Every other day meet!
"it's happens one day then, does not happen the next day, then happen the day after that and so on!"
Tinutoo nga niya na every other day siya nito pupuntahan sa work place niya. Kukulitin na kakain kami ng lunch at dinner. Tapos ihahatid siya nito pauwi. Sinasamahan rin siya na magtambay sa playground or sa park na malapit sa building kung saan siya nangungupahan. Para magpalipas oras, after that ihahatid na siya nito sa apartment niya. Palagi ganoon ang set-up nila.
Nakakataba ng puso. Kapag hindi kami magkita tatawag siya o kaya iMessage niya ako. Nagpapadeliver pa ito ng pagkain sa pinagtratrabahuan ko, para hindi na daw ako lalabas pa. Ang sarap sa pakiramdam na may nag aalaga sa'yo. Sana hindi siya magbago.
Masaya siya at nag-eenjoy na siyang nakakasama ang binata. Nasanay na rin siya sa presinsya nito sa kaniya. Kung pwede lang magrequest na araw-araw nalang siya nitong puntahan sa work place niya ginawa na niya. Kaya lang nakakahiya naman sakanya, baka busy na tao ito at baka subra ko na siyang naaabala. Hindi naman nawawala ang communication naming dalawa kaya sapat na 'yon sa akin.
It's Sunday. Mayang 11 am pa naman ang pasok ko sa coffee shop na pinapasukan ko, kaya may oras pa ako humilata at mag edit ng mga selfie naming picture na dalawa ni Steph. "Haayyy, why so handsome my love." bulong niya sa sarili habang nakatitig sa guwapong mukha ni Stephen. Busy siya sa ginagawa ng tunog ang phone niya. Storbo. bulong niya.
Tinignan niya ang caller si Stephen pala. