SIMULA

1636 Words
BETTY Isang simpleng buhay — iyan ang madalas kong hangad. Yung tipo ng simple na gigising ka sa umaga pero nakahanda na ang pagkain mo. Yung pati pagsuot ng tsinelas may gagawa pa para sa'yo. Yung tipong pagpunta mo sa banyo — naliligo ka sa limpak-limpak na salapi. "Hay simpleng buhay... aray!" Napadaing ako nang bumagsak ako sa bangkito kinauupuan ko. Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaibigan kong maasim na kung makangisi akala mo sinapian ng diyablo." "Funny 'yon?" sarkastikong tanong ko saka ako umirap ng bongga. Pinagpagpag ko ang aking short. "Sobra," pang-aasar ng aking kaibigan na si Gail. "Ayan ka na naman kasi sa hindi matatapos-tapos mong daydreaming sa simpleng buhay." Muli akong umirap. "So? Anong masama sa pag daydream?" "Gaga! Sa ating mahihirap, ang pangarap sobrang mahal, ang hirap i-achieve." At heto na naman siya sa pangaral na kaming mga mahihirap ay walang karapatang mangarap dahil imposible naman iyong matupad. "Ewan ko sa'yo, ang laki ng problema mo sa simpleng buhay daydream ko." Sumilip ako sa loob ng aming maliit na tindahan at nang makita kong wala si Nanay ay agad akong dumekwat ng chichirya. "Kaya nga tayo nagsisikap para umangat, tapos ikaw itong laging bitter. Gawin mo na lang inspirasyon..." Lumapit ako sa kaniya at bumulong. "si Maymay, kahit papaano umaangat na." Siniko niya ako saka siya umirap. "Ano ako, kakapit sa sugar daddy?" bulalas niya. "Anong masama ro'n? Mahal naman nila ang isa't isa." Halos malukot ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Mahal? Bakit pang ilang sugar daddy na ba niya yung inuwi niya ngayon?" "Ewan. Hindi ko na rin mabilang." Dito sa probinsiya, simple lang ang buhay na kinalakihan ko. Hindi kami mayaman... literal na mahirap kami. Pero nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw, minsan sobra pa nga. May maliit kaming tindahan, ako ang nagbabantay. Si Nanay, labandera. Si Tatay jeepneey driver — minsan sumasama ako sa kaniya. "Ikaw, kailangan mo pa ba talagang pumasok bilang kasambahay?" pagkakwa'y tanong niya. Ipinasok ako bilang kasambahay ng kaibigan ni Nanay na si Auntie Eva sa Maynila. Mayaman daw ang amo niya. Mataas ang sahod. Libre pa ang lahat. "OA na naman ang ngiti mo, Betty, hindi ka yayaman sa pagiging kasambahay." Kahit kailan talaga ang babaeng ito, laging panira sa imagination ko. "Oo na, hindi na yayaman." Umiling siya. "Ayaw mo lang akong paalisin dahil wala ka ng libreng chichirya eh." "Bakit kasi hindi ka lang dito? Pangit sa Maynila, magulo. Puro traffic. Mamaya mawala ka pa ro'n, tatanga-tanga ka pa man din." Napamaang ako dahil sa sinabi niya, pero tumawa lang ito. "Sa ating dalawa, ako ang mas magaling. Nakapagtapos ka lang kasi. Pero kapag ako talaga yumaman? Huh! Mag-aaral ulit ako." "Oo na lang." Apat kaming magkakapatid, ako ang panganay kaya naman sa murang edad marami na rin akong napasok na trabaho. Habang nag-aaral ako, nagtatrabaho rin ako noon kaya lang sadyang hindi na kaya pa kaming pag-aralin lahat ng magulang namin, kaya naisipan ko na lamang tumigil at magpatayo ng maliit na tindahan para sa gano'n makatulong din kahit papaano. "What if?" Nagtaas agad ang kilay niya dahil sa naging tanong ko. "What if ano?" Ngumiti ako ng bongga. "What if sa Maynila ako makahanap ng sugar baby? Tapos uuwi ako rito ng mayaman?" "Assuming talaga! Nangangarap ka na naman ng dilat." Sabi ko nga hindi siya naniniwala. Pero may pakiramdam talaga ako. Ito na yun! Ito na yung pagkakataon para yumaman ako. Feeling ko sa lugar na pupuntahan ko, nandoon ang lalaking kukuha ng perlas na matagal ng walang dilig. Handa na ako hindi lang sa trabaho — handa na rin akong mawasak! Nang sumapit ang gabi, sabay-sabay kaming kumain katulad ng aming nakagawihan. Kahit madalas talbos o tuyo ulam namin — ang mahalaga sabay-sabay kami sa hapagkainan. "Betty, siguraduhin mong maayos ang trabaho mo ha? Baka mamaya shu-shunga-shunga ka ro'n, nakakahiya," ani Nanay na hindi man lang nag filter ng sinabi. "Shunga agad, Nay? Huwag kayong mag-alala, gagalingan ko," nakangiting saad ko. "Ate, magpa-package ka ah," saad ni Wade, ang bunso namin. "OA package? Sa Maynila ako pupunta hindi sa ibang bansa," sumbat ko. "Mag-ingat ka ro'n, Bettina. Hindi simpleng lugar ang pupuntahan mo," paalala naman ngayon ni Tatay na kanina pa tingin nang tingin sa akin. "Oo nga ate, mamaya makakita ka lang malaking building do'n o kaya train magpapicture ka agad." Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi ng isa akong kapatid, si Castiel, ang pangatlo sa amin. "Ano ako ignorante? FYI hindi lahat ng probinsiyana ganiyan, ibahin mo ako." Grabe ang suporta ng pamilya ko... sa halip na itaas ang confidence ko binababa pa ako. Napailing na lang ako. Sabi nila, hindi raw madali ang buhay sa Maynila, well — nareview ko na iyan. Wala naman kasing madali sa buhay ng isang tao. Ngunit sa dinami-rami ng trabahong papasukin ko, hindi ko akalain na babagsak ako sa isang pagiging kasambahay. Wala namang masama sa pagiging yaya, at least kumikita ng pera hindi ba? At saka marangal itong trabaho. Kinabukasan may nagsundo sa aking puting van. Muntikan ko ngang naisip na baka i-oldnapper ako, buti na lang tropa pala ni Tatay ang driver. Here I go Maynila. Hindi ko maipagkakaila sa aking sarili na kinakabahan ako. Sino ba namang hindi di ba? First time kong makapunta ro'n at hindi ko alam ang naghihintay na buhay sa akin do'n. "Betty, ayusin mo ang trabaho mo. Huwag kang gagawa ng ikapapahiya ni Eva." Paulit-ulit sa aking isipan ang paalala ni Nanay. Paalala na may halo ring kaba at pag-aalala. Sa totoo lang kung may iba lang akong pagpipilian, hindi naman ako papasok bilang kasambahay. Kaya lang sa ngayon, kailangan ko ang trabahong ito para tustusan din ang pangangailangan at pag-aaral ng mga kapatid ko. Malaki rin kasi talaga ang sahod. Halos siyam na oras din ang naging biyahe namin bago kami nakaratingsa isang napakalaki at napakaluwang na bahay. Nilabas ko agad ang aking selpon saka nag selfie para isend sa groupchat naming pamilya pati na rin kay Gail. Hindi ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ko ang paligid. "Betty?" Nakuha ng isang masayang tinig ang atensyon ko. Agad akong napangiti nang makita ko si Auntie Eva. Lumapit siya sa akin at yumakap. "Kumusta ang biyahe mo? Napagod ka ba?" "Maayos naman po, Auntie. Grabe! Ang laki po pala ng bahay." Sa kabuuan ng lupain, baka p'wede pang magtayo ng lima o sampung bahay. Hindi kaya palasyo ang pagtatrabauhan ko? "Naku, baka mas magulat ka mamaya kapag nakita mo ang loob ng bahay, pero dalhin muna kita sa quarter natin." "Quarter?" Nakangiti siyang tumango saka ako tinulungan sa pagbitbit ng mga dala ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Shootangina! "Sa bahay na ito, may mga bagay na hindi mo dapat gawin. Rules kumbaga," ani Auntie habang naglalakad kami. "Ibibigay ko sa'yo mamaya ang house rules." "Auntie, may tanong po ako." "Ano 'yon?" "Di ba po may asawa at anak si Sir?" Napahinto siya sa paglalakad. "Betty, isa iyan sa mga rules. Hindi tayo p'wedeng mangialam o magtanong tungkol sa buhay o pamilya ni Sir. Yung pagka curious mo? Tanggalin mo dito. Nabasa mo naman ang mga nakasulat sa kontrata bago mo ito pinirmahan hindi ba?" Sabi ko nga, hindi ako magiging chismosa. "Sa bahay na ito, gagawin lang natin kung ano ang nakaatas sa atin. Ikaw? Sa pag-aalaga ng bunsong anak ni Sir." Huminga ako ng malalim. Ngayon palang, parang masasabi ko na hindi madali ang magiging buhay ko rito. Nang mailagay ko ang gamit ko sa quarter, inilibot naman ako ni Auntie sa loob ng bahay, nakilala ko na rin ang ibang kasambahay. "Manang! Where's my favorite doll!" Nakuha ng isang sigaw ang atensyon ko. Nag-angat ako ng tingin at tumambad ang isang batang babae, medyo kulot ang buhok, nakapantulog, at mukhang masama ang gising. "Si Milley, siya ang magiging alaga mo," ani Auntie na ngumiti sa akin na para bang sinesentensyahan na agad niya ako. “New face. Who is she?" pagkakwa'y tanong niya. Naglakad ito pababa ng hagdan at habang palapit na palapit siya sa akin — mas lalong nagiging malinaw ang mukha niya. Hindi siya natutuwa sa kaniyang nakikita. "Siya si Betty, ang bago mong yaya." Bumusangot siya. "New again?" nakapamewang na tanong niya saka pa niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. New again? Bakit, pang-ilan na ba ako? "Hi Milley, nice to meet you." Kahit kabado ay pinilit ko pa ring ngumiti. "I'm Bettina but you can call me Betty." Napamaang ako nang umismid siya. Okay, mukhang may sungay ang batang ito. "I don't talk to strangers," pagkakwa'y saad niya. "Manang, where's my doll? I can't find it anywhere." Hindi pa man ako nakakarecover mula sa pang-aalipusta ng batang aalagaan ko, mas lalo akong kinabahan nang biglang may pumasok na isang matangkad, maputi, naka-long sleeves na rolled up, hot at pogi — shucks! Mukhang siya ang amo ko. “Dad, I told you it's not my fault." Napatingin ako sa binatang nakasunod sa kaniya. Mukhang naiintindihan ko na kahit papaano kung bakit sinabi ni Auntie na huwag akong mangealam sa pamilya niya — mukhang may sanib ang bawat isa. Napaayos ako ng tayo nang balingan niya ako ng tingin. "Hi Sir, Bettina po, Betty for short." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya kahit nanginginig ito dahil sa kaba pero as usual hindi niya ito tinanggap. Tama ang sabi ng ibang kasambahay kanina nang makausap ko sila. Hindi pala talaga masayahing tao ang amo ko. Mukhang laging galit. Napamaang ako nang lampasan lang niya ako na para bang hindi niya ako nakita. Naiwan ang dalawang anak niya na para bang pinagbagsakan ng langit at lupa. "I hate this house," pagkakwa'y saad ng lalaking anak niya. "Me too, Kuya. I hate this house." Nagtaas ng bahagya ang kilay ko dahil sa narinig ko. Okay Betty, welcome to hell. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD