Another Victim
3rd Person's POV
Habang nasa Centaurlys Forest sila Haelles, Mango, Seren at Melon nasa Wind Tower naman sila Skylar at Kazerine.
Mas minabuti ng dalawa na doon mag ensayo dahil madaming flying creatures ang matatagpuan doon.
Ang Wind Tower ay isang mataas na tore na laging napapalibutan ng mga tornado sa buong premises.
Lumilipad sila Skylar at Kazerine habang kinakalaban ang isang Eagnado.
*(Eagnado - big eagle creature with broad wings that can creat huge tornados.)*
Ang kailangan lang nilang gawin ay maubos ang lakas ng Eagnado at umuwi ito sa Wind Tower para masabing natalo nila ito.
Sabay na lumipad sila Skylar at Kazerine habang paikot sila sa isa't isa ng nakahiga. Color light green parehas ang aura nila na lumilikha ngayon ng isang green tornado na nakahiga habang sila ay umiikot sa loob nito.
Sa isang iglap ay mabilis itong tumama doon sa Eagnado at nawalan ito ng balanse kaya naglaglag.
Nagpaulan pa ng air spears at air blades ang dalawa na lalong nagpahirap sa Eagnado.
Hinang hina itong lumipad paakyat sa tuktok ng Wind Tower at doon ay umungol ng malakas, patunay na natalo siya ng dalawang Sylph.
"Hay nako ang lakas ko talaga." sambit ni Skylar saka tiningnan si Kazerine na hinihingal.
"Duh, mas malakas ako sayo!" sigaw nito pabalik.
"Look at yourself, you're panting. Samantalang ako parang nag jogging lang." asar pa ni Skylar saka nag smirk.
"HOW DARE YOU! GREENMINDED!" bulyaw ulit ni Kazerine.
"We are both Sylphs, malamang green ang color natin. Tsk." sagot ni Skylar pabalik saka pinasadahan ng tingin si Kazerine.
"HOY p*****t DON'T CHECK ME OUT!" sigaw pa ulit ni Kazerine saka kinuyom ang kamao.
"Wala naman akong machecheck out sayo eh. Petite Girl." patuloy na pang aasar nito saka tumawa.
Laking gulat ni Skylar ng dambahin siya ni Kazerine mula sa pagkakaupo saka ito nag ambang susuntukin siya pero natigil ito.
"Come on punch me. I'll bet that it wouldn't hurt me a little." panunukso pa nito pero nakatitig lang ang dalaga sa may di kalayuan.
Bigla itong tumayo at di sinasadyang makita ni Skylar ang nasa loob ng cloak at dress ni Kazerine.
"Pink huh." nasambit nito pero hindi siya narinig ng dalaga.
"WAAAAAAAA MAY PEGASUS!" sigaw ni Kazerine at nagtatatakbo papunta doon sa Pegasus na color white at green.
"SHT NAKAKAUSAP NIYA AKO!" amaze na amaze si Kazerine sa mga nangyayari.
Nahiga na lamang ulit si Skylar sa damuhan pero naaalala niya yung kulay Pink na tanawing nakita niya kanina.
"Ang p*****t mo naman boss." narinig ni Skylar at napalingon diya sa isang Wind Cannis na nasa gilid niya ngayon.
*(Wind Cannis - dog like creature na nakakalutang kahit walang pakpak.)*
"Shhhhhh, ikaw siguro ang Eidolon ko." sambit ni Skylar at tumahol ang Wind Cannis.
"Laser/Toasted!" sabay na sigaw nila Kazerine at Skylar kaya nagkatinginan sila.
"Bakit Laser?" naunang nagtanong si Skylar.
"Wala lang. Para astig pakinggan. Eh bakit Toasted?" tanong pabalik ni Kazerine.
"Parang toasted yung kulay ng furs niya eh." sagot ni Skylar at tumahol si Toasted.
Sumakay si Kazerine kay Laser saka sila lumipad paitaas habang si Skylar ay nagsimulang magbato ng mga air spears habang pinapatamaan iyon ni Toasted ng air blades.
"Anong Special Ability mo Toasted?" tanong ni Skylar.
"Enhanced Smelling Boss." sagot nito at patuloy na naglaro sa ere.
"OY PINKY!!" sigaw ni Skylar kay Kazerine.
"Sinong Pinky?" inosenteng tanong ni Kazerine.
"Ikaw, sino pa bang kasama namin dito?" tanong na pabalang ni Skylar.
"Eh bakit Pinky?" tanong ulit ni Kazerine.
"Pink kasi yung ano mo." sagot ni Skylar saka tumingin sa parteng iyon ni Kazerine na natatakpan ng Cloak at Dress niyang kulay light green.
Namula ang mukha ni Kazerine ng marealize niya kung ano ang tinutukoy ni Skylar.
"You je......rk!" sigaw ni Kazerine saka lumipad ng mabilis papunta kay Skylar at sinampal niya ito.
Sa pagkagulat ni Skylar ay hindi niya namalayang umalis na pala si Kazerine kasama ang Pegasus niyang si Laser.
"She's so cute when she's pissed off." Skylar murmured at hinimas ang pisnging nasampal kanina.
"Boss, nakalayo na yung kasama mo baka mapahamak yun." sambit ni Toasted kaya inilabas ni Skylar ang wings niya saka sila lumipad ni Toasted para hanapin sila Kazerine at Laser.
"Kazerine Belle where are you Pinky?!" sigaw ni Skylar habang hinahanap si Kazerine.
Nakarating na sila ni Toasted sa Red Fields pero wala pa rin ni anino ni Kazerine.
"I can smell her scent Boss. Andito lang siya." sabi ni Toasted kay Skylar at nag nod siya dito.
"Tulungan niyo ako!" narinig nila Skylar at Toasted kaya bumaba sila doon sa Red Fields at nakita nila si Kazerine na nakalubog sa isang kumunoy.
"Here, grab my hand Kazerine." sabi ni Skylar at inilahad ang kamay niya. Ngumiti si Kazerine sa kanya pero laking gulat niya ng may tumulak sa kanya mula sa likod niya.
"Kazerine?" gulat na sambit ni Skylar.
Napalingon siya sa kaninang dapat ay tutulungan niya pero nagulat siya ng wala na ito doon.
"Dual Character, that's the Special Ability of Laser. She can produce a copy of me or copy of herself." pagpapaliwanag ni Skylar.
"I guess quits na tayo sa pamboboso mo sakin." dagdag pa nito at tinulungan si Skylar na makaahon sa kumunoy.
Biglang buhos ng ulan kaya naman nawala ang mga putik sa katawan ni Skylar at naglaro na lamang sila ni Kazerine sa ulanan.
"Ang cute mo talaga asarin!" sigaw ni Skylar pero kasabay nun ay kumulog ng malakas.
"Hah ano yun?!" tanong ni Kazerine.
"Wala! I like you!" pagkasabi muli noon ni Skylar ay kumidlat naman kaya nabadtrip siya.
"May sinasabi ka?!" tanong ulit ni Kazerine.
"Wala. Nevermind Pinky." sagot nito at binato na lamang ng air balls si Kazerine.
Naglalaro ang dalawang Sylph ng biglang kumahol ng kumahol si Toasted.
"Blood." sambit nito na ikinaalarma nila Skylar.
"WAAAAAAAAAAAAG!" narinig nilang sigaw mula sa kabilang dulo ng Red Fields.
Sumakay si Kazerine kay Laser habang lumilipad naman sila Skylar at Toasted.
"Dito Boss." sambit ni Toasted na siyang naglilead ng way.
"Sht." napamura si Skylar sa nakita habang si Kazerine ay halos masuka.
Isang patay na babaeng Sylph ang nakita nila. May hiwa ito sa tummy, dahil nandoon ang birthmark niya.
Napansin nilang namumutla ito at hindi nagiging dust ang katawan.
"Aura Heisting." sabay nilang nasambit.
"Ayun!" sigaw ni Toasted at tumingin sa itaas at nakita nila ang naka red cloak na nakasakay sa isang Double Headed Dragon.
"Lady Kazerine, sumakay po kayo sakin para masundan siya." sabi ni Laser at sumakay nga ang tatlo dito. Kailangan pang ipahinga ni Skylar ang wings niya dahil masyado na niya iyong nagamit ng matagal.
"Masyado siyang mabilis!" sigaw ni Skylar dahil palayo ng palayo ang naka Red Cloak sa kanila.
"Laser bilisan mo pa kailangan nating maabutan yung naka red cloack." dagdag pa nito at saktong napadaan sila sa Lionder Hills.
"Guys!" sigaw ni Seren at napalingon sila sa likod nila.
"Haelles at Seren?" gulat na sambit ni Kazerine.
"Sinong hinahabol niyo?" tanong ni Seren.
"Yung naka Red Cloak." sagot ni Skylar.
"Hah bakit? Andito siya?" tanong ulit ni Seren.
"Long story. Mamaya na. Basta dapat mahabol natin siya." sagot ni Skylar.
"Boss, nawala na yung scent nung naka Red Cloak, sorry." sabi ni Toasted pero pinat lang ni Skylar ang ulo nito.
"Tsk. Hindi mo kasalanan yun." sambit pa ni Skylar.
"Uwi na tayo para ireport ito." sabi ni Kazerine at tumango ang lahat.
----
Mabilis na nakauwi sa La Telmene ang apat, kasama na ang mga Eidolons nila dahil na rin sa kapangyarihan ni Mango, ang Eidolon ni Haelles.
"Nadala na dito yung bangkay ng Sylph." sabi ni Headmistress Jewel.
"Kaya pala I had a vision of a dead Sylph earlier." sabi naman ni Lady Astrean.
"Balik na kayo sa rooms niyo. And don't tell anyone about this." sabi ni Master Pyron saka lumabas sila Haelles, Seren, Skylar at Kazerine ng office.
"Namukhaan niyo ba yung naka Red Cloak?" tanong ni Seren.
"Hindi nga eh." sagot ni Kazerine.
"Hay grabe napagod ako. Tara na puntahan natin yung iba para makwento natin yung nangyari." sabi pa ni Skylar at pumunta sila sa Cravium kung saan kasalukuyang kumakain ang SB at PK.
"GUYS SAAN KAYO GALING?" tanong ni Garnet pagkakita sa kanila. Si Perisse nakatitig kay Luken. Si Tanya iniirapan si Janus. Si Llorelie nakangiti kay Rainn. Si Frost kausap si Heavenne. Si Terran nilalagyan ng pagkain yung plato ni Daphne. Si Garnet kumakain na naman ng cottonmallows galing kay Flamey.
"Nag practice sa di kalayuan." sagot ni Haelles na umupo sa tabi ni Frost at katapat si Seren.
"We saw the Aura Heister." pokerface na sabi ni Haelles at nakuha nito ang attention ng lahat.
"WHAT THE YUNG NAKA RED CLO...." napatayo at napasigaw si Flamey pero agad tinakpan ni Garnet ng kamay niya ang bibig nito.
"Shut up Flamey!" bulyaw ni Perisse.
"It had another victim, a Sylph." sabi ni Skylar.
"You mean magkakasama kayong apat?" tanong ni Frost pero umiling si Seren.
"Nakita lang namin sila Skylar at Kazerine kasama yung mga Eidolons nila na may hinahabol kaya sinundan namin sila." sagot ni Seren sa kakambal.
"Okay ka lang Stariebaby? Wala bang ginawang masama sayo si Haelles?" tanong nito na ikinagulat ni Seren. Bigla nitong naalala yung mga nangyari at namula ang mukha niya.
"Wa....la. Nag....prac....tice lang ka...mi." nauutal na sagot nito at nag nod lang si Haelles.
"Ayaw ipalabas ng Heads ang nangyari." sabi ni Kazerine.
"Syempre magpapanic yung iba loka ka." bulyaw ni Perisse.
"So anong plano guys?" tanong ni Terran.
"Ganun pa rin. Don't let your guards down. At dapat palagi kayong may kasama." sagot ni Frost.
"In case may mangyaring hindi maganda, atleast hindi kayo nag iisa." sabi pa ni Heavenne.
"Kapag may nakita o napansing kahina hinala, sabihan agad ang iba maliwanag?" sabi ni Luken at tumango ang lahat.
"Let's eat na para makatulog na rin tayo." sabi naman ni Tanya.
"Let's pretend na wala tayong nalalaman sa mga nangyayari." sabi na ni Garnet at kumain na ulit silang lahat.
Pinakilala nila Skylar at Kazerine ang mga Eidolons nila bago sila pumasok sa mga kwarto nila.
----
Seren's POV
Mukhang pagod na pagod si Melon dahil nakatulog ito agad. Hindi naman makakapagsleep over dito sila Garns dahil baka mahuli kami ng Heads.
Hindi ako makatulog sa dami ng mga nangyari kanina. Yung about sa naka Red Cloak, at yung kay Haelles.
*tok* *tok* *tok*
Nagulat ako ng may kumatok. Sino kaya yun eh halos mag totorches off na dito sa La Telmene.
Naglabas ako ng isang meteor ball sa kamay ko in case na masamang Elemental ang nasa labas ng kwarto ko.
"Haelles?" siya yung kumatok at kasama niya si Mango pero bakit kaya?
"Just checking if you're safe." sabi nito at nag nod ako.
"Ayos lang ako." sagot ko at nag iwas ng tingin sa kanya.
"Good to know that. Goodnight and see you tomorrow." sabi nito at hinalikan ako sa may forehead ko.
"Good....night." sabi kong nauutal at bigla na siyang naglaho.
Paano pa ako makakatulog nito? Ramdam ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Mas mabilis pa sa Pegasus ni Kazerine na si Laser.
Napagpasyahan kong magpahangin muna kaya binuksan ko yung bintana ko na malapit sa may kama para magpahangin.
"Si Drake at Master Pyron." teka magkakilala sila?
Oo I mean siguro magkakilala since nagtuturo dito si Master Pyron. Pero ano naman ang pag uusapan nila sa ganitong oras at sa lugar kung saan medyo madilim.
Ang dorm kasi namin ay nasa may likod ng classrooms. Tanaw mula dito ang River Clover at ang Mount Amethyst.
Nag uusap sila habang nasa ilalim sila ng isang puno ng Chena na di kalayuan sa may back premises ng dorm building namin.
Nakakapagtaka, dorm building kasi ito ng mga babae eh.
Bigla namang napatingin sa direction ko si Drake kaya agad akong nahiga sa kama ko at nagtaklubong ng kumot tapis ay nagtulog tulugan.
"Don't meddle, Seren. For your own sake please obey me." bulong ng hangin sakin na nakapagpatayo ng mga balahibo ko.
Don't meddle with what?