TOA - 7

1816 Words
Meteor Wheels 3rd Person's POV *Next day* Nagmamadaling kumain sa dining hall si Seren kasama si Melon. Naiwan siya ng mga kasama niya dahil late siya ng gising. "Bilisan mo Seren. Naku late ka na talaga." sabi ni Melon habang dinidilian yung paws niya. "Shutupkashiitonangaehhh" halos mabulunang sagot ni Seren. Ininom ni Seren yung violet iced tea niya ng mabilis at kinuha ang mga gamit niya sabay takbo papuntang Main Hall. Pero paglabas niya napansin niyang may lalaking nakatayo sa may gilid ang nalagpasan niya. Huminto siya sandali at lumingon pero wala naman siyang nakita. "Parang nakita ko si Haelles doon ah? Nevermind na nga!" sabi nito at tumakbo ulit. Pagkapasok niya sa Main Hall ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi pa nag uumpisa. "Huy Ren dito!" sigaw ni Perisse at nakita niya kung saan nakapwesto ang Stellar Brigade. Umupo siya sa bakanteng silya katabi ni Garnet na nasa likod naman ni Haelles. "Sakto dating mo Ren!" halos pabulong na pasigaw na sabi ni Garnet saka naman nag thumbs up si Seren. "Good morning Elementals. Today, you'll meet your new professors." bungad ni Headmistress Jewel. "I am Master Pyron Flynnae, a Sylph." pakilala ng isang lalaki na maskulado ang pangangatawan at tumingin saming lahat pero tumagal ang titig niya kay Rairi. "Mistress Ciera Shallowkeep, an Undine" pakilala naman noong babaeng maliit ngunit maputi. "Master Nero Gradoppe a Gnome." sabi naman nung lalaking matangkad na may balbas. "Mistress Jerlou Asheryu a Salamander." masungit na saad nung babaeng may shining red na coat. "Master Gabriel Quilin a Wisp." sabi nung lalaking medyo bata pa at may highlights ang buhok. "Master Ervin Sodark a Shade." sabing maanga nung isa ring medyo bata pang Master. "Mistress Chloe Oaknis a Pixie." pakilala nung babaeng petite na may highlights of green ang buhok. "Next month, magkakaroon tayo ng tinatawag na Ranking Battles. Mahahati ang mga Elementals, either First Class or Second Class." pag announce ni Headmistress Jasmin. "Those who will get a slot for the First Class will qualify as a player in the upcoming Grand Elemental Games." sabi pa ni Headmistress Vera. "Magkakaroon ng Rankings Exam upang malaman kung Section One kayo or Two." sabi ni Headmistress Jewel. "Those na mapupunta sa Section Two, new Masters and Ladies ang matuturo sa inyo, while kaming Heads ang maghahandle sa mga nasa Section One." dagdag ni Master Flitz. "So, Elementals, be ready at ipakita niyo ang tunay niyong kakayahan!" sabi pa ni Headmaster Algondy. "Goodluck to each one of you." pahabol ni Headmistress Anmae. "You can now go to your classroom for more detailed informations. Good day Elementals." pamamaalam ni Headmistress Patrice at nilisan na nila ang Main Hall. "Wala yung Rare Four?" tanong ni Seren. "Pumunta ata sila sa Poli Mana." sagot ni Luken na ayaw tantanan ni Perisse. "Why are you talking to Seren? Tapos sakin hindi." pagmamaktol nito at nagpout. "Stop pouting Pers, kay Tans lang bagay yan." sabi ni Janus at pinisil ang pisnging namumula ni Tanya. "Ang haharot tara na nga Renren." sagot ni Garnet. "Sabay na ako Garnet my loves!" sabi pa ni Flamey at tumawa naman kaming lahat maliban kay Garnet. Binuhat nito si Areme at mabilis na tumakbo. "Bye guys! Mamaya nalang ulit" sigaw ni Seren at nagwave sa kanila kaso napansin niyang wala si Haelles. Pagdating ni Seren sa classroom ay agad siyang umupo sa tabi ni Garnet na nilalaro si Areme. "Good morning class. Magkakaroon tayo ng mini duellos ngayong araw kaya sa may open field ang klase natin. Tara na." sabi ni Headmistress Jewel at lumabas siya kasama si Mistress Jerlou at sumunod naman sila Seren. "In two minutes, matatapos ang duellos. No Eidolons are allowed ok?" sabi ni Mistress Jerlou kaya naman mas kinabahan si Seren. "Wag kang kabahan, kaya mo yan Seren! Di ba sabi ni Haelles, you're more than that?" pagchicheer ni Melon kay Seren. "First duellos, Drake vs Flame." announce ni Headmistress Jewel at napansin ni Seren na parang naging balisa si Garnet. "Kaya niya yan. Magpapasikat kasi sayo yan." sabi ni Seren at ngumiti sa kanya si Garnet. "Duellos in 3, 2, 1 FIGHT!" sigaw ni Mistress Jerlou at agad umatake si Flamey pero iniiwasan lamang siya ni Drake. Nagpaulan ng fireballs si Flamey pero ni daplis walang natamo si Drake. Naglabas ng raging sword si Drake at winasiwas niya iyon saka natamaan sa braso si Flamey. "HEY YOU STUPID MONKEY! ANONG TINATANGA MO?! WAG KANG MAGPATALO SAYANG GANDA NG FACE MO!" sigaw ni Garnet kaya naman napangiti si Flamey sa narinig. Bigla itong lumapit kay Drake at nagulat ang huli. Pero umatras si Flamey at tumigil. "What's he doing?! Pagkakataon na niya!" nanggagalaiting saad ni Garnet. Bigla itong lumingon sa gawi nila Seren at Garnet. Sa di malamang dahilan lumingon din si Drake at ang iba pang nanonood. Pagkatapos nakita na lamang nila na umuusok ang buhok ni Drake. "Lava breath, tsk. Tusong paraan ang ginamit niya." sabi ni Melon at tuwang tuwa naman si Garnet. Nagbato ng isang malaking fireball si Flamey at natamaan si Drake pero nasaksak nito si Flamey bago sila tuluyang bumagsak at natapos ang 2 minutes. "Very impressive. Drake Blazerus wins." comment ni Headmistress Jewel. "Flamey!" sigaw ni Garnet pero biglang may white tiger ang lumitaw at dinilaan ang mukha ni Flamey. *(White Tiger - a creature with the body, shape, face and built of a tiger but its fur ia color white with some black highlights. Karaniwang natatagpuan ito sa mga mounts na matataas at may malamig na climate.)* Inakay ni Garnet si Flamey oara dalhin sa clinic habang kasunod niya si Areme pati yung White Tiger. "Eidolon ata niya." sabi ni Melon at tumango si Seren. "Next duellos, Lyra vs Seren." pagkasabi nito ay naghiyawan ang mgakaklase nila. "Payback time Fierylus!" sigaw ng isa. Seren's POV "Payback time Fierylus!" dinig kong sigaw ng isa naming kaklase. Alam nila yung nangyaring pambubugbog sakin ng Doll 5 kaya naman ganyan ang reaction nila. Dinilaan ni Melon ang kamay ko at nilaro ko ang isa niya paw. "You're more than what you think Seren." sa narinig ko ay naalala ko si Haelles. Tumango ako kay Melon at ngumiti. Kahit deep inside halos mamatay na ako sa takot. Naglakad ako papunta sa gitna, katapat ni Lyra upang makapagsimula na. "Duellos in 3, 2, 1. FIGHT!" sigaw ni Mistress Jerlou at nag thumbs up sakin si Tita Jewel. Naglabas ng isang fire spear si Lyra at binato niya sakin. Natamaan ako agad sa braso at umagos ang kukay violet kong dugo. Umatras ako at nagpaulan ng maraming fireballs na nakadaplis kay Lyra. "Sht." she cussed at bigla naglabas ng fire dagger saka tumakbo papalapit sakin. Sumakay ako sa meteor shield ko para makatakas at bigla ko iyong binato sa kanya. "Go Seren!" dinig kong boses ni Melon. Naglabas ng fire sword si Lyra at tumakbo papalapit sakin saka niya ako tinangkang saksakin pero buhok ko yung nadali niya. "WTF!" I said in frustration. Buhok ko yun OH MY GRACIOUS PANDARENS. Dahil sa pagkalingat ko ay nasaksak ako ni Lyra sa hita saka siya lumayo sakin dahil napaluhod ako. Pinilit kong bumangon at nagconcentrate ako. Maya maya ay mayroong tatlong meteor wheels ang lumabas sa paligid ko. Maninipis iyon at matalas. Gawa sa rocks na nilagyan ng lava at umaapoy pa. "Woah" narinig kong sambit nf mga nasa paligid namin. Ikinumpas ko ang right hand ko papunta sa direction ni Lyra at tinamaan siya sa may noo, braso at hita saka natapos ang two minutes namin. "Cayrie Seren Fierylus wins. Good job Seren." sabi ni Headmistress/Tita Jewel at ngumiti sakin. "Ang galing naman ni Seren." narinig kong sabi nung babaeng kaklase namin. "In love na ako bro." sabi naman nung isang lalaki. Nakita ko si Drake na ngumiti sakin at nag nod pero nakaramdam ako ng hilo at panghihina. "Seren!" narinig ko ulit yung boses ni Melon. "OH MY PANDARENS!" sabi naman nung isa at naramdaman kong may bumuhat sakin until everything went black. ---- Astrean's POV The signs! Nagkakatotoo na talaga lahat. "Girls, ano bang gagawin natin?" tanong ko sa kanila. Nasa Poli Mana kami para magmeeting ng tahimik. "I can't tell the whole truth. Minsan blank lang ang narehistro sa utak ko." sabi ni Aletheia. "Ugh, same here. Di ko makita ng malinaw yung future." sabi ko sa kanila. "Dapat makausap natin yung kambal. Baka may makita akong clue sa past nila." sabi pa ni Cleatha. "Or should I get into their dreams?" tanong ni Lachise samin. "Great idea!" sigaw ko. "But, alam niyo ba kung saan napunta yung mga precious stones na nasa loob nung malaking crystal na nasa YanYi Palace noon?" tanong ni Cleatha. "I don't know that." sabi ni Aletheia. "That's not an ordinary crystal, frozen lacrima yun." saad ni Lachise. "How did you know that?" mataray kong tanong. "I saw Aneslin's dream." cold niyang sagot. ---- "Come on Flamey wake up you weaky." nag aalalang sambit ni Garnet habang pinagmamasdan ang natutulog na si Flamey katabi yung White Tiger. "Garnet di ako nambababae!" sigaw ng bagong gising na si Flamey saka siya napalingon sa paligid at nakita niya ang mukha ni Garnet, Areme at nung White Tiger. "Did you r**e me? Garns! Sana nagsabi ka, mas masarap yung pag dalawa tayong gumagawa!" sabi nito na ikinapula ng mukha ni Garnet. "Stupid! Natalo ka ni Drake sa duellos at dinala kita sa clinic para magamot ka! You p*****t!" hiyang bulyaw ni Garnet at binato ng unan si Flamey. "Ay? Hehe ganun ba? Plinano kong magpatalo para mag alala ka haha. Thank you sa pagdadala sakin dito." awkward na palusot nito saka siya inirapan ni Garnet. "Yeah right whatever weak." sagot ni Garnet at tumayo para umalis pero pinigilan siya ni Flamey. "Teka, kanino bang White Tiger itong dikit ng dikit sakin?" tanong ni Flamey na parang wala ng masakit sa katawan niya. "Eidolon mo ata yan." sagot ni Garnet at umupo ulit. "Ikaw yung Eidolon ko?" tanong ni Flamey sa White Tiger. "Kyaaaaah ako nga! Ang gwapo mo naman Flamey pero mas gwapo yung Eidolon ni Garnet." narinig na sagot ni Flamey na ikinalaki ng mga mata niya. "MAY EIDOLON NA AKO!" sigaw ni Flamey pero bigla itong natahimik. "Uy anyare sayo?" kulbit ni Garnet sa kanya. "Teka nag iisip ako ng pangalan niya." sagot ni Flamey at nag isip ulit ng malalim. "Neturn!" bulalas ni Flamey matapos ang ilang sandaling pag iisip niya. "Neturn?" tanong ni Garnet na puno ng pagtataka. "Garnet at Auburn." narinig ni Garnet na sagot ni Flamey at nakita niyang niyakap ng huli yung white tiger. ---- Nakaramdam ng kirot sa katawan si Seren at unti unting nagmulat ng nga mata. Hindi siya pamilyar sa lugar na kinaroroonan niya at hindi niya maikilos ang katawan niya. Hindi niya rin makita si Melon kaya napaiyak siya ng di oras. "Na....saan ba ako?" mahinang tanong niya sa sarili. "Me....lon? Me...lon!" tawag ni Seren at nakarinig siya ng nga yabag galing sa labas ng kwarto. Bumukas ang pinto at may naaninag siyang figure ng isang tao na may dala dalang kung ano. Lumapit ito sa kanya pero blurry pa rin ang paningin ni Seren. "Si...no ka. Ano...ng nang....yari? Nasa....an ako?" sunod sunod na tanong ni Seren ngunit hindi nagsalita ang lalaki. "A...nong bi...naba..lak mo?" tanong pa ulit ni Seren doon sa taong hindi niya mamukhaan ng maayos. Kinusot kusot ni Seren ang mga nata niya kahit nanghihina siya. Lumapit sa kanya ang taong iyon at pinunasan ng basang towel ang noo niya. "You passed out. Masyado kang napwersa sa duellos niyo ni Lyra but luckily you won." sagot nito sa kanya. Pamilyar kay Seren ang boses na iyon at biglang may naramdaman siyang tumabi sa kanya. "Me....lon? Sa...an ka ga....ling?" tanong ni Seren kay Melon na nakilala niya kahit malabo pa rin ang paningin niya. "Dyan sa labas nakipaghabulan kay Firi." sagot ni Melon at dinilaan ang pisngi ni Seren. "Fi...ri? Si....no si Fi.....ri hah Me....lon?" tanong pa ulit ni Seren. "Sa kanya!" masiglang sagot ni Melon. "Si...nong si...ya?" tanong pang muli ni Seren kahit naguguluhan siya. "Yung phoenix ni Drake yun Seren! Kay Drake si Firi. Siya ang tumulong sayo." sagot ni Melon at dinilaan naman ang palad ni Seren. "Nasa dorm room kita Seren." muling narinig ni Seren ang pamilyar na boses na iyon. "Drake?" muling nasambit ni Seren.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD