Tag Battle Versus: Uncontrollable
Seren's POV
"Seren tara na! Madami na yang Melgong nakuha mo! Balik na tayo dali." sigaw ni Garnet sakin.
"Tag Battle will start in 3, 2, 1 FIGHT!" hala start na?!
Nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin pero bigla itong nawala at napalitan ng pagyanig ng lupa.
"OMP! Start na!" I shouted habang nagpapanic.
"Tara na Seren, laban na ni Frost dapat tayong manood." sabi pa ni Garnet.
"Teka lang, may nararamdaman ako. Hindi lang tayo ang narito sa Flarescium." sagot ko.
Kaya ako nagpapanic una, laban na ni Frost, pangalawa feeling ko talaga may ibang tao pa dito.
"Sht mul...to ba yun Garns?" takot kong tanong dahil may narinig akong iyak ng bata.
"Kaya nga sabi ko di ba umalis na tayo? Pero wala eh ginusto mo yan bruha ka." sagot ni Garnet na hindi pinapahalatang takot.
Biglang may bata kaming nakita na nanggaling sa mga shrubs.
"Hala sino yun?" tanong ko at tumakbo papalapit sa bata.
Sugatan ito at nanghihina, batang babae na sa tingin ko ay 14-15 years old palang.
"Gosh, we need to help her." sabi ko kay Garnet at binuhat ko yung bata.
"Call Melon and Lors." I said to Garnet at tumakbo siya pabalik ng Pentagon.
"Sorry Twinbro, I need to help her. Nakita ko siya sa panaginip ko." I said while looking at this pale girl na maraming sugat at nanghihina.
After ilang minutes dumating na si Garnet kasama si Llorelie at Melon.
"SHOCKS RENREN! DI MO NAPANOOD SILA FROST AT VENNE! ANG GANDA NG COMBO NILA!" sigaw ni Llorelie.
"I don't have time for that. Just heal this kid for me. I saw her in my dreams at alam kong dapat ko siyang tulungan." I said then Llorelie nodded.
She healed her that fast at nawala ang pamumutla nung bata.
"Kailangan na nating bumalik Renren." sabi ni Garnet.
"Hi....nahabol po ni....la ako. Wag ni....yo po akong ibibi....gay sa ka....nila paki.....usap." narinig kong sambit ng bata tapos ay nakatulog na ulit siya.
"I can hide her and watch over her. Bawal ang Eidolons sa Tag Battle Versus kaya yung ibang Eidolon nagpapahinga at nagliliwaliw." sabi ni Melon.
"WHAT?! Bawal Eidolons? Saklap." I said dahil sa pagkagulat.
"Oo eh, new rule daw. Wala naman na tayong magagawa kundi ang sumunod." sabi pa ni Llorelie.
"Hays, ok. Take care of her Melon. Ihahatid namin kayo sa dorm room." I said at sumakay kami agad sa isang Meteor Disc para mabilis makapunta sa dorm room.
"Babalik ako agad Melon." sabi ko pa at sinara na ang pinto ng dorm room ko.
"Tara na, baka tayo na yung lalaban." sabi ni Llorelie.
----
"Haelles Kyle Yin and Cayrie Seren Fierylus vs Drake Blazerus and Rairi Fallen!" sigaw ni Headmistress Jewel na ikinagising ng diwa ng mga kasama namin.
"No. No. No this can't happen." nangangamba kong sabi.
"Yah! Kaya mo yan! Defeat Rairi para maipakita mong mas bagay kayo ni Haehae!" sabi pa ni Garnet.
Tumingin ako sa lahat at nakangiti sila sakin, lalo na si Frost.
Muli na naman kaming dumaan sa ilalim ng bleachers at napunta sa right side ng Pentagon.
"I'll be on Drake, you on Rairi." bulong ni Haelles sakin at nag nod ako.
"But please Cayrie, be gentle on her. Just drain her mana and don't hurt her that much." dagdag pa nito at kitang kita ko ang pag aalala niya. I felt my heart pinched.
"Don't worry! I'll handle my power carefully." I said cheerfully.
"Thank you. Goodluck on us." sabi pa niya at pinisil ang pisngi ko.
Lumabas na kami papunta ng Battle Arena at lumakas ang sigawan ng mga Elementals.
"HaeRen for the win!" sigaw ni Perisse.
"3 minutes to fight. No healing and no reflector shield. Tag Battle Versus starts in 3, 2, 1, TAG!" sigaw ni Headmistress Patrice.
Lumabas agad ang aura ni Drake na color yellow at black kay Haelles.
Kami naman ni Rairi ay nag tititigan lamang.
Sinugod ni Drake si Haelles gamit ang Sword of Blaze niya pero nagawa itong ilagan ni Haelles at inilabas niya ang Darkness Dagger niya.
Masasaksak na sana ni Haelles si Drake ng bigla itong tumalsik dahil sa isang Water Bomb na ibinato sa kanya ni Rairi.
Dahil sa nakita ko, nakaramdam ako ng galit.
"He's protecting you but you managed to hurt him? Hey girl I'm your enemy!" I shouted at naramdaman ko ang pag init ng katawan ko. Lumabas na rin ang yellow red aura ko.
Nagpaulan ako ng Meteor Balls kay Rairi pero hindi siya tinatalban dahil naka Water Shield siya.
Tinitigan ko siya at bigla siyang nag smirk. From that angelic face ay naging mapanukso at naninindak. Akala niya ata matatakot ako, but sorry I'm too pretty to fear her.
Hindi ko na pinansin ang nagpapambuno na sila Haelles at Drake. Tiwala naman ako na kaya ni Haelles si Drake.
Nagpakawala si Rairi ng isang Water Wave na nailagan ko dahil na rin sa gumawa ako ng Meteor Wall para maging shield.
Huminga ako ng malalim at pumikit. Pag mulat ko ay nasa palibot ko na ang tatlo kong Meteor Wheels.
Nakita ko ring nagpalit na ng anyo si Rairi at naging Mermaid na siya with her blue aura.
Pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa, Water Wheels.
"Copycat?!" I said to her pero hindi niya ako pinansin at sumugod siya sakin.
Hinawakan niya ang isang Water Wheel at ang dalawa ay kinumpasan niyang mapunta sakin.
Nakailag ako sa atake niyang iyon pero mabilis siyang nakapunta sa pwesto ko sakay ng isang Water Wave at hiniwaan niya ang braso ko gamit ang Water Wheel na hawak niya.
"You can't take Haelles away from me. He's mine, only mine so stop your dellusions before you get drowned and die." she said in a soft and low tone.
Inamba niya sakin ang Water Wheel niya na naging isang Water Sword
Nagpakawala ako ng isang Meteor Ball na tumama sa mukha ni Rairi na naging dahilan ng pagtalsik niya.
"Seren!/Rairi!" sabay na sigaw ni Drake at Haelles. Si Drake ako ang tinawag at si Haelles ang nag alala kay Rairi.
"Exchange partners nalang?!" sarcastic kong sambit at tumayo ako.
Tumayo din si Rairi na nakita kong nagpaawa effect pa kay Haelles.
"EH DI SIYA ANG KAMPIHAN MO! SIYA NAMAN ANG MAHAL MO SAMANTALANG AKO, PINAASA MO LANG SA WALA." sigaw ko sa isip ko.
"Don't let your guard down Seren. You'll lose in this Tag Battle Versus and also in Haelles' heart." nagulat ako ng sinaksak ako ni Rairi sa tigiliran ko at tumulo ang violet kong dugo.
"SEREN! EXCEPTION KA WAG KA MAGTALO!" sigaw ni Garnet.
"Stariebaby, you can do it!" sigaw naman ni Frost.
Tumayo ako ulit kahit nangangatog ang mga tuhog ko. Bigla namang naglabas ng isang Tsunami Wave si Rairi pero nakasakay ako agad sa Meteor Disc ko.
Nakita kong naglalaban pa rin sila Haelles at Drake at parehas silang sugatan.
"I'm winning, not just for Haelles but also for me. I'm an exception and I must show them what I've got." muling sabi ko sa sarili ko at naglabas ng ika apat na Meteor Disc. Dalawa dito ay kinuha ko at pumorma na parang ninja habang ang dalawa ay nasa ere pa rin.
Sumakay din si Rairi ulit sa Water Wave niya kaya naman parehas kaming nasa Ere.
"Let's end this here Seren." Rairi said and smiled at me.
Nagpaulan siya ng Water Bombs para mamatay yung mga Fire Aura ng Meteor Wheels ko pero hindi ko iyon hinayaan.
Sinunggaban ko agad siya at bumagsak kami sa lupa. Nawala yung Mermaid's tail niya at bumalik ang mga paa niya.
Dinaganan ko siya at sinampal pero naglabas siya ng isang Water Spike at tinarak iyon sa braso ko.
"SHT!" daing ko at biglang ako naman ang dinaganan ni Rairi.
"Farewell, Cayrie Seren Fierylus. Rairi Fallen will win against you." she said at naglabas ng Water Spear.
Nanlamig ang buong sistema ko at napapikit. Rumehistro sa utak ko ang mukha nila Mom and Dad.
"You're special Stariebaby." they both said and Mkm kissed me while Dad hugged me.
"You can do it Stariebaby!" nakita ko si Icybaby na naka thumbs up sakin.
Tapos mukha naman ni Haelles ang nakita ko.
"You are more than what you think of yourself, Cayrie." he said and smiled at me.
Muli kong naramdaman ang mainit kong aura at sa isang iglap ay nagdilim ang paningin ko.
Bago pa man ako masaksak ni Rairi ay tumalsik ulit siya sa ere at kitang kita ko ang pagkasunog ng cloak niya sabay lumipad papunta sa kanya ang apat kong Meteor Wheels at bumagsak siya sa lupa.
"RAIRI!" dinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses at nagbalik ako sa aking ulirat.
Nakita kong pinatamaan ni Haelles si Drake ng isang Dark Spear at nawalan ng malay ang huli.
Nagmamadaling tumakbo si Haelles sa sugatang si Rairi. May apat siyang malalalim at malalaking sugat tapos ang cloak niya ay naging abo na.
"Haelles and Seren wins!" announce ni Headmaster Algondy.
Ang iba ay naghiyawan at ang iba ay nag boo.
"Grabe ang lupit ng ginawa ni Seren kay Rairi!" sigaw ng isa.
"That's too much knowing that Rairi is the La Telmene's Angel. She's too kind to experience that brutal thing on Seren's hands." sabi pa ng isang matinis na boses na natatandaan kong kay Lyra.
"She can't handle her power. That's too dangerous for us." dagdag pa ng isa.
"I saw her eyes got darker with that last act. She's a monster." sabi pa ulit ng isa.
Hindi ko na sila pinakinggan at napalingon ako sa isang gawi. Nakita kong binuhat ni Haelles si Rairi at dumaan sa harap ko.
"I told you to be gentle on her Seren but look at what you've done." he said in a cold tone and my tears fell. First, I think he blames me and second, he called me Seren.
"Don't blame her Haelles. We all know na ginawa niya lang ang lahat para manalo kayo." narinig kong sabi ni Frost na binuhat ako.
"If she only can control her power, this won't happen." sabi pa ni Haelles at naglakad paalis. Ni hindi ako makapagsalita dahil sa mga nangyari, dahil sa mga nagawa ko.
"Blame Seren again and I'll forget your existence together with our friendship Haelles." galit na sabi ni Frost at naglakad na rin palabas ng Pentagon.
"It's my fault Fro. He can blame me." nanghihina kong saad.
"Hush Ate. Wala kang kasalanan. Just rest for now malalim ang sugat mo." sabi pa ni Frost at nakita ko ang Stellar Brigade pati na rin ang Phantom Knights.
"Dalhin natin siya sa dorm room dali." dinig kong sabi ni Llorelie.
"Dahan dahan baka dumugo lalo yung mga sugat niya." sabi pa ni Luken.
"Hold on there Renren." sabi pa ni Heavenne.
Ang dami pa nilang sinasabi pero wala na akong maintindihan dahil sa panghihina, sakit ng katawan, frustration, depression at heartache na nararamdaman ko ngayon.
"Now I've finally realized that Rairi is more important than me for him. And what's worst is that my power and feelings for him are the same. Those are both uncontrollable." I said again to myself and I felt some tears fell from my eyes down to my cheeks.
"I'm sorry Haelles Kyle Yin." I murmured and then everything went black.