Dream Traveler
3rd Person's POV
Umupo si Drake sa may stool na malapit sa kama na hinihigaan ni Seren.
"You fainted earlier." sabi ni Drake at nag alok ng vanilla ice cream kay Seren pero umiling lamang ang dalaga.
"You don't like vanilla?" tanong nito at nag nod si Seren tapis biglang nagpout si Drake.
"OMP ANG CUTE MO NAMAN!" sigaw ni Seren at kinurot ang pisngi ni Drake.
"Ehem ehem." napatigil si Seren dahil ginulo siya ni Melon.
"Wala na bang masakit sayo?" tanong ni Melon saka ngumiti si Seren.
"Wala na. Parang hindi nga ako nakipag duel........" hindi natapos ni Seren ang sasabihin niya dahil nagulat siya sa nakita.
"Ha.....elles?" kapwa napalingon sila Drake at Melon kay Haelles na kasama si Mango.
"Tsk. Everyone's looking for you." cold na sabi nito kay Seren.
"How did you get inside my dorm room?" halata kay Drake ang gulat.
"Teleportation." sagot ni Haelles pero nakatingin lang ito kay Seren.
"You're missing for 7 hours." casual na sabi nito at naglakad papunta kay Seren.
"If you'll bring her somewhere, make sure that someone knows she's in safe hands." sabi ni Haelles kay Drake.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Seren.
"We're going home, or else you wanna do some more chitchat with him." pokerface na sabi nito.
"Thanks for treating my wounds Drake." sabi ni Seren saka kinarga si Melon at tumayo.
Pero laking gulat ni Seren ng buhatin siya ni Haelles ng pa bridal style at lumapit sa kanila si Mango.
In a matter of seconds nawala sila sa kwarto ni Drake.
"Where are they?" tanong ng kapapasok pa lang na si Firi.
"An assh*le came. Hindi pa nga kami nakakapag usap ng matagal ni Seren eh." sabi ni Drake at nagpout.
"Kinausap ako ni Master Pyron, nakita na daw niya yung hinahanap niyo." sabi ni Firi at nagsmirk si Drake.
----
"Enjoying the ride?" napamulat si Seren at nakita niyang nasa dorm room na niya sila ni Haelles.
"Se........ren! Ay OMP! SPG naman kayo!" sigaw ni Garnet at binatukan siya ni Llorelie.
"Ah eh, thank you Haelles." sabi ni Seren pagkababa sa kanya ni Haelles.
"Papunta na sila Frost." sabi naman ni Luken na katabi si Perisse.
"ATEEEEEEE! Where have you been?" tanong ng tumatakbong si Frost habang nasa likod niya sila Flamey at yung iba pa.
"May duellos kasi kanina, then I defeated Lyra kaso I passed out daw. Paggising ko nasa dorm room na ako ni Drake. Siya pala nag alaga sakin since wala si Garnet dahil sinamahan niya si Flamey." pagkukwento ni Seren at tumingin ang lahat sa nakatungong si Garnet at sa nakangiting si Flame.
"Buti nahanap mo siya dude?" baling ni Frost klay Haelles.
"Mango knows her scent." maikling sagot ni Haelles tapos ay inasar nila Daphne si Seren.
"Dude bakit may White Tiger ka?" singit na tanong ni Rainn at nabaling ang attention nila kay Flamey.
"Eidolon ko dude, si Neturn." proud na sabi ni Flamey.
"Neturn? Garnet tapos Auburn? Haha nice one bro!" pang aasar ni Janus kaya mas lalong namula si Garnet.
Nag asaran at nagkwentuhan pa sila hanggang sa kailanganin na nilang matulog dahil torches off na.
"Guys sleepover kami ni Garnet dito sa room ni Renren." sabi ni Llorelie at tumango sa kanya ang lahat.
"Keep my sister safe." sabi ni Frost at tumango yung dalawa.
"Kaming bahala!" sagot nung dalawa at umalis na yung iba.
Connecting rooms ang kwarto nila Seren, Garnet at Llorelie kaya naman they did their night rituals/girly rituals saka bumalik sa kwarto ni Seren.
"Hoy kayong dalawa magkwento nga kayo sakin." bungad ni Llorelie sa dalawa. Napatigil sa pagkain ng cottonmallows si Garnet habang si Seren ay nagbalik sa wisyo.
"Ayan oh si Garns binigyan ni Flamey ng isang jar ng cottonmallows tapos ayaw niyang mamigay." maktol ni Seren.
"Ayang si Seren dalawang lalaki yung umaaligid. Si Drake Blazerus at Haelles Yin." bawi ni Garnet saka ngumuya ng cottonmallows.
"Tsk. Kayo talaga, pero Ren alam mo namang si Rairi ang laging kasama ni Haelles hindi ba?" tanong ni Llorelie at tumango ang huli.
"Pero bakita parang laging concern si Haelles kay Seren?" singit ni Garnet.
"Eh, kasi friend niya si Frost na kakambal ni Seren?" sagot ni Llorelie at nagkibit balikat lamang si Seren.
"Girl, ingat ka kay Drake, dami agad fan girls baka mapahamak ka atsaka hindi mo pa siya kilala talaga." bilin ni Llorelie kay Seren at ngumiti ito bilang sagot.
"FlaNet ship is sailing....." kanta nila Llorelie at Seren saka kiniliti si Garnet.
"Ta....ma na......." hingal na sabi ni Garnet habang ang dalawa ay tumatawa.
"Ingay nyo, matulog na nga kayo!" sabi ni Melon na tanging si Garnet at Seren lang ang nakarinig, si Areme ay tulog na.
"Goodnight girls sana makita ko na rin yung Eidolon ko." sabi ni Llorelie at humiga doon sa foam na inilatag ni Seren.
"Goodnight, makikita mo rin yun. Parang yung soulmate mo, baka natraffic lang." sabi ni Seren at narinig nila ang paghilik ni Garnet.
"Hala tulog agad? Hahaha." puna ni Seren.
"Baka pinagod ni Flamey kanina sa clinic?" sabi pa ni Llorelie at tumawa ng mahina ang dalawa.
----
"Tulog na si Seren, go na Lachise." sabi ni Cleatha at agad uminom si Lachise ng sleypus serum habang ang Eidolon niyang si Cross ay naiwan sa 2 niya pang kapatid.
"Go Dream Traveler!" pagchicheer ni Astrean kay Lachise.
*(Sleypus Serum - galing sa Sleypus herb na mabisang pampatulog.)*
Nakita nila Astrean at Cleatha ang soul ni Lachise na humiwalay sa katawan nito.
"Sana may makitang clue si Lachise." sabi ni Astrean at tumango sa kanya si Cleatha habang tinitingnan nila ang pagtagos ni Lachise sa pader papunta sa kwarto ni Seren.
--
Pinagmasdan ng lumulutang na si Lachise ang natutulog na si Seren at naghintay muna ng ilang sandali upang makatiyak na mahimbing na ang tulog nito.
Pumasok si Lachise sa tinatawag na Dream Bubble na tanging astral projectors lang ang nakakakita at maaaring makapasok at makalabas.
Lachise's POV
Puting liwanag ang nakikita ko, pero nakakarinig ako ng mga taong sumisigaw at parang may maglalaban pa ata sa may hindi kalayuan.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang aking sarili na lumulutang sa gitna ng isang masukal na gubat na tinatawag na Flarescium at mula dito ay tanaw ko ang open arena na tinatawag na Pentagon.
"Tag Battle will start in 3, 2, 1 FIGHT!" napatitig ako sa gawi ng arena dahil doon nanggaling yung boses na narinig ko.
Nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin pero bigla itong nawala at napalitan ng pagyanig ng lupa.
Pupunta na sana ako sa may Pentagon ng makarinig ako ng pagkaluskos mula sa likod ko.
"Tara na Seren, laban na ni Frost dapat tayong manood." sabi ng isang babae kay Seren.
"Teka lang, may nararamdaman ako. Hindi lang tayo ang narito sa Flarescium." sagot ni Seren at luminga linga hanggang sa may narinig siyang impit na iyak ng bata.
"Sht mul...to ba yun Garns?" takot na tanong ni Seren.
"Kaya nga sabi ko di ba umalis na tayo? Pero wala eh ginusto mo yan bruha ka." sagot ni Garnet pero natigilan sila ng makitang may batang sugatan ang biglang bumagsak sa di kalayuan sa kinaroroonan ng dalawa.
"Hala sino yun?" tanong ni Seren at tumakbo papunta doon sa bata.
Sugatan ito at nanghihina, batang babae na sa tingin ko ay 14-15 years old palang. Lalapit sana ako para makita ng malapitan ang mukha nito pero hindi ko na nagawa pa.
Nakaramdam ako ng panghihina, ibig sabihin ay kailangan ko ng umalis sa panaginip ni Seren dahil tapos na ang oras ng paglalakbay ko sa panaginip niya.
Huminga ako ng malalim at saka inisip ang realidad na iniwan ko pansamantala.
Pag mulat ko ulit ng aking mga mata ay nasa harapan na ako ulit ng natutulog na si Seren katabi sila Garnet at Llorelie.
Lumipad na ako papunta sa punong kinaroroonan nila Astrean at Cleatha pati na rin ng mga Eidolon namin. Tumagos akong muli sa pader pero may isang nakapukaw sa aking attention sa may ibaba ng building.
Isang lalaking singkit at maputi na nakatingala sa langit.
"Huy Lachise! Tara na ano ka ba!" singhal ni Astrean kaya nagmadali akong bumalik sa katawan kong walang malay.
----
3rd Person's POV
"What did you saw?" tanong ni Cleatha nang makapasok kami sa kwarto naming apat, naming Rare Four.
"Isang sugatang batang babae, tingin ko may connection siya sa mga mangyayari. Makikita siya nila Seren sa araw ng tag battle." tanging sagot ni Lachise.
"Tag battle?" tanong ni Astrean.
"Loka! Hindi ba napag usapan na yun noong isang araw?" sagot ni Cleatha.
"Ay oo nga pala. Sorry na makakalimutin lang pero dyosa pa rin." nakangiting sagot ni Astrean.
"Yeah right Astrean. Huy Lachise bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Cleatha kaya napabalik sa wisyo si Lachise.
"Nevermind. Matulog na nga tayo. Nagmamahangin na naman si Astrean baka dalawin tayo ng tornado. Buti pa sila Aletheia at mga Eidolon natin tulog na eh." sabi ko at nahiga na sa kama.
----
Naalimpungatan si Llorelie kaya naisipan niya munang dumungaw sa bintana. May nakita siya isang lalaki kaya naglabas siya ng water slide at bumaba.
"Huy Rainn!" sigaw nito sa lalaki pero hindi ito tumingin sa kanya.
"RAINN!" this time kinulbit na niya ito kaya naman lumingon ang lalaki.
"Ah, sorry Miss hindi Rainn ang pangalan ko. Ako si Lorcan Neith Prowess." pormal na pagpapakilala nung lalaki.
"Ay sorry hah? Medyo ka figure mo kasi yung kakilala ko." sagot ni Lors sa lalaki at ngumiti ito sa kanga saka umalis.
"Hay ano ba yan Lors! Tatanga tanga ka talaga nakakahiya tuloy doon sa lalaki." sabi nito sa sarili niya.
"Bakit gising ka pa?" biglang may boses na nanggaling mula sa likod niya.
"Rai....nn?" tanong ni Lors doon sa bagong dating na lalaki.
"Ah, eh ano nagpapahangin lang ako. Hindi kasi ako makatulog." sagot nitong nahihiya.
"Sht. May mga Elementus." nasabi ni Rainn at bigla niyang hinila papalapit sa kanya si Llorelie saka gumawa ng isang water bubble at doon sila ay pumasok saka ito lumuntang sa ere.
"Whoooo muntik na tayo doon." comment ni Llorelie at nagulat siyang makita si Rainn na naka Undine fomr nito. Walang pang itaas at may buntot.
Biglang umiwas si Llorelie sa gaze ni Rainn at saka niya narinig na tumawa ang isa.
"Kapag hindi ka inaantok, tingnan mo lang yung langit. Madaming stars at yung dalawang purple moon na nagbibigay ng liwanag sa mundo natin. You'll find peace in them and that will make you fall asleep." bulong ni Rainn sa kanya kaya napatingin nga siya sa kalangitan.
Ilang sandali silang nagtagal sa pwesto nila hanggang sa nakatulog si Llorelie.
Madaling naipasok ni Rainn sa Llorelie sa kwarto ni Seren at inihiga niya ito saka kinumutan.
"Sleep well dear Lors." bulong ni Rainn saka hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng dalaga saka niya ito hinalikan sa pisngi.