BETTY
Maaga palang ay gising na kami. May kaniya-kaniyang trabaho ang bawat isa. Ako? Dahil bago pa lamang ay sinasama palang ako ni Auntie sa kung ano ang maaari kong gawin. Kumbaga trainee palang ang ganap ko ngayon, kung gusto ako ng amo ko — magiging regular ako, pero kung hindi? Balik sa probinsiya ang ganda ko.
Sinubukan ko namang kaibigan yung alaga ko kaya lang — mukhang puputi ang buhok ko sa kaniya agad. Tipong wala pa akong sinasabi ay sinisimangutan na niya ako agad na para bang kasalanan ko pa na naghahanap buha ako.
"Auntie, anim na buwan tama ho?"
Nandito kami ngayon sa kusina, naghahanda ng almusal para sa mga amo namin. Sabi ni Auntie, talagang salo-salo raw silang kung kumain, hindi p'wedeng hindi dahil istrikto raw si Sir. Halata naman sa kaniya. Isang araw ko pa nga lang dito, parang gusto ko na lang magkulong sa kwarto.
Kakaiba kasi ang presensiya niya, though gwapo siya — wala akong masasabi, pero andoon yung ramdam mo ang takot lalo na kapag magsasalubong ang mga mata namin. Wala pa nga siyang sinasabi, tumatayo na lahat ng buhok ko sa katawan. Pero dahil andito naman na ako, kailangan ko itong harapin ng bongga — hindi p'wedeng sumuko para sa pangarap. Ngayon pa ba ako aatras? No way!
"Oo, pero huwag kang mag-alala, kasama mo naman ako. Basta lagi mo lang tatandaan ang mga rules dito, gawin mo lang ang trabaho mo — walang maraming tanong, at higit sa lahat, habaan mo ang pasensiya mo."
Sa sinasabi ni Auntie, parang sinesentensyahan na rin niya ako. Pero totoo rin naman kasi di ba? Wala naman din talagang madaling trabaho. Kaya tiis ganda lang talaga.
"Auntie, hindi po ba talagang p'wedeng malaman ang history ng pamilya nila?" mahinang tanong ko, sakto lang para sa aming dalawa.
"O siya sige, magkukuwento ako kapag may oras tayo. Sa ngayon, puntahan mo na muna ang alaga mo at siguraduhin mo na pagbaba niya ay maayos siya."
Nakangiti akong na thumbs up sa kaniya bago ako lumabas ng kusina. Grabe talaga ang paghanga ko sa bahay na ito. Lahat mamahalin. Parang puwede ko pa ngang isanla yung mga pigura at vase sa paligid. May elevator pa, pero sabi ni Auntie, hindi namin iyon p'wedeng gamitin unless kailangan na kailangan.
Sa bahay na ito, wala man lang akong makitang mga litrato nila — walang family picture. Puro painting lang ang nasa pader. Saglit akong napatigil nang dumako ang aking mga mata sa pintuan kung saan naroon ang aking gwapong boss... syempre bawal pumasok sa kwarto niya, pero si Auntie? Karir! Siya na talaga.
Kumatok na muna ako sa pintuan bago ko pinihit ang doorknob, marahan akong pumasok sa mala pang fairytale na kwarto ng aking alagang laging may sumpong. Para talaga siyang prinsesa na may konting sungay.
"Baby," malambing kong tawag. "Milley baby..."
Mahina itong umungol. Kahit nakapikit ay kitang-kita ko ang pagbusangot niya. Hindi ko alam pero napangiti ako — ang cute niya. Yung medyo kulot niyang buhok kahit magulo ay ang ganda pa ring tingnan.
"Baby, wake up na... breakfast time."
Muli itong umungol, mukhang gusto pang matulog.
"Sige ka kapag hindi ka nagising kakainin ko yung breakfast mo," biro ko, muli naman akong napangiti nang agad itong nagmulat ng mga mata.
Nakasimangot pa rin siya. "I really hate you," pagkakwa'y saad niya.
Nanatili akong nakangiti. "Bangon ka na. Niluto ni Auntie yung paborito mong breakfast."
Kinuha ko ang suklay sa drawer ng kaniyang side table maging ang ipit nito. Habang humihikab siya ay inaayos ko naman ang buhok niya. Paalala sa akin ni Auntie na dapat lagi siyang maayos kapag haharap sa kaniyang ama — masyado kasing malinis at perfectionist ang amo ko, mas maganda na rin ang sigurado.
"Wow! Ang pretty naman ng baby na 'yan," saad ko nang maayos ko na ang kaniyang buhok. Inayos ko ang bangs niya.
"I know that already."
Tinabig niya ang aking kamay. Umalis siya sa kaniyang kama at tinungo ang mini vanity table niya upang makita ang kaniyang mukha. Bago kami lumabas ng kaniyang kwarto, naghilamos siya ng mukha at nag toothbrush, nakaalalay lang ako sa kaniya... at naghihintay sa kung ano ang iuutos niya.
Maldita siya. Laging nakataas ang kaniyang kilay sa tuwing kausap niya ako. Feeling ko nga iniinsulto na niya ako ng bongga. Paglabas namin ng kwarto niya, tinungo agad namin ang kusina.
Isang malamig lang na tingin ang natanggap ko sa amo kong nakaupo na sa mesa bago niya itinuon ang atensyon sa kaniyang anak.
"Good morning po, Daddy," magalang na bati ni Milley, humalik pa ito sa pisngi ng ama na hindi man lang inimikan ang kaniyang anak.
Ibang klase talaga ang pamilyang ito. Parang bawal sa kanila ang magpakita ng pagmamahal sa isa't isa. Tahimik na umupo si Milley.
"Where's Jarred?" Kapag nagsasalita talaga siya, hindi ko maiwasang mangilabot. Ang lalim, at lamig kasi ng kaniyang tinig.
Bahagya niyang tiningnan ang kaniyang relo bago niya inilipat sa kasamahan ko ang kaniyang tingin.
"S-Sir, pinuntahan ko na po siya kanina..."
"Get him," malamig na putol kay Manang Lorna.
Aligaga naman siyang sumunod sa utos na akala mo mawawalan siya ng trabaho.Tahimik pa rin sa dining area — hindi ko mapigilang mapatingin kay Milley na akala mo isang kasalanan kung maglilikot ito. Ganito ba talaga sila rito? Grabe naman ang pagpapalaki ng boss ko sa mga anak niya. Akala mo naman hindi niya naranasang maging bata.
"Betty," mahinang tawag sa akin ni Auntie. Bumaling ito sa aking tenga. "Ang sama mo makatingin kay Zach. Baka makita ka niya," bulong niya, sakto lang para sa aming dalawa.
Inayos kong muli ang aking sarili.
"Hainan mo na si Betty ng pagkain niya."
Tinapik niya ng mahina ang aking balikat bago niya ako muling sinenyasan. Lumapit naman ako kay Betty, at sakto ang pagdating ni Jarred, ang panganay na anak niya.
"Seat down and eat," malamig na utos ng aking boss na mukhang pinaglihi sa sama ng loob.
Tahimik namang sumunod ang bata, pero kita sa mukha niya na hindi siya natutuwa. Maging ako man talaga eh. Magagawa kaya nilang kumain nang maayos sa ganitong kalamig na sitwasyon? Baka kabagin lang ako.
Nang matapos silang kumain, inihanda ko na ang mga gagamitin ni Milley para sa kaniyang klase sa study room niya. Home-school pa siya sa ngayon, pero si Jarred ay hindi. Paalala rin sa akin ni Auntie, na hindi p'wedeng nagpapagod si Milley dahil mahina ang puso nito — may asthma rin siya kaya bawal ang mga mabalahibo, may malaki silang aso kaya lang hindi ito p'wedeng mapuntar rito sa main house — hawak lang ito ng security na nagbabantay sa gate.
"Betty, pumunta ka na muna sa opisina ni Zach, may sasabihin daw siya sa'yo."
Ewan ko, pero bigla akong kinabahan sa sinabi ni Auntie. Napalunok pa ako.
"Ano raw po ang sasabihin niya?" tanong ko, kabado.
"Kumalma ka, baka i-inform ka lang niya tungkol sa trabaho mo. Sige na, sa second floor sa tabi ng room niya ang opisina niya."
Bago pa man ako nakapagsalita ay nilayasan na ako ni Auntie. Napa sign of the cross na lang ako dahil sa takot. Kasi naman, isang araw palang ako rito pero ramdam na ramdam ko na agad na instead langit ang feels, mukahng impyerno pa. Gusto ko na lang umuwi at magbantay sa tindahan.
Nang marating ko ang pintuan ng kaniyang opisina — muli akong huminga ng malalim, saglit na ipinikit ang aking mga mata, at lumunok. Okay, Betty — huwag kang OA! Kaya mo 'yan.
Ngumiti ako — yung bongga at ipinagsawalang bahala ang aking kaba at what ifs. Bahala na si Lord.
Tatlong beses akong kumatok.
"Sir, si Betty po ito," magalang na saad ko. Jusmiyo naman, hindi man lang kasi umimik.
Narinig ko ang pagclick ng pintuan. "Come in."
Shootangina! Boses palang parang 'You're fired na agad ang kasunod.
"Good morning, Sir," nakangiti kong bati nang makapasok ako sa loob.
Saglit lang siyang tumingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung uupo ako o hindi. Tumayo na lang ako sa harapan niya, inaabangan ang susunod na sasabihin niya. Napalunok ako nang may kinuha siyang papel. Mukhang yung resume ko ang hawak niya. Hindi man ako nakapagtapos ng kolehiyo pero lumalaban naman ang grades ko.
"Eva recommended you to work here." Bahagya siyang huminto. "Six months, you know that right?"
"Yes, Sir. Kaya papatunayan ko po sa inyo na kaya ko ang trabaho ko," masiglang saad ko with aja hand gesture pa.
Tumitig siya sa akin, para bang natatangahan siya sa ginawa ko kaya muli akong umayos ng upo.
"Here's what you should know about your work and Milley... siguraduhin mong alam mo ang lahat ng mga nakasulat dito."
Parang isang pagbabanta ang sinabi niya sa akin.
"You can go now."
Sa halip na umalis, nanatili akong nakatayo dahilan para muli niya akong binalingan ng tingin.
"What?"
"Sir, may off po ba ako?" tanong ko. Ewan ko ba kung bakit iyan ang natanong ko, kung makatingin kasi siya sa akin akala mo naman hinahalungkat na niya ang buong pagkatao ko.
"Only Sunday."
Mas lalo akong napangiti. "Thank you, Sir. Have a good day."
Napailing na lang ito saka muling ibinalik ang atensyon sa kaniyang ginagawa. Lumabas ako ng kaniyang opisina — tipong medyo sumakses.
"O bakit nakangiti ka?" tanong ni April, mas matanda lang siya ng dalawang taon sa akin, galing din siya ng probinsiya.
"Wala lang, natanong ko kasi kung may off ako hehe."
"Aba! Apaka lakas ng loob mo," aniya saka ito mahinang natawa.
Sabay kaming bumaba, pero naghiwalay kami dahil siya papunta sa kusina, ako ay pinuntahan si Milley na kasama ngayon ni Auntie sa balkonahe.
"Baby, tara na," nakangiting saad ko.
"See? I told you, Nana. She's annoying," pagmamaktol niya, parang may nagawa akong masama.
Nakangiti akong tumingin kay Auntie, napailing lang siya.
"Sige na, sumama ka na sa kaniya. Betty is nice. Magugustuhan mo rin siya," pagkakwa'y saad ni Auntie.
Ngumuso si Milley. "Not a chance," saka niya saka ito umismid.
Aba! Mukhang manghahamon na naman siya.
"And don't call me baby. I'm not a baby," muling saad niya.
"Anong gusto mong tawag ko sa'yo?"
"I have a name, call me that, Bettyboop."
Nakagat ko ang aking dila sa sobrang inis. Pinilit ko pa ring ngumiti kahit na minamalditahan niya ako.
"Okay, Milleyser."
"What? Did you just call me a loser?" singhal niya sa akin.
Ngumiti lang ako at hindi sinagot ang tanong niya. Pumapatol ako ng bata — hindi ako nagpapaapi basta-basta. Tsked.
---