TOA - 16

1690 Words
Tag Battle Continues Seren's POV "WHAT HAPPENED?" hysterical kong sigaw dahil nakikita kong sugutan si Garnet. "Mabilis yung movements ng Celium Bear. Nagulat sila Garnet at Flamey" sagot ni Tanya ng hindi ako tinitingnan. "HOY GARNET AUBURN LAVALEE! PAPATALO KA BA SA BEAR NA YAN?! MAS MALAKAS KA KESA DYAN!" I shouted at nakita ko naman ang pag smirk ni Garnet. Tumayo siya ng maayos at biglang lumabas ang yellow fire aura niya at sinundan iyon ng aura rin ni Flamey. Nag shapeshift yung likod ni Areme at lumabas na naman ang spikes niya with flames. Si Neturn ay nagkaroon na rin ng flaming aura at bigla itong napunta sa likod nung Celium Bear. "Power Mimicry, nice ability." narinig kong sabi ni Terran kaya napalingon ako sa kanya tapos ay tumingin ulit ako kila Garnet at Flamey. "Woah." I exclaimed ng makitang mabilis na iniikutan ni Neturn ang Celium Bear. Hindi ito makalabas dahil na rin sa flaming aura ni Neturn kaya naman nakulong na ang Celium Bear sa loob ng fire circle. Biglang naghawak kamay si Flamey at Garnet sabay binugahan sila ni Areme ng lava breath kaya dumoble ang fire aura nilang dalawa. Habang magkahawak kamay ay umikot din na parang ewan sila Flamey at Garnet na ipinagtaka naming lahat. Nagshapeshift si Areme into a Eagnado at mabilis na kinuha sila Flamey at Garnet na ngayon ay parang nasa loob ng flaming cylinder at biglang pwersahang binato ni Areme ang dalawa. Nagmistulang flaming bullet sila Flamey at Garnet. Tumama sila doon sa Celium Bear at napadapa iyon sa nangyari. Nasusunog yung Celium Bear habang nagwawala. Hindi nasugatan o nasaktan sila Flamey at Garnet dahil na rin sa aura na bumabalot sa kanila. Naglabas ng fire dagger sila Flamey at Garnet tapos sabay nila iyong itinarak sa hita ng Celium Bear at tuluyan iyong nanghina. "Flame and Garnet wins!" sigaw ni Headmistress Anmae. "Oooy! Janus yung pustahan! Sabi sayo mananalo sila eh!" narinig kong sigaw ni Luken. "Pinagpustahan niyo sila? Grabe dude." sabi ni Frost at umiling iling pa tapos napakamot nalang sa batok sila Janus at Luken. "Bears' weakness is in their thighs and draining of its stamina." sabi pa ni Headmaster Algondy. Naglakad na pabalik sa upuan namin si Flamey habang akay akay si Garnet kasama sila Areme at Neturn. "Nice one Flamey and Garns!" I said and hugged her. "Aw! Yung sugat ko gaga!" bulyaw niya sakin at napangiwi ako. "Sorry na." I said at inalalayan siyang maupo para magamot. "Next! Uriel Luken Phosvoc and Perisse Morgana Ravenco!" sigaw ni Headmistress Jasmin at nag smirk sila Headmaster Algondy at Flitz. "WAAAAAAAAAAAAAAA ANG GANDA KO! AKO NA ANG SUNOOOOOOOOD!" sigaw ni Perisse bago pa siya mawala sa upuan niya at ganun din, nawala si Luken. "Pustahan, manchachansing lang si Pers kay Luken." sabi ni Frost saka ko siya binato ng maliit na meteor ball. "Pati ikaw nakikipusta ka na!" bulyaw ko sa kanya. "Sige dude pustahan di lang chansing!" sigaw ni Skylar at saka sila nag ingay. Mula sa right side ng Pentagon ay nakita kong lumabas si Perisse habang nasa leeg niya si Fuschia na Eidolon niya. Si Luken naman ay nasa balikat niya ang Eidolon niya na isang Blue Dove. *(Crimson Viper- black large and strong snake with venoms and crimson eyes.)* *(Blue Dove- bird creature with blue feathers and light blue eyes. Karaniwang harmless ang mga ito maliban nalang kung sanaying maging mapanganib at marahas. Medyo may kalakihan ang Blue Dove ni Luken.)* "GO LUKEN! KYAAAAAH ANG CUTE MO TALAGA!" sigaw ng ilang babaeng Elementals. Kumaway si Luken at umirap lang si Perisse sa kanila. Halatang kabado si Perisse pero pinipilit niyang hindi iyon ipakita habang si Luken ay kumakain pa ng lollipop. "GO PERS! MAGDEDATE DAW KAYO NI LUKEN PAG NANALO KAYO!" sigaw ni Rainn kaya natawa kaming lahat. Yung reaction ni Perisse, namula siya at mas lalong kinabahan. Nakaramdam kami ng pagyanig ng lupa at mula sa left side ng Pentagon ay lumabas ang isang Gigafrog. *(Gigafrog- gigantic frog with sticky green saliva and big eyes and big tummy.)* "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HINDI BAGAY ANG GANDA KO PARA KALABANIN ANG ISA FROGLET!!!!!" sigaw ni Perisse at nagtatalon talon pa tapos ay yumakap kay Luken. "Told you bro. Chansing moments na si Pers." pabirong sabi ni Frost at natawa sila. "WATCH OUT!" sigaw ni Daphne dahil biglang naglabas ng maraming saliva yung Gigafrog. Mabilis na naghiwalay sila Luken at Perisse para hindi sila tamaan tapos ay lumabas na ang aura ni Luken habang yung kay Perisse ay hindi pa. Patuloy sa pagtalon yung Gigafrog na hinahabol si Perisse habang naglalabas ng sticky saliva. Nadapa si Perisse at natamaan siya dahil sa paglindol na dulot ng pagtalon ng higanteng palaka. "EEEEEEEEEEEEW WTF WTF LUKEN HELP!" sigaw ni Perisse. Naglabas ng Light Katana si Luken at hiniwa yung back ng Gigafrog pero winasiwas lang siya nito at patuloy na lumapit kay Perisse. Inapakan ng Gigafrog si Perisse pero hindi ang ulo niya kaya natuluan pa ulit iyon ng laway ng Gigafrog. "WHAT THE FVCK!" she shouted at biglang lumabas ang black aura niya. "Now she's serious." Tanya said and we all agreed. Lumabas mula sa kamay ni Perisse ang isang Black Raging Blade na favorite niyang sandata. Hiniwa niya ang paa nito at ang sticky saliva sa katawan niya. Mabilis na gumapang sa Gigafrog yung Crimson Viper niyang si Fuschia at kinagat ito sa may leeg. Napatalon yung Gigafrog dahil inuubos ni Fuschia ang mana nito. Natumba na naman si Perisse dahil hindi inaasahan na lilindol pala ng sobrang lakas ng dahil sa pagtalong iyong ng Gigafrog. Nagkatinginan sila Luken at Perisse saka tumango sa isa't isa. Tinangay ni Paosio si Luken, or nung Blue Dove ni Luken at lumipad sila sa itaas nung Gigafrog. Biglang binitawan ni Paosio si Luken at mabilis ang mga sumunod na nangyari. Gamit ang Light Sword ni Luken ay gumuhit siya ng letter L sa tummy ng Gigafrog. Nagwala ito sa sakit at hapdi kasabay ang pagtulo ng dugo nito. Kada talon ng Gigafrog ay lumilindol ng medyo malakas sa buong Pentagon. Bumalik si Fuschia sa leeg ni Perisse at mabilis na tinungo ni Perisse ang tummy ng Gigafrog saka siya gumuhit ng letter P dito saka tuluyang nahimatay ang Gigafrog. "Luken and Perisse wins!" sigaw ni Headmistress Vera. "TEAM LUPER!" sigaw namin at kumaway pa si Perisse kaso ay nadapa ito at nadaganan si Luken na nasa harapan niya. "Gigafrog's weaknesa is there big tummies." sabi pa ni Headmistress Jewel. "Sabi sayo dude more than chansing eh." sabi ni Skylar dahil nahalikan ni Perisse si Luken ng dahil sa pagkakatumba niya. Naghiyawan ang lahat sa Pentagon sa nangyari at mabilis na umakyat sila Perisse at Luken sa upuan namin. "Galing manadya ni Pers!" sigaw ni Kazerine pagkadating ng dalawa. "Ha....la hin...di ko sad...ya. Sorry ulit Luken." sabi ni Perisse at napatungo. "It's alright. I actually liked it." sabi ni Luken at ginulo ang buhok ni Perisse. "Sht." naibulong ko dahil hinimatay si Perisse. "Pinakilig mo kasi bro ayan tuloy di kinaya." sabi ni Terran kay Luken na siyang sumalo kay Perisse. "I'll bring her to the clinic." Luken said at nag umpisang maglakad. "Bro pahinga nga? Hindi yung kung ano pang gagawin niyo." sabi ni Janus saka tumawa ang lahat ng Phantom Knights. "Ingat Luken baka magapang ka ni Perisse." natatawa kong sabi at nagsmile back lang sakin ang loko. "Janus Elden Dustpin and Iris Tanya Lamist!" announce ni Headmaster Algondy saka tahimik na nawala ang dalawa. "Isantabi muna nila ang LQ para sa Tag Battle." Heavenne said and we all agreed. May distant sa isa't isa ng lumabas sila Tanya kasama ang Aura Deer niyang si Tayie at si Janus kasama ang Venomous Scorpion niya. *(Aura Deer- karaniwang harmless pero guardians ng forests. Kapag may lumapastangan sa kagubatan saka sila nagagalit.)* *(Venomous Scorpion- mas makamandag kesa sa Crimson Viper at nakakamatay din ang buntot nitong pointed.)* Lumabas ang kalaban nila Janus at Tanya na isang Troller. *(Troller- malaking uri ng troll na karaniwang mga violent.)* "Sisiw lang yan sa dalawa." sabi ni Rainn at nagsimula na ang laban. Napalibutan ng vines with flowers si Tanya at nagkaroon pa siya ng flower crown kasabay ang paglabas ng Pink na aura niya habang si Janus ay nagkaroon ng Vine Spear sa kamay at lumabas din ang Pink Aura niya. "KYAAAAAAH ANG GWAPO MO JANUS!!!" sigaw ng ilan. "AKIN KA NA LANG TANYA BABES ANG GANDA MO!" sigaw ng isang lalaking Salamander. Napalibutan na si Tanya ng floating thorns at pinalipad din niya iyon sa papasugod na Troller sa kanila. Lumindol ng bahagya sa bawat habang ng Troller kaya nahirapan sa pag asinta si Tanya. Tumakbo si Luken para salubungin ang paparating na Troller at tinusok ni Layion na Eidolon ni Janus ang paa ng Troller kaya napaluhod ito sa sakit. "Now's the time Tanya!" sigaw ni Janus at sumakay si Tanya kay Tayie na Aura Deer niya saka ito naglabas ng vines at ipinulupot iyon sa Troller na nakaluhod. Isang malaking Oak tree ang pinatubo ni Janus at doon itinali ang vines para hindi makaalis ang nagwawalang Troller. Pumunta sa magkabilang kamay ng Troller sila Janus at Tanya. Pinagsama sama ni Tanya ang thorns niya hanggang sa nakagawa iyon ng isang higanteng thorn at itinusok iyon sa right hand ng Troller. Habang si Janus, gamit ang Vine Spear niya ay tinusok din ang left hand ng umiiyak na Troller. "Janus and Tanya wins!" sigaw ni Headmistress Anmae. "The Troller's weakness is his hands, both hands." dagdag pa ni Headmaster Flitz. "Okay, break muna for 30 mins. Be back here after the exact time given to you to eat." sabi ni Headmaster Jasmin at isa isa na kaming nagsialisan. "Guys sa Cravium tayo!" I shouted ng makalabas kami ng Pentagon at sumangayon sila. "Sht. The green cloaked Elemental again?" narinig kong sabi ni Haelles at bigla itong tumakbo pabalik ng Pentagon. "Green Cloaked? Kala ko Red Cloaked ang kalaban?" Frost wisphered habang sinusundan namin ng takbo si Haelles kaso bigla siyang nawala. "Pucha biglang nawala tingnan mo yang Haelles na yan. Napaka impulsive." Skylar said pero patuloy kami sa pagtakbo pabalik ng Pentagon. "HAELLES KYLE YIN!" I shouted ng makita siya na nasa gitna ng battle arena ng Pentagon. *(Battle Arena- doon nagaganap yung laban. The lowest part ng Pentagon, combat area for the simplest way.)* Napalingon siya sakin at nakita ko ang galit sa mga mata niya. Napadako ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na lukot na papel. Tumakbo ako papalapit sa kanya at kinuha iyon. Be careful, Haelles. Keep an eye to your dearest Rairi Fallen. I felt my heart skipped a beat. First, cause of fear and second, cause of jealousy. "What if it's me and not Rairi? Would Haelles react the same? Or would he react less for me? If I'll went missing for days, would he look for me harder than my twin brother? If I'll be gone, would he care at all and search for me?" I asked myself inside my head.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD