Pairings
3rd Person's POV
Nagmamadaling tumatakbo si Astrean sa corridor papuntang Main Hall.
"Sht talaga iniwan ako nung 3 bruha." inis na saad nito sa sarili. Late na siya para sa kaganapan sa Main Hall ngayon.
"Huy Aryia bilisa....." hindi na nito natuloy ang sasabihin niya dahil may nabangga siya.
"Miss? Ok ka lang ba?" tanong ng isang lalaking may itim na buhok sa kanya. Medyo formed ang muscles nito sa braso at may itsura din naman.
Natulala si Astrean doon sa lalaki kaya naman inalog alog siya nito.
"Miss? Are you alright? Sorry for bumping on you." sincere na saad nito.
"Ah, sorry din. Sige nagmamadali kasi ako eh." sagot ni Astrean at ngumiti sa kanya yung lalaki. Kinuha ni Astrean si Aryia at tumakbo ng mabilis.
*Main Hall*
"Elementals! This meeting is for the announcement of the upcoming Rankings Exam." sabi ni Headmistress Jewel.
"We've decided that the exam will be called, Tag Battle." sabi naman ni Headmaster Algondy.
"Tag Battle?" tanong ng isa.
"Teka ano ba yung Tag Battle?" yung isa pa.
"Hala medyo kinakabahan ako sa Tag Battle na yan." comment pa ng isa.
"Quiet!" sigaw naman ni Headmistress Vera na nakaagaw ng attention nila.
"Tag Battle is like Duo Battle. Combos are more effecient in this kind of exam." paliwanag ni Headmistress Jasmin.
"Bunutan ang mangyayari para fair ok? Walang palitan ng pairings dito." sabat naman ni Headmaster Flitz.
"Pairings will be given today." dagdag pa ni Headmistress Anmae.
Sino Headmistress Patrice ang nagsabi ng pairings. Higit 15 pairs na ang nasabi nito bago nabanggit ang pairings galing sa Stellar Brigade at Phantom Knights.
Seren's POV
"Perisse Morgana Ravenco and Uriel Luken Phosvoc." sabi nito at bigla namang nangisay sa kilig si Perisse.
"Huy Perisse!" sita ni Tanya sa kanya kaya umayos siya.
"Iris Tanya Lamist and Janus Elden Dustpin." at bigla namang sumama ang timpla ng mukha ni Tanya.
"Violet Daphne Floresmi and Terran Zale Mountus." pagpapatuloy ni Headmistress Patrice at nagsmirk si Terran habang si Daphne ay nilalaro ang mga daliri niya.
"Kazerine Belle Windlow and Skylar Aeolus Wingfey." at nag high five naman yung dalawang Sylph.
"Nixie Llorelie Oasis and Grey Rainn Hydrakis." bigla namang may binulong si Rainn kay Lors na nasa unahan lamang nito.
"Garnet Auburn Lavalee and Ares Flame Delhott." bigla namang niyakap ni Garns si Areme habang si Flamey eh napakalaki ng ngiti sa mukha.
"Cayden Frost Fierylus and Heavenne Shin Yang." bigla namang namula si Heavenne at nag fist bump si Fro kay Haelles.
"Cayrie Seren Fierylus and Haelles Kyle Yin." my heart skipped a beat sa narinig ko. Kung pumapalakpak lang ang mga tenga ko baka naka ilang round of applause ito. Nanlamig ako sa upuan ko dahil sa mainit na paghinga na nararamdaman ko sa may kanang tenga ko.
"Nice team, Cayrie." bulong boses na lalong nakapagpahina ng katawan ko. Baka kung hindi kami nakaupo ngayon ay natumba na ako.
"Walang magrereklamo sa pairings. Do your best in the upcoming Tag Battle." sabi ni Headmistress Jewel.
"Today, you'll start your Tag Practices kaya wala munang mga klase. Pwede kayo sa Oval or sa Flarescium Forest or kahit saan basta by the curfew na torches off na tayo kailangan ay nakabalik na kayo or else, disqualified na kayo." sabi pa ni Headmistress Jasmin.
"Your Judges or Panels na magbibigay ng Rankings niyo base sa magiging performance niyo sa Tag Battle ay 8." dagdag pa ni Headmistress Vera.
"Lady Aletheia, Lady Lachise, Lady Astrean, Lady Cleatha plus the Prowess Cousins, Master Kogan, Master Lorcan, Master Ronan and Master Yohhan." pakilala ni Headmistress Anmae at nakita namin ang Prowess Cousins.
Apat na lalaking halatang malalakas. Puro sila singkit at may kaputian. Sa height at body build lang sila nagkaiba.
----
Papunta kaming 17 ngayon sa Oval para magpractice ng mga combos.
Bakit 17 lang? Kausap pa kasi ni Haelles si Drake na kapartner ni Rairi sa Tag Battle.
Halos sa grupo lang namin nagkaroon ng mga partners na parehas ang race. Kung bakit? Hindi namin alam.
Hahabol nalang daw si Haelles sa Oval para makapagpractice kami.
"Medyo madaya ata yung pairings ah? Stellar Brigade at Phantom Knighs?" narinig kong bulong ng isa.
"Girl madami pang Elementians dito sa La Telmene, plus yung mga late comers mukhang malalaks din pero hindi pa sila kilala dito." comment nung isa.
"Atsaka, lugi yung si Haelles, si Seren kasi partner niya, siguradong si Haelles lang ang gagawa ng maganda sa Tag Battle nila." sa mga narinig ko ay tinakpan ko ang tenga ko at tumakbo kasunod si Melon.
"Yaan mo sila, inggit lang sila kasi si Papa Hae ang partner mo." sabi pa nito sakin at nagnod ako sa kanya. Mas binilisan ko ang takbo dahil nahuhuli ako sa kakaisip kay Haelles at Rairi, but I just can't help it.
"Rairi's really important to her." bulong ko sa sarili ko then I sighed heavily. Pero may biglang umakbay sakin at nakita ko si Frost na nakangiti.
"Swerte ng pairings natin ah. Aren't you happy Stariebaby?" sabi nito sakin saka ako ngumiti.
"Sa akin, masaya ako pero baka mas magiging masaya si Haelles kung hindi ako ang kapartner niya, kundi si Rairi." sabi ko at saka ngumiti ng mapait.
"Don't care about anyone else. Bakit alam mo na ba ang feelings niya towards you? Towards her? Hindi pa di ba? If I were you Twinsis, sulitin mo ang mga panahong magkasama kayo." sabi pa ni Frost saka ako iniwan at lumapit kila Flamey.
Nakarating kami sa Oval pero wala pa rin si Haelles. Silang lahat nag papractice na.
Yung Ice ni Frost, mas nagiging color white dahil sinasamahan iyon ng light aura ni Heavenne.
Naglabas si Frost ng isang ice ball at pinatamaan ang isang puno. Nabalot iyon ng yelo at bigla niyang sinuntok. Nagcrash yung ice na bumabalot sa puno. Inulit muli ni Frost ang ginawa niya pero this time, nilagyan ni Heavenne ng light aura yung ice ni Frost na tumama sa puno. Muli iyong sinuntok ni Frost pero napaupo lang siya sa damuhan at ni isang c***k ay hindi nagkaroon yung ice covering ng puno.
Itinaas ni Frost ang kamay niya at tumingin kay Heavenne. Nahihiya namang nakipag high five si Heavenne sa kakambal ko.
Iiling iling akong napangiti sa nakita ko. It's been a week since nangyari yung Aura Heisting incident. Pinaliwanag na rin nila sakin ang lahat kaya never na nila ako iniwang nag iisa, pwera lang ngayon. Feeling ko mag isa ako kasi lahat sila busy sa pag eensayo maliban sakin.
Sunod ni trinain nila Frost at Heavenne sila Cold at Cast na Eidolons nila.
May kabilisan kumilos si Cast na isang puting pusa o mas kilala sa tawag na Catrity at ang special ability noon ay Time Manipulation. Habang si Cold na Eidolon ni Frost ay True Sight ang special ability. Meaning kahit na maging invisble kami ni Melon, makikita niya pa rin kami.
Napadako ang tingin ko kina Luken at Perisse na parang nagtatalo ata. Masyado kaaing clingy itong si Perisse plus the fact na noon niya pa crush si Luken.
Hinawakan ni Luken ang magkabiliang pisngi ni Perisse saka hinipan ang bangs nito. Natahimik ngayon si Perisse na namumula ang mukha at tumango kay Luken.
Nagpalabas ng isang white aura ball si Luken habang si Perisse ay black aura ball ang pinakita at pinagsama nila iyon.
Isang malaking aura ball na may pinaghalong white and black ang hawak nilang dalawa ngayon. Hindi naging gray ang kulay pero distorted ang itsura noon.
Binato nila iyon pataas at ang pagbagsak noon ay nagdulot ng isang malakas na pwersa sa lupa.
Napayakap si Perisse kay Luken dahil sa impact na nangyari at kita ko ang ngiti sa kanya dahil parang naging ok ang kinalabasan ng combo nila.
Busy ako sa panonood sa kanila ng yumanig ang lupa at biglang may mga earth spikes ang lumabas mula sa bitak ng lupa.
Tumakbo doon sa mga spikes na may iba't ibang taas sila Terran at Daphne, sa dulo ay tumalon sila saka gumawa ng isang malaking earth ball na pinagulong nilang dalawa na biglang nagkaroon ng spikes.
Nadapa pa si Daphne sa nangyari at tinulungan siya ni Terran na makatayo saka nito hinipan ang sugat sa tuhod ni Daphne.
Pumitas si Terran ng ilang dahon mula sa vines na pinapagapang ni Tanya at tinapal iyon doon sa sugat saka binuhat si Daphne para iupi sa isang tabi kung saan malilim para makapagpahinga.
Napadako ang tingin ko sa vines ni Tanya na nanggagaling sa mga kamay niya. Thick at long ang mga vines nito na may iba't ibang kulay ng bulaklak at maraming dahon.
Bigla namang may lumabas na isang malaking puno na kagagawan ni Janus saka niya iyon pinatamaan ng mga malalaking thorns. Gumalaw ang puno na kung hindi ako nagkakamali ay isang dryad na pinalabas ni Janus. Inatake sila noon ni Tanya pero pinuluputan iyon ni Tanya ng mga vines niyang nilagyan niya ng thorns. Saka naglabas si Janus ng isang malaking leaf sword saka hinati sa dalawa ang dryad at bigla itong naglaho.
Umirap si Tanya kay Janus saka iniwan ang huli na nakangiting nakatingin sa dalaga.
Hinaplos ko ang natutulog na si Melon sa kadungan ko ng biglang may tumalsik saking tubig.
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Llorelie na nakasakay sa isang water disc habang si Rainn ay sa isang wave nakasakay. Pabilisan sila at paikot ikot doon sa isang pond na malapit sa Oval. Bigla silang tumalon sa Pond, hindi lang basta basta ang pond na yun dahil malalim at may isang malaking Koiju Fish ang naninirahan doon.
Biglang nagwala ang tubig mula sa pond at may mga water balls ang lumulutang mula doon saka muling babagsak. May water chain akong nakita mula kay Llorelie na ngayon ay nakalutang sa ere sakay ng isang water disc. Bigla siyang lumayo sa Pond at laking gulat ko ng makita si Rainn sa kabilang dulo ng chain habang nakasakay sa Koiju Fishat bigla niya itong pinaulanan ng water bombs saka iyon nawalan ng malay.
After noon ay binalik ng dalawa ang walang malay na Koiju Fish sa pond saka sila bumalik sa pagiging normal, I mean nawala na yung mga buntot nila.
After umulan, bigla namang uminit ang paligid. Nagbabatuhan ng fire balls sila Flamey at Garnet. Pinapatamaan nila yung mga leaves na binabato ni Tanya pataas.
Nag lava breath si Flamey habang si Garns ay naglabas ng malaking fire ball para matamaan yung malaking puno sa di kalayuan, pinalabas iyon ni Tanya.
Gumawa si Garns ng firenado saka iyon sinamahan ng fire spikes ni Flamey at napunta iyon sa doon sa puno. Halos masunog ang katawan noon ng bigla itong gumalawa. Drayd din ang isang ito pero hindi kalakasan dahil hindi pa sanay sa pagsummon si Tanya.
Sinugod nito sila Garns at Flamey at nagkalat ng apoy sa Oval. Nataranta yung dalawa kaya agad silang gumawa ng isang sobrang laking fire ball mula sa kanilang dalawa at binato iyon doon sa drayd. Ilang saglit ang lumpias naging abo na ang Drayd. Kinain naman nila Areme at Neturn yung mga apoy na nagkalat sa Oval at bumalik ang lahat sa normal.
"Grabe nakakapagod pala talaga mag summon ng Dryad." sambit ni Tanya saka umupo sa di kalayuan sakin.
Ang mga drayds na sinasaummon nila ay hindi kasing lakas ng totoong mga Dryads dito sa Arkaios na kadalasang makikita sa Druid Forest. Ang mga Summoned Dryads ay hindi totoong nilalang sa Arkioas dahil gawa lamang sila sa Mana ng mga Pixies na nagsummon sa kanila. Once mapatay ang Dryads, babalik sa mga summoners ang mga Mana na galing sa doon.
Silang lahat ay nagpapahinga na ngayon at pagod na pagod samantalang ako ni isang butil ng pawis wala pang nailalabas. Sobrang tagal naman ni Haelles.
"Kung makipagpalit nalang kaya ako ng partner?" bulong na tanong ko sa satili ko.
"Alam mong hindi pwede yun Ren." sagot ni Garns na umupo sa tabi ko.
"Eh kasi, mas inaalala niya si Rairi. Kung sila ang magkapartner less hassle para saming dalawa." sagot ko at nilaro ang dulo ng mahaba kong buhok.
"Wala ka na namang magagawa eh. Hintayin mo nalang siya. Matulog ka kaya muna kasama namin? Tingnan mo sila oh mga nakanganga." sabi pa niya at napalingon ako sa mga kasama namin. Sobrang himbing ng tulog na kung kaya't kahit anong itsura nila ok lang. Mabuti na lamang at medyo malayo sa Oval ang napwestuhan namin.
"Asan sila Skylar at Kazerine?" baling na tanong ko ulit kay Garnet.
"Napansin ko kaninang lumilipad sila eh tapos nawala." sagot ni Garns saka ito naghikab.
Nahiga na rin kami ni Garnet sa damuhan katabi ang mga Eidolons namin. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakapikit ng biglang humangin ng malamig sa pwesto ko.
Napamulat ako ng mga mata at nakita si Haelles kasama si Mango na nakaupo sa may paanan ko. Naconcious ako bigla sa itsura ko kaya naman pasimple kong pinasadahan ng mga daliri ko ang magulo kong buhok.
Pagbaling ko kay Haelles ay wala na siya doon at nagulat ako ng makitang nasa may likod ko siya. Hinawakan niya ang buhok ko at parang may mga inaalis doon na kung ano. Nakita kong may mga nalaglag na maliliit na dahon at lang petals ng bulaklak galing sa ulo ko.
"Sorry if I'm late. May inasikaso lang ako Cayrie. We'll practice now so come with me." sabi nito sakin at tumayo siya. Tumayo na rin ako pagkagising ko kay Melon saka pinagpagan ang damit ko.
Naglalakad si Haelles papalayo sa Oval na ipinagtaka ko. Kaya naman hinabol ko silang dalawa ni Mango.
"Teka mali ka ng daan, doon yung Oval eh!" sabi ko sabay turo sa Oval pero hindi niya ako pinansin.
"We're going to a secret place. I don't want other Elementals to see our combos while we are practicing those." sagot niya sakin at tumango ako. Tumalon si Melon sa may ulo ko at doon dumapa. Napagod siguro sa paglalakad kahit na kagigising lang niya, o baka inaantok pa siya.
Biglang hinawakan ni Haelles ang kanang kamay ko, nakapikit siya habang patuloy ang paglalakad samantalang ako ay hindi makatitig ng matagal sa kanya.
The moment he held my hand, I felt my heart skipped a beat then its beat is getting faster and faster and now, it's going wild like it wants to get off my chest.
Muli ako lumingon kay Haelles at sa gulat ko ay nakatitig siya sakin. Our eyes met na lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko.
"Close your eyes Cayrie and never open it unless I told you to do so." sabi niya in a mild, sweet tone kaya nag nod lang ako pumikit.
He let go of my other hand at narinig ko ang yabag ng mga paa niya. Naramdaman kong parang umupo sa may mga paa ko si Mango pero hindi ko iyon pinansin dahil bigla akong niyakap ni Haelles from the back then he hold my hands. Para tuloy siyang nakayakap sakin that's why I felt my cheeks heating up. Buti nalang nasa likod siya at hindi niya makikita nag epic kong itsura.
"Mango, Lionder." narinig kong bulong ni Haelles at naramdaman ko nalang ang mabilis na pagtama ng malamig na hangin sa balat ko at ang kakaibang pakiramdam na dulot ng pagkakayakap sakin ni Haelles.