HINDI AKO MAKAUNAT

1744 Words
Grabeng gulat ni Berta at muntik na naman sana siyang masubsob kung hindi lamang siya nakakapit sa gate ng bahay dahil sa isang malaking mama na humablot sa braso nya at nalaglag din ang susing hawak niya.Gulat na gulat siya lalo na sa lalaking galit na galit sa kanya ngayon at kung makikita mo ang pagmumukha'y tila ba nakahuli ng isang kriminal. "Ikaw na naman?!"Matapang na sagot ng dalaga sa tanong nito imbes na sagutin.At pilit tinatanggal ang pagkakahablot ng kamay nito sa braso nya. "Ang tanong ko ang sagutin mo!Ano ang ginagawa mo rito?"Ang mga mata nitong singkit wari'y nagigung isang linya kapag nagagalit ito. "Ano pang gagawin ko rito?Bahay ko ito anong nakapagtataka ro'n?" Sagot na niya sa lalaki. Bago uli ito nagsalita ay halos kaladkarin siya papasok nito sa loob.Kasabay ng pagbitbit ng isang kamay nito sa tatlo pa niyang shopping bag na pinamili. "Ano ba?!Bitiwan mo nga ako!Ano na naman ba ang ginawa ko sa iyo?"Anong karapatan mong pumasok sa pamamahay ko?Si Berta parin. "Bubuksan mo ba o itatapon at ikakalat ko rito itong mga pinamili mo?" "s**t!!!"Walang nagawang napilitang isubo ni Berta ang susi sa kanyang pinto habang galit na galit na nakalingon sa lalaki."Ano na naman raw ba ang ginawa niya rito?" Nang makapasok sila ay itinulak siya nito sa malapit na sofa at gipitin gamit ang mga braso nito sa magkabilang gilid katapat ng kanyang dalawang balikat,tila ikinulong siya nito sa mga braso at nanlilisik na mga mata. "Now let me rephrase you!Ano ang ginagawa mo rito?" Ukil-kil ng lalaki sa kanya. "E siraulo ka palang talaga eh!Diba't sinabi korin sa iyo?Bahay ko ito,ikaw ang dapat na tinatanong ko,ano ang ginagawa mo rito at dito pa sa loob ng pamamahay ko!" Pagalit at halos pasigaw niyang sabi rito sa inis.Ang ayaw niyang makitang pagmumukha ng lalaki ay naroon mismo ngayon sa halos tapat ng kanyang mukha at langhap na langhap niya ang mabangong bibig nito,hindi lang 'yon!Kitang-kita niya ang kulay pink nitong labi na halos pumaparehas sa pisngi nito dahil narin sa pamumula sa galit.Ang matangos na ilong ang salubong na mabalahibong kilay na bago pa siya matukso'y itinulak niya ito ngunit tila bato ito sa tigas. "Magsabi ka ng totoo,yung mapapaniwala mo ako." Nakatitig paring sabi nito. Napahugot ang dalaga ng hininga bago niya ito napilitang saguting muli."As I said earlier dito ako nakatira,binili ko ito at wala kang pakielam kung bakit ako narito at isa pa,bakit karin narito at bakit mo ako ginaganito?At hindi ba't sinabi kona sa iyo kung nakakalimutan mo,let me rephrase you din,na ang sabi ko'y huwag konang makikita ang pagmumukha mo."Bigla siyang natigilan dahil ang kaninang mukha nito na nakatingin sa kanya ay dahan-dahang bumaba sa blusa niyang itim na ng sinundan niya ng tingin ay hindi niya namalayang nakabukas na pala ay nakasungaw narin ang mga kapatid niya.Agad niya itong isinara at nakita niyang ipinilig ng lalaki ang ulo at padaskol na lumayo. "Ang galing mo talagang babae ka!"nakatalikod at nakapamaywang na sabi nito sa kanya. "Kung hindi ka maniniwala'y wala na akong pakielam.Ang mahalaga'y umalis kana at wala rin akong pakielam sa iisipin mo!Nanahimik na ang buhay mula noon kaya huwag mo na akong guguluhin.Sobra-sobra na itong pang haharass mo sa akin.Uli-uli bago ka mambintanh kailangan may ebidensiya ka!Pwede kitang idemanda sa pinagsasasabi mo at sa sapilitan mong pagpasok rito."Matapang paring sabi ng dalaga. "Kapag nalaman ko lang na isa parin ito sa mga patibong mo,humanda kang babae ka!"Dinuro siya nito ng nakatalikod parin. "And so?Ano naman ang balak mong gawin?"Naka ngising pang aasar ni Berta. "I'll rape you here, itinuro nito ang lapag,there,ang lamesa niya. And everywhere!" Natigilan si Berta at pagkatapos ay humagalpak ng tawa,sa sobrang tawa niya ay umalog-alog ang balikat maluha-luha siya sa narinig.Walang tigil ang kanyang pagtawa hanggang sa narinig niya na lang na kumalabog ang pinto doon lamang siya unti-unting tumigil.Iiling-iling na tinapik tapik ang nene niya sabay sabing"Narinig mo iyon?Maghanda karaw at lulusubin ka.Sabay ingos niya rito."Asa ka naman!"Pwe! buti kung masisikmurang totohanin ng bwiset! Habang nagdadrive si Drako ay iiling-iling siya.Talaga bang walang kahihiyan ang babae?Hindi siya kayang kumbinsihin nito,hustler ang babae sa pagsisinungaling!Ngunit ano ang magiging motibo nito samantalang malaking pera rin ang sinauli nito sa kanya?Masyadong mahiwaga ang babae,hindi niya maarok ang mga plano nito,sadyang matalino at alam niyang hindi ito natatakot sa kanya,bukod tanging ito lamang ang hindi niya natitinag kahit pa takutin niya ito.Palaban ang babae,minsan ay siya pa ang nag aatubili rito.Sa ilang araw na pagkikita nila ng babae ay iba ibang side nito ang unti-unti niyang nakikita,nagsisilbing interesting subject ito sa kanya,naiiba ito sa lahat ng babaeng nakilala niya.Matapang,may paninindigan at higit sa lahat alam nito ang kalalagayan isa pa ang higit na ikinaiinis niya rito,ang kaalamang tinatawanan lang ng babae ang p*********i niya at doon siya higit na tinatablan.Napahampas si Drako sa manibela ng kanyang sasakyan sa inis. ... Sa mga pangyayari nitong mga huli isama na ang nakaraan ay unti unti na pala siyang naka move on,hanggang sa tuluyan ng nawala ang pag ibig niya sa lalaki,sa sobrang dami pala ng pinagdaanan niya rito at sa dami ng dissapointment niya ay nabubura rin pala ang nararamdaman.Kung dati rati'y malakas ang epekto amoy palang ng lalaki,ngayon ay kahit yakapin pa siya nito ay wala ng dating sa kanya.Napalitan ng pagkainis at galit ang dating nararamdaman.Ang nagpabilis lalo ng proseso para sa kanya ay ang itapon nito ang pagkakaibigan nila,kahit iyon lang sana ay prineserve ng lalaki ay baka sakali pang may matira siyang pag galang rito ngunit wala na,binura na iyong lahat ng kahapon dahil narin sa kawalang galang rin nito sa kanya. Nalaman din ni Berta na mula rito sa tinitirhan niya ay sa kabilang dulo rin pala at katapat lang niya ang binili rin nitong tinutuluyan.No wonder kung bakit naghihinala rin ito dahil parang nananadya ang tadhana.Minsan duda narin siya sa tadhana,masyadong eksakto kung magbiro. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya paopisina,nitong mga huling araw ay magpaplano rin sana siyang iaayos ang tinutuluyan niya at gawin nalang ding opisina ang kalahati gaya ng ginawa ng unggoy ngunit baka pagbintangan pa siya nitong ginagaya niya ito at madagdagan na naman ang dahilan nitong sugurin at pagbintangan siyang muli.Alam niya na nakaabang lang ito sa maling galawan niya at tulad ng isang leon na susunggab kapag nakakita ng pagkakataon.Papasok na siya at maglalakad banda roon upang tumawag ng trycicle kahit pinatigas niya ang kanyang leeg upang hindi matanaw ang lugar ng lalaki pakiramdam ba niya ay laging may nakatingin sa kanya kapag papasok siya ng opisina.Ngayon siya nagsisi kung bakit lahat ng natitira niyang ipon ay ibinili niya rito.Sana palay nangupahan nalang siya para kung kailan niya gugustuhing lumipat ay magagawa niya,pumasok narin ang ideyang ibenta niya ito subalit hindi pa man ay nanghihinayang siya,dahil sa panahon ngayon ay may kura pa siyang natyempuhang ganito kaganda at kakumbinyente,para bang inihanda ito sadya para sa kanya lamang. Nakaugalian ng silipin ni Drako ang dalaga t'wing umaga bago pumasok.Ewan ba niya,para bang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya nasisilayaan ang pagpasok nito sa umaga.Naiinis siyang di mawari,inaabangan kung anong ibidensiyang mahuhuli niya rito.Ilang beses niya naring sinusubaybayan ang babae sa pinapasukan nitong opisina.Iiling-iling siya sa naiisip at tinatawagan niya ngayon ang kanyang kasintahang lagi nalang busy. "Magkano ang balak niyong iloan?" Sabay baling ni Drako sa isa sa mga kliyente niya noong umagang iyon. Nagtayo siya ng pautangan ito'y kasama narin sa mobile application na inaral niyang maige.Maganda ang kanyang patubuan at nagsimula narin siyang kumuha ng tao niya na tatrabaho online sa kanyang opisina.Ang iba'y sumasadya na rito ng direktahan sa kanya. Kung magtutuloy ang magandang negosyo niyang iyon ay hindi malabong makaahon siya agad at yumamang muli.At pag nagkataon ay hindi na niya kakailanganin pa ang yaman ng ama at ang impluwensiya nito.Pagkatapos ay magpapakasal na sila ng kasintahan.Ilang araw na siyang tigang dahil narin sa nauubos na ang oras niya sa kanyang negosyo,mamayang gabi ay magpapaservice muna siya para mawala ang sakit ng ulo niya na halos araw-araw na yata niyang nararamdaman. ... Gabi na na naman ng makauwi si Berta,pagod siya sa trabaho hawak ang leeg na ngawit,bago pa siya nakaupo ay may bumabayo na ng pinto niya. "Sino na naman itong demonyong mang gugulo sa kanya ganitong pagod siya."Napilitan siyang tumayo upang sinuhin kung paanong nakapasok ang kung sino sa gate niya. Pagbukas niya ng pinto ay muntik na siyang matumba dahil narin sa bumagsak sa dibdib niyang mukha ng lalaking isinusumpa niya araw-araw.Mapagkakamalan sana niya itong lasing kung hindi niya lang kaagad naramdaman ang kakaiba nitong init.Hindi niya muna naisara ang gate na nakaawang at doon niya napagtanto na naiwan niya pala ito ng nakabukas. "Teka lang teka lang,isasara ko muna ang gate. "Sabi niya sa halos walang lakas na lalaki.Pagkalock niya ay inakay niya ito papuntang sofa,dalawang bigat ang sabay na sinambot ng kanyang sofa dahil sabay silang natumba ng lalaki,dumagan ito sa kanya kaya hindi niya malaman ang gagawin."Teka lang sandali.Napatingin siya sa mga mga mata ng lalaki na ngayon ay nakatunghay sa kanya."Paalisin mo muna ako ng mapunasan kita.Ano ba kasi ang pinag gagagawa mo?"Pagkasabi niya ay unti-unti itong dumausdos sa kanya.Napapikit ang dalaga dahil ramdam niya ang paghagod ng katawan nito sa kanya na ikinailang niya.Tumayo agad siya at nagpakulo ng mainit na tubig. "Pwede bang ipanhik mo ako sa itaas ang hirap dito hindi ako makaunat." Paos na boses na sabi ng lalaki. "Bakit ako ang minolestya mo?Hindi ba't galit ka sa akin?"Sabi niyang nakatalikod rito sa galit na tono. "Alam mong wala akong ibang kakilala rito na malalapitan.Sige na." Hindi pa man niya naisasalin ang mainit ay lumapit siya rito upang akayin papanhik ang lalaki.Pilit niyang inilalayo ang leeg rito dahil masyado itong nakadikit sa kanya halos parang natural na rito ang hawakan ang dibdib niya dahil narin sa haba ng braso nito,pinabayaan niya nalang dahil alam naman niya na wala siyang dating sa lalaki. "O dahan dahan.Teka!teka lang!Ay,ay ayyyy!"Sabi niyang nabigla dahil parehas na naman silang bumagsak at gaya kanina nasa ibabaw niya ito. "O umalis kana riyan at kukunin ko na ang mainit sa ibaba."Sabi niya rito dahil nakatingin parin ang lalaki at iba narin ang posisyon nilang dalawa medyo hindi na kaaya-aya dahil masyado ng eksakto. Itinulak niya ito upang dumausdos uli ngunit hindi katulad kanina, hindi ito nagpatinag. ... If you like my stories,here's my gcash acc.you can support me here by giving me a small token of appreciation. 09998134482 Under the name of S*r*h Ug*b*n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD