Dreams
Frost's POV
Lumilipad sa may tabi ko si Cold habang naglalakad ako sa isang gubat na hindi pamilyar sakin. Ang puno dito ay halos mamatay na at ang mga creatures ay nanghihina na.
Madaming Mariposa ang lumilipad dala dala ang makukulay nilang aura.
Nakaramdam ako ng malakas na ihip ng hangin kaya naman napatingala ako sa taas. Nakita kong nasa Celium Forest pala ako, forest na nasa ibaba ng Araceli.
May nakita akong mga anino sa may Araceli dahil sa liwanag na nanggagaling sa dalawang full purple moon.
Isang liwanag ang nakita ko mula sa Araceli at nawala lahat ng mga aninong napansin ko doon kanina. Biglang lumiwanag din sa buong Celium Forest at unti unting nagkakabuhay ang mga halaman at nilalang na nakatira dito.
Mula sa itaas ay nakita kong mayroong bumagsak na bagay. Pinulot ko iyon at laking pagtataka kong isa itong pamilyar na locket sakin.
"This is Mom's." nasabi ko sa sarili ko.
Nagising ako dahil sa malamig na pakiramdam at nakita kong nagpapaulan ng snow si Cold sakin.
Simula noong nakita ko at nalaman kong siya ang Eidolon ko ay ganito na ang daily routine niya sa tuwing umaga para gisingin niya ako.
Naligo ako at nagbihis saka ko isinuot ang cloak ko na color blue sa baba tapos green sa taas.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko sina Haelles at Luken.
"Dude si Renren umiiyak." sabi ni Luken sakin na ikinalaki ng mga mata ko.
"WHAT?!" I asked.
"We saw her running towards the Hanging Garden together with her Eidolon while she's crying." Haelles answered at tumakbo ako ng mabilis papunta sa Hanging Garden.
"Ate Ren! Ate Ren! Where are you Starie?" I called her. I am Icy and she is Starbaby, that's what Mom and Dad used to call us.
I heard someone's sobbing kaya sinundan ko iyon at nakita ko si Ate Ren na umiiyak habang dinidilaan ni Melon yung palad niya.
----
Seren's POV
"You and Frost must finish our task Starie. We will give your more time and we all know that both of you can do it. Save Arkaios Seren." sabi ni Mom saka ako hinalikan sa noo ni Dad.
"Mom! Dad! Wait for me!" I shouted while chasing my parents.
Lumipad sila kaya sumakay ako sa meteor disc ko habang si Melon ay nakasakay din sa may tabi ko.
I saw them heading to Araceli at sobrang bilis nila. Ni hindi nga sila lumingon man lang sakin.
Isang liwanag na mas maliwanag pa sa two full purple moons ang bumalot sa buong lugar at napapikit ako ng dahil dito. Pagmulat ko wala na sila Mom and Dad, hindi ko na sila makita mula sa kalayuan pati ang iba nilang kasama kaya napaiyak ako at bumagsak sa lupa.
"Mom! Dad! OH MY PANDARENS!" napabalikwas ako at napagtantong panaginip lang lahat but I can't help crying.
Pilit akong pinapakalma ni Melon pero hindi umeepekto.
Naligo ako at isinuot ang cloak kong color yellow sa baba at red sa itaas saka walang kagana ganang lumabas ng kwarto habang si Melon ay nakasunod lang sakin.
Nakita ko sila Luken at Haelles pero hindi ko sila pinansin dahil pumapatak na naman ang mga luha ko kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa Hanging Garden para mapag isa.
Umiyak lang ako ng umiyak sa isang sulok habang si Melon ay dinidilaan ang palad ko.
"Ate Ren! Ate Ren! Where are you Starie?" dinig kong tawag ng isang pamilyar na boses kaya lumingon ako sa pinanggagalingan noon at nakita ko si Frost kaya naman niyakap ko siya.
"I had a dream, si Mom and Dad iniwan niya tayo Frost!" I said at humagulhol na ng malakas habang siya naman ay patuloy lang akong niyayakap.
"I dreamed of them too. But don't worry Ate Ren, dreams lang yun and for sure, everything happens for a reason ok? Magtiwala tayo sa kanila pati na rin sa mga Pandarens ok?" sinabi niya sakin saka pinunasan yung mga luha ko at hinila ako patayo.
"Come on Ate, di ba ayaw mo ng maging mahina? Atsaka makikita ka na naman ni Haelles na umiiyak eh ang pangit mo pa naman pag umiiyak." panunukso niya saka ginulo ang buhok ko.
Sabay kaming naglakad ni Frost pabalik sa Dorm at pumunta sa Dining Hall para mag agahan.
"Hay naku sleepyhead late ka." bungad ni Garnet pagkaupo ko sa tabi niya.
"Baka napasarap sa pananaginip niya kay Haelles!" sabat ni Perisse at sinamaan ko siya ng tingin sabay bato ng isang bato sa noo niya.
"Aw! Sadista ka talaga!" sigaw niya kaya napatingin samin ang karamihan.
"Tsss mga papansin." comment ng isang Elementian.
"Famewhores." dagdag pa ng isa.
"Pigilan niyo ako papatulan ko sila." angil ni Llorelie.
"Go on Lors!" pambubuyo ni Daphne.
"Hayaan niyo na, insecure lang sila girls." sabi naman ni Tanya at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Guys, don't mind them." sabi pa ni Heavenne at ngumiti samin.
"Si Pers kasi eh ang daldal kasi." sagot ko at nagpout pa saka ako biglang namula dahil nakita kong nakatingin sa gawi namin si Haelles.
Nag iwas ako ng tingin at nakitang nasa may likod ko lang pala si Rairi.
"Tsk assumera ka talaga Ren." bulong ko sa sarili ko saka binigyan ng pagkain si Melon.
"Ano yun Renren?" tanong ni Kazerine sakin.
"Wala sabi ko gusto ko ng Melgo!" I said at kumuha ng Melgo saka binalatan.
*(What's Melgo? Prutas po yun, Melon plus Mango. Nasa book 1 po yan.)*
"Ayiiie tingnan niyo oh parehas kumakain ng Melgo sila Renren at Haehae haha!" asar ni Perisse kaya nabatukan ko siya.
"Shut up Pers! Bilisan na natin malelate na tayo!" sabi ko at inubos yung Melgo sa plate ko saka uminom ng violet iced tea at tumayo.
"Saan class mo ngayon Ren?" tanong ni Garnet sakin.
"Classmates tayo this week Garns!" sagot ko at nakipag high five sa kanya.
Dahil nga kakaiba kami ni Frost, kailangan naming pumasok sa 2 class. Last week nasa Gnome's Class ako while this week ay sa Salamander's class ako.
"Girls tara na!" sigaw ni Garnet at tumayo na silang lahat tapos naghiwa hiwalay kami ng direksyon na pupuntahan.
"Sana makita ko na rin yung Eidolon ko!" sabi ni Garnet habang tinitingnan si Melon na dala dala ko.
"Makikita mo din yun!" sagot ko sa kanya tapos ay nakita namin si Flamey na tumatakbo papunta samin.
"Good morning my lovely Garnet! Cottonmallows for you!" sabi nito at may ibinigay na isang lalagyan kay Garnet saka tumakbo ulit palayo.
"Hi Ren!" pahabol nitong bati at masayang tumatakbo na para bang bata.
"Ayie, ikaw hah Garns, lakas ng tama sayo ni Flamey haha." pang aasar ko sa kanya na ikinapula ng mukha niya.
"Seren, go to our office now." sabi ng boses sa isip ko.
"Garns, una ka na may pupuntahan lang ako saglit hah." paalam ko sa kanya at tumango siya sakin saka ako tumakbo kasama si Melon papunta sa Rare Four's Office.
*tok* *tok* *tok*
"Lady Aletheia, good morning po. Pinapatawag niyo po ako?" I asked her at ngumiti siya sakin.
"Did you dreamed about your Mom and Dad?" she asked me straightly.
"Pa...papaano niyo po nalaman?" I asked pero ngiti lang ang itinugon niya.
Biglang may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako at nakita si Lady Lachise na nakapikit sa may likod ko.
Ilang sandali pa ang lumipas ng tuluyan niyang inalis ang kamay niya sa balikat ko.
"Araceli huh?" sabi nito at pumunta sa tabi ni Lady Aletheia.
"So ano yung panaginip niya?" tanong ni Lady Aletheia at nacurious naman ako.
"Bright light, Tita Naia, Tito Rage and their comrades diappeared." she answered at nagpatango tango lang si Lady Aletheia.
"What does it mean?" tanong ulit ni Lady Aletheia.
"Sacrifice. Hindi clear yung meaning eh pero sacrifice ang pinaka center ng dream niya." sagot ni Lady Lachise saka tumingin sakin.
"Everytime you get weird dreams, let us know it ok?" she said to me at tumango ako.
"You can go now to your class Seren." sabi pa ni Lady Aletheia saka ako nag bow.
"The signs are happening already." narinig kong sabi ni Lady Lachise bago ko tuluyang naisara ang pinto.
"Sacrifice? Signs?" I said at ginulo ang buhok ko saka binuhat si Melon at naglakad na papunta ng classroom.
Nagmamadali ako dahil late na ako ng makita ko Haelles na galing sa way na papunta sa room namin.
Nagmamadali itong tumatakbo kaya hindi niya ako napansin.
"Ay snobzone" narinig kong sabi ni Melon kaya naman pinalo ko siya ng pabiro.
"Nagmamadali kasi yung tao sus naman Melon." sagot ko at nagpatuloy sa pagtakbo.
Pagpasok ko ng room wala pa si Headmistress Jewel kaya naman naupo ako agad sa tabi ni Garnet pero may nakita akong isang box sa upuan ko.
"Garns, alisin mo nga yang gamit mo." sabi ko pero umiling siya.
"That's yours Ren." sagot niya na ipinagtaka ko.
Binuksan ko iyon at nakita ang tatlong Melgo icecream cake ang laman noon.
"Kanino galing ito?" tanong ko kay Garnet pagkaupo ko at nakitang may pangalan ko yung box.
"Dunno, andyan na yan pagkapasok ko dito." sagot niya at kumain ng cottonmallows na bigay ni Flamey sa kanya.
Kakain sana ako ng isang slice ng biglang dumating si Headmistress Jewel at may kasunod siyang pumasok sa classroom namin.
"Good morning Salamanders, may new student tayo. Please welcome him. Magpakilala ka na Drake." sabi pa ni Headmistress Jewel at natuon ang pansin namin sa isang lalaking maputi, matangkad, medyo well formed ang katawan at mukhang isang Elementian.
"Hi guys. I am Drake Vin Blazerus." pakilala nito samin at naghiyawan ang iba naming classmates dahil sa pagngiti niya.
"New student pala siya. Kaya pala nakita ko siya dito kanina." narinig kong sabi ni Garnet at tinitigan yung lalaki.
"So galing na siya dito sa loob ng room kanina?" tanong ko pa.
"Oo nakasalubong ko siya noong papalabas siya." sagot ni Garnet at kumain ulit ng cottonmallows.
"Penge nga ako niyan." sabi ko pero bigla niyang inilayo ang yung jar na hawak niya.
"May Melgo icecream cake ka oh!" sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Tsk ang damot. Possessive ka na kay Flamey hah." I teased her at tumawa ng mahina pero agad ko iyong itinigil dahil nakita kong nakatingin samin yung bagong student na si Drake. Tapos ay narinig kong nag growl si Melon saka siya umakyat sa desk ko at doon umupo.