Lionder Hill
Seren's POV
"You can now open your eyes Cayrie." bulong sakin ni Haelles at naramdaman kong lumuwag ang yakap niya sakin.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay isang magandang tanawin ang sumalubong sa akin.
Napatingin ako sa buong paligid at napagtanto kong nasa itaas kami ng isang hill na puno ng Dandelions at Lavenders. Malapit ito sa isang forest na hindi familiar sakin pero ayos lang, si Haelles naman ang kasama ko.
"Na saan tayo Haelles?" tanong ko sa kanya.
"Lionder Hill, Cayrie." sagot niya sakin saka ako lumingon sa kanya.
"OMP." I exclaimed dahil sa likuran namin ay mayroong isang puno na malaki na ang mga bulaklak ay Lavenders, parang Sakura Tree.
"Lionder, came from Dandelion at Lavender. Medyo malayo ito sa La Telmene pero ok lang, atleast dito walang makakakita sa mga gagawin natin." he said na ikinapula naman ng mukha ko. *SHT SEREN ALISIN MO NGA YANG GREEN THOUGHTS SA UTAK MO!*
Napailing ako sa naisip ko ng biglang Dinilaan ni Melon ang kamay ko.
"Oh, gising ka na pala." sabi ko at hinaplos ang balahibo nito.
"Shall we start?" tanong ni Haelles sakin at nag nod ako.
Bigla naman silang tumakbo ni Mango na ipinagtaka ko kaya nakitakbo narin kami ni Melon pababa ng Hill.
"Te....ka, saan ba tayo pupunta?" sabi ko na hinihingal.
"This is our warm up Cayrie! Run faster come on!" nakangiti niyang sabi. Yung ngiti niya, sobrang genuine na minsan lang niya pinapakita. Bumilis na naman tuloy yung pagtibok ng puso ko.
"Warm daw?" sarcastic na sabi ni Melon pero hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo kaso sobrang bagal ko.
Nauna na nga sa pagtakbo si Melon sakin kaya kahit na hingal na hingal na ako ay pinilit ko pa rin ang sarili ko.
Pagdating ko sa pinaka paanan ng hill, malapit sa entrance ng gubat ay nakita ko sila Haelles, Mango at Melon na naghihintay sakin.
"Papasok tayo diyan?" inosente kong tanong.
"Sa loob tayo ng Centaurlys Forest magsasanay." sagot nito at nag unat unat na para bang nagwawarm up talaga siya.
"Centaurlys Forest? Dyan nakatira yung mga Centaurs hindi ba?!" gulat kong tanong na may halong takot.
Nag nod lang si Haelles at ako naman ay nakapagat sa lower lip ko.
"Don't do that Cayrie. All we need to do is to defeat a centaur and that's it we're done in the first day of training." sagot ni Haelles at hinila ako papasok ng forest kasunod sila Mango ag Melon.
Kabadong kabado ako dahil nakakatakot ang mga Centaurs. Mga creatures na may head, chest and arms gaya ng isang tao pero ang kalahati ng katawan nila kagaya ng sa mga horse, pegasus or alicorn. Karaniwan silang may sibat or bow and arrows, at napakaseryoso ng mga itsura nila.
Hinigpitan ni Haelles ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya kahit papano ay naramdaman kong safe naman ako dahil kasama ko siya.
"Wag ka ngang kabahan! Hindi ba sabi mo gusto mong lumakas pa tayo? Kaya mo yan, andito lang kami." sabi sakin ni Melon kaya nilingon ko siya at ngumiti sa kanya.
Bigla naman kaming huminto ni Haelles sa pagtakbo at nagtago sa isang puno ng pine na ipinagtaka ko.
"Bakit ta.......hmp." magtatanong sana ako pero tinakpan agad ni Haelles ang bibig ko ng isa niyang kamay.
Na gets ko naman na kailangan kong tumahimik kaya sumunod ako sa kanya.
Sumilip siya sa isang bahagi ng forest kaya sumilip rin ako.
Isang Centaur na may pakpak ang malapit sa lugar namin. Isa siyang Alitaur at may dalang mga arrows at isang bow.
"Lilituhin ko siya, tapos ay paulanan mo ng meteors ok?" bulong ni Haelles sakin at nagnod ako tapos ay bigla silang nawala ni Mango.
"Melon, kakayanin ba natin?" tanong ko sa Eidolon ko.
"Si Haelles nga may tiwala sa kakayahan mo, dapat ikaw din Seren." sabi nito kaya naman nabuhayan ako ng loob.
"GROOOOOOOOOOWL!" narinig ko ang isang malakas na ungol kaya napalingon ako at nakita kong nakasakay sila Haelles at Mango sa likod nung Alitaur.
"Tara na Seren!" sigaw ni Mango kaya sinundan ko siya.
Tumakbo kami papalapit sa kanila pero hindi ako nagpaulan ng meteors kundi nag bato lang para sakto lang sa Alitaur iyon tatama. Kapag nagpaulan ako ay madadamay si Haelles at Mango.
Lalong nagwala yung Alitaur na ikinahulog nila Haelles at Mango sa lupa.
Tumakbo yung Alitaur papalapit samin ni Mango kaya naman mas nilakihan ko pa ang mga meteors na binabato ko na may kasamang fire aura ni Mango.
Hindi nagpatinag ang Alitaur at hinabol pa kami kaya naman tumakbo takbo pa ako at si Melon. Sumakay kami sa meteor disc ko para mas mabilis na makalayo at mabalikan sila Haelles at Mango pero bigla kaming pinana noong Alitaur na ngayon ay lumilipad na rin. Accurate ang bawat pagpapaulan niya ng arrow samin kaya naman puro sugat na ako.
"Sht." nasabi ko ng bigla kaming mahulog ni Melon dahil natamaan ng Alitaur yung meteor disc ko at sumabog iyon.
Tatayo sana ako pero napilayan ang kanang hita ko kaya gumapang nalang ako palayo.
Kasi sadyang mabilis yung Alitaur. Kitang kita ko ang galit sa mga mata nito at akmang itutusok na niya sakin ang dulo ng arrow niya ng bigla itong natumba.
"Are you alright Seren, Melon?" baling na tanong niya sakin saka ako inalalayang tumayo.
"Masakit lang ng konti yung kanang paa ko pero kaya ko pa." sagot ko at bigla niya akong niyakap.
"Meteor disc Seren. Kailangan lang nating masugatan ang upper part ng dibdib ng Alitaur para masabing natalo na natin ito." sabi niya sakin kaya naman sumakay kami sa Meteor Disc ko.
"Make sure na hindi na niya ulit kayo matatamaan ng mga arrows niya ok?" sabi pa nito at bigla ulit silang nawala ni Mango.
Nagpaulan ulit ako ng meteors at biglang lumitaw sila Haelles at Mango na nasa loob ng isang black shield kaya naman pinagpatuloy ko lang ang pagpapaulan ng meteors.
Susugurin sana ako ng Alitaur pero humarang si Haelles kaya naman mas nagalit ito lalo at biglang winasiwas ang bow nito na naging sanhi ng pagtilapon nila Haelles at Mango tapos ay nasira ang black shield nila.
"Seren! Sila Haelles at Mango!" sigaw sakin ni Melon dahil natulala ako sa mga pangyayari.
Nabalik ang ulirat ko ng marinig muli ang ungol ng Alitaur at nagmamadaling sinugod sila Haelles at Mango.
Mas binilisan ko pa ang paglipad gamit ang Meteor Disc habang nagpapaulan ng mas malalaking meteors kasama ang fire aura ni Melon.
Naalala ko ang sinabi ni Haelles na kailangang masugatan namin ang Alitaur sa chest nito. Napangiti ako sa naisip kong plano at inilabas ko ang tatlong meteor wheels ko.
"Kaya mo ba Seren?" tanong ni Melon at nag nod ako sa kanya.
Masasaksak na sana ng Alitaur si Haelles ng biglang isang meteor wheel ko ang tumama sa may noo nito kaya napatigil ito.
Napatingin ito sakin na nakapagpadagdag sa excitement na nararamdaman ko ngayon. Biglang lumabas ang yellow-red aura ko at mas naging matapang ako.
Nilagpasan ng Alitaur sila Haelles at Mango na ngayon ay nakatingin sakin. Binugahan ni Melon ng lava breath niya yung meteor wheels ko pero mas nagulat ako ng may tumamang mga black aura balls dito at napalingon ako kay Haelles na nag thumbs up sakin.
Ikinumpas ko sa kamay ko at sunod sunod na tumama sa dibdib ng Alitaur ang tatlong meteor wheels ko saka ito napaluhod at bumagsak sa lupa.
----
3rd Person's POV
Nagulat si Seren ng makitang nakatayo na si Haelles at Mango na animo'y hindi nasaktan sa labanan kanina samantalang siya ay nanghihina.
"Salamat Alicos." narinig ni Seren na sambit ni Haelles sa Alitaur saka iyon binigyan ng ilang mana beans.
"Malakas ka, pero mas malakas siya." sagot ng Alitaur at tinuro si Seren na papalapit sa kanila.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Seren.
"Opo, binibining Fierylus." sagot nung Alitaur na Alicos ang pangalang saka ito lumuhod sa harap niya.
"Isang karangalang makaharap ang isa sa mga anak nila King Rage at Queen Naia. Sadyang napakalakas niyong mga Airylisia at Fierylus." sabi pa nito na ikinagulat ni Seren.
"Mauuna na po ako Prince Haelles. Sana po ay makabalik kayo dito." sabi pa nito at muling nag bow sa dalawa.
"Mag iingat po kayo!" sabi naman ni Haelles na kumaway pa at kumaway din si Seren.
"Te...ka anong ginagawa mo?" tanong ni Seren ng biglang nag squat si Haelles sa harapan niya habang nakatalikod ito.
"Piggy back ride. You're hurt right?" sabi pa nito at ngumiti kaya naman sumakay na si Seren dahil kumikirot ang kanang paa niya. Naglakad si Haelles kasabay ang nakasakay na si Melon sa likod din ni Mango.
Amoy na amoy ni Seren si Haelles. Ang buhok nito, batok, damit at pabango. Kahit pa sabihing nakipaglaban sila kanina ay hindi ito nakabawas sa pagiging gwapo nito. Isinubsob ni Seren ang mukha niya sa likod ni Haelles dahil na rin sa pagod at kilig na nararamdaman niya.
"That's the reason why I'm late earlier." sambit ni Haelles na nagpatunghay kay Seren.
"What do you mean? I thought you were with Rairi?" tanong nito pabalik.
"I just talked to Drake, hindi ko kasi pwedeng pabayaan si Rairi dahil binilin siya sakin ni Mommy. But after some minutes of talk, I went to the Centaurlys and talked to Alitaur. I said we need some training and he agreed to my suggestion, to duel with him." sagot nito na ikinapula ng mukha ni Seren.
"Alicos is the leader of the Centaurs here in Arkaios. And thus he is the strongest that is why I chose him to be our opponent." dagdag pa nito.
"Ah, magkakilala talaga kayo? Grabe kinabahan kaya ako kanina akala ko mamatay ka na." sambit ni Seren saka hinampas ang balikat ni Haelles.
"Aw." Haelles exclaimed.
"Ay sorry sorry." sabi ni Seren pero tawa lang ni Haelles ang narinig niya.
"Pumupunta kami dito ni Papa dati para magsanay." sagot niya.
Naglakad pa sila haggang sa makarating ulit sa tuktok ng Lionder Hill. Ibinaba ni Haelles si Seren sa ilalim ng lilim ng puno na puro Lavenders ang makikita.
"Anong tawag sa puno na ito?" tanong ni Seren kay Haelles na umupo rin sa tabi niya.
"Lavkura." sagot nitong tipid saka hinubad ang cloak nitong itim na may sira kaya na expose ang mga muscles niya sa braso dahil naka sando lang itong kulay gray sa itaas.
"A...anong gi....nagawa mo?" tanong ni Seren na hindi makatingin kay Haelles.
"Kinukuha yung mga baon kong pagkain." sagot ni Haelles saka naman parang kuminang ang mga mata ni Seren sa narinig.
"For you Cayrie." narinig ni Seren at nakita ang inaabot ni Haelles.
"Melgo bread at root beer! Favorite ko!" sigaw ni Seren at kinuha ang mga iyon.
Kumakain si Seren ng mapansing Melgo cookies ang kinakain ni Haelles at green iced tea ang iniinom nito.
"Parehas pala tayong mahilig sa Melgo?" tanong ni Seren sabay kagat sa Melgo bread niya.
"Yeah I know." sagot ni Haelles at nagpatuloy sa pagkain.
"Pa....." hindi natapos ni Serenang sasabihin dahil inilagay ni Haelles ang index finger niya sa labi ng dalaga.
"Don't talk when your mouth is full. Here's your medicine para mawala agad yang pilay mo." medyo masungit na sabi nito kaya napatahimik si Seren at kinuha ang gamot na iniabot sa kanya ng binata saka binaling ang tingin sa mga Eidolon nilang natutulog ngayon.
Seren's POV
"Why are you calling me Cayrie and not Seren?" tanong ko matapos kong ubusin yung Melgo Bread at Root Beer.
"Seren is too mainstream. That's why I'm calling you Cayrie. Para na rin sa tuwing mababasa mo o makikita mo o maalala mo ang pangalan mong Cayrie ako agad ang maiisip mo." sagot ni Haelles saka bumaling at ngumiti sakin.
I felt my cheeks heating up again kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya at nilaro ang ilang Lavenders na nalalaglag mula sa Lavkura Tree.
Bakit ba bigla bigla namang nagchange mood itong lalaking ito. Kanina parang sweet siya at good mood. Ngayon naman parang bad mood na ewan.
And with that thought I unconsciously bit my lower lip.
"I told you Cayrie, don't do that." bigla niyang sabi kaya napalingonako sa kanya then our eyes met.
"Not to do what?" inosente kong tanong sa kanya.
"Don't bite your lips." straight niyang sagot na ipinagtaka ko.
"Why?" tanong ko ulit. Masama na bang mag lip bite ngayon eh parang maniarism ko ito sa tuwing kinakabahan o kinikilig ko kung ano pa man.
"I might lose my self control and kiss you." sagot niya without taking his gaze off me. I felt my heart skipped a beat then its beat grew faster and louder.
Then naramdaman kong unti unti kong naramdaman ang paglapit niya sa akin.
He's inches away from me that I can smell the mixed scent of melgo bread and green iced tea from his mouth.
Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko na parang isang nagwawalang chimera sa loob ng cage.
I closed my eyes dahil nagtama na ang tip ng nose namin.
I can feel his breathing that is synchronized with my breathing too. *Mabuti nalang at hindi ako bad breath kundi bawas ganda iyon sakin.*
Ilang segundo ang lumipas at naramdaman ko ang pagdampi ng malambot niya lips sa tungki ng ilong ko.
"Congratulations for using your meteor wheel without passing out. You're getting stronger Cayrie. Just believe in yourself, I know and you know that you're more than what those people around you tell you." bulong niya sakin saka niya hinalikan ang tenga ko which gave me a tickling feeling.
Narinig ko ang mga yabag niya meaning lumayo siya sakin kaya nagmulat ako ng mga mata at inilagay ang mga kamay ko sa pisngi ko. Alam kong namumula ang mukha ko ngayon at hindi ko alam kung paano siya haharapin.
Nakita ko siyang nakatayo sa di kalayuan at nakatanaw sa papalubog na araw.
"The sunset is beautiful, right Cayrie?" tanong niya at lumingon sakin saka ngumiti.
Mas nakakasilaw ang ngiti niya kumpara sa sun rays na nagmumula ngayon sa araw na papalubog na.
"But you know what? You're more beautiful than the setting sun." dagdag niya na lalong nagpakilig sakin.
Siguro kung tubig ang mga kilig na pinaparamdam niya sakin ngayon, siguradong lunod na lunod na ako dahil baka 10 ft na ang inabot na level ngayon nun.
"Hey Cayrie!" sabi niya saka nag snap sa harapan ko.
"Ay Kyle!" sigaw ko dahil sa gulat.
"Why are you calling me Kyle?" tanong nito sakin at ngumiti na naman.
"Pa....ra ma....iba rin." sagot kong nauutal at nag iwas ako ng tingin sa kanya.
Narinig ko ang tawa niyang malakas na parang musika iyon sa pandinig ko kaya napalingon ako sa kanya at hindi sinasadyang nagtama ang lips namin.
Napaatras ako sa gulat habang siya ay tulalang nakangiti.
"Sorry." we both said in unison.
"Hindi ko sinasad......" hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang may narinig kaming sumisigaw galing sa itaas.
"Laser bilisan mo pa kailangan nating maabutan yung naka red cloack." dinig kong sigaw at parehas kaming napalingon ni Haelles sa itaas.
Nakita namin sila Skylar at Kazerine na nakasakay sa isang kulay white na pegasus na may kulay green na buntot at pakpak. May kasama rin silang isang kulay light gray na Wind Cannis.
"What's happening?" tanong ko kay Haelles na ngayon ay seryoso na ang mukha.
"Let's follow them. We should use your meteor disc. Kaya mo na naman hindi ba?" tanong nito sakin saka ako nag nod at nagpalabas ng isang malaking meteor disc habang siya ay ginising sila Mango at Melon pagkatapos ay sumakay kami sa disc at sinundan ang SkyRine loveteam.