Chapter 8

1320 Words
Chapter 8 : Accident Winter's POV I was so scared that something bad will happen to my uncle. He's the only one family i have. I can't take it anymore  kung mawawala pa sya. Sya nalang ang may kayang humandle sa ugali ko. Cause I don't think someone can handle me and my shits. Nandito kami ni uncle sa underground ng bahay namin. Training room namin ito. Napakalawak nito, kung gano kalaki ang mansyon ganon den rito sa baba. Meron ding mga tools and equipment rito. Nandito rin ang Laboratory ko. Invention rooms and my other stuff. Nandito ren ang mga kotse kong limited edition. Lumingon ako sa bahaging kaliwa at doon nakita kong Hanay-hanay  na mga collection ko na sports car at motor. Hindi ako spoiled sa mga make up or other girly stuff mas trip koto kesa sa mga ganyan. "Ayos naba ang pakiramdam mo?" Narinig kong tanong ni uncle kaya naman napalingon ako sa gawi nito. Hawak nya si spade at clifford. Ang paborito kong katana, dalawa ito. Tinatawag ko itong twin katana dahil sa magkaparehong magkapareho ito. Regalo nya sa akin noong labing limang taon pa lamang ako. Tumango nalang ako sa kanya at lumapit. "Tara magpapawis tayo my niece, namiss ko makipag bonding sayo e" Hindi ko sya sinagot at agad kung kinuha si spade sa kanya, pano ko nalaman na si spade yon? May kulay asul na dyamante sya sa hawakan. Samantalang green naman ang kay clifford. Agad ko itong iwinasiwas sa kanya. Agad syang napa atras sa naging galaw ko. Sinabayan nya ang bilis ng pagwasiwas ng katana ko sa kanya. I was trained by him personally, kaya alam nya ang bawat galaw ko. Ngunit hindi sa pag kakataong ito. Ng makakita ako ng butas ay agad akong nagpakawala ng sipa sa kanyang sikmura at mabilis syang tinutukan ng katana sa leeg, ngunit iniharang nya ang hawak na katana at   agad akong tinalisod sa kaliwang paa. Kaya naman agad kong binalance ang aking sarili upang hindi matumba. Agad akong yumuko ng makita kong ihahampas nya sa ulo ko ang katana na para bang pupugutan ako ng ulo. s**t muntik na! Kung di pako yumuko baka pugot na ang ulo ko. Naging mas agresibo pa ang palitan namin ng pag iwas at pagwasiwas ng katana sa isa't isa. Tila walang balak sumuko at mag patalo samin. Sa pag ilag ko nahagip ang buhok ko! Walastik! Wag ang buhok ko! Tumigil ako at agad kong tinignan ang aking buhok. Napamura nalang ng makita kong hindi na pantay ang mahaba kong buhok. "Uncle naman ih! Bakit mo pinutol? Alam mo naman kung gano ako kaingat at kaalaga sa buhok!" Asik ko rito. "See? You're back being you again. Feisty and brave. And matabil ang dila." Napatahimik naman ako sa naging turan nya. Oo nga, kanina kase takot na takot ako. Ewan koba. Naguguluhan na kase ako e, feeling ko kase hindi ako normal. Feeling ko ah basta! "Uncle alien ba tayo?" Naitanong kona lang bigla. Napahalakhak naman sya sa naging tanong ko sa kanya. Walastik tinawanan lang ako! "Ano bang pumasok sa isip mo at naitanong mo yan?" "Ihhhh! Uncle kase! Seryoso ako! Kanina kase sa school, tumambay ako sa garden tapos nag gigitara ako ng nakapikit. Kumanta ako ng "million dreams"  para marelax nakakasora kase yung teacher namin bwisit! Tapos didilat na sana ako ng may mga imahe akong nakita tapos nakita kitang nakasakay sa kotse mo, mabubunggo ka ng truck, ma aaksidente ka. Ang weird nga e kase sobrang takot na takot ako, tapos nung nakits ko gamit mong kotse kanina sa harap ng Mansion mas nadagdagan takot ko kase kaparehong kapareho nung nakita ko sa isip ko, di kaya may powers ako uncle? I mean alam kong hindi totoo yon, pero kase uncle e naguguluhan ako bat nakita koyon?" Mahaba kong lintaya sa kanya. Biglang nagbago ang atmosphere dito sa training room na para bang may nasabi akong hindi maganda. Ang tahimik nya kase tapos nakatitig lang sya sakin. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya magawa. "Malalaman mo din sa tamang panahon" tanging sabi nya at tumalikod na sakin.weird. Nagtanong lang ako e. Nagkaganon na sya? Di kaya may powers talaga ako?. Ano bang pinagsasabi mo winter? Hindi totoo yon ano ka alien?. Napangiwi naman ako sa aking naiisip. "Uncle,Hindi pa tayo tapos mag laban!" "Ikaw na muna mag training mag isa, may aasikasuhin pakong business sa opisina" Sigaw nito at tuluyan ng lumabas ng training room. Naiwan akong mag isa rito. Kinuha ko ang pana at palaso at agad pumuwesto sa gitna, Inayos ko ang pagkalahawak ko rito at nagpokus sa pagtira, bakit ganon? Ang layo ng distansya ko sa target board pero ang sobrang linaw paden ng aking paningin? Bakit parang malapitan lang?. Hindi kona ito pinansin at agad na nag ensayo. Pinagaralan ko den and paghawak ng baril. Kung tinuruan ako sa pakikipaglaban tinuruan din ako ni uncle pano humawak ng iba't ibang sandata panlaban. Mula sa ibang ibang sword, palaso, dagger,  baril shuriken at iba pa. Lahat iyon ay namaster kona. Nung una ayos lang sakin na pag aralan ko lahat kase benefits sakin yon, pero habang tumatagal at palaki nako ng palaki ay unti unti nagiging malinaw sakin ang lahat. Hinahanda nya ako sa maaring mangyari, if my theory is correct then it must be important to the point na tinuruan nya ako sa lahat. Something is wrong. And i will do anything to find that out. Lumabas ako ng training room at pumunta sa aking silid. Nagpalit ako ng damit at lumabas na ng mansyon. Gagala na muna ako. Sumakay ako sa limited edition kong sasakyan na bugatti veyron. Habang nag da drive ay nagpatugtog ako ng kanta. Sa kakakalikot ko ay hindi ko napansin ang 16 wheeler truck na paparating. Tangina nasa Kabilang lane na pala ako. Agad akong lumiko ngunit huli na ng malaman kong lumiko rin ito at nahagip ang aking sinasakyan na kotse.shit! May bangin! Pota! Naramdaman ko na lang na humiwalay ang katawan ko sa loob ng kotse. Bumabagsak ako sa isang bangin ngunit tila wala akong maramdaman na lupa. Naramdaman ko na sa tubig ako bumagsak at nawalan na ng ulirat. Rom's POV Winter is really smart girl. She pointed it out without noticing. Natatakot ako na baka mag iba ang tingin nya sa sarili nya. Sana pag dating ng panahon ay matanggap nya at magampanan nya ang responsibilidad na naka atang sa kanyang mga kamay. Pag alis ko sa training room ay dumiretso ako sa aking opisina. Tuloy tuloy ako at agad na binuksan ang secret room ko. Nandito ako palagi sa tuwing ako ay nahuhulog sa malalim na pag iisip. Arzel Clan is one of the famous and strongest clan in arzelian. Fire is the main Power of our clan but we have more abilities that others can't have. If other clan has one ability but our clan has multiple of it. A pureblood Arzel is powerful. That makes us special from others. Maybe others fear us. And they're threaten na maghari kami sa buong arzelian. Lumabas ako ng secret room at bumalik sa training room. Nakapag isip isip nako. Sasabihin kona kay winter lahat lahat. Pag balik ko sa training room ay wala na sya. Hays nasan na naman ba ang batang iyon? Napadaan ako sa Salas ng marinig ko ang balita sa tv. "Isang dalaga na sakay ng sports car na bugatti veyron ang nahulog sa bangin, napag alaman na pamangkin pala ito ng kilalang business sa larangan ng hotel and restaurant na si Rommiel Arzel sa ngayon ay hinahanap parin ang bangkay ng nasabing dalaga" Tila binuhusan ng malamig na tubig ang aking pagkatao sa narinig na balita. Agad akong tumakbo palabas at nagtungo sa tarangkahan malapit sa lagusan papuntang Arzelian. "Seraphine! Seraphine! Nasan ka? Magpakita ka!! Tulungan mo ako!" Lumabas si seraphine sa punong lagusan. "Ano ang iyong nais mahal na prinsipe?" "Tulungan moko, hanapin naten si winter!" "Hindi mo sya mahahanap sapagkat sya ay nasa arzelian na. Kusang nagbukas ang lagusan sa ilalim ng karagatan at sya ay pinapasok roon" Tuluyan na akong natulos sa pagkakatayo. H-hindi m-maaari! Hindi nya pa alam ang lahat masisira ang aking plano! _______________ So? how's the chapter 8? I would love if you leave comments and vote as well thank you
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD