TOA - 17

2003 Words
More Tag Battles Seren's POV Pabalik na kami sa Pentagon after ng lunch namin sa Cravium. A lunch without Haelles na pinuntahan agad si Rairi, Perisse and Luken na nasa clinic pa rin ngayon. "Bro, pustahan naglalandian sila Luken at Pers." bulong ni Rainn na narinig ko. "Lahat nalang pinagpustahan niyo. Kahit hindi naman laro, nilalaro niyo." I said to him coldly. "Chill Renren. Wag mo ibuhos yang nararamdaman mo samin." sabi ni Skylar at inirapan ko siya. "Selos ka Ren?" tanong ni Garnet at sinuntok ko siya sa braso niya. "Jelly much." Kazerine said. "I got attached to someone that I can't call mine." I said at nilaro nalang ang furs ng natutulog na si Melon. "Grey Rainn Hydrakis and Nixie Llorelie Oasis!" sigaw ni Headmistress Vera. "Let's go my dear Lors." sabing nakangiti ni Rainn. Dumilim ang kalangitan at nawala na sa pwesto nila sila Rainn at Llorelie. Hindi pa man lumalabas sila Rainn at Llorelie ay biglang yumanig ang Pentagon at biglang bumukas ang sahig ng Battle Arena at doon ay nakita namin ang isang malalim na Artificial Lake. Mas maliit ito kumapara sa mga natural na lake pero sakop nito ang pinakagitna ng Battle Arena. Sa right side ay parehas na lumabas sila Rainn at Llorelie sakay ang water waves nila habang yung mga Eidolon nila ay lumilipad. Flying Dolphin for Llorelie while Phatine Shark for Rainn. *(Flying Dolphin- nakakalipad ito kahit walang pakpak. Karaniwang harmless din at mabait sa lahat ng uri ng creatures under the sea.)* *(Phatine Shark- Isang kakaibang shark na may matalas na fins and tail plus nakakalipad din ng ganitong creature. Mabangis ito at karaniwang namamalagi sa Phatine Sea.)* "KYAAAAAAH ANG HOT MO PAPA RAINN!" sigaw ng ilan sa fan girls niya habang si Llorelie ay patay malisya. Nagwala yung water sa loob ng circle kaya napadako doon ang attention ng halos lahat. Mula doon ay mayroong lumabas at tumalon sa ere ng pagkataas taas. "AN EETOPUS?!" sigaw ni Daphne. *(Eetopus- isang water creature na gaya ng eels ay may lightning ability at gaya ng octopus ay mayroong 8 galamay.)* "Tough enemy for them." bulong ni Flamey. Mabilis na nakabalik sa Artificial Lake yung Eetopus at mabilis ding sumunod doon sila Rainn at Llorelie kasama ang mga Eidolon nilang sina Pann at Lime. "One ability ng Eetopus ay ang mag camouflage kapag nakikipaglaban sa tubig." narinig kong sabi ni Frost. "Enhanced Hearing Ability naman meron yung Eidolon ni Rainn kaya walang problema." sagot naman ni Heavenne. Nagsimulang magwala muli ang tubig sa Artificial Lake at nakuha nagkaroon ang ilang bahagi noon ng kulay pulang matingkad at kulay dark blue. "Blood." I said at tumingin sila sakin. "Hala sila Lors at Rainn na?" narinig naming sabi ng bagong dating na si Perisse. "Hoy bruha. Naligo ka na ba? Ang tagal niyo eh." sambit ni Garnet at mapanuring tinitigan si Perisse at Luken. "She rested well then took a bath." sagot ni Luken at nagsmirk. "Nothing more dude?" panunukso ni Janus at binatukan siya ni Luken. Si Perisse naman ay namumulang umupo sa pwesto niya at nanood kami. Lumabas mula sa Water Pond ang sugutang sila Rainn na inaalalayan ni Llorelie tapos ay umulan ng malakas. "GO RAINN! GO LORS!" sigaw ko. Parehas nilang itinaas ang isang kamay nila at ang isa ay naghawak kamay at lumabas na ang color blue nilang Aura. "Let's do this together Lors." sabi ni Rainn at ngumiti kay Llorelie. Mula sa Artificial Lake ay umangat ang isang malaking bola ng tubig at nasa loob nun ang Eetopus at ang mga Eidolon nila. "Water Space." sabi ni Skylar. "Anong Water Space?" tanong ko. "Water technique na kung saan gumagawa ng isang malaking water ball ang mga Undines. Tapos maari silang doon maglaban. Maari ring macontrol ng mga gumawa ng Water Space ang nasa loob nun." paliwanag niya at tumango ako. Pumasok sa Water Space sila Rainn at Llorelie tapos ay naglabas sila ng Water Sword. Sasakay na sana sila sa mga Eidolon nila ngunit nagpakawala ng lightning chain yung Eetopus at tinamaan silang lahat. Pero agad silang bumawi at mabilis silang sumakay sa mga Eidolon nila at pinutol nilang sabay ang sugatan at duguang Eetopus. Lumabas na sa Water Space sila Rainn at Llorelie na magkahawak kamay ulit kasama ang mga Eidolon nila at bumagsak ang Water Space na giniwa nila kasabay ang pagtigil ng ulan at pag aliwalas ng kalangitan. "Rainn and Llorelie wins!" sigaw ni Headmistress Jasmin. "To defeat an Eetopus you must cut all of their tentacles." sabi pa ni Headmaster Algondy. Nakaakbay si Rainn kay Llorelie ng bumalik sila saka inunang gamutin ni Llorelie si Rainn dahil mas madami itong sugat kaysa sa kanya. "Thanks Lors." sabi ni Rainn at hinalikan ang kamay ni Llorelie na ikinapula ng huli. "Skylar Aeolus Wingfey and Kazerine Belle Windlow." sabi ni Headmistress Jasmin. Nagsmirk yung dalawa saka sila nawala. "Payabangan na naman yun." comment ni Llorelie at tumawa kami. "Sisiw lang yan sa kanila." sabi pa ni Tanya. Lumabas na sila na parehas nakasmirk at di nagtitinginan sa isa't isa. Sa kabilang side ay lumabas naman ang isang Floar. *(Floar- flying boar)* "WTF ISANG FLOAR!" sigaw ni Perisse. "Chill Pers, wala lang sa kanila yan." sabi pa ni Luken at natahimik si Perisse. Nagsimulang atakihin ni Kazerine yung Floar pero masyado itong mabilis. Gumawa na ng copy ni Kazerine yung Pegasus niyang si Laser pero wala pa rin. Nagpaulan ng mga air spears yung Floar at gumawa pa ng Tornado na hindi naiwasan ni Kazerine. "I'm always here to catch when you fall." malakas na sabi ni Skylar. "Sht! Dumadamoves!" sabi ni Garnet at hinampas ako. "Aray ano ba!" I shouted at hinampas din siya. (Kaya naririnig ko sila Skylar kasi malapit lang naman sila samin at ang Pentagon ay nilagyan ng kakaibang katangian, yun ay maririnig ng lahat ang mga sinasabi ng nasa Battle Arena.) Kaso gumawa ulit ng tornado yung Floar at natamaan sila Skylar at Kazerine parehas. Mabuti nalamang at nakalipad pataas si Skylar at sinakay si Kazerine kay Laser. Naglabas ng Air Bow and Arrows si Skylar saka pinatamaan yung Floar at bumagsak iyon sa lupa. Mabilis na inikutan iyon ni Toasted para makulong at parehas naglabas ng Air Sword sila Skylar at Kazerine. Mabilis nilang inatake ang Floar at nagawa nilang makapasok sa loob ng tornado na ginawa ni Toasted. Huminto si Toasted at nakita nalang namin ang walang malay na Floar habang ang wings niya ay dumugo. "Skylar and Kazerine wins!" sabi ni Headmistress Anmae. "Floar's weakness is their wings." sabi pa ni Headmaster Flitz. Kaunting galos lang ang nakuha nila Skylar pati na rin ng mga Eidolon nila pero kahit ganun naka alalay pa rin si Skylar kay Kazerine na may isang malaking sugat sa braso. Agad dinalugan ni Llorelie silang dalawa para gamutin. "Hey, mind if I'll seat their? Nakikipagpalit kasi si Haelles." napalingon ako sa nagsalita at nakita si Drake. Saka ko tingnan si Haelles na katabi ang nakangiting si Rairi. "Sige." I said and nagsmile siya sakin. "Terran Zale Mountus and Violet Daphne Floresmi." sabi ni Headmistress Vera. "OMP!" Heavenne shouted at nawala na sila Terran at Daphne. "For you." napalingon akong muli kay Drake at nakitang may inaabot siyang icecream sakin. "Melgo flavor?" I asked but he shook his head. "Try to taste other flavors. Hindi yung porke doon ka nasanay sa isa di ka na magtatry ng iba." he said at tumango ako. "Berrychoco?" I said at tinikman iyon. "Masarap. Thank you Drake." I said at nagsmile siya ulit. Napansin kong nakita ako ni Frost pero umiling iling siya sakin. Isang Centaur ang kalaban nila Terran at Daphne. Pinasugod ni Daphne yung Ethran Kangaroo niya pero pinatlsik iyon ng Centaur na may Axe. Sunod na umatake si Chinny na Gardelian Bear ni Terran. Nasugatan iyon sa dibdib pero hindi inalintana at nagpambuno sila nung Centaur. Mula sa gilid ay sinipa ng malakas ni Liecai na Eidolon ni Daphne yung Centaur at tumalsik iyon. Pinalindol ni Terran ang lupa at may iba't ibang rock forms ang lumabas gawa ni Daphne. Tumayo yung Centaur at parehas na pinatalsik yung Eidolons nila Terran at Daphne. Mula sa magkaibang direction ay sumugod sila Daphne at Terran pero nakuha ng Centaur si Daphne. "SHT. DAPHNE!" sigaw ni Terran at lumabas ang yellow aura niya saka tumalon ng mataas at hiniwaan ang Centaur gamit ang Earth Sword niya. Binitawan ng Centaur si Daphne at sinuntok nito si Terran. "TERRAN!" sigaw ni Daphne at tumakbo papunta kay Terran. Muling sinipa ni Liecai yung Centaur at sinuntok iyon ni Chinny saka bumagsak sa lupa. Tumayo si Terran at hawak kamay sila ni Daphne na gumawa ng Earth Cage. Saka sila gumawa ng Earth Spears at pinatama iyon sa dibdib ng Centaur na nagwawala. Nagkalat ang dugo na siyang nagpahina sa Centaur at nawala na ang Earth Cage saka iyon bumagsak sa lupa. "Terran and Daphne wins!" sabi ni Headmaster Algondy. "KYAAAAAAH ANG GALING NI PAPA TERRAN!" sigaw ng ilan. "Ang tapang pala ni Daphne." narinig kong sabi ng iba. "Centaur's weakness is their chest." sabi pa ni Headmistress Vera. Binuhat ni Terran si Daphne at nagmamadaling tumakbo papunta samin kasunod ang Eidolons nila. "Heal her first." maotoridad na sabi ni Terran. "Teka mas malala sugat mo" sabi ni Daphne pero umiling ang huli. "I'm good when you're better." sabi pa ni Terran na ikinapula ni Daphne. "Sus pwede namang sabay. Dalawa kaya Undines dito." bulong ni Rainn at binatukan siya ni Terran. "Cayden Frost Fierylus and Heavenne Shin Yang!" sigaw ni Headmistress Patrice. "GO FROVENNE!" I shouted at nag thumbs up si Frost sakin. "FroVenne?" tanong ni Drake. "Love teams bro. Paranf FlaNet. Flame and Garnet. Bagay na bagay di ba?" sabi ni Flamey at kinindatan si Garnet bago siya binatukan ng huli. "Ow. So pwede yung DraRen?" sabi niya at ngumiti sakin. Pilit na ngiti ang sinukli ko sa kanya. "I like HaeRen, that's the best for me." I said in my mind pero napasimangot ako ng makitang nakahilig ang ulo ni Rairi sa balikat ni Haelles. "Sht contrast sa power ni Frost." narinig kong sabi ni Janus kaya napatingin ako sa Battle Arena. "Phoenix?!" I exclaimed. "Kaya nila yan. Baka nga di pa ipagamit ni Frost yung Time Manipulation ni Cast eh." comment ni Luken. "GO FROST! ANG HOT MO," sigaw ng isang fangirl niya. Nagsimulang umatake yung Phoenix at nagpaulan ng fire balls. Gumawa ng Light Sword si Heavenne bilang panangga pero nasira iyon at natamaan siya ng fire balls. Tarantang tumakbo si Frost para patayin yung apoy kay Heavenne at biglang lumamig sa Pentagon. Lumabas ang blue green aura ni Frost at lumabas na rin ang kay Heavenne. Tinapon ni Heavenne ang nasunog niyang cloak at naexpose yung part ng binti niya na napaso. Nagpaulan ng Ice Balls si Frost pero agad iyong natunaw ng Phoenix. Pati si Cold ay gumawa na rin ng Ice Balls pero wala pa rin. Muntik pang matamaan ng isang malaking fire ball si Frost pero mabuti nalang at nakagawa ng harang si Heavenne. "Yung combo nila! Nakita kong mas tumitibay yung Ice ni Frost pag hinaluaan ng Light ni Heavenne." I said. "Sana maalala nila yun. Bawal natin silang bigyan ng strategy habang laban. Cheer lang ang pwede." malungkot na sabi ni Garnet. Nakita kong nagsmirk si Frost at tinanggal ang shirt niyang may sunog. "KYAAAAAAAAAAAH!" napuno ng hiyawan ang Pentagon. "He's serious now." Skylar said. Isang malaking Ice Ball na gawa ni Frost at Cold ang binato nila sa Phoenix. Pero bago iyon tumama ay nahaluan iyon ng Light Aura Ball ni Heavenne at Cast. "NICE ONE!" I shouted. Tumama iyon sa Phoenix at di natunaw. Nabalot ng Ice ang Phoenix maliban sa tail nito na humina ang apoy. Naglabas ng Ice Chain si Frost at nilagyan iyon ni Heavenne ng Light Aura. Mabilis na ipinulupot iyon ni Frost sa buntot ng Phoenix at unti unti namatay ang apoy mula doon. Hinigpitan pa lalo ni Frost iyon hanggang sa di nagtagal ay inalis din niya at nakita ang malalalim na sugat mula doon. Saka bumagsak sa lupa ang Phoenix. Inalis na Frost ang yelo mula doon at kitang kita ang panghihina ng Phoenix. "Frost and Heavenne wins!" Headmistress Jasmin shouted. "Phoenix' weakness is their tail." dagdag ni Headmistress Vera. Nagmamadaling bumalik dito si Frost habang nakapiggy backride sa kanya si Heavenne. "NAGKAPASO YUNG MAKINIS NA BALAT NI HEAVENNE! GAMUTIN NIYO!" hysterical na sigaw ni Frost. "Oa mo Twinbrother. Malayo yan sa bituka." I said and laughed pero he glared at me. "No wounds, or even scratch for Heavenne. She's too precious to deserve those." he said coldly sakin. "Ok lang ako Frost." sabi ni Heavenne pero umiling si Frost at sinamahan siyang ipagmot kay Llorelie. "Ayan wala na!" parang batang sabi ni Frost at tumawa lang kaming lahat. Ilang labanan pa ang nangyari bago ang pinakahuli. Si Light at Lyra na kalaban ang isang Milligiant. *(Milligiant- higanteng Millipede na makamandag.)* "Light and Lyra wins!" sigaw ni Headmastrr Flitz. "Milligiant's weakness is their center body." dagdag ni Headmistress Anmae. Naglakad si Headmistress Jewel sa gitna ng stage at nagsalita. "First stage is finished. Tomorrow will be the second stage and we will call it Tag Battle Versus!" puno ng excitement na sabi niya na ikinagulat ko. "VERSUS?! OMP. SINONG MAKAKALABAN NAMIN NI HAELLES?!" nagpapanic kong tanong sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD