BETTY
Parehong masama ang tingin namin ni Milley sa isa't isa. Akala kasi ata niya magpapaapi ako sa kaniya. Aba! Apihin na lang niya talaga ang lahat huwag lang ako. Buti na lang, sinabihan ulit ako ni Auntie na huwag ko siyang ibi-baby dahil magmamaldita raw talaga siya. I'm giving what she's giving me — oh english.
"What?" singhal niya, naka cross arms siya at nakataas na naman ang kilay. "Stop staring at me, you're ugly. Huff!"
At heto na naman siya. Katatapos lang ng klase niya at kasalukuyan niyang ginagawa ang mga book activities niya — nandito pa rin kaming pareho sa study room dahil hindi pala siya p'wedeng lumabas unless matapos niya ang mga activities niya.
Kinder palang siya, pero grabe ba yung mga works sheets niya — advance kung advance.
"Can't you just leave? I don't even need you, why did they even hire you? Tsked."
Hindi na lang ako umimik, maliban sa mahirap mag english, hindi rin naman siya makikinig sa akin. Ilang araw palang ako rito, araw-araw na talaga niya akong sinusubok, para bang gumagawa talaga siya ng paraan para sumuko at umalis na lang ako.
"So annoying," pagkakwa'y saad niya saka muling itinuloy ang kaniyang ginagawa.
Hindi na nga naimik ang tao tinawag pa akong annoying, grabe talaga siya. Sa halip na patulan siya nag-ikot na lang ako sa loob, wala talaga akong makitang family picture nila. Hindi pa namab kami nagkakaroon ng masinsinang pag-uusap ni Auntie dahil nga masyado siyang abala.
"Don't touch anything, Bettypoop!" singhal niya sa akin nang akma kong hahawakan ang picture niya — titingnan lang naman eh.
Actually may mga picture silang magkapatid dito sa loob, may mga arts sila. May talent sila actually, wala nga lang silang talent sa attitude — mukhang nagmana sila sa ama nila na gwapo sana kaya lang masama rin ang ugali.
Muli na lang akong bumalik sa puwesto ko — umupo ulit ako sa tapat niya.
"What again?"
"Bakit ganiyan ka makipag-usap sa mas nakakatanda sa iyo?"
"So?"
Hindi ko naiwasang matawa. "Kasi alam mo, ang mga bata dapat marunong rumespeto sa iba lalo na sa mas nakakatanda. Oo, ayaw mo sa akin, kaya lang nandito ako para kumita ng pera. Kung mayaman lang din kami siguro, wala ako rito," kalmadong saad ko kahit na kumukulo na ang dugo ko dahil sa iritable.
Umismid siya. "It's not my fault if you were born poor."
Tama naman siya. "Pero hindi naman kasalanan maging mahirap, Baby. Masaya naman kami na sama-sama."
Muli niya akong hinarap, nakataas ang kilay niya na para banga ang laki na naman ng kasalanan ko sa kaniya.
"If you're happy with your family, then why are you here? Why you choose to go far away from them if being poor is okay?"
Grabe naman ang batang ito, laging may sumbat sa sinasabi ko. Talaga bang limang taong gulang palang siya? Hindi halata sa pag-uusap naming dalawa ah. Ang matured niya kasi, tipong kayang-kaya niyang makipagsabayan sa akin.
"Alam mo masyado ka pang bata upang malaman ang takbo ng buhay," saad ko. Pero nakatanggap lang ulit ako ng irap sa kaniya.
Huwag na nga lang siyang kausapin at patulan, kumukulot lang ang bangs ko sa kaniya eh. Hindi nagtagal ay lumabas na rin kami sa study room, dumiretso siya sa sala upang manood. May screen time rin sila — tipong hindi sila p'wedeng magbabad sa TV. Masyado talagang bantay sarado ang bawat galaw nila.
Nagtungo naman ako sa kusina upang kumuha ng pagkain niya.
"Ito yung miryenda ni Milley, Betty," ani Risse na mukhang alam na agad ang ipinunta ko sa kusina.
"Salamat," saad ko saka na ako bumalik sa sala.
Marami pa talaga akong dapat matutunan dito. Kapag pinapanood ko nga lang ang bawat trabaho nila — talagang alam na alam nila ang kanilang ginagawa. Ang pinaka trabaho ko lang talaga rito ay alagaan si Milley... medyo magaan kung titingnan pero nakakapagod talaga siyang alagaan.
"I don't like that," saad niya nang ilapag ko ang pagkain sa mesa.
Hindi ko naiwasang bumusangot.
"Masama magsayang ng pagkain, kung alam mo lang, maraming batang hindi nakakakain, masuwerte ka nga at lahat p'wede mong kainin..."
"Again, not my fault if I was born rich," putol niya sa sasabihin ko. Apaka maldita talaga! Nakakagigil! Lord! Bigyan mo ako ng sapat na pasensiya. "And for your information, not everything I can eat — I am allergy to peanut." Umikot na naman ang mata niya.
Huminga ako ng malalim. Magsasalita sana ako nang maunahan ako ni Milley.
"Daddy, you're early today." Tumayo siya at agad lumapit sa ama upang humalik at yumakap.
Humarap ako sa kaniya, ngumiti at bumati. "Hello po, Sir," magalang na saad ko. "Gusto niyo rin bang mag miryenda? Ipaghahanda ko po kayo, sabay na rin po kayo ni Milley."
Ibang klase talaga ang expression niya sa mukha — para bang bawal siyang magpakita ng kahit na anong emosyon. Straight face. Nakakatakot. May ari siya ng isang korporasyon — marami siyang business, kaya sa tuwing nakikita ko siya nakatuon lang ito sa iPad o laptop niya, o di kaya naman may kausap siya sa selpon.
"Oh, Zachary, ang aga mo naman ata ngayon," ani Auntie.
Iba talaga ang closeness ni Auntie sa boss namin. Well, kuwento nga ni Auntie na halos siya na rin ang nagpalaki kay Sir dahil siya ang nag-alaga rito.
"Pakihanda na lang ang miryenda ko, Manang, sasabayan ko si Milley."
Binalingan niya saglit ng tingin ang anak bago niya ako tiningnan.
"Tapos na ba ang worksheets niya?" pagkakwa'y tanong niya sa akin. Grabe ang tono niya — ang lamig.
"Y-Yes Sir, halos katatapos lang."
Tinanguhan niya lang ako bago siya umupo sa sofa. Si Milley naman ay umupo na rin at ipinagpatuloy ang panonood. Ewan ko, pero biglang nagunaw ang sistema ko, tipong pata akong natakot dahil sa presensiya ng amo ko.
"Why aren't you eating?" tanong niya sa kaniyang anak.
"A-Ah, ayaw po niya Sir. Maghahanda na lang po ako ng iba..."
"Eat," malamig na utos niya, matamang nakatingin sa anak na mukhang walang ibang choice ngayon kung hindi kainin ang miryenda niya. "Don't waste food."
"Okay, Daddy."
Tumingin siya sa akin, may pagbabanta. Bakit parang kasalanan ko na naman? Ayaw naman talaga niya. Tsked. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang miryenda ng boss namin, iniwan ko na muna silang dalawa sa sala para naman magkaroon sila ng oras sa isa't isa.
"O bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni Auntie sa akin, naglapag siya ng pagkain sa counter top. "Kumain ka na muna."
"Yung alaga ko kasi, Auntie, ang laki talaga ng galit sa akin," pagmamaktol ko.
Tinawanan naman nila ako.
"Sanayin mo na lang ang sarili mo, Betty. Papasaan pa at mapapaamo mo rin siya. Not now. Not soon. Pero darating 'yan," ani Risse na hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maiinis.
Napabusangot ako.
"Ganiyan lang talaga si Milley pero mabait na bata iyon, Betty," saad ni Auntie. "Sa ngayon, huwag mo lang masyadong dibdibin ang mga pinapakita niya sa'yo."
Huminga ako ng malalim.
"Ilang araw ka palang dito, pero mukhang pasuko ka na ah," ani Manang Lorna.
"Naku, wala po sa bokabularyo ko ang pagsuko, Manang. Kakayanin ko ito, nandito na ako eh."
"Aba dapat lang," ani Risse na inakbayan pa ako. "Ikain mo na lang iyan," dagdag niya saka pa niya ako sinubuan.
Buti na lang din talaga at maayos ang pakikitungo sa akin ng mga tao rito, dahil kung hindi? Baka umuwi na lang talaga ako.
Nag stay ako muna kami sa kusina, kumain at nagdaldalan. Maya-maya ay pinuntahan ko ang mag-ama sa sala. Nakasimangot si Milley dahil napakatay na ang TV, at mukhang gustong-gusto na niyang umalis.
"Betty, what took you so long?" pagkakwa'y tanong niya, at mukhang ako talaga ang hinihintay niya.
Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Let's go."
Nagtaas ng bahagya ang aking kilay. Pinandilatan niya ako ng mata na para bang sinasabi niya sa akin na sumunod na lang ako.
"Daddy, I'll just stay at the gazebo, Betty told me she'll help me paint, right?"
Muli niya akong binalingan ng tingin.
"Ah, yes, Sir. Mag paint po kami."
At nakapagsinungaling pa ako ng wala sa oras dahil sa batang ito. Apakalupit talaga eh. Dahil lang sa magustuhan niyang umalis sa tabi ng ama magsisinungaling pa.
Pareho kaming naglakad patungo sa study room para kumuha ng gagamitin niya raw sa painting.
"Bakit ka nagsinungaling?" tanong ko sa kaniya.
Sumimangot siya. "You don't care."
Ah gano'n pala ah. "Okay, sasabihin ko na lang sa Daddy mo ang totoo..."
"No, you can't. He'll get mad at me more. Daddy hate lying," putol niya sa sasabihin ko.
"So bakit ka nagsinungaling kung ayaw mong magalit ang Daddy mo sa'yo?"
Humarap siya sa akin, nakapamewang pa.
"I'm not really used to spend time with Daddy, he's always busy with his works. And if he's at home, he can see everything even the smallest mistake," paliwanag niya sa akin.
Hindi ba siya p'wedeng magtagalog na lang? Sa sobrang bilis niyang mag english, hindi ko pa masabayan eh.
"Just get the things we needed," saad niya. Nagmaldita na naman ang spoiled brat.
"May tanong ako, Baby."
Nagtaas ang kaniyang kilay. "What?"
"Bakit ayaw mo sa Daddy mo? Hindi mo ba alam na ginagawa niya lang ang lahat para maibigay niya sa inyong magkapatid ang lahat ng gusto niyo?"
Ewan ko ba kung bakit ko siya kinakausap ng ganito, eh ang bata pa niya para sa ganitong sitwasyon at pag-uusap.
"I don't hate, Daddy... I just hate the way he treats us."
Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya.
"Sometimes he is not acting like our father, as if I don't know him at all."
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko akalain na maririnig ko ito mula sa kaniya.
"I don't want to talk more, I don't even like you.."
Napa-make face ako. Nauna siyang lumabas, sumunod na lang din ako dala ang mga kakailanganin namin. Pero hindi ko maiwasang mag-isip dahil sa mga sinabi niya. Bilang isang bata hindi ko akalain na ganito na siya mag-isip... malalim.
---