TOA - 15

2026 Words
Tag Battle Starts Seren's POV Mixed emotions ako ngayon. Una, umpisa na ng Tag Battle kaya kinakabahan ako. Pangalawa, medyo naiilang ako kay Haelles kahit na humingi na siya ng tawad sa pag iwan sakin noong isang araw. "Napaka bipolar kasi talaga." naibulong ko. "Who's the bipolar Cayrie?" tanong ni Haelles sakin na katabi ko lamang sa pila papunta sa Pentagon. "Hah? Ah eh doon yun sa binabasa kong kwento na Chained Witches." I answered him saka siya ngumiti at tumingin sa nilalakaran namin. Papunta na kaming lahat sa Pentagon, isang battle arena na nasa premise pa rin ng La Telmene. Nakarating kami sa Pentagon at naupo sa pinakaibabang parte ng bleachers. Boys sa ibaba habang kaming girls ang nasa taas nila. Magkakatapat ang magkakapartner. Lors-Garns-Seren-Pers-Kazerine-Heavenne-Tanya-Daphne Rainn-Flamey-Haelles-Luken-Skylar-Frost-Janus-Terran Ganyan ang nagingg seating arrangement namin. Ang Pentagon ay may 5 sides, isa rin itong open arena na kayang iaccomodate ang buong student population ng La Telmene. Malapit ito sa Flarescium Forest na dati ay madaming puno at bulaklak. Ang Flarescium ay karaniwang tirahan ng mga iba't ibang uri ng creatures na umalis sa mga lugar nila. Ang Flarescium Forest ay nasa ilalim ng pangangalaga ng La Telmene kaya naman sagana dito dati. Pero ngayon, nag iba na, paubos na ng paubos ang Mana sa buong Arkaios. "Mom, Dad, kung nasan man kayo sana magtagumpay kayo. Gagawin din namin ni Frost ang lahat para lumakas." I said in my mind at dinilaan ni Melon ang kamay ko. "Good morning dearest Elementals of La Telmene. Today we will start the Day 1 of the Tag Battles!" sigaw ni Headmistress Jewel at biglang may mga fireworks na lumitaw sa ere. "For the first level of the Tag Battle, each team will be facing different creatures. Winning teams will proceed to the second level tomorrow." sabi pa ni Headmistress Jasmin. "Lady Lachise, Lady Astrean, Lady Cleatha, Lady Aletheia, Master Lorcan, Master Ronan, Master Yohhan and Master Kogan will be your judges." announce ni Headmaster Flitz at isa isang umupo sa pwesto nila ang 8 judges. "Sht. Kinakabahan ako." pagkausap ko kay Melon sa isip ko. "Don't be. Andito lang ako, si Mango at si Haelles." sabi pa ni Melon at nginitian ko nalang siya. "Drake Blazerus and Rairi Fallen." napatingin ako sa gitna ng Pentagon. Mula sa kanang bahagi ay lumabas sila Drake at Rairi na parehas naka cloak. Si Drake, together with his Phoenix Firi at si Rairi ay mayroong Hydra. *(Hydra- water creature na parang serpent / monster)* "GO PAPA DRAKE!!!!" narinig kong sigaw ng ilang babaeng Elementals. Napansin kong naka focus si Haelles kay Rairi kaya nagfocus nalang din ako sa unang laban na magaganap. "Tag Battle starts in 3, 2, 1 TAG!" sigaw ni Headmaster Algondy. Mula sa left side ng Pentagon ay mayroong ungol kaming narinig. "SHOCKS NAKAKATAKOT!" sambit ni Garnet at napalingon sa kanya si Flamey. "Don't be scared my dear Garnet, I'll be your knight in shining armor and no one can harm you." sabi ni Flame saka pa kumindat kay Garnet. "WTF MANOOD KA NA NGA LANG!" sigaw ni Garnet at nagpout si Flamey. "Ouch dude." sabi ni Rainn na katabi niya at tinap pa ang balikat niya. Nakarinig kami ng malalakas at mabibigat na yabag at mula sa isang nakabukas na kulungan ay mayroong isang Spider Monkey na lumabas. *(Spider Monkey- spider plus mokey hybrid. Malaki ang body built nito at mayroong 6 arms plus 2 legs. Nakakapaglabas din iyon ng web.)* Sumugod ang Spider Monkey kila Drake at Rairi. Sumakay si Drake doon sa Phoenix niya at naiwan si Rairi kasama ang Hydra niya na humarang sa harapan niya. "What the fvck. Bakit niya iniwan si Rairi?!" galit na sabi ni Haelles at napatayo siya. "Chill dude. Baka strategy nila yan." singit ni Frost at tiningnan lang siya ng masama ni Haelles saka umupo. Umikot si Drake na nakasay kay Firi sa likod ng Spider Monkey habang si Rairi at ang kanyang Hydra ay gumawa ng Water Shield para hindi sila matamaan ng mga atake at webs nito. Biglang hinampas nung Spider Monkey si Rairi at tumalsik ito kasama ng Hydra niya sa medyo kalayuan kasabay ng pagkasira ng shield nito. "Sht. I should have never trusted Rairi with that jerk." narinig kong bulong ni Haelles at naikuyom niya ang kamao niya. Mabilis na lumaki ang Phoenix ni Drake at kinuha niya si Rairi na ngayon ay nagseself healing kasama ang Hydra niya. Nagpalabas ng maraming webs yung Spider Monkey pero mabilis iyong naiilagan ng Phoenix na si Firi. Naglakad si Drake papunta sa may ulo ng Phoenix niya at saka ito tumalon doon sa Spider Monkey. Nagpaulan ng marami si Rairi habang ang Hydra niya lumaki din at gumawa ito ng isang whirlpool sa ere. Ikinumpas ni Rairi ang kamay niya at tumama ang whirlpool doon sa Spider Monkey at kay Drake. Umungol ang Spider Monkey at biglang lumitaw si Drake na nasa loob ng isang fire ball. Kaya pala hindi nag atubiling Pinatama niya iyong human sized fire ball sa Spider Monkey at napaupo iyon. Sabay na naglabas ng water sword at fire sword sila Rairi at Haelles pagkatapos ay nilagyan nila ng malalim na markang X ang likod ng Spider Monkey. Lumabas ang kulay pulang dugo mula dito at umungol pa lalo ng malakas ang Spider Monkey hanggang sa nawalan ito ng malay. "Drake and Rairi wins!" announce ni Headmistress Patrice. "Spider Monkeys' weakness is their back. Always remember that Elementals." sabi pa ni Headmistress Anmae. "Haelles Kyle Yin and Cayrie Seren Fierylus!" sigaw ni Headmistress Vera. Nanlamig ang buong sistema ko pero nakita ko silang lahat na nakangiti sakin kaya nilakasan ko ang loob ko. "Dude take care of my twin sister. Yung usapan natin." Frost said in a serious tone at nag nod si Haelles. "Anong usa--- OH MY PANDARENS!" I shouted dahil gumalaw yung upuan ko. Biglang bumaba ang upuan namin at napunta kami ni Haelles sa ilalim ng bleachers. Para kaming nasa isang ride papunta sa right side ng Pentagon. May violet torches sa paligid kaya hindi naman ako gaanong natakot. Nagkatapat yung upuang umaandar namin ni Haelles then he reached out for my hand. I felt safe with that gesture of him then I smiled at him. Nawala na ang pagkailang ko sa kanya at napalitan na iyon ng tiwala at excitement. Huminto ang sinasakyan namin kaya bumaba kami at naglakad palabas. Hiyawan at cheers ang naririnig ko. Napalingon ako sa mga kasama namin at kumaway sa kanila. "GO SEREN!" sigaw ni Garnet at Flamey. Tapos si Luken at Perisse ay nagsulat sa ere ng HaeRen gamit ang light at dark aura nila. Napatingin ako kay Haelles at nakita kong nakita niya ang ginawa nila Luken at Perisse tapos ay naramdaman kong nag iinit na ang mga pisngi ko. "GO METEOR PRINCESS!" sigaw ni Frost sakin at naglabas pa ng isang snowflake at pinalalipad iyon papunta sakin. "GO HAELLES!" sigaw ng fan girls ni Haelles pero di niya man lang iyon pinansin. "GO HAE HAE!" narinig kong sigaw ni Rairi at tumingin sa kanya si Haelles. "Goodluck Kyle." I murmured in a soft low tone pero alam kong maririnig niya iyon. "Goodluck to us Cayrie." he answered and smiled at me tapos ay ginulo niya pa ang buhok ko. *US DAW?! SHT?! MAY KAMI NA PALA?!* sabi ko sa isip ko pero agad ko iyong winaksi at nagfocus sa battle. "Kaya natin ito! Fighting!" sigaw ni Melon at nag nod ako sa kanya tapos si Haelles ay nag thumbs up. "Tag Battle starts in 3, 2, 1 TAG!" sigaw ni Headmistress Jewel. Bumukas yung kulungan na nasa kabilang dulo namin mula doon ay lumabas ang isang Gorgon. "Sht bakit naman Gorgon?" I asked myself. *(Gorgons- serpents with snakes as their hair. They are blind pero balitang malakas pa rin sila.)* "Cayrie focus!" sigaw ni Haelles sakin. "Gorgons can't see pero may matalas silang pandinig at pandama. Be careful. Weakness is their ears." sabi ni Mango at nagnod ako. Gumawa ako ng tatlong meteor disc at sumakay kami doon. Magkasama si Haelles at Mango. Tahimik kaming lumapit sa Gorgon pero yung mga ahas sa uli nito hinaharangan kami. "Watch out for the snakes. They are venomous." Haelles said and I nodded. Naglabas ng dark sword si Haelles hiniwaan ang braso ng Gorgon at pumalahaw ito sa sakit. Nagwala yung mga ahas nito sa ulo at natamaan si Melon. "MELON!" I shouted ng mahulog si Melon at gumawa ng ingay na nakakuha ng attention ng Gorgon. Mabilis kong kinuha si Melon pero biglang may humampas sakin mula sa likuran ko kaya napaluhod ako ng di oras. "CAYRIE SEREN! COME ON GET UP!" narinig kong sigaw ni Haelles. Naririnig kong sinisigaw nila Llorelie at ng iba pa ang pangalan ko pero pahina iyon ng pahina. Napaharap ako sa Gorgon na hindi pinapansin ang umaatakeng si Haelles sa kanya. Tumungo ito sakin at nakita kong papalapit ang isang snake niya para kagatin ako ng bigla akong maging invisible. "OMP MELON! OKAY KA LANG BA?" I asked and check her out. "Ayos lang ako. Buti nagawa na rin kitang invisible ngayon." she said and I hugged her. Tumayo kaming dalawa at nilagay ko siya sa may ulo ko. Nakita ko si Haelles na nagteteleport malapit sa ulo ng Gorgon pero hindi niya mahiwa ang tenga nito dahil pinoprotektahan ng mga snakes iyon. Gumawa akong muli ng Meteor Disc at lumipad papunta sa kinaroroonan ni Haelles habang nagpapaulan ng mga meteors na kinagulantang ng mga snakes nung Gorgon. Hinawi hawi niya ang kamay niya pero hindi naman kami natatamaan ni Haelles. "Cayrie! Stay invisible. Lilituhin ko siya at tapyasin mo ang tenga niya ng sabay. Got it?" Haelles said and I agreed. Naging mas mabilis ang pagteteleport nila Haelles at Mango habang naglalabas sila ng mga Dark Aura Balls. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at huminga ng malalim. My aura's getting visible at nakita kong lumabas na ang tatlo kong meteor wheels at pumalibot iyon sakin habang nakalutang. Binugahan iyon ni Melon ng lava breathe niya kaya lalo iyong lumakas. Dumistansya ako sa likod ng Gorgon at ikinumpas ko ang kamay ko. Isang meteor wheel ang gumalaw at humiwa sa mga snakes na nakaharang sa tenga ng Gorgon. Umiyak ito sa sakit at nagwala ng todo pero si Haelles ay patuloy siyang binabato at sinusugatan. Feeling ko ay bibigay na ako pero hindi ako dapat sumuko kaya naman sabay kong ikinumpas ang dalawa kong kamay at mabilis na tumungo sa tenga ng Gorgon ang dalawa ko pang Meteor Wheels. Nahiwa ang dalawang tenga nito at napaluhod ito sa sakit habang tumutulo ang sariwang kulay blue na dugo mula sa sugat nito. "Haelles and Seren wins!" sigaw ni Headmaster Flitz. "Gorgons' weakness are their ears!" sabi ni Headmistress Jasmin. Buti nalang at kahit hindi ako nakaattend ng Earth Classes ko dahil sa training ay kinaya ko pa rin ang Tag Battle na ito. "Are you alright Cayrie, Melon? I'm worried with you and Melon." sabi ni Haelles at lumapit sakin saka ako napayakap sa kanya. "Thank you for believing in me Haelles Kyle Yin." sabi ko at naramdaman kong niyakap niya ako pabalik and then heart beat got faster. "No need to thank me. From the very start, I know that you're better and more than what the others think of you. We won cause we worked hard and we will fight harder tomorrow." he added then kumalas sa yakap at ginulo ang buhok. "Nice one nanalo na naka chansing pa." asar sakin ni Melon kaya naman kinurot ko ang pisngi niya. "Shut up Melon!" I shouted at him saka sumunod kay Haelles pabalik sa upuan namin para makapagpagamot kila Lors at Rainn. "Ares Flame Delhott and Garnet Auburn Lavalee!" sigaw ni Headmaster Algondy tapos magkasabay na nawala sa upuan nila si Garns at Flamey. Napuno ulit ng hiyawan ang Pentagon. Una, madaming fan girls si Flamey, pangalawa madami ring fanboys si Garnet. "GO GARNSSSSSS!" sigaw ni Kazerine. Umupo ako sa tabi ni Lors at nagpagamot kami ni Melon habang si Haelles at Mango ay ginagamot ni Rainn. "Tag Battle starts in 3, 2, 1 TAG!" sigaw ni Headmistress Vera ng makalabas sa ibaba sila Garnet, Areme, Flamey at Neturn. "GO TEAM FLANET!" sabay na sigaw namin ni Llorelie at nakita kong nag heart sign si Flamey habang si Garnet ay binatukan siya. "Hae Hae, okay ka na ba?" bigla akong napalingon sa mahinhing babaeng biglang lumitaw at umupo sa tabi ni Haelles. Dahil sa hindi ko gusto ang view ay nagfocus na lang ako sa laban nila Garnet at Flamey. Pero pag tingin ko sa ibaba ay nakita ko si Garnet na sugatan at dumudugo ang braso habang nakahiga sa lupa samantalang si Flamey ay tinutulungan siyang makatayo. "WTF HAPPENED?!" I shouted at napatayo ng mapagtanto kong isang malaking Celium Bear ang kalaban nila. *(Celium Bear- kakaibang uri ng bears dahil matatalas ang kuko nila at nakakapaglambitin sila sa mga puno kahit na mabibigat at malalaki sila. Parang athletic ganun, matatagpuan sila sa Celium Forest na nasa Earthis Region. Ganitong uri din ang Eidolon ni Terran.)* "FLAMEY, GARNET! SA LIKOD NIYO!" I shouted again dahil susugurin na sila noong Celium Bear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD