Kabanata 3: Soft Thanks

1439 Words
BETTY Habang tumatagal ako rito sa bahay na ito, lagi na sinusubok ang pasensiya ko. Wala pa ring pinagbago sa pakikitungo sa akin si Milley. Yung amo ko naman, madalang ko lang nakikita — hindi ko tuloy masilayan ang gwapo niyang mukha. Charing! "Is Daddy not going home again, Nay?" tanong ni Milley kay Auntie nang maglapag ito ng pagkain sa mesa. Panay ang tinin ni Milley sa orasan na nasa pader, mukhang alam niya ang oras ng pagdating ng ama. Masyadong abala kasi si Sir sa kaniyang trabaho, kulang na nga lang talaga ay matulog siya sa kompaniya niya. Kaya rin siguro ganito na lang kung umakto silang magkapatid dahil kulang sila sa atensyon. Yung tungkol naman sa ina nila, ang sabi ni Auntie — hiwalay daw sila... hindi ito nakilala ni Milley dahil pinagbawal ni Sir na pag-usapan ang tungkol sa kaniya. Hindi naman na ako nagtanong pa dahil alam ko naman na hindi rin sasabihin ni Auntie ang buong detalye. "Wala siyang sinabi, Milley eh. Baka late lang ngayon." Sumimangot si Milley, nagsalita naman si Jarred. "He's not here, but still monitoring us. Kumain na lang tayo, Milley," aniya sa iritableng tinig. Tama naman si Jarred, ibang klase kung mag monitor sa kanila si Sir, bawat sulok ng bahay nga ay may CCTV. Tipong hindi ka talaga p'wedeng gumawa ng kahit na konting pagkakamali. "But Kuya, Daddy's rule..." "Just eat." Walang nagawa si Milley kung hindi ang bumusangot na lang. Nag-umpisa silang kumain, walang nagsasalita. Hindi ko alam kung maaawa ako sa magkapatid na ito eh — oo, nakukuha nila ang gusto nila, mayaman, pero hindi ko masasabing maganda talaga ang buhay nila. "Ganito talaga sila 'no?" mahinang tanong ko sa katabi kong si April. Sa hapagkainan kasi, ang gusto ni Sir — tahimik lang na kumain. Boring kaya 'yon, kami nga sa bahay — sa hapagkainan lang kami nagkakaroon ng oras para makapag-usap, tapos sa kanila bawal. "Ikaw ba naman magkaroon ng ama na parang bato," pabirong saad niya kaya naman bahagya siyang siniko ni Auntie. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Manang," nakasimangot na saad niya, napailing na lang siya. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa magkapatid na tahimik pa rin. Nang mapatingin sa akin si Milley ay agad nagtaas ang kilay niya na para bang may nagawa na naman akong mali. Inaano ko ba siya? "Betty, pour me some water," walanghiyang utos niya, sumunod naman ako. Nang masalinan ko ng tubig ang baso niya, wala man lang salamat. Wala talagang manners ang isang ito. "Finish your food, Milley," ani Jarred na para bang alam niyang hindi na kakain pa ang kaniyang kapatid. "But I'm already full, Kuya. I can't eat any longer." Matamang tumingin sa kaniya si Jarred, pagkakwa'y muling umayos ng pagkakaupo si Milley na para bang kailangan niyang sundin ang utos ng kaniyang kuya. Maya-maya, nag-umpisa ulit kumain si Milley. Grave talagang pamilya ito, hindi ko kinakaya. Kung sa bahay lang ito? Baka kanina pa kami nagsasagutan ng mga kapatid ko. Hindi nagtagal, natapos silang kumain, syempre inasikaso ko naman agad si Milley, nakasunod lang ako sa kaniya pinagmamasdan ang bawat galaw niya. "Stop watching me, it's so annoying," pagkakwa'y saad niya nang makaupo ito sa sofa ng kaniyang kwarto. Naka cross arms ito, at nakabusangot. "I'm so busog, next time konti lang ang i-put mo sa plate ko." Patuloy pa rin ang pagmamaktol niya. Umupo ako sa tapat niya. "Gusto lang ng Kuya mo na maging healthy ka at makakain ka nang maayos," saad ko. Nagtaas ang kilay pa nito lalo. "I'm healthy though. Alis ka na nga, nakakairita ang mukha mo." Umirap ito. Dinampot ang iPad niya na nasa mesa. "Pagkatapos mong mag iPad, matulog ka na. Labas lang ako para kumain din," saad ko. Wala naman akong narinig mula sa kaniya. Hindi na rin naman ako umasa na magsasalita siya. Ayaw talaga niya sa akin. Nang makarating ako sa maids quarter, handa na ang aming pagkain. "Nakabusangot ka na naman," puna ni April sa akin. "Syempre, walang bago. Pinagtabuyan na naman niya ako. Nakakairita ba talaga ang mukha ko?" Natawa sila kaya napairap na lang ako. "Tandaan — ang pasensiya habaan pa." "Karamihan sa mga yaya na nag-alaga sa kaniya? Hindi natapos ang six months." "Patunayan mong tatagal ka" Mas lalong naging malutong ang kanilang tawa. Mag-iisang buwan palang ako rito, pero parang pasuko na ang pasensiya ko. Ikaw ba naman kasi ang araw-araw na insultuhin at iparamdam na ayaw sa iyo. "Tatagal 'yan si Betty, bata palang iyan kilala ko na siya — hindi siya ang tipo ng tao na susuko agad," ani Auntie na para bang kilalang-kilala niya ako. Habang kumakain kami ay nag ku-kuwentuhan kami. Ang dami naming naging topic, madalas ay tungkol sa mag-aama. "Si Sir Zach? Naku, noong unang araw ko rito, takot na takot ako sa kaniya, tipong ayokong makasalubong siya," ani Risse bago pa man makasubo. "Ako rin, tipong mas gusto mo na lang umalis sa bahay na ito," gatong naman ni Manang Lorna "Pero sabi ni Manang Eva, mabait naman si Sir, sadyang nakakatakot lang talaga ang presensiya niya," iiling-iling na saad ni April. "Ikaw ba, Betty — no'ng una mong nakita si Sir, ano una mong naisip. Maliban sa pogi at hot ah, kas you know... real nama 'yon." Humagikgik na saad ni Risse na para bang kinikiliti. Napaisip ako biga. "Ewan ko, basta no'ng nakita ko siya, parang gusto ko na lang ding umuwi dahil sa takot," natatawang saad ko. "Pero no'ng makausap ko siya, nawala yung takot, napalitan na lang ng kilig. Char." Napuno ng tawanan ang aming hapagkainan. "Pero grabe kasi talaga ang awra ni Sir, tipong hindi mo siya dapat banggain," dagdag ko. "Mabait si Zach, sadyang hindi lang siya marunong mag express ng emosyon niya." Si Auntie, para siyang spokesperson ni Sir Zach, laging pinagtatanggol. Well, kilalang-kilala naman kasi talaga niya si Sir kaya gano'n na lang din ang pagmamahal niya rito. Alaga ba naman. "Kapag makilala niyo siya, mawawala ang takot niyo sa kaniya." Matamis ang pagkakangiti ni Auntie. "Manang, hindi mo ba talaga ichichika sa amin ang tungkol sa ina ng mga bata? Sobrang curious na ako," ani April. Lahat naman ata kami curious sa kuwento. Kung may nakakaalam kasi ng buong kuwento ng pamilyang ito, si Auntie iyon. "Nasabi ko naman sa inyo." "Hindi naman yung buong detalye," nakasimangot na saad ni Risse. Tumawa si Auntie. "Wala ako sa posisyon para ikuwento ang buong pangyayari. At saka pribadong kuwento nila iyon." "Kahit konti lang, Manang." Huminga ng malalim si Auntie. Nakatingin lang ako sa kaniya. Hinihintay kung magkukuwento ba si Auntie o hindi. "Hindi nag work ang relasyon nila, sinubukan naman nila kaya lang hindi tagala kinaya. Gano'n siguro talaga kapag ganda ng opportunity para sa career. Hindi ko rin naman masisisi ang ina ng mga bata." Ewan ko, pero biglang sumikip ang aking dibdib. Career over family. "Gano'n ba kahalaga ang career para mas piliin niyang iwan ang pamilya niya?" Hindi ko na napigilan pa ang magtanong. "Siguro, kasi kung pamilya niya ang mahalaga, nandito sana siya," ani April na salubong pa ang kilay. "Wala tayo sa posisyon para i-judge siya sa naging desisyon niya." Napaka neutral talaga ni Auntie, pero siguro dahil alam niya ang buong kuwento, kaya ganito na lang siya kung magsalita. Pero... tama ba talaga iyon? Career? Hindi ba p'wedeng pagsabayin niya? Kaya naman siguro iyon. Walang binanggit sa amin si Auntie kung ano ang pangalan ng babae. Pagkatapos naming kumain, umakyat ulit ako sa kwarto ni Milley upang tingnan siya. "Time to sleep, Baby," saad ko nang makapasok ako sa kaniyang kwarto. Nasa sofa pa rin siya, hawak pa rin ang kaniyang iPad. "Hindi pa ako inaantok. And FYI, I don't have class tomorrow." Lagi na lang may sagot ang batang ito. Hindi ko naiwasang mapatitig sa kaniya — biglang nanlambot ang puso ko. Hindi man lang niya nakilala ang ina niya dahil mas pinili niya ang career kesa ang maging nanay para sa mga anak niya. "Sabi ng Daddy mo..." "Ugh... daddy again," putol niya sa sasabihin ko. Marahas siyang tumayo at inilapag ang iPad sa mesa. "Okay, thirty minutes maglaro ka na muna," saad ko. Napahinto siya. Nakataas pa rin ang kilay niya habang nakatingin siya sa akin. "Seryoso ako," muling saad ko. Umirap siya, pero hindi ko naiwasang mapangiti dahil kinuha niyang muli ang iPad niya. Kapag nalaman ito ni Sir? Malilintikan talaga ako, pero bahala na lang. "U-Uhm... thanks." Mas lalo akong napangiti dahil sa sinabi niya, mahina lang ito pero parang sobrang lakas nito sa aking pandinig. Hindi ko akalain na maririnig ko iyon mula sa kaniya. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD