Chapter 8

2889 Words
Confession of love "A form of expressing one's love for someone or something...A declaration of love from one person to another is.." a statement made by one person to another in which they say they are in love with the other person." Habang nagda-drive siya, naisip niyang buksan ang radio na nasa harapan nila. Habang nakikinig siya sa kanta napatingin pa siya sa radio na nasa harapan niya dahil tugma iyon ngayon sa kanilang dalawa ni Elle. Feeling niya, siya 'yong kumakanta kapangalan kasi niya 'yong singer. Napapangiti siya ng wala sa oras. PASSENGER SEAT by: Stephen Speaks I look at her and have to smile As we go driving for a while Her hair blowing in the open window of my car And as we go I see the lights I watch them glimmer in her eyes In the darkness in the evening. And I got all that I need Right here in the passenger seat And I can't keep my eyes on the road Knowing that she's inches from me We stop to get something to drink My mind clouds and I can't think Scared to death to say I love her Then the moon peeks from the clouds. Hear my heart that beat so loud Tryin' to tell her simply That I've got all that I need Right here in the passenger seat. Liningon niya ang dalagang mahimbing na natutulog sa tabi niya. Alam niyang pagud ito. Nakita niya kanina kung gaano kadaming tao sa loob ng coffee shop. It's look like may party or event may mga nakapila pa kasi. Meron din siyang nakitang mga posters, hindi siya pamilyar sa mga artista o singers na 'yon. He's not sure, dahil hindi na niya pinag-aksayahan ng oras pang tignan ang mga artistang nasa poster. Kay Elle lang kasi siya nakatingin kanina. Masaya itong nakikipag usap sa mga kabataan at magiliw itong nagtatanong ng mga orders nila. Stop light. Tumingin siya ulit dito. Pansin niya na mukhang nilalamig ito. Kaya inabot niya ang kanyang coat na nasa likuran ng sasakyan niya. At ikinumot niya ito sa dalaga. Bahagyan itong gumalaw at dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niyang namumungay pa dahil halatang antok talaga ito. Napamura siya sa isip dahil nastorbo niya ito sa pagkakaidlip nito. "Thank you."sabay ngiti ng matamis sa kanya. At pumikit ulit. Sumikdo naman ang puso niya sa pagkakangiti nitong iyon sa kaniya. Ang lakas ng t***k ng puso niya na parang kinikilig, dahil lang ngumiti ang dalaga sa kaniya. Parang teenager lang. Naiiling niyang sabi sa isip niya. Napatingin siya sa coat na ibinalot niya sa katawan ng dalaga. Buti pa ang coat na ito, nayayakap ang mahal ko. Ako dapat ang kayakap niya hindi ang coat na ito, eh. Maktol pa ng isip niya. Tsk.. nagulat siya dahil sa pagbusina sa likuran. Hindi niya namalayan na green light na pala. Kaya agad niya ulit pinaandar ang sasakyan niya. Nasa drive-thru na siya. Gisingin niya sana ang dalaga, para tanungin kung ano ang gusto niya. Pero nag-decide nalang na siya na ang mag-order. Sa tagal na nilang magkasama halos kabisado na niya lahat ang gusto nitong pagkain. Mas kinikilig pa ito sa mga pagkain kaysa sa kaniya. Naiiling nalang siya. Kung ano-ano nalang pinag-seselosan ko. Sita pa niya sa sarili niya. Hindi niya sana bibilhan ng coke float ang dalaga pero baka sisimangot na naman ito. Pansin din niya kasing hindi ito mahilig sa tubig, puro soft drink ang iniinom pag matapos ito kumain. Napansin na niya ito simula noong nagsimula siyang nagstalk sa dalaga. Kaya ngayon na nagsasabay na silang kumain. Hindi niya ito hinahayaan na laging soft drink ang iniinom. Kaya pag makita niya itong nakasimangot, ipapaliwanag niya dito kung gaano kaimportante ang tubig sa katawan ng tao. "Oo na po"Ang madalas niyang sagot at sisimangot. She's cute. Napangiti siya bigla. Pagkaparada niya ng kaniyang sasakyan sa malapit sa playground do'n naman nagising ang dalaga. "Your awake, I was about to waking you up." ngiti niya sa dalaga. Ngumiti din ito sa kaniya pabalik. Naghanap sila ng magandang mapag pwestuhan para kumain at makapag usap na rin ng masinsinan. This is it. Magtatapat na ako sa kanya. Bahala na kung ano isasagot at reaksyon niya sa akin. Willing naman ako maghintay at ligawan siya. Hindi ko naman siya pipilitin na sagutin ako kung sakaling hindi siya papayag. May nahanap naman sila agad na magandang pwesto nila. Kaya agad nilabas lahat ng pagkain na inorder niya. Inaasikaso muna niya ang dalaga. "Ang dami mong binili?"puna ng dalaga. "Okay lang 'yan. Iuwi mo 'yong iba pag hindi natin naubos para may pang almusal ka kinabukasan." "Tsk... pwede ko din baunin sa trabaho." ngiti niya dito. "Hindi pwede na baunin baka mapapanis na at baka magkasakit ka pa. Sa umaga pwede pa." Sabi nito. "Hindi naman maarte ang tiyan ko sa kahit anong klase ng pagkain. Minsan nga kinakain ko parin kahit expired na. Lalo na kapag tinapay sayang kasi, eh. Kaya Ito-toasted ko 'yong tinapay."natatawa niyang sabi. "Hindi naman lasang panis."patuloy pa niyang sabi. "You can't do that all the time. Mold and bacteria will easily grows in bread quickly. It's only consume in a day or so, like 4 to 5 days. But loaf of bread it will consume at least 7days. But it's depends, parin sa mga bread na tinitinda sa bakery. You no need to eat it, if the 7days is over. Like what I've said before, you need to take care of yourself here." mahaba niyang paliwanag sa dalaga. "Ang dami mong alam. Opo tatandaan ko po 'yan tatay!"mahina niyang sabi. "Salamat sa pagpapaalala mo sa akin palagi." "I just want you to be healthy, all the time." "Then, why you buy me a coke float? This is also not a healthy drink? But thank you. I love this drink."kinikilig pa niyang hinawakan ang coke float niya. Napangiti naman ang binata sa itsura niya. Ang cute niya talaga. Gusto niya itong pang gigilan. "Nah, I have water here."Sabay taas sa tubig na nakalagay sa bottle. "You need to drink water later, when you are done eating and drinking your coke."ngiti niya sa dalaga. "Just eat." Sabi pa nito at pinagpatuloy na nilang kumain. Sa katahimikan nilang iyon na namamayani sa kanilang dalawa. Hindi siya sanay kaya ito na siguro ang magandang paraan para mabuksan ang paksa na naudlot kanina. Dahil hindi siya sinagot ni Stephen sa mga sinabi niya kanina. "Steph, itigil na natin ito."mahina lang ang pagkakasabi niya sakto lang sa pandinig nilang dalawa. Nabitin naman sa ere ang pagkagat sana ni Steph ng burger na hawak niya. At biglang tumingin sa dalaga. "W-what do you mean, na itigil na natin ito?" Hindi niya maiproseso sa isip niya ang sinabi ng dalaga. " 'Yong ganito! Na lagi mo akong sinusundo at hinahatid. 'Yong kasama ka lagi kumain sa lunch at dinner. 'Yong sinasamahan mo ako dito. This is too much on me. I think, you don't deserve to waste your time on me. I am nothing, compared sa mga babaeng nakakasalamuha mo. Mahirap lang ako. Hindi kita kayang abutin." Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para masabi ang lahat ng 'yon sa binata. Na ngayon ay tuliro at nakatulala na lang sa kaniya. "Don't say that! Nagsasawa kana ba sa akin? Kaya mo nasasabi ang mga iyan? Naiinis kana ba sa akin dahil sa pinagbabawalan kita sa mga gusto mong inumin? Nagsasawa kana ba sa presinsiya ko. Masyado na ba akong nakikialam sa lahat ng gusto mong ginagawa. Please, tell me? Ayaw mo na ba akong makasama?"ramdam niya ang lungkot sa boses ng binata habang sinasabi ang mga iyon. Ang mga titig niya sa akin na ayaw kong salubongin kaya yumuko nalang ako. Ang hirap ng ganito. Sino ba ang ayaw makasama ang lalaki na ito. Bukod sa ang gwapo na niya. Subrang sweet at maalaga pa ito. Ang dami kong natututunan sa kaniya. Super maalalahanin niyang tao. Super maasikaso sa akin. Sinong aayaw sa binata na ito. Wala! Kasi lahat na ng katangian nasa na magaganda nasalo na lahat ng lalaking ito. Kung alam lang niyang lihim ko siyang minamahal. Kung alam lang niyang gustong gusto ko siyang makasama araw-araw. Kung alam lang niyang masaya ako kapag kasama siya. Kaya lang hindi kami magka-level. Hindi ako nararapat sa binata at mas lalong hindi kami bagay. Ang sakit isipin na baka hanggang dito na lang siguro kami. Kahit masakit kailangan tanggapin. She deeply sighed. Bago siya tumingin sa binata. "It's not like that. Ayaw ko lang na masanay ako. Ayaw ko lang na mahusgahan ako ng pamilya mo. Nang mga nakakakilala sa'yo. Mga kaibigan mo. Naranasan ko na kasi iyon sa dating ex ko and I don't want that to happen again. I avoiding rich people. Kasi feeling ko, wala akong karapatan makisalamuha sa mga mayayaman." feeling niya naiiyak na siya. Hindi na nila natuloy ang kinakain nila dahil sa usapan nilang ito. Parang pareho silang nawalan ng appetite. "Mas iniisip mo pa 'yan kisa sa akin? You can't please everyone. No matter how kind you are. No matter how good and how nice you treat people. May masasabi at masasabi parin sila sa'yo or sa akin. All we have to think is, to be our self. At hindi ako katulad nila. If ever, they criticize you, they insulting you ,or what ever. Nandito lang ako para protektahan ka. I will, choose over you than them. Please always remember that." malumanay niyang sabi sa dalaga. "What ever your ex-boyfriend did to you. Always remember that we're not the same. I am not like him. We're not in the same shoes. Kung hinayaan ka man niyang gawin ng pamilya niya ang mga bagay na ikanasasakit ng damdamin mo. Hindi ako gano'n. Kahit pamilya ko pa o mga parents ko pa. Hindi ko hahayaan na kutyain ka nila. O, ang saktan ka nila." lumapit siya sa dalaga at hinawakan ang mga kamay nito. At pinakatitigan niya ito sa kaniyang mga mata. "Isa ka sa dahilan kung bakit ako masaya ngayon. Kung bakit ako nakakalabas na ng ganito kasigla. Dati office at condo lang ako. Minsan sa office na rin ako natutulog dahil hindi ko na kayang magdrive dahil sa pagud at antok ko." "Simula ng makita kita sa Mall na pinagtatrabahuan mo. Nakuha mo na agad ang atensiyon ko ng walang kahirap hirap. Ikaw ang dahilan ng pag ngiti ko araw-araw. Ikaw ang nagpapasigla sa matamlay kong buhay. At lalong ikaw ang dahilan para ipagpatuloy ko pa ang mabuhay sa mundong ito. Ikaw lang, Elle. And thanks sa mga pinsan ko pinilit nila akong magshopping. Kung hindi sa kanila hindi kita makikilala at baka hanggang ngayon nagmumukmok parin ako sa office at condo ko."madamdamin niyang pahayag sa dalaga. "Steph..." 'yon lang ang nasabi niya dahil speechless siya sa mga ipinagtapat nito sa kaniya. Naghuhumirantado na din ang puso niya dahil sa lakas ng t***k nito. Nagwawala na sa loob ng katawan niya. "Kung iniisip mong nagsisinungaling ako dahil sa hindi ko sinabi ang istado ng buhay ko. Hindi kasi ako show off na tao. I like you. Do you think pag sinabi ko sa'yo na mayaman ako, na puro pagmamayabang ang mga sinasabi ko. Magugustuhan mo kaya ako? Papansinin mo kaya ako or pag-lalaanan mo ng oras? Hindi di ba? Kaya please, 'wag mong sabihin na nagsasayang lang ako ng oras, dahil hindi sayang ang oras ko sa iyo. Worth it pa nga, eh. Kung ayaw ko naman sa iyo ide sana hindi na kita pinag-aksayahan ng panahon di ba?!" Hindi niya mapigilan na hindi halikan ang likod ng palad ng dalaga. Nagbaba siya ng tingin sa akin. Wari'y ay nahiya siya sa paghalik ko sa kamay nito. "Natatakot lang ako sa anomang mangyayari pag nalaman ito ng mga magulang mo. I'm pretty sure na hindi nila ako magugustuhan dahil, I'm just a saleslady." sabi niyang nakayuko parin. Namamasa narin ang mga mata niya dahil sa overwhelming na nararamdaman, kilig, saya, lungkot, at pagdadalawang isip. "Bakit mo sila iisipin. Dapat ako lang ang iniisip mo. Dahil ako lang naman ang nakakasama mo hindi sila. Stop thinking the things that it will not yet happen. Fucos in the present, Elle. Huwag mong stress'n ang sarili mo." Sabi nito na marahan niyang itinaas ang mukha ng dalaga para magpantay ang mukha nila. Bahagyan pa siyang nagulat sa pamamasa ng mga mata ng dalaga. "Can I hug you?" masuyo niyang tanong sa dalaga. Wala sa sariling napatango na lang siya. Guminhawa ang pakiramdam niya ng marahan at may pagiingat na niyakap siya ng binata. Lahat ng pag aalinlangan niya para sa binata ay nawala. Ang lahat ng what ifs and buts niyang nasa isip. Biglang nawala din dahil lang sa pagkakayakap nilang dalawa. "I don't care, kung saleslady ka man. Ang mahalaga lang naman sa akin ay ikaw. Hindi basehan ang anomang estado ng buhay natin para hindi tayo maging compatible sa isa't isa."bulong niya habang magkayakap sila. "Sana nararamdaman mong pinahahalagahan kita. Na gusto kita. Na mahalaga ka sa akin. Kaya ko ginagawa ang lahat ng ito. 'Wag mo sana akong ipagtabuyan because, I'm truly madly deeply in love with you. Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko sayo." humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sa dalaga, matapos siyang umamin sa nararamdaman niya dito. Malakas na malakas na rin ang t***k ng puso niya dahil sa nerbiyos at saya. Nanigas naman siya sa gulat sa pag amin ng binata sa kaniya. Inlove siya sa akin. Whoah. For real. Nagwawala na ang laman loob ko, ang puso kong parang sasabog na sa lakas ng t***k nito. Ang katawan kong nanginig dahil sa kilig at saya. Halo-halo na. Gosh I need ice water. Tili ng isip niya. "I believe, that efforts are better than words. I love you, Elle."madamdamin niyang pag amin. Kahit kinakabahan man ay hindi na niya talaga mapigilan sabihin na Mahal niya ito. What ever her decisions I respect her. Patutunayan ko na lang na Mahal ko ko talaga ito. Pero gano'n nalang ang pagkagulat niya ng mag"I love you too"siya sa akin. Nagulat siya sa pag "I Love you too"niya kay Steph. Naramdaman niyang nagulat din ang binata. Napakagat labi siya. Ano pa nga bang magagawa ko. My heart trust him. I felts every words he said to me. He's sincerity and Love for me. Naramdaman ko lahat 'yon. Dahil sa overwhelming feelings nasagot niya ito ng wala sa oras. Kumalas sa pagkakayakap ang binata at hinawakan niya ang magkabila niyang pisngi. "I want to hear it again. D-do you mean it?"Hindi siya makapaniwala sa narinig, baka nagkamali lang siya ng pandinig niya. Tumango lang ang dalaga. "Say it. Say it again, please?"nagniningning na ang mga mata niya sa saya. Sh!t. Kinikilig ako. Para na akong teenager sa inaasta ko ngayon. "I love you, Steph!"madamdamin niyang tugon sa binata. Kahit nahihiya siya'y kinapalan na din niya ang mukha niya sa pag amin dito. "Oh, Elle ko."kinabig niya ulit ito para yakapin. Hinalik halikan din niya ang buhok ng dalaga. Ang saya-saya ng pakiramdam. At ang sarap yakapin ang dalaga. Iniharap niya ulit ang dalaga. Masuyo niya itong tinitigan at marahan na hinahaplos ang mukha nito. "I know, this is too much to ask."napapikit pa siya kung sasabihin niya o hindi. Kalauna'y sinabi na din niya. Nandito na ito, palalagpasin ko pa ba. Sa isip-isip niya. "Can I kiss you?" Hindi pa siya nakakasagot ng marahan ng ipinaglapat ang labi ng binata sa labi ko. Napapikit nalang siya at ninamnam ang bawat hagud ng labi ng binata sa labi ko. It's so sweet, so tender, so soft, and so tasty. Parang sa candy crush saga lang 'to, ah. Sa isip-isip niya. Wala sa sariling napangiti siya kahit magkalapat parin ang labi nila ni Steph. Nakakaliyo ang paraan ng pagkakahalik niya sa akin. Bawat hagud ng labi niya sa labi ko ay may pagiingat niya akong hinahalikan. It's like I'm the fragilest thing on earth. Na kailangan pakaingatan. Napayakap na rin siya sa batok ng binata. Kalauna'y tumutungon na siya sa halik nito. Well, it's not my first time na mahalikan. But, Steph, kisses is my favorite, so unique and I love it. I love the way, he kiss me. Nakakakilig. Nakakanginig, nakakalambot ng tuhod at napakasarap ang paraan niya sa paghalik sa akin. Ng matapos ang makapugtong halikan. Nahiya siya bigla kaya tinago niya ang mukha sa dibdib ng binata. Niyakap naman siya nito. At paulit ulit nitong binibigkas ang katagang Mahal kita sa kanya. Iniangat niya ang mukha ng dalaga at may pagmamahal niya itong tinitigan. "I love you so much, my love! This is the happiest day of my life. You are my happiness. I'll prove to you that, my intention and love for you is real. I will court you every day."pagkasabi no'n hinalikan siya ulit sa labi, noo, ilong, pisngi, sa mata at buong mukha niya. Napapangiti siya sa ginagawa ng binata sa kaniya. Subrang kinikilig siya. Ang sweet kasi nito. Ang sarap nakawin at itago nalang niya ito sa kwarto niya. Lumawak pa lalo ang pagkakangiti niya sa naisip. Tinapos na nilang kainin 'yong natirang pagkain. Magana ulit silang kumain at masaya. Nagbibiruan pa sila. Pagkatapos silang kumain. Nagpahinga kunti at saka siya hinatid sa apartment niya. Nakailang halik muna ito at mahigpit na yakap, bago siya pinakawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD