SB and PK
Seren's POV
"Sorry Headmistress Jewel. Si Garnet po kasi masyadong maingay. Natipuhan ata yung new student." sabi ko at tinakpan ni Garnet ang bibig ko.
"HAH?! MAY IBA KANG TYPE GARNET AUBURN LAVALEE?!" singit na tanong ng late na ssi Flamey na may dala ring jar ng cottonmallows.
"Aw poor Flame, sakin ka nalang!" sabat ng isa pero hindi siya pinansin ni Flamey bagkus ay sinuri niya pa ang bagong student na si Drake.
"That's enough. Mr. Delhott and Mr. Blazerus take your seats now." utos ni Headmistress Jewel saka niya inumpisahan ang klase namin.
Isa isa kaming tinawag para ipakita kung ano yung color of fire namin.
Pinakamababa ang red samantalang violet ang pinakamataas.
Si Garnet, Flamey, Aisa, Clyde at Lyra may orange flames na habang ako at si Drake ay may yellow flames the rest ay red flames na.
Nagturo pa ng ilang tactics si Headmistress Jewel at sinabing next week ay magkakaroon kami ng battle test.
*after class*
Naalala ko yung sinabi ni Frost na napanaginipan niya rin sila Mom and Dad kaya naman eto ako naglalakad at hinahanap siya.
Hindi ko kasama si Garnet kasi pinagtataguan niya si Flamey na kinukulit siya about sa nasabi ko kanina.
"Skylar! Nakita mo Icybaby?" I asked him.
"Napansin ko siyang sinusundan si Venne kanina. Para ngang stalker yung kakambal mo. Sige Ren hahanapin ko pa si Lors eh." sagot niya tinanguan ko siya.
"Thanks Sky." sabi ko pa at saka ko naman nakita sa di kalayuan si Frost na parang nagtatago at nasa tabi niya ang lumilipad na si Cold.
Binuhat ko si Melon at ilang sandali pa ay naging invisible na kaming dalawa. Dahan dahan akong lumapit kay Frost at tinabihan siya.
"What the?! Ate!" nagulat niyang sabi ng natanggal ang pagiging invisible namin ni Melon.
"Aha! Bakit mo sinusundan si Venne?" sabi ko at lalong nanlaki yung mga mata niya tapos ay tumingin sa gawi ni Venne at nakita kong may kasama siyang lalaki.
"I don't trust that Light Yamichi." sabi niya at pinanliitan ko siya ng mga mata.
"Jealous? Feeling boyfriend ka naman Icybaby eh! Tara I need to talk to you. Yaan mo si Venne malaki na siya." I said at hinila siya palayo.
Nagpunta kami ni Frost sa Flofe at doon kumain ng meryenda.
*(Flofe - Floating Cafe na nasa grounds ng La Telmene.)*
Nag order ako ng Melgo cupcake at chocolate frappe habang si Frost ay Berryful icecream cake ang pinili.
*(Si Frost ay lalaking mahilig sa berries.)*
"Ano ba yun Ate?" tanong niya sakin kaya naman huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"What's your dream about Mom and Dad?" I asked him directly.
"Nasa Araceli sila while ako nasa Celium Forest. Hindi ko agad sila nakilala hanggang sa lumiwanag sa itaas at pagmulat ko, yung parang patay na Celium Forest ay nagkabuhay. Tapos ay may nalaglag na locket na nakumpirma kong kay Mom." pagkukwento niya.
"You need to tell that to Lady Lachise." I said na ipinagtaka niya.
"Why? Ah oo nga pala, dream interpreter siya." sabi niya at natawa ako.
"Oh bakit natawa ka?" he asked pero tawa pa rin ako ng tawa.
"Ikaw kasi eh! Tanong mo, sagot mo hahaha!" sabi ko pa pero agad nawala ang pagtawa ko dahil may nakita ako sa gawing likod ni Frost na hindi kalayuan samin.
"Haelles is with Rairi again huh." sabi ni Frost at nagsmirk. Ayan na yung medyo pang asar side niya.
"Go to Lady Lachise' office and tell her what you have dreamed of. Tapos na ako kumain." I said.
"Jealous? You're not his girlfriend Ate Ren." buyo sakin ni Frost at sa di malamang dahilan ay lalong nag init ang ulo ko.
Iniwan ko si Frost kasama ang Icenix niya sa loob ng Flofe at nagmamadaling sumakay sa flying disc ko habang si Melon ay nasa balikat ko.
"Jealous si Seren haha." pagkausap sakin ni Melon saka ko siya kinurot sa katawan niya.
"Shut up Melon!" I said at nag growl lang ang loka.
Bumaba ako sa itaas ng isang malaking puno ng Melgo at doon muna tumambay pansamantala.
"Si Haelles!" sabi ni Melon at nakita ko nga na naglalakad si Haelles sa di kalayuan.
"His Eidolon." sambit pa ulit ni Melon at napatingin ako sa isang Blanther sa likod niya.
*(Blanther - black panther with fierce eyes, black fur and tail that can shoot a massive aura ball attack.)*
"Shhhhh wag ka maingay Melon baka sabihin niya iniistalk ko siya." bulong ko kay Melon pero paglingon ko, wala na doon si Haelles at yung Blanther niya.
"What are you doing up there Cayrie?" narinig kong tanong ng boses sa iba at nakita ko si Haelles na nakatingala sakin.
Sa gulat ko ay nataranta ako kaya muntik na akong bumagsak pero naramdaman kong may sumalo sakin.
Haelles' POV
Nakita kong nataranta at nagulat si Cayrie sa tanong ko kaya naman muntik siya malaglag.
Sasaluhin ko sana siya pero may nauna ng gumawa noon.
"Phoenix huh." I said at nakita sa di kalayuan ang isang di pamilyar na lalaki.
"Drake?" narinig kong sambit ni Cayrie habang unti unting bumababa doon sa Phoenix.
"Are you alright?" tanong noong Drake kay Cayrie.
I'm pissed off and I don't know why. I put my hands on my Blanther and in a blink of an eye we disappeared.
3rd Person's POV
"Thank you Drake." sabi ni Seren at nagbow pa.
"Haelles?" ngunit paglingon ng dalaga ay wala na ito.
"He and his Blanther disappeared." pagsagot ni Melon sa isip ni Seren na bumaba mula sa puno.
"Always be careful Miss Fierylus." sabi pa ni Drake bago umalis.
"Oh, would you mind to join me in eating? So that I can get to know you more better." tanong niya at lumingon pabalik kay Seren.
"Naku sorry, kakatapos ko lang kasama yung kakambal ko." sagot ni Seren at tumango lang sa kanya si Drake.
"Maybe next time you'll say yes?" pahabol nito at lumingon muli saka ngumiti at tuluyan ng nilisan ang kinaroroonan nila Seren.
--
"Hindi ko gusto yung aura ni Drake." sabi ni Melon habang nakaupo sila sa may lilim ng puno ng Melgo.
"Hah? bakit naman? He saved me earlier." pokerface na sagot ni Seren.
"I can sense danger Seren." sabing bigla ni Melon.
Nakita ni Seren na papalapit sa kanya ang 5 babaeng may fierce na mga mukha at nakikilala niyang si Lyra ang isa sa mga iyon.
"Look girls, the b***h is here." saad ni Lyra at marahas na hinila ang buhok ni Seren.
Sinubukang pumiglas ni Seren pero tinalian siya nung Sylph ng invisible string. Si Melon naman ay nagbuga ng apoy pero inilagan lamang iyon nung 4 pang babae saka ito ikinulong sa isang Earth Cage.
Binato ng water bombs, pinaulanan ng fire spears at sinampal sampal nila ang walang laban na si Seren.
"A...no bang gi...na...wa ko sa inyo?" tanong ni Seren kahit hirap na hirap na siya.
"Una, kay Halles ka lapit ng lapit, taposn gayon pati yung new student na si Drake nilalandi mo?" bulyaw ni Lyra sa kanya at sinampal siya ulit.
"Baka mamaya pati si Rainn landiin mo na rin!" sigaw pa nung Undine at sinipa si Seren.
"Si Rainn? Ha..ha pa..ta...wa ka, si Lors ang gusto niya hindi ikaw." sagot ni Seren.
"Aba tingnan mo Hena, sumasagot pa siya." pambubuyo nung Gnome doon sa Undine kaya naman bigla nalang naglabas ng water blade yung Hena at sinugatan sa mukha si Seren.
"Oh ayan ano maganda ka pa?" sabi nito sa kanya at tumawa ang mga ito sa kanya.
Nagpatuloy ang pambubugbog kay Seren hanggang sa unti unting lumabas ang yellow-red aura ni Seren habang si Melon ay nagwawala sa loob noong Eath Cage.
"Aba girls, mukhang lalaban siya oh." sabi pa nung Gnome at tumawang muli ang kasamahan niya.
"She's a weakling girl." sabi pa ni Lyra at sinabunutan muli si Seren at tinitigan sa mukha.
Biglang nag smirk si Seren na ikinagulat noong 5 babae. Naramdaman nila ang kakaibang aura ni Seren kaya napaatras sila. Tiningnan ni Seren yung Earth Cage at bigla itong natunaw dahil sa lava kaya nakaalis si Melon at pumunta sa tabi niya.
"Cayrie Seren Fierylus!" narinig niyang tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.
"Hoy kayo! Anong ginagawa niyo kay Renren hah?" tanong ni Kazerine.
"OMP! WHAT HAPPENED?!" bulalas ni Perisse ng makita ang itsura ni Seren.
"Guys, ilayo niyo si Seren dito." sabi pa ni Daphne at nakita nilang dumating sila Frost, Rainn, Terran, Janus, Luken at Flamey.
"WHAT DID YOU DO TO MY TWIN SISTER?" galit na tanong ni Frost at naglabas ng cold aura at isang Ice Katana.
"We're sorry Frost." sabi ni Lyra ngunit bigla siya sinugod ni Garnet.
"Anong sorry? Tingnann niyo nga yung ginawa niyo sa kanya!" galit na sabi ni Garnet saka binato ng fire ball yung si Lyra.
"Never hurt our Seren!" sigaw naman ni Llorelie at gumawa ng water wave na nagpatumba doon sa 5 babae.
Pinalindol ni Daphne ang lupa habang si Tanya ay naglabas ng vines na naggapos doon sa naglalakihang mga batong ginawa ni Daphne.
*(Pixies - nature elementals, bagay silang kapartner ng isang Gnome sa labanan.)*
Lahat sila ay natuon ang attention doon sa limang babae habang dumating naman sila Skylar at Haelles. Si Perisse ay kasama ni Seren sa hindi kalayuan.
"REMEMBER OUR FACES AND OUR NAMES! Seren, Garnet, Kazerine, Llorelie, Daphne, Tanya, Heavenne and Perisse. We are the Stellar Brigade and no one should mess with us." fierce na sabi ni Garnet.
"And we are their group partner. Phantom Knights. Don't dare to lay even your dirty fingers to my sister or else you'll be cold as a dead Elemental." sabi naman ni Frost.
"Messing with us is like digging up your own graveyard." litanya ni Kazerine saka binigyan ng isang malaking tornado yung limang babae.
"Sorry. Sorry hindi na mauulit!" sabi pa ni Hena.
Aalis na sana ang limang babae ng may sumigaw.
"RENREN!" napalingon ang lahat kina Perisse at Seren. Nakita nila ang huli na walang malay.
Tumakbo ang SB at PK papunta sa kanila pero nakita nilang biglang lumitaw doon si Haelles na kanina ay katabi lamang nila kasama ang Eidolon niya at binuhat nito si Seren habang isinama noon Blanther si Melon at nawala silang bigla.