____________________________ Chapter 9: The Other World "HULIHIN ang mahal na Prinsipe!" Sigaw ng isang Punong Kawal sa malawak na pamilihan, Hinahabol ng mga ito si Prinsipe Ian sapagkat ito ay tumakas na naman mula sa loob ng palasyo. Mabilis na tumatakbo ito palabas ng tarangkahan ng Pamilihan, tinatakbuhan nya ang mahigit sampung kawal ng kanilang kaharian. Patungo sya sa ilog sappira,kung saan madalas syang maglagi tuwing tumatakas sa palasyo. Pagkalabas ng tarangkahan ay agad syang humarap sa mga kawal na humahabol sa kaniya. Itinaas nya ang dalawang kamay, at sa pagtaas ng kanyang kamay ay agad humarang sa daraanan ng mga kawal ang Dalawang malaking bato. "Yes! I'm free now!" Tinahak nya ang daan papuntang ilog dito sa kanilang kaharian, Ang ilog Sappira. Ang ilog na it