Chapter 1 - Gem "Go with the flow"

2106 Words
"Gemma, hindi ka ba talaga sasama mamaya sa birthday party ni Gilroy?" tanong ni Maggie habang nasa locker room kami. Sa isang company lang kami nagtatrabaho pero magkaiba ang department namin. Naging matalik kong kaibigan si Maggie nang lumipat ako rito sa Majestic Hotel tatlong taon na ang lumipas. Unang pagkakakilala pa lang namin ay nag-click agad kami at mula noon ay naging close na kami. Siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Dati ay nagtatrabaho ako sa isang Bed and Breakfast sa probinsya namin sa Quezon. Pagkatapos ko maka-graduate ng college sa kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management ay doon na ako nag-trabaho. Ang mag-asawang Nanay Ligaya at Tatay Erin na may-ari noon ang tumulong kay Lola para makatapos ako sa pag-aaral. Bata pa lang ako nang sabay namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Mula noon ay si Lola Tasing na ang tumayong magulang ko at kalaunan nga ay si Nanay Ligaya at Tatay Erin na ang naging magulang ko dahil wala silang anak. Okay naman ang buhay at trabaho ko sa probinsya kaso nagkasakit si Tatay Erin at kailangan operahan. Napilitan silang mag-asawa na ibenta ang ilang property nila kasama na ang lupa kung saan nakatayo ang business nila. Marami ang nagbago dahil sa mga nangyari lalo na sa buhay ko. Nakilala ko ang unang lalaki na nagpatibok ng puso ko at nagbigay ng kulay sa mundo ko. Nang magdesisyon na ibenta ang business nila Nanay Ligaya ang pamilya ni Troy ang bumili pero may pakiusap ang mag-asawa. Nakiusap silang mag-asawa kung pwede na mailipat kami sa kumpanya nila at tinupad naman nila iyon. Out of fifteen employee nila ay siyam lang kami na tumuloy. "Kayo na lang Maggie, alam mo naman ang sitwasyon namin ni Gilroy. Hanggang maari ay ayoko siya bigyan ng ideya na okay na kami. Mula pa naman noon ay sinabi ko na sa kanya na hindi pwede pero ang kulit pa rin niya," paliwanag ko. Unang araw ko pa lang sa trabaho ay napansin ko na agad na iba ang tingin ni Gilroy sa akin. Bilang pagrespeto at pakikisama ay hindi ko pinahalata sa kanya na ayoko ko sa kanya. Mabait naman si Gilroy at magandang lalaki pero ubod din naman ng yabang. Hindi ko naman siya masisisi dahil may ipagyayabang naman kasi siya. Ilan sa mga kasama kong babae ay gustong-gusto siya kaya naman nagtataka sila kung bakit umiiwas ako. "Talaga bang may boyfriend ka, Gem? Baka naman talaga ayaw mo sa kanya at ayaw mo lang direktang sabihin sa kanya," tanong ni Maggie at napangiti ako dahil naalala ko si Troy. Tanging si Maggie lang ang sinabihan ko tungkol sa pagkakaroon ko ng boyfriend pero hindi ko pa binanggit sa kanya kung sino. Hindi ko pwedeng ipagsabi sa ibang tao kung sino dahil na rin sa company policy. Nang hilingin sa akin ni Troy na ilihim ang relasyon namin ay pumayag ako dahil ayokong mawala siya sa akin. Alam ko naman na malaki ang agwat ng estado namin sa buhay. Hindi naman sa kinakahiya niya ang relasyon namin pero gusto lang niya ako protektahan. Ramdam ko naman na mahal ako ni Troy at gusto lang niya pangalagaan ang relasyon namin. Ang plano ko ay makuha ang promotion bilang Floor supervisor sa Housekeeping department bago namin ipaalam sa iba lalo na sa pamilya niya ang tungkol sa amin. Gusto ko na kahit paano ay mayroon akong ipagmalaki sa kanila kapag ipinakilala na niya ako. Gusto ko rin na maging proud sa akin si Troy kaya pinagbubutihan ko ang trabaho ko. "Ipapakilala ko rin siya sa iyo pagdating ng panahon pero sa ngayon ay hindi pa pwede," tugon ko at tiningnan niya ako nang mabuti saka tumango. "Okay basta pangako mo sa akin na ipapakilala mo siya sa akin. Ayaw ko naman na pilitin ka na sabihin sa akin kung hindi ka pa handa. Nakikita ko naman na masaya ka at iyon ang mahalaga sa akin. Kung sino man siya ay sana hindi ka niya saktan dahil kung hindi ay baka manghiram siya ng mukha sa aso," sabi niya at natawa ako. "Kinakamusta ka nga pala ni Ate Cristine. Mula kasi ng lumipat ka hindi ka na bumisita sa dating apartment natin. Birthday na niya sa makalawa baka raw makapunta ka. Miss ka na rin ng mga boarders doon," banggit niya at napangiti ako. Si Ate Christine ang landlady ko dati kasi ay magkasama kami sa apartment pero dahil nahihirapan kami magkita ni Troy kaya pinalipat niya ako. Siya ang naghanap ng apartment na malilipatan ko. Ang dahilan ko sa mga kasama ko ay sa bahay ng kamag-anak ko ako lumipat para mas makatipid ako. Kalahati ng sweldo ko ay pinapadala ko sa pinsan ko na kasama ni Lola sa bahay. Nagiipon din ako dahil halos lahat ng gastusin ko ay sinasagot ni Troy mula sa upa ng apartment, grocery at iba pa. Gusto nga sana niya ako patigilan sa pagtatrabaho pero hindi ako pumayag dahil ayaw ko naman tuluyang umasa sa kanya. "Titingnan ko Maggie dahil hindi pa naman binibigay sa amin ang bagong schedule ng day-off natin," tugon ko. "Asus! Kahit naman magsabay ang day-off natin hindi naman kita na kasama dahil lagi kang busy. Sabagay mas gugustuhin mo nga naman makasama ang boyfriend mo," may halong pagtatampo na sabi niya at natawa ako. "Nagtampo pa nga ang Ale, sige na nga pupunta ako para na rin makasama ko kayo. Miss ko na rin kayong lahat," nakangiti na sabi ko at biglang nagliwanag ang mukha niya saka ngumiti. "Bilisan na natin at kakain pa tayo sa cafeteria," sabi ko pagkatapos ko ilagay ang name tag ko. Maaga kami pumapasok para sabay kami makakain sa cafeteria. Iyon na lang kasi ang oras para makapag-bonding kami dahil pagkalabas ko sa trabaho ay agad naman ako na uwi para magluto. Every Monday, Wednesday at Friday kasi ay sa bahay ang diretso ni Troy. Nababago lang ang schedule niya kapag kailangan niya mag-out of the country. Retired na ang mga magulang ni Troy at sa kanilang magkapatid ipinagkatiwala ang pamamalakad ng business nila. Hindi ko pa nakikita ang panganay na kapatid ni Troy at ayaw din naman niya pag-usapan. Dalawa lang sila at base sa kwento niya ay hindi sila close dahil na rin mas paborito ang Kuya niya ng kanyang Papa. Sa ibang bansa rin iyon namamalagi dahil may sarili rin kumpanya. Wala naman akong interest sa kanya dahil kay Troy lang naka-focus ang attention ko. Siya ang buhay ko at hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Siya ang nagbigay ng kulay sa simple kong buhay. Noon pakiramdam ko ay kami lang ni Lola pero mula ng makilala ko si Troy ay nararamdaman ko na hindi pala ako nag-iisa. Kahit sa mga simpleng gesture niya ay nararamdaman ko ang pagmamahal niya. Kumpleto ang buhay ko kapag kasama ko siya at kaya kong gawin ang kahit ano para sa kanya. "Sampu na lang pala kayo na pagpipilian na mag-undergo ng management training," sabi ni Marggie habang kumukuha kami ng pagkain. Marahang tinapik ko siya sa braso at tumingin sa paligid. Hanggang maari ay ayaw ko may makarinig na pinag-uusapan namin ang tungkol sa bagay na iyon. May ilan kasi ang kinukwestsyon ang pagpili sa pangalan ko. Maganda naman ang performance ko pero dahil tatlong taon pa lang ako sa company at ang mga kasabayan ko ay halos limang taon na at higit pa. May mga nagsasabi na hindi fair na makasama ako sa line-up. Nasilip din ng iba ang pagiging close ko kay Mrs. Castro na Head namin. Na promote na kasi ang dalawang supervisor namin at ipapadala sila sa mga bagong hotel kaya kailangan ng papalit sa kanila. Sumubok lang naman ako na mag-apply at hindi ko akalain na mapapasama ako. Pinakuha kami ng ilang test at inoonserbahan ang performance namin for three months. Sa thirty na nag-apply ay ilan na lang kami na iwan na pagpipilian. "Bakit? Nahihiya ka? Ano ka ba Gem deserve mo naman iyon dahil kita naman ng lahat ang effort at performance mo. Lagi ka naman kasama sa list ng mga top performance sa department ninyo mula pa noon. Hindi naman kasi basehan kung ilang taon ka na rito dahil ang mahalaga ay ang effort. Ang iba nga na matagal na hindi pa rin nag-improve ang performance pero ang lakas maka-request ng salary increase," katwiran niya at umiling ako. "Ayaw ko lang isipin nila na ang yabang-yabang ko at saka hindi pa naman final kaya may chance na hindi rin ako mapili. Kung sakali na mapili nga ako ay sobrang magpasalamat ako at mas pagbubutihan ko pa ang trabaho ko pero kung hindi naman okay lang din. Ang point ko lang hayaan na lang natin at huwag na natin pag-usapan," paliwanag ko. Nauna na ako umupo dahil tapos na ako kumuha ng pagkain. Ilang minuto lang ay kasunod ko na siya. Tumayo ulit ako para kumuha ng maiinom naming dalawa. Ramdam ko ang mga mata nakamasid sa akin at paglingon ko ay nakita ko ang grupo ni Kimberly. Ngumiti ako sa kanila pero nakataas ang isang kilay ni Kimberly. Bumalik na ako sa table namin at huminga ako nang malalim bago nagsimula na kumain. "Hindi pa rin siya maka-move on? Kawawa naman siya dahil hindi siya gusto ng lalaking gusto niya at sa iyo patay na patay," sabi ni Maggie habang nakatingin sa direksyon ni Kimberly na kasalukuyan nakatingin pa rin sa akin. Alam ng buong department namin na may gusto si Kimberly kay Darwin mula pa noon. Usap-usapan na may nangyari na sa dalawa pero hindi naman sineryoso ni Darwin. Hindi rin naman inamin ng binata kung totoo ba ang balita na iyon. Lantaran din ang pagpapakita ng interest ni Kimberly sa binata kaya naman galit na galit siya nang malamang nagtapat sa akin si Darwin. Mula noon ay ako naman ang pinag-diskitahan niya at kahit ilang beses na siya sinaway ay hindi pa rin siya tumitigil. Mas lalo pa nga siya na galit nang malaman ang tungkol sa pagpili sa akin kasi isa rin siya sa mga naka-line up. Nakarating din kay Troy ang ginagawa niya na pagsabutahe sa trabaho ko pero pinigilan ko siya na gumawa ng ano man na aksyon. Kapag kasi may ginawa siya baka magkakaroon ng isyu tungkol sa amin at iyon ang iniiwasan ko na mangyari. "Huwag mo na patulan Maggie, wala ka naman mapapala sa kanila. Kahit itaas pa niya hanggang anit niya ang kilay niya hindi ako apektado. Wala akong ginawa sa kanya na masama at kung iniisip niya na inagaw ko lahat sa kanya bahala siya sa buhay niya. Si Darwin dapat ang pagkaabalahan niya at hindi ang paninira sa akin. Hindi kaya niya naisip na baka may problema sa kanya kaya hindi siya magustuhan ng lalaking gusto niya?" sabi ko pagkatapos ko uminom ng soft drink. "Sinabi mo pa Gem, dapat manalamin muna siya bago siya maggaganyan. Oo nga at maganda siya pero jusko po ang ugali naman parang nabubulok na basura. Hindi lang sapat ang kagandahan para magustuhan dahil dapat maganda rin ang kalooban niya. Kumbaga clear ang x-ray niya walang spot na makikita. Wagas kung makapanira ng ibang tao para lang umangat. Napaka-unfair nga dahil ikaw questionable kung bakit kasama sa line-up pero siya wala man lang nag-tanong at nagtataka. Kung tutuusin isang taon lang naman ang lamang niya sa iyo. Kung performance naman ang pag-uusap mas tiyak ako na lamang ka sa kanya. Mas marami pa siyang palpak kaysa sa tama," salaysay ni Maggie. "Ay! Muntik ko na pala makalimutan kamag-anak nga pala niya ang Head ng HR kaya nakalusot ang mga kapalpakan niya," pahabol niya at tinapik ko siya sa braso. "Huwag ka maingay baka may makarinig sa iyo. Huwag mo na sayangin ang oras mo sa kanila dahil hindi sila worth it. Ikaw lang ang mapapasama kapag pinatulan mo pa siya. Sabi nga ng Lola ko ang mga taong mapanglamang, mapanira, inggitera at mapagmataas ay walang asenso sa buhay," saway ko sa kanya at tumawa lang siya. Pagkalipas ng ilang sandali ay tapos na kami kumain. Niligpit na namin ang pinagkainan namin at bumalik na kami sa locker room para mag-toothbrush. May thirty minutes pa naman kami bago magsimula ang shift namin. "Ingat ka sa mga bruha baka magkalat na naman ng lagim," babala niya at natawa naman ako. Pagkatapos namin mag-ayos ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Assistant cook siya samantalang room attendant naman ako. Hindi rin kami madalas sabay lumabas kaya madalang kami magkita bago umuwi. Nag-sign of the cross muna ako at hinawakan ko ang rosary na binigay ni Lola sa akin bago ako lumabas ng locker room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD