakit mo ako kinagaaaaattttt!!!!"Galit na gait na sabi ni Rebeca." "Ayyyyyyyyyyyyyyyy!!! Inang kupo iwasan niyo!!!!Waaaaaaaaa!!!! Napalingon siya sa biglang pagsigaw ng mga kaklase.Nagtatakbuhan ang mga ito ang iba'y paikot-ikot at ng balikan niya ng tingin si Drako ay tumalon na ito sa upuan at nagmamadali ring nanakbo.Kahit naguguluhan ay nanakbo narin si Berta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD