In a Relationship
"Being in a relationship is that people in a relationship are connected by a mutual commitment to each other. To regularly spend time with someone you have romantic relationship with."
Masaya siyang nagising kinaumagahan. Excited siyang makita ang binata. May usapan kasi silang susunduin siya nito mamaya. Pareho lang naman kasi ang oras ng pasukan nila sa trabaho. Pero maaga palang gising na siya. Nag light breakfast lang siya. Dahil kakain naman silang sabay mamaya for breakfast. Baka magtampo pa ito pag sinabi niyang kumain na siya.
Nakaligo at nakabihis na siya. Hinihintay na lang niya ang tawag ng binata na ngayon ay kasintahan na niya. Hindi parin siya makapaniwala na, boyfriend na niya ang isang mayaman at napaka down to earth na lalaki.
Kahit medyo naninibago parin siya sa estado nila ng binata. Pipilitin ko parin na 'wag mailang dito. Sasanayin na lang niya ang sarili na pakisamahan at maging intimate sa binata. Masasanay din naman siguro ako. Gaya ng nakasanayan ko ng kasama siya palagi.
Nagulat siya sa pagtunog ng cellphone niya. Agad niya itong tinignan nagbabasakaling si Steph ang nagtext. Hindi nga siya nagkamali siya nga ang nag-message. Agad niya itong binasa. May ngiti pa siya sa labi ng binabasa ang message ng binata.
"My love"ang nakalagay na name ng binata sa phone book niya. Kahit noong unang nag-message sa kanya ang binata. Iyon na talaga ang nakalagay doon. Ngayon my love ko na talaga ito. Kinilig pa siya sa kaalamang "my love" din ang tawag ng binata sa kaniya.
Pagkabasa ng message ng kasintahan at nagreply. Agad na siyang lumabas ng apartment niya.
Patungo na siya sa parking lot. Namataan niya ang binata na nakatayo at nakasandig sa bintana ng kotse nito. Kumaway siya ng makitang nakatingin na sa gawi niya ang binata.
Gumanti naman ng kaway ang binata. Nag slow motion pa ang tingin niya sa dalagang masayang naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Ang mga ngiti nito na Isa sa pinaka-paborito niya. Ang buhok niya na nagba-bounce dahil sa bilis at excited niyang makalapit sa kaniya.
Habang pinapanood niya ito. Parang nahihipnotismo siya. Tulala siyang nakatingin lang sa dalaga na walang kakurap-kurap. 'Yong t***k ng puso niya na palakas ng palakas ang kabog. Habang papalapit ang dalaga sa kaniya. 'Yong tipong parang laging nang-aakit ang mga ngiti ng dalaga. Nakapukos lang siya sa bawat galaw nito.
Kinikilig siya. Biglang nag iinit ang katawan niya. Napapamura nalang siya. Ang lakas ng epekto niya sa akin. I'm really in love to this lovely woman. He murmured.
"Hey, you miss me that much, huh!"nakangiting sabi niya sa dalaga at agad na ikinulong sa mga bisig niya.
Gumanti naman ng yakap ang dalaga at agad na ipinulupot sa bewang ng binata ang mga braso niya. Tiningala niya ito habang nakayap parin sa kasintahan. "Yeah, namiss kita. Ikaw, hindi mo ako namiss?"she pouted her lips while she said that.
He chuckled. "Nah, of course, kagabi pa kita namimiss simula noong naihatid kita sa apartment mo." he gently caressing her cheeks. "I'm going to miss you every day, kahit na magkasama tayo palagi. And of course, I Love you everyday too." malambing niyang sabi. Lumawak naman ang pagkakangiti ng dalaga dahil sa ka-sweet-an ng binata.
Akmang hahalikan siya ng binata ng pigilan niya ito. "Huwag kang PDA ang aga-aga my love." matamis niya itong nginitian ng makitang bumusangot ang mukha nito. Napakagwapo parin, kahit hindi maipinta ang mukha nito.
"Bakit? Nahihiya ka ba?"matamang nakatitig sa mukha ng dalaga.
Umiling ito. "Hindi. Bakit naman ako mahihiya. Ang gwapo mo para mahiya akong magPDA sa labas. Is just that, hindi lang ako sanay. Marami din kepo dito akala mo ba."sabay yakap ulit sa binata at isiniksik pa ang mukha sa matitipuno nitong dibdib.
