Chapter 2 - Gem "In the name of LOVE"

2226 Words
"Anong oras kaya siya darating?" tanong ko at kinuha ko ang phone nakapatong sa lamesa. Binasa ko ulit ang message niya at tiningnan ko ang oras. Isang oras na ang lumipas mula ng sabihin niya na papunta na siya. Excited na ako makita siya dahil isang linggo siya nawala. Hindi na ako makapaghintay na makita at mayakap siya dahil sobrang miss na miss ko na siya. Sa loob ng dalawang taon na pagsasama namin ay sanay na ako sa set-up namin. Mas madalas ko siya kasama mula ng lumipat ako hindi tulad noon na tuwing day-off ko lang. Hindi naging madali para sa amin ang unang taon naming dalawa pero ngayon ay okay na. Hindi namin nagagawa ang mag-date sa labas katulad ng normal na couple pero kuntento na ako kung ano kami. Ang makasama siya ang tanging mahalaga sa akin. "Siguradong magugustuhan niya ang supresa ko," nakangiti na sabi ko at napatingin ako sa lamesa kung saan nakahanda ang mga paboritong pagkain niya. Third Anniversary namin ngayon ni Troy at napagkasunduan namin na mag-celebrate rito sa apartment ko. Hindi naman kasi kami pwedeng lumabas dahil baka may makakita sa amin. Alam ko rin na pagod siya galing sa biyahe kaya mas tama na rito na lang kami sa bahay mag-celebrate. Mabuti na lang at tumapat sa day-off ko kaya nakapamili ako ng mga rekado para sa mga niluto ko. Hindi naman kasi kami araw-araw nagkikita at magkasama kaya hanggang may pagkakataon ay sinusulit namin ang mga oras na magkasama kami. "Kailangan ko na maghanda dahil baka maya-maya lang ay nandito na siya," excited na sabi ko at agad ako pumasok sa kwarto para magpalit ng damit. Pinagmamasdan ko nang maigi ang itsura ko sa salamin. Napangiti ako dahil sigurado na magugustuhan ni Troy ang suot ko. Siya kasi mismo ang nagbigay ng dress ko noong birthday ko at ngayon ko pa lang masusuot. Gusto ko na mas maging special ang gabing ito para sa amin. Sinuot ko rin ang set ng alahas na binigay niya sa akin. Napangiti ako dahil naalala ko ang unang araw nagkakilala kaming dalawa. Dumating siya sa dati kong pinag-trabahuan para kausapin sina Nanay Ligaya. Unang tingin pa lang niya sa akin ay bumilis na agad ang t***k nang puso ko na noon ko lang naranasan. Nagkaroon din naman ako ng crush noon pero iba ang epekto niya sa akin. May mga manliligaw naman ako pero wala sa kanila ang nakakuha ng atensyon ko. Naka-focus din ako sa pag-aaral at trabaho ko. Ayaw ko kasi na balewalain ang binibigay na tulong sa akin ng mag-asawa para lang makatapos ako. Nang malaman ko na ang pamilya niya ang bibili ng property ay medyo nalungkot ako dahil that time ay hindi ko pa talaga tanggap ang mga pangyayari. Nandoon ako nang sabihin niya ang plano nila at natuwa ako ng tanggapin niya ang kondisyon ng mag-asawa. Nanatili siya sa lugar namin ng ilang linggo at doon ko siya nakilala. Ibang-iba siya sa inakala ko dahil napatunayan ko na mabait siya at gentleman. Hindi natapos ang komunikasyon namin nang bumalik siya ng Maynila dahil araw-araw kami magkausap. Hindi ko inaasahan na magkakaroon siya ng interest sa katulad ko. May mga pagkakataon pa nga na pinupuntahan niya ako pero hindi alam ni Lola. Hindi kasi gusto ni Lola na makipag-mabutihan ako sa katulad niya. Lagi niya pinapaalala sa akin na magkaiba kami ng estado sa buhay at masasaktan lang ako. Iyon din ang isa pang dahilan kung bakit ako pumayag na itago ang relasyon namin. Mahal ko si Lola at ayaw ko na maglihim sa kanya pero mahal ko rin si Troy. Naniniwala ako na balang-araw ay maintindihan din niya ako lalo na kapag naipakita namin sa kanya kung gaano katatag ang relasyon naming dalawa. Alam kong matatanggap din niya kami dahil mahal niya ako. Pagdating ng panahon ay masasabi ko rin sa lahat kung sino ang taong mahal ko. Isang buwan lang mula noong nag-usap sila ay nabenta na ang property. Nagpaalam ako kay Lola na tinatanggap ko ang trabaho na inaalok ng kumpanya ni Troy. Hindi naging madali ang iwan si Lola dahil matagal na kami magkasama pero pinayagan niya ako para na rin umasenso ako. Ngayon ang kasama niya ay ang Tita ko na kapatid ni Nanay kasama ang dalawang anak niya kaya naman kampante ako na iwan siya. Sa bawat araw, linggo at buwan na lumipas mas pinaramdam sa akin ni Troy kung gaano ako kahalaga at ang pagmamahal niya sa akin. Siya ang unang lalaki sa buhay ko at siya ang naging una ko sa lahat. Sobrang saya ko kahit na may mga pagkakataon na nagtatalo kami na sa tingin ko ay normal naman sa magkarelasyon. Selosong lalaki si Troy at ayaw na ayaw niya napapalapit ako sa mga kasamahan ko na lalaki. Hindi naman siya dapat magselos dahil siya lang ang lalaki na gusto ko makasama hanggang sa pagtanda ko. "Sana magustuhan niya," nakangiti na sabi ko pagkatapos ko mag-apply ng lipstick. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagtunog ng buzzer. Halos tumalon sa tuwa ang puso ko dahil alam ko na siya na iyon. Tiningnan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto. Tiningnan ko ang paligid para siguraduhin na nasa ayos ang lahat. Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto at ang nakangiti niyang mukha ang bumungad sa akin. "Hi, Love!" malambing na bati niya sa akin at ngumiti ako. "Hello, Love!" tugon ko at pumasok na siya bitbit ang maliit na maleta niya. Sinara na niya ang pinto at bago pa ako makapagsalita para batiin siya ay sinakop na agad niya ang labi ko. Hindi na ako tumutol nang isandal niya ako sa dingding. Pinulupot niya ang isang braso sa bewang ko habang ang isang kamay niya ay nasa likod ko. Mas mataas siya sa akin kaya kailangan ko pa tumingala para salubungin ang labi niya. Ramdam ko ang init at pananabik sa halik niya. "I missed you so much, Love." bulong niya sa tenga ko at pinulupot ko ang dalawang braso ko sa leeg niya. "I missed you too, Love," tugon ko at tiningnan niya ako sa mga mata. Hinding-hindi ako magsasawa na tingnan ang mukha niya. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya ay naiisip ko na ang swerte ko para mahalin niya. "I have something for you," nakangiti na sabi niya. "Hindi ka na sana nag-abala pa Love, alam mo naman na makasama lang kita ay sapat na sa akin," malambing na tugon ko sa kanya at hinaplos niya ang pisngi ko. "That's the reason why I love you so much. You don't care about anything and you don't expect anything from me," sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. "Alam kong pagod ka na pero naghanda ako ng pagkain. Gusto mo bang kumain muna tayo? Niluto ko ang mga paboritong mong pagkain," tanong ko sa kanya at umiling siya. Kunot ang noo nakatingin ako sa kanya dahil sa reaksyon niya. Humakbang siya paatras sa akin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kitang-kita ang hubog ng katawan ko sa suot ko na pulang mini dress. Maaninag sa mga mata niya ang pagnanasa at pananabik. Napalunok ako sa uri ng tingin niya at pakiramdam ko ay uminit ang katawan ko. "May iba kasi akong gustong kainin," mapang-akit na sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko at nakagat ko ang ibabang labi ko. Alam ko kung ano ang ibig niya sabihin pero ayaw ko naman masayang ang effort ko sa paghahanda ng pagkain. Kahit nanabik na ako sa kanya ay kailangan ko pigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya at tinanggal ko ang suot niya na necktie. "Mamaya na ang dessert Love, main course muna tayo at saka ayaw mo ba matikman ang luto ko?" malambing na tanong ko sa kanya at tumawa siya saka hinalikan ako sa labi. Kinuha ko ang isang kamay niya at inaya ko na siya sa dining table kung saan ay naghihintay ang mga pagkain na niluto ko. Inalalayan niya ako na umupo bago siya umupo sa tabi ko. Isa pa sa nagustuhan ko sa kanya ay ang pag-aasikaso niya sa akin. Siya kadalasan ang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Pero minsan naman ay hinahayaan niya na ako ang magsilbi sa kanya. Nagdasal na kami pagkatapos niya maglagay ng pagkain sa plato. "Isa ito sa mga na miss ko Love, ang mga luto mo. Napaparami talaga ang kain ko kapag ikaw ang nagluto. Hindi pwede na hindi ako mag-gym dahil pakiramdam ko tumataba na ako," sabi niya pagkalipas ng ilang subo niya at napangiti ako. "Love, huwag mo na ako bolahin. Kahit na tumaba ka pa hindi naman magbabago ang pagmamahal ko sa iyo," natatawa na sabi ko at inabutan ko siya ng baso na may tubig. "Wait, before I forgot I bought something for this special occasion," sabi niya saka tumayo at nakakunot ang noo ko na sinundan siya ng tingin. Binuksan niya ang maleta at nakita ko na nilabas niya ang bote ng mamahaling wine. Napangiti ako dahil hindi talaga niya nakalimutan kung ano ang okasyon ngayon. Pagbalik niya ay kumuha siya ng dalawang glass wine bago binuksan ang wine. Nilagyan na niya ang baso ko saka ang baso niya. "Happy third anniversary to us, Love!" nakangiti na sabi niya. "Happy anniversary din Love," tugon ko bago kami nag-toast. Hinalikan niya ako sa labi pagkatapos namin uminom. May kinuha siya na box mula sa bulsa ng pantalon niya. Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Ito na ata ang oras na magpro-propose siya sa akin. Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang pahabang box dahil ang inaasahan ko ay singsing ang laman noon pero hindi pala. "Hindi mo ba nagustuhan ang design?" nagtataka na tanong niya at nakangiti na umiiling ako. "Gustong-gusto ko Love, nagulat lang ako," sagot ko at ngumiti siya. Kinuha niya iyon mula sa box saka tumayo at pumuwesto sa likuran ko. Gusto kong matawa dahil sinasabi ko sa sarili ko noon na hindi ako aasa at maghihintay ako. Kanina nang makita ko ang box buong akala ko ay magpo-propose na siya kaya ganun na lang ang ngiti ko. Isa iyon kwintas na may pendant na initial ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na binigyan niya ako ng alahas dahil last year ay isang set ang regalo niya sa akin. "I love it, Love. Maraming salamat," nakangiti na sabi ko habang hawak ko ang pendant. "I'm glad you love it. It suits you so well, Love," tugon niya at hinalikan niya ako sa ulo bago umupo sa tabi ko. "Remember Love, that you are mine and I love you so much," sabi niya at hinalikan naman ang likod ng palad ko. "I'm all yours Love and I love you too,' tugon ko. Tinitigan niya ako at hinaplos ang pisngi ko. Gustong-gusto ko kapag sinasabi niya na sa kanya lang ako. Ramdam kong mahal na mahal niya ako at mahalaga ako sa buhay niya. Ilang sandali lang ay unti-unti lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko at buong puso na tumugon naman ako sa halik niya. Maingat na inangat niya ako sa pagkakaupo ko at dahan-dahan na pinaupo ako paharap sa kanya. Nararamdaman ko ang isang kamay niya sa likuran ko at ang isang kamay naman niya ay humahaplos sa binti ko paakyat sa hita ko. Sa ginawa niya ay dumaloy na ang init sa buong katawan ko at hindi ko na iyon mapipigilan pa. Dahan-dahan niya tinaas ang dress ko at saglit naghiwalay ang labi namin para tuluyang mahubad ang suot ko. Ngumiti siya nang makita ang underwear ko na Isa rin sa regalo niya Muling lumapat ang labi niya sa labi ko pero sa pagkakataon na iyon ay mas mapangahas at nag-aalab ang halik niya. Napaungol ako nang maramdaman ko ang mainit na palad niya na humahaplos sa likod ko. Sinimulan ko na tanggalin ang butones sa polo niya. Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa matigas niyang dibdib at napaungol siya ng haplusin ko iyon. Kahit na ramdam ko ang pananabik niya ay hindi siya nagmamadali. Mula sa labi ko ay naglakbay ang labi niya sa leeg ko at hindi ko napigilan ang umungol. "I love you so much, Gem." bulong niya mula sa leeg ko at minulat ko ang mga mata ko. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa gilid ng pisngi niya at tiningnan ko siya sa mga mata. Ang bilis-bilis ng t***k nang puso ko at habol ang hininga namin. Hinaplos ko ang pisngi niya at napapikit siya. "Mahal na mahal kita Troy at ikaw lang ang gusto ko makasama habang ako ay nabubuhay. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa buhay ko dahil sa iyo lang umiikot ang mundo ko," emosyonal na tugon ko at pinatong niya ang noo sa noo ko. "Pangako ko sa iyo na hinding-hindi ako mawawala sa buhay mo at hinding-hindi kita iiwan kahit na ano ang mangyari. You just have to trust me," sabi niya at puno ng pagmamahal na hinalikan niya ako sa labi. Malaki ang tiwala ko kay Troy at sa matagal na pagsasama namin ay hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na pagdudahan siya. Hindi niya pinaramdam sa akin na magkaiba kami o hindi kami para sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD