Threat and Danger
3rd Person's POV
Nasa Oval sila Seren at Melon habang magkasama silang nagsasanay. Pinangalanang Oval yung Open Field para mas maikli. Ito ang lugar na kung saan maaaring magsanay ang kahit na sinong Elemental. Ang Oval ay sakop pa rin ng La Telmene.
"Sa makalawa na iaannounce kung sa paanong paraan isasagawa yung Ranking Exam hindi ba?" tanong ni Melon kay Seren na busy magpalipad ng mga batong malalaki.
"Yeah. Kinakabahan nga ako eh." sagot ni Seren saka pinag apoy yung mga bato.
"Sus kaya mo yun, andito kaya ako." sagot ni Melon at ngumitu sa Seren.
Pinatulis ni Melon yung mga kuko niya. Yung mga balahibo niya ay lumaga at naging fierce ang mukha nito.
Nagsimula itong bumuga ng mga fire balls at inatake si Seren. Umilag si Seren pero sadyang mabilis kumilos si Melon kumpara sa kanya.
Nasugatan ni Melon ang hita ni Seren at bigla itong pinaulanan ng fire spikes.
Gumawa si Seren ng shield na gawa sa matibay at malaking rock. Binato niya ng fire spear si Melon pero mayroon itong reflector shield kaya muntikan ng matamaan si Seren nung fire spear na binato niya.
Muli, nagconcentrate si Seren sa gitna ng pagpapaulan ni Melon ng fire balls na fire blades.
Lumabas ulit yung tatlong meteor wheels ni Seren at sa magkakaibang direction ay pinapunta niya iyon. Sa isang iglap mabilis na napalibutan si Melon ng meteor wheels galing sa iba't ibang direction.
"Yaaaah! Talo na ako!" sigaw ni Melon at biglang napaluhod si Seren kasabay ng pagkawala ng tatlong meteor wheels.
Agad na tumakbo si Melon papunta kay Seren.
"Huy ok ka lang ba?" tanong nito.
"Medyo nanghihina." sagot ni Seren na naghahabol ng hininga niya.
"You can't still control your power." sabi ni Melon saka ngumiti si Seren ng tipid kay Melon.
"You should train your body, to gain more stamina." dagdag pa ni Melon kay Seren na ipinagtaka ng huli.
"Hah?" naguguluhang tanong ni Seren.
"Pagong ka Seren? Enough stamina, para makayanan ng katawan mo yung aura or power or mana na ilalabas mo." sagot ni Melon at tumango ang huli.
Umalis si Melon sa tabi ni Seren at nanguha ng bunga ng Appgo sa punong malapit sa kanila.
Kumain si Seren at saglit silang nagpahinga tapos ay nakaidlip silang dalawa.
Hapon na ng magising ulit si Seren at Melon, saka nila ipinagpatuloy ang kanila pagtetraining.
"Melon! Practice naman tayo ng combos natin!" sabi ni Seren at nag nod si Melon.
Nabalot ng kulay orange na aura ang katawan ni Melon habang kay Seren ay yellow-red.
Nagpalabas ng apat na bato si Seren saka iyon nilagayan ni Melon ng fire balls niya. Pinagdikit dikit ni Seren ang apat na meteor rocks saka niya ito binugahan ng lava breath.
Ang resulta? Isang malaking bato na may orange aura sa loob habang ang labas ay parang may force field na gawa sa apoy na color yellow.
"Woah." nasabi ni Melon.
Biglang ikinumpas ni Seren ang kamay niya at tumilapon sa malayo yung meteor rock na malaki at nasira nito ang isang puno ng Appgo.
"OH MY PANDARENS. TAKBO!" sigaw ni Seren dahil sa takot na mapagalitan siya.
Naglabas siya ng meteor disc at sumakay sila doon ni Melon saka pumunta sa kung saan mang lugar na malayo sa Oval.
"Tsk. Loka loka." bulong ni Melon sa nakaupong si Seren habang pinagmamasdan ang nadadaanan nila.
"Phew, kinabahan ako doon. Buti walang Elementus na nagraround." sabi nito at pinunasan ang noo niyang basang basa ng pawis.
"Hahaha epic. Pero maganda combo hindi ba?" tanong ni Melon at ngumiti ang huli.
"Tingin ko may laban na tayo sa kung ano man ang magiging Rankings Exam natin." tugon ni Serem saka siya dinilaan ni Melon sa palad.
"Kain tayong sweets? Sa Flofe tayo." sabi ni Seren na ikinakislap ng violet eyes ni Melon.
"Gusto ko ng rainbow flakes." sagot ni Melon at hinaplos ni Seren ang katawan nito.
*Flofe*
Kakaunti lang ang tao sa loob ng Flofe kaya madaling nakahanap ng pwesto sila Seren at Melon.
Melgo slice at choco frappe ang para kay Seren habang fresh milk with rainbow flakes ang para kay Melon.
*(Rainbow flakes - rainbow colored cereals. Pwedeng chocolate flavored or original.)*
Umupo sila sa pwestong may pang apatan na upuan malapit sa may salamin kaya naman tanaw nila ang La Telmene mula doon. Napapaligiran ito ng mga punong iilan na lang ang bunga at ang iba ay halos mamatay na. Iilan na lamang ang mga creatures na makikita. Ang lawa na tinatawag na Lake Wolfine ay hindi na malinaw ang tubig, hindi gaya dati.
"Seren, asan ang parents niyo ni Frost?" tanong ni Melon na nakapagpatigil kay Seren sa pagkain.
"Hinahanap nila yung mga orbs." maikling sagot ni Seren.
"Orbs?" tanong muli ni Melon.
"Ang sabi kasi ng mga Pandarens, orbs ang makakapagligtas satin, sa Arkaios." sabi pa ni Seren.
"Eh, ilan ba ang kailangang hanapin?" tanong muli nito.
"7, seven orbs. Pero dalawa pa lang ang nakikita nila. Tatlong taon yung palugit sa kanila, pero malapit na iyong matapos. Still wala pa ring paramdam mula sa kanila." malungkot na kwento ni Seren.
"Wag ka mag alala, tiwala lang. Mahahanap nila iyon at maliligtas tayo." sabi pa ni Melon at tumango si Seren.
"I know Melon. Tiwala ako sa kakayahan nila." pag sang ayon ni Seren at ipinagpatuloy nila ang pagkain.
Halos patapos na sila sa pagkain ng biglang may umupo sa tapat ni Seren.
"Oh look, Seren's here." masungit na sabi ni Lyra.
Biglang nag growl si Melon at naglabas ng orange na aura.
"Oooooh I'm scared with your Eidolon." dagdag pa nito.
"What do you need Lyra?" iritang tanong ni Seren.
"Me? I don't anything from you. I just want to warn you." sabi nito at ngumiti ng fake.
"Warn me from what?" tanong pa ulit ni Seren.
"Cause I'm going to beat you in the upcoming Ranking Exam. No matter what kind of exam is that, I'll make sure that you'll pay for what your gang did to me, to us." pasweet na sabi nito.
"Walang magagawa ang Stellar Brigade and the Phantom Knights pag nagkataon. Sisiguruhin kong magkakaharap tayo at doble ng naranasan namin ang ipaparanas ko sayo btch." and with that ay maarteng lumayo si Lyra sa pwesto nila Seren at Melon.
"Anong problema nun?" tanong ni Seren.
"Oooy, wag kang matatakot dun. We know that you are more than that." sabi ni Melon na ginagaya pa ang boses ni Haelles.
Namula tuloy ng pisngi ni Seren at umiwas ng tingin sa Eidolon niyang makulit.
Di sinasadyang nakita niya ang papasok na sila Rairi at Haelles sa Flofe. Si Rairi, as usual ay nakangiti ng matamis habang si Haelles ay pokerface habang nakasunod sa kanya si Mango.
Napatingin ito sa gawi ni Seren kaya napaiwas na naman ng tingin si Seren. Pero nakita niyang ngumiti si Haelles habang umiiling iling pa.
"Ayiiiie si Haelles!" pang aasar ni Melon pero nag pout si Seren.
"Jelly Ace! Haha si Seren ay isang Jelly Ace!" patuloy ni Melon saka siya tiningnan ng masama ni Seren kaya nanahimik na lang ito.
Matapos ang ilang minuto ay tapos na silang dalawa at nakapagpahinga na rin. Tumayo na silang dalawa pero napansin nila ang commotion sa may Oval.
"Sht kinilabutan ako. Bakit nagtatakbuhan yung mga andun?" sabi ni Seren.
"We've got to go and find it out Seren." sabi ni Melon kaya nagmamadali silang tumakbk at lumabas ng Flofe.
Sakay ng kanyang meteor disc, halatang nag aalala sila Seren at Melon sa mga nangyayari.
Mula sa mga classroom ay nagsitakbuhan ang mga Elementals papunta sa gilid ng Oval kung saan may isang matandang puno doon ng Chena.
*(Chena - Cherry + Banana)*
"Sht." narinig nilang bulong ng isa.
"Yumiko?" narinig pa nilang tawag ng isang babae at bigla itong humagulhol.
Halos matakpan ng madaming Elementals ang nangyayari kaya naman nakisingit sila Seren at Melon para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
"OH MY PANDARENS." nasambit ni Seren sa nakita.
"Tabi tabi!" narinig nilang sigaw ng isang Elementus kaya ang lahat ay nahawi.
Kinuha nila ang katawan ng isang babaeng Undine. Walang buhay na katawan, namumutla ito at nakadilat ang mga mata. Payat ito para sa isang Elemental pero hindi nagiging dust ang katawan nito.
"Go back to your dorm rooms now!" sigaw ni Headmistress Jewel na kararating pa lamang sa pinangyarihan kasama ang mga Heads ng La Telmene at ang mga bagong Masters at Ladies.
Humahagulhol pa rin yung isang Wisp na tumawag ng Yumiko at sumama ito doon sa mga Elementus at Heads ng La Telmene.
"SEREN! SEREN!" sigaw ng isang lalaking pamilyar para kay Seren.
"Janus?" nasambit ni Seren at nilapitan yung lalaki.
"Si Tanya ba nakita mo?" tanong nito pero umiling lang ang huli.
"Sht. Where the heck is she?" nasabi pa nito.
"Dunno. Teka asan yung iba?" tanong ni Seren.
"Hindi kasi kami nakalapit kanina dito pero nakita namin yung mga Elementus na may buhat buhat na wala ng buhay na Undine. Ayun, nag panic yung kakambal mo pati na sila Lors at Garns. Naghiwa hiwalay kami para hanapin ka at si Tans." mahabang kwento nito.
"Bakit anong nangyari kay Tans?" tanong pabalik ni Seren.
"Long story. Hanapin mo na sila para hindi na mag alala pa. Hahanapin ko muna si Iris Tanya." huling sabi nito at tumakbo paalis ng Oval.
Naglalakad sila Seren at Melon na parehas malalim ang iniisip.
"Melon, alam mo ba kung bakit nagkaganun yung Undine kanina?" tanong ni Seren pero hindi sumagot si Melon.
"Nakakapagtaka, hindi siya naging dust. As in, ang nangyari lang pumayat siya na para bang sinipsip ng kung ano ang lahat sa katawan niya." sabi pa ni Seren pero hindi pa rin siya pinapansin ni Melon.
"Huy Melon! Nagtatanong ako! Nakakatakot yung nangyari sa babaeng Yumiko ang pangalan!" sigaw ni Seren na siyang nagpabalik sa wisyo ni Melon.
"Hah? May tinatanong ka Seren?" inosenteng tanong ni Melon.
"Natatakot ako Melon. Hindi ko alam pero natatakot talaga ako doon sa nangyari kanina. Alam mo ba kung ano yun?" nanginginig na sabi ni Seren at napaupo siya sa damuhan, na hindi nalalayo sa Oval.
Padilim na at lumalamig ang simoy ng hangin.
"Aura Heisting. Maybe that's Aura Heisting." sagot ni Melon na ikinakunot ng noo ni Seren. Pinunasan niya ang mga luhang umaagos sa pisngi niya.
"Aura Heisting?" tanong ulit ni Seren na halatang hindi naintindihan ang binanggit ni Melon.
"Aura Heisting, isa yung old tech........." hindi naituloy ni Melon ang sasabihin niya ng biglang may nagpaulan sa pwesto nila ng fire balls.
Nataranta sila Seren at Melon sa gulat kaya naman isang mahinang meteor shield lang ang nagawa ni Seren.
Muling umulan ng fire balls na may kasamang fire spears at fire spikes. Isang malaking firenado ang paparating sa kanila kaya napatakbo sa magkaibang direction sila Seren at Melon.
*(Firenado - fire tornado)*
Nagpalabas ng mga meteors si Seren at binugahan iyon ni Melon ng lava breath pagkatapos ay hinanap nila ang umaatake sa kanila.
Sa may kalayuan ay nakita nila ang isang Elemental na may suot na red cloak ang nakatayo doon.
"Sa kanya Seren!" sigaw ni Melon at ikinumpas ni Seren ang kamay niya papunta sa naka red cloak.
Ang pagtama ng raging meteors ay gumawa ng usok at inakala nilang tapos na ang lahat. Pero nagulat sila na may fire shield ang kalaban nila kaya ni galos ay wala itong natamo. Nabasag ang shield nito at naglabas ng fire sword saka sinugod ni Seren.
Tumakbo si Melon papunta kay Seren habang bumubuga ng apoy.
"Meteor disc Seren!" sigaw ni Melon sa utak ni Seren na ikinataranta lalo ng dalaga.
"Sht." napamura si Melon ng marealize ang nangyayari kay Seren.
"5 seconds Haelles." narinig nila Seren at Melon kasunod noon ay ang pagtigil ng oras. Napatigil ang sanang pagkakasaksak kay Melon na humarang kay Seren.
"Fvck. Where are they?" natanong sa sarili noong naka red cloak.
"Time manipulator Eidolon and an Eidolon with teleporation ability huh. Mukhang naisahan nila ako ngayon but I know the second time we will meet the odds will be in my favor. This is going to be exciting, and now it's giving me chills." sabi nito at naglakad papalayo sa Oval na may smirk sa kanyang mukha.