Hanggang ngayon ay hiyang hiya parin sa sarili si Berta.Paano'y kung hindi lamang sa sigawan ng mga kaklase ay hindi lalamunin ng pangyayaring iyon ang ginawa niyang kahihiyan at ang kanyang nasabi. Habang nasa clinic sila at ginagamot ng nurse ay hindi alam ni Berta kung ano ang gagawin niyang palusot kay Drako.Mabuti nalang at busy ito at ang grupo ng mga lalaki na kanya kanyang haplos at pahiran ng mga cream sa katawan ang iba'y sa mukha.Siya?Heto,sawing palad na pato.Magang maga ang nguso ni Berta dahil sa bwisit na bubuyog na iyon at sa masama niyang panaginip na isa ring bwisit!Paano ba naman ay sa dinami-dami ng pwede niyang mapanaginipan ay iyon pa talagang eksena na iyon?At ang masaklap pa,Paano niya ito malulusutan?Ano ang gagawin niya?Habang nag iisip siya kung ano ang gagawin at habang todo iwas ng tingin kay Drako at sa mga kaibigan nito ay mukhang ito na ang sasagip ng kanyang reputasyon sa ngayon.May dumating kasing bisita sa clinic.Babae na nasa tantya niya'y nasa kalagitnaan pang ang edad na hindi maintindihan ni Berta kung koreana ba o haponesa?Maganda ang ginang at may kasama ito!Isang malaking lalaki na tila maawtoridad dahil sa kaistrik-tuhan ng mukha.Dumagdag pa sa personalidad ng pagiging istrikto ng lalaki ang mamahaling baston na hawak nito sa kanang kamay.Parang nakita niyang bigla si Jaime Fabregas noong kabataan.At hindi narin niya kailangang hulaan kung kaninong mga magulang iyon.Tila galit ang ipinagpalagay ni Berta na ama ni Drako.May sinasabi ang ama nito sa subject teacher nila.Hindi niya mawawaan kung ano iyon dahil narito siya sa pinakasulok ng clinic at halos magpatabing na sa kurtina.Panay naman salikop ng kamay ng kanilang subject teacher na alam ni Bertang hiyang hiya sa nangyari.
Tignan mo nga naman ang mayayaman ano!Bakit?Natuturuan ba ang mga bubuyog?Sino ang makakapuna na nagbahay na pala ang mga bubuyog sa puno na malapit sa kanilang bintana.Galit man sa bubuyog dahil sa ginawa nito sa kanyang nguso subalit parang gusto niya ring magpasalamat sa mga ito at kung hindi dahil sa paglusob na ginawa ng mga bubuyog ay tuluyan na siyang mapapahiya at baka masabihan pang ilusyunada!Sisilip-silip si Berta sa likod ng kurtina ng makita niyang isinama na ito ng mga magulang."Iyon pala ang sinasabing ama raw na pulitiko ni Drako.Mukhang pasado nga ito sa pagiging pulitiko dahil iba ang dating.Pulitikong pulitiko nga!
At pagkatapos nilang malapatan ng lunas ay pinauwi narin sila ng maaga.At ibinilin sa kanila ng doctor ng eskuwelahan kung ano ang mga dapat nilang gawin sa kanilang pamamaga.Nagpatiuna na ang mga lalaki at siya ay nagpahuli.Pag uwi sa bahay ay gayon na lamang ang panlulumo ni Berta ng makita sa malapitan ang kanyang dinanas.Grabe ang maga!Para siyang si Donuld Duck!Ngunit hindi iyon ang una niyang consern.Dali-dali niyang binuksan ang kanyang laptop hindi upang tignan ang kanyang mga emails kung hindi upang isearch ang katagang "How to make excuses when you intentionaly slap someone and then try to get out of the consequen-ses " Ngunit nabigo siya.Kaya sinubukan niya ang ibang wordkey gaya ng simpleng"how to make up excuses?"Dinala siya nito sa isang forum kung saan marami siyang nabasa ngunit bigo siyang makaha-nap ng a-akma sa ginawa niya.Hanggang sa makara-ting siya sa pinaka dulo ng forum.Parang nasisiraang nagtatalon si Berta.Nakita na niya!Nakita na niya sa wakas ang magliligtas sa kanya sa tiyak na kapahamakan!.
...
Hanggang ngayon ay hindi alam ni Drako kung ano ang kanyang mararamdaman.Nitong mga huling araw ay masyado ng mapapel sa buhay nya ang ama.Labis siyang nagtataka?Sa matagal na panahon na wala ito sa mga pangyayaring ganoon,ngayon ay makatatlong beses na silang sinisipot nitong mag ina.Kahit masama ay naiisip tuloy bigla ni Drako na baka may taning na ang ama kaya ito bumabawi sa kanila!Hindi niya tuloy alam kung magmamamlaki ba siya kanina o madaragdagan ang kanilang kahihiyan dahil sa pagsulpot ni Congressman.Ano naman ang sasabihin ng mga reporters kapag nalaman na pumunta ito sa kanilang eskwelahan kung nasaan ang bastardo at kabit nito.Iyon ba?Iyon ba ang maaari niyang ipagmalaki?Sa kanyang pagninilay-nilay ay biglang sumagi sa kanya ang isang tagpo.Ang tagpong sandali niyang nakalimutan.Bakit nga kaya sinampal siya ng isang iyon?May sinabi ito na siyang dahilan ng pananampal sa kanya ngunit hindi niya iyon lubusang narinig dahil sa nangyaring komosyon at ang pananalasa ng mga bubuyog.Napakunot siya ng noo.Bukas!Bukas ay hinding hindi niya palalambasin ang Bartolang iyon!Makikita nito!Galingan nito ang pagpapaliwanag.I-yong siguradong mahuhulasan siya.
kinaumagahan sa eskwelahan...
Naghagalpakan ng tawa ang kanyang mga kaklase.Inaasahan na iyon ni Berta.Bakit nga kasi'y para siyang si Donuld duck na pagod dahil sa kanyang nguso na namamaga at tila nakatikwas pa!Siya ang matatawag na Donuld duck na hindi cute. Bakit hindi siya si Daisy duck?Dahil si Daisy duck ay bukod sa maganda dahil naipangalan sa daisy na bulak-lak kahit pato,malamang siya ay isang Guma-mela.Bakit kamo Gumamela?Dahil ang gumamela ay panapal sa pigsa!Anyway,hindi iyon ang consern ni Berta ngayon.Kung hindi ang grupo ng lalaking na-agrabyado niya kahapon.Dahil sa sobrang pagka ilusyunada niya ay muntik na siyang mapahamak.Pa-palapit palang si Berta ay hinarang na siya ni Dra-ko.Nakapameywang at nakataas ang noo.
"Bakit mo ako sinampal?!"Bakit daw!!!"Sabay-sabay nag echo ang mga tropa nito sa likod ngunit si Carl ay nanatiling tahimik lang na nakatingin sa kan-ya.
"Hep!Hep!Bago niyo ako husgahan ay dapat pa ngang magpasalamat sa akin."Matapang na sagot ni Berta sabay taas ng palad na nagsasaaad ng pag awat kung ano man ang binabalak nito sa kanya.
"And why is that?"Nakataas parin ang kilay ni Drako na duda sa sinasabi niya.
"Kaya kita nasampal ay kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi mo ako naririnig.Ang ingay kasi nitong mga ito eh.Ang tinutukoy nya ay ang ibang mga babae na nakatayo noon sa tabi niya bago ang pangyayari.
"Ano naman ang kaugnayan nila sa pagkakasampal mo sa akin?"
"Paano'y nakita ko ngang papalipad sa gawi niyo ang bubuyog,kaya dali dali akong lumapit.Nakita ko iyong dadapo sana sa pisngi mo pero bumaling ka naman at imbes na mahawi ko ay tinamaan ka sa mukha."Pagkasabi niyon sa matapang na tono ay hindi na hinintay pa ni Berta kung ano ang sasabihin nito,dali-dali siyang umupo sa kanyang lugar kung saan niya natatanaw ang maingat na pagpapausok sa kanilang bintana kung saan naroon ang beehive at kasalukuyan ng isinasalin iyon sa sako.
"Yes!Ligtas siya!Kunya ay abala na niyang pina-nonood ang pag papaalis sa bubuyog.May sliding screen narin ang naturang binatana nila.Ayaw na niyang sumulyap pa sa gawi ng grupo at baka mapa-mak pa siya.Siya namang pagdating ng kanilang adviser.
"Class may ipapagawa ako sa inyo.Mag fo form ulit kayo ng grupo para sa inyong group projects na tatapusin niyo mismo sa bahay ng mapipili niyong kaklase.Magpalabunutan nalang kayo kung kaninong bahay ang mabubunot ay doon niyo gagawin ang lahat.Class president???"
"Yes mam?"Sagot ni Berta sa tawag ng teacher.
"O bakit hanggang ngayon ay maga pa iyang nguso mo?Binigyan kanaba ng gamot?Saka yung pamahid diyan?"
"Hindi papo.Bago pa makapagtanong uli ang teacher niya ay inunahan na niya ito."Sumakit po kasi ang tyan ko bigla kaya hindi napo ako nakapunta sa clinic.(Pero ang totoo'y nagtago siya sa likod ng kurtina).
"Ok,mamayang breaktime ay sumaglit ka kaagad sa clinic upang hindi na iyan lumala ha?"
"Yes po mam!"Mabilis niyang sagot.
"Psst!Palabunutan naraw!"
Nagulat pa si Berta ng naroon na pala sa tabi niya si Drako.
Inumpisahan na ang palabunutan.Siyempre pa ay ka grupo niyang muli si Drako at si-Carl?!
Nakakailang dasal na si Berta na wag naman sana sa bahay niya.Natawag na yata niya ang lahat ng santo.Pati si Santa Clause upang hindi ang pangalan niya ang mabunot.
At ng-