Body, Soul and Praimastin
Frost's POV
"Huy Frost! Nakakahilo ka na hah." puna sakin ni Perisse.
"Dude, calm down. Mahahanap din nila si Seren." sabi sakin ni Skylar at tinapik naman ni Luken ang braso ko.
"I can't. You know that Ate is precious to me." sabi ko at hinilot ang sentido ko.
Kanina pa namin hinahanap si Seren pero hindi namin siya makita.
Si Tanya naman nilayasan si Janus, nag away sila sa dahilang hindi ko pa alam.
Si Haelles kasama si Rairi habang si Heavenne naman ay may kinuha ata sa dorm room niya.
Andito kaming lahat ngayon sa dorm room ko maliban doon sa mga wala.
"Sht!" napamura si Terran na ikinagulat namin lahat.
Tumambad sa harapan namin si Haelles na karga karga si Seren habang nasa likod nito si Heavenne na may kasamang Catrity.
"What happened to her?" tanong ko at saka kinuha kay Haelles si Seren, saka ko siya ipinasok sa kwarto ko at inihiga sa kama. Sumunod silang lahat sakin.
"May umatake samin kanina habang palayo kami sa may Oval kanina." sagot ni Melon.
"Who attacked you?" galit na tanong ko.
"An Elemental wearing a red cloak." sagot ni Haelles.
"Dude, how did you find her and Melon?" I asked again.
"Natanaw ko yung nangyayari sa kanya kaya iniwan ko si Rairi kay Light tapos ay umalis na ako sa Flofe." sagot nito.
"Pero bakit kasama mo si Heavenne?" tanong ko pa.
"Papasok palang ako sa Flofe nun, tapos ay nakita ko siya na parang balisa kaya kinabahan ako at sumama sa kanya." sagot ni Heavenne habang hinahaplos ang Catrity niya.
*(Catrity - a cat with white furs. White symbolizes Purity, and only those people with pure hearts can tame Catrities.)*
"WAIT! TAMA NA STORY TELLING LABAS MUNA KAYO. GAGAMUTIN LANG NAMIN NI RAINN SI SEREN." sigaw ni Llorelie samin kaya lumabas kami ng kwarto.
----
3rd Person's POV
"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Hindi talaga siya dapat pabayaang nag iisa." alalang sambit ni Frost.
"We should always keep an eye on her." sagot ni Luken.
"Teka, Heavenne anong special ability ng Eidolon mo?" tanong ni Perisse.
"Time Manipulation. Buti nga sakto ang dating namin ni Haelles kanina, kundi baka nasaksak na si Melon. Nagteleport siya tapos ay pinatigil ko ang oras for like 5 seconds saka nagteleport papunta dito." sabi pa ni Heavenne sabay haplos ulit sa Catrity niya.
"Thanks Haelles, Mango, Venne and to your Eidolon." sabi ni Frost na para bang nahimasmasan na siya.
"Call her Cast." sabi pa ulit ni Heavenne at ngumiti kay Frost.
"Guys, make sure na laging may kasama si Ate ok? Kapag nakita niyong mag isa siya, samahan niyo muna. Please?" pakiusap ni Frost.
"Sure bro!" sabi ni Terran.
"No problem." sabi naman ni Skylar.
Nag nod lang si Haelles at nag thumbs up si Flame.
"Stellar Brigade will always be with Seren!" sabay sabay na sigaw nila Daphne, Perisse, Garnet, Kazerine at Heavenne.
Nakahinga ng maluwag si Frost dahil alam niyang kasama niya ang kanilang mgakaibigan para protektahan si Seren.
"Chill bro." sabi ni Skylar at tinapik pa ang likod ni Frost.
"I just can't let that accident before happen again." sabi ni Frost at nag nod lang si Skylar sa kanya.
"That won't happen ok? Makakayanan ni Seren na icontrol ang kapangyarihan niya." sabi naman ni Garnet at unti unti ngumiti si Frost in relief.
"Thank you guys sa support. Salamat talaga." sabi ni Frost at ngumiti sa kanila. Ngiting ipinapakita na magiging matatag siya, sila.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas sila Llorelie at Rainn mula sa loob ng kwarto.
"Is she getting better?" tanong ulit ni Frost.
"She's already fine." sagot ni Llorelie at nakipag high five naman si Rainn kay Frost.
"Ask ko lang hah? Kanina pa kasi ako nababother eh. What if may kinalaman yung naka red cloak doon sa nangyari doon kay Yumiko?" tanong ni Perisse.
"What the." nasambit ni Flame.
"What happened to that girl?" curious na tanong ni Haelles.
"She died earlier. But her case is different. Hindi naging dust ang katawan niya. Instead naging malamig na bangkay ito." sagot ni Daphne.
"Ang putla ng katawan niya na para bang inubos ang dugo at ang kapangyarihan niya." dagdag ni Kazerine.
"Dude, if you just saw her. It's creepy. First time ko makakita ng ganun." sabat ni Flame.
"Ang gay mo magsalita Flamey." sabat ni Garnet.
"Me? Gay? Seriously Garnet Auburn Lavalee?" sabi ni Flame at tiningnan ng makahulugan si Garnet saka ito natahimik at niyakap na lang si Areme na Eidolon niya.
"Haha natameme si Garns! Kayo hah! May something na ata." sabi naman ni Daphne.
"Wala ah!/Maybe." magkasabay na tanong nila Garnet at Flame saka sila pinagbabato sila ng unan ng mga kasama nila.
Nawala na sa isipan nila ang mga pangamba ng dahil sa pang aasar nila sa dalawang Salamander sa grupo nila.
"Team FlaNet is sailing!" sigaw ni Perisse at nakipag apir pa kay Daphne.
"TEAM FLANET IS SAILING!" sabay sabay na sigaw nilang lahat kila Garnet at Flame.
*blag*
Napatingin silang lahat sa pinto at nakita nila ang umiiyak na si Tanya, kasunod si Janus.
"Te....ka Tans!" sabi nito pero nagtago si Tanya sa likod ni Perisse.
"Huwag mo akong kausapin!" sigaw nito kay Janus.
"Bro, hayaan mo muna." sabi naman ni Luken kaya napaupo nalang si Janus, malayo kay Tanya.
"Kayong dalawa, alam niyo na ba yung nangyari doon sa isang Elemental na si Yumiko?" tanong ni Terran kila Janus at Tanya.
"Yes. Kasama niyo kaya ako kanina!" bulyaw ni Janus.
"Sorry na bro. Makakalimutin lang." sabi pa ni Terran at nag peace sign.
"Nakita ko rin yun kanina." sabat ni Tanya na tumigil na sa pag iyak.
"What happened earlier I think that is called, Aura Heisting." dagdag nito.
"Fvck! Tama ang hula ko." sigaw ni Haelles.
"Teka teka. Anong Aura Heisting?" naguguluhang tanong ni Rainn.
"Aura Heisting, an old forbidden technique. Kailangang masaksak ang victim may birthmark part nito upang maparalyze ito. Saka itatapat ang isang jar na tinatawag na Mana Capsule." sagot ni Tanya.
"Aura, it symbolizes our Mana. Heisting means stealing." sabi naman ni Haelles.
"Eh para saan naman yung mga Mana Capsule na iyon?" tanong ni Perisse.
"I don't know." sagot ni Haelles at bigla itong nawala kasama ni Mango.
"Oh saan yung pumunta?" tanong ni Janus.
"Anong malay namin eh hindi naman kami si Haelles." pabalang na sagot ni Tanya tapos ay nanahimik si Janus.
"Ay Aura Heisting!" sigaw ni Heavenne ng biglang lumitaw na naman si Haelles na may hawak na libro kasama si Mango.
"Dito ko nabasa ang tungkol sa Aura Heisting." sabi nito at ipinakita samin ang libro.
"Elemental Techniques" basa ni Garnet sa pangalan ng aklat.
Binuklat ni Haelles ang libro at ipiakita sa kanila ang huling bahagi ng aklat.
"Forbidden." basa naman ni Frost sa last section ng libro.
"Aura Heisting, stealing someone's whole Praimastin through stabbing the victim's birthmark and capturing it with a Mana Capsule." pagbabasa ni Haelles.
"Praimastin?" tanong ni Luken.
"That's our mana spirit Luken." sagot ni Heavenne.
"Body, soul and praimastin, each Elementals have those." sabi ni Haelles.
"Body is tangible, while soul and praimastin are intangible. Body, soul and praimastin are all alike in appearance. Pero ang praimastin ay mayroong aura, ang colors nito ay base sa race ng bawat isa, iyon ang pinagkaiba ng soul at praimastin." dagdag pa ni Haelles.
"When an Elemental dies, its Praimastin turns into dust together with the body while the soul will go either to the Underground Paradise of Empress Hellinica or to the Elysium." mahabang sambit ulit ni Haelles.
"Teka magulo!" sigaw ni Rainn at nagkamot ng ulo.
"That's after life, the good ones will go to Elysium while the bad ones will be Empress Hellinica's prisoners." sagot ni Haelles.
"So kung walang Praimastin ang isang Elemental, the body won't turn into dust?" tanong ni Garnet.
"Yes." sagot ni Haelles.
"So para saan yung Mana Capsule na may lamang Praimastin ng mga Elementals?" tanong ni Flame.
"A Lacrima." cold na sagot ni Haelles.
"Lacrima?" tanong ni Terran.
"Crystal made of mana, that's lacrima." maikling pahayag ni Haelles at itinuro muli ang libro.
"Anong gagawin nila sa lacrima?" tanong naman ni Tanya.
"It can be use to anything like as an destructive weapon." sabi ni Haelless at ipinakita ulit ang libro na may larawan ng isang cannon na may malaking lacrima sa dulo.
"It can also be an offering to the Pandarens." sabi nito ulit at ipinakita ang larawan ng mga Elementals na nagdadasal sa ibaba ng Poli Mana habang ang lacrima ay lumulutang paakyat.
"Anything they want." sabi pa ni Haelles.
"Baka iniipon nila para kahit mawalan na ng mana ang buong Arkaios ay mabubuhay pa rin sila?" sambit ni Frost.
"That is possible. Baka may gumawa ng alyansa upang sila ay manatiling buhay." sagot ni Haelles at naghalukipkip ito.
"We need to find out kung sino iyong naka red cloak at kung sino ang nasa likod ng Aura Heisting incident." matapang na saad ni Frost.
"Yaaaah! Sali ako!" parang batang sigaw ni Luken.
"Ako rin ako rin!" sigaw ni Flame.
"We are all together with this." sagot ni Frost.
"Be cautious everytime. Mukhang mas nasa delikadong sitwasyon tayo dahil Elementians tayo, mataas ang mana level natin." sabi ni Heavenne at tumango ang lahat.
"Mas maganda kung laging by pairs tayo or by groups." sabi naman ni Kazerine.
"It's for the better na huwag tayong maghihiwa hiwalay. Huwag kayong lalabas mag isa. Sa pag tulog, mas ok din na dala dalawa ang magkakasama. Connecting rooms naman tayo eh." sabi naman ni Janus.
"Let's protect each other." sabi pa ni Rainn.
"Should we tell the Heads about this?" tanong ni Perisse.
"No. We should keep this as a secret. Baka kumalat or baka mismong sa heads ay may kalaban tayo." sabi naman ni Haelles na sinang ayunan ng lahat.
"Baka sila Tita Tine at Tito Bryce may alam sa ganito." sabat ni Tanya.
"Great idea!" sigaw ni Garnet.
"After the Rankings Exam, pupunta tayo sa Feyrimeas Region para magtanong sa kanila." sabi ni Frost.
"We will solve this mystery ok?" sabi ni Heavenne at inilagay niya sa tapat nila ang kamay niya.
"SB AND PK ALL THE WAY!" sigaw ni Frost at ipinatong ang kany niya kay Heavenne saka ito ngumiti sa dalaga. Tapos ay sumunod na ang mga kasama nila sa paglalagay ng kanilang nga kamay maliban kay Haelles.
"Bro?" baling ni Terran sa kanya.
"Tssss this is an childish act." pokerface na saad nito pero tiningnan siya ng makahulugan ni Frost.
"Fine." sabi nito at inilagay ang kamay niya.
"SALI AKO HAH?!" singit ni Seren na bagong labas sa kwarto at inilagay ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ni Haelles saka niya ito nginitian.
"Ate Stariebaby!" sabi ni Frost pagkakita sa kakambal.
"SB AND PK ALL THE WAY!" sigaw nilang lahat at itinaas ng sabay sabay ang kinalang mga kamay saka ito clinose na para bang nakasuntok sila sa itaas.