"And where did you learned that word kepo?"curious niyang tanong sa dalaga.
"I learned it, from my co-workers. It's similar to gossip something like that. I am right?" tanong niya na nakangiti dito. "Hindi pa ba tayo sasakay sa kotse mo? Baka machismis tayo ng kay aga-aga dito."natawa pa siya.
"Yeah, it's similar to gossip. Kaypoh is mean "really curious" When someone wants to know about everything. KEPO is an abbreviation stand for "Knowing Every Particular Object." Actually originally from Indonesian slang, derived from Hokkien language. Then become trend singlish "(Singapore- English)" here."paliwanag niya dito.
Pinag-buksan niya ito ng pintuan, inayos niya muna ang seatbelt ng dalaga ng makaupo na ito sa front seat. Ninakawan muna niya ito ng halik sa labi bago umikot at pumasok sa loob ng sasakyan sa driver seat niya. Ngiting ngiti pa ito at sumulyap sa dalaga.
Sumimangot siya sabay kurot sa tagiliran ni Steph. Napaigtad naman ito sa ginawa ng dalaga. Napalingon pa siya sa dalaga habang nangingiti. "Why?"patay malisya niyang tanong.
"Malandi ka!"ngumuso pa siya.
"Binitin mo kasi ako."
"Masyado ka lang PDA kasi."
"Walang masama doon. I'm just proud to have you in my life, that's why. I can't resist to being a PDA in public as long as I'm with you. Kaya you can't stoping me, doing it. Okay! Hmmm." lumapit siya sa dalaga at masuyong hinahaplos ang mukha nito.
Napapikit naman siya sa haplos na iyon ng binata sa kanyang mukha. Napamulat siya ng biglang maramdaman niya na magkasugpo na ang kanilang labi. Napapikit nalang siya ulit ng mas palalimin pa ng binata ang paghalik sa kanya.
Nang matapos niyang halikan ang dalaga. Pinagdikit niya ang mga noo nila. "I Love you, My Love." hinalik halikan muna niya ang dalaga bago niya ito pinakawalan na.
Nahihiya parin siya sa ka-sweet-an ng binata. Ang paghalik halik niya sa akin. Nalulunod ako sa kilig at saya. Nakakainis ang lalaking 'to. Masyado na niya akong inispoiled kiligin. Pero nangingiti naman siya sa mga gestures ng binata. Pakiramdam pa niya subrang pula na naman ang pisngi niya.
"You're blushing, my love."puna ng binata sa kaniya. "I told you, don't be shy. Masasanay ka din sa akin."ngiti niya dito. Sabay hawak sa kamay ng dalaga. Inilapit niya ang kamay nito sa mukha niya at hinalik halikan ng ilang beses bago niya ito binitawan.
Matamis naman napangiti ang dalaga. "Okay."ngiti niya sa kasintahan. "Ahm. Did you eat already, my love?" tanong niya sa binata.
"No. Not yet. Gusto ko sabay tayo magbreakfast. And I already have reservation in the restaurant."
"I already eat."she want to tease him. Nakita niya itong kumunot ang noo nito at sumimangot. Napakagat siya ng labi. Bigla siyang naguilty, dahil nasira yata niya ang mood nito.
"I told you yesterday, sabay tayo kumain ng breakfast kasi hindi kita masasamahan kumain ng lunch. Because I have a lunch meeting with my client." Bumuntong hininga ito. "But, it's okay. I-cancel ko nalang 'yong pinareserve ko. Maaga pa naman. May oras pa tayo mamasyal saglit." bumaling siya sa dalaga at nginitian ito. Para ipakitang ok, lang sa kanya kahit hindi sila natuloy mag-agahan together. Pero deep inside malungkot at nanghinayang siya.
"I'm sorry."kagat ang labi niyang sabi. "Galit ka ba?"tanong pa niya at matamang nakatitig sa guwapong mukha ng binata.
Umiling ito. "No. Bakit naman ako magagalit sa iyo. Iyan ang kahuli-hulihan bagay na ayaw kong gawin, ang magalit sa iyo."
Natouch naman siya sa sinabi ng binata. "Thank you, Love you."
"I love you too."agad naman sagot ng binata. Hinawakan ulit nito ang kamay ng dalaga at pinisil ito. Bumaling siya saglit sa gawi ng dalaga para ngitian ito. Bago itinuon ulit ang atensiyon sa pag da-drive.
"Hindi ka nagtatampo?"kulit pa niyang tanong ulit dito.
Natawa ang binata. "Slight."pinakita niya ang daliri niya kung gaano kaliit lang siya nagtatampo.
"Nilakihan mo naman sana ng kaunti. Nahiya ka pa."natatawang sabi naman niya.
"Okay na yan. At least na measurement ko parin." nagkatawanan silang dalawa ng marealise na ganoon din ang sinabi niya noong una silang nag lunch together.
"That was my line before. You copy me." natatawa parin niyang sabi.
"It's coincedence."pakli naman ng binata.
"No lah. But honestly, I was just teasing you a while ago."ngiting aso siyang tumingin sa binata.
"Naughty."nangingiti niyang sabi.
Hindi rin nagtagal nakarating na sila sa restaurant kung saan siya nagpareserve.
Elle's place is a bit far from her working place. That's why, sometimes she going out early. Isa pa mahirap din maghintay ng bus.
Pagka parking niya sa kotse. Agad itong lumabas at pinagbuksan ang dalaga. Ingat na ingat niya itong inalalayan lumabas. Nangingiti nalang ang dalaga.
"You are acting weird, love. Nagmumukha na akong buntis sa subrang pag alalay mo sa kin." bulong niya sa binata.
"Huwag mo nalang pansinin, my love. Hmmm."niyakap niya ito at hinalikan ang kanyang sentido.
"Let's go."Aya niya sa dalaga.
"Wait. Ayos lang ba ang ayos ko? Wala bang dress code ang restaurant na 'yan?"alanganin niyang tanong kay Steph. Pinasadahan naman siya ng tingin ang binata. Mula ulo hanggang sa paa niya.
"You look good, my love. Bagay sa'yo, kahit ano isuot mo. Just don't wear revealing clothes." hinila na niya ito patungo sa restaurant.
"Good Morning, Sir, Ma'am. Do you have reservation?"
"Good Morning. Yes, Stephen Hormes, thank you." Pormal niyang sabi.
"This way, Sir."iginiya na sila ng waitress sa pinareserve ni Stephen para sa kanilang dalawa.
Natakam siya sa mga inihain nilang pagkain. Pinalakpak pa niya ang mga kamay na parang bata. Namimilog ang mga mata niyang nakatingin sa mga pagkain. Kinikilig at excited na siyang kumain. Amuse naman siyang pinapanood ng binata. At hindi niya mapigilan isatinig ang gusto niyang sabihin sa dalaga.
"Sa pagkain ka na naman kinikilig. Hindi ba ako yummy?"tunog nagseselos ang boses niyang tanong sa dalaga.
Napanganga siyang napatingin sa binata. Pinag-seselosan ba niya ang mga pagkain? Natanong niya bigla sa isipan niya. Napapangiti nalang siya.
"Love, mas nakakakilig ka kesa sa mga pagkain na ito. Don't get me wrong, You look yummy in my eyes, but for now this foods is yummier."humagikhik pa siya sa sagot niyang iyon.
"I'll make sure next time I'm the yummier than this foods."sabay kindat sa dalaga. Namula naman siya bigla sa pinahayag ng kasintahan.
Malandi talaga. Hindi nawawalan ng cheesey words. Naikinakikilig niya ng sobra.
Masaya silang kumain. This is their first date being in a relationship. Wala na hulog na hulog na talaga ako sa binata. Sobrang sweet. Sobrang maalaga. Lahat lahat na. Kaya iingatan ko ang relasyon naming ito. I will treasure every memory we have together.
Hindi na siya nagpahatid pa. Dahil alam niya may pasok din ito at mali-late na ito. Hindi naman na kasi niya obligasyon na ihatid ako. Sobrang OA lang kasi ito. And take note. Nilutuan pa niya ako ng pagkain ko for lunch. I was so touched. Mahal na Mahal ko talaga ang lalaking ito. Kakaiba talaga ito sa lahat. Kaya susuklian ko din ang kabaitan niya sa akin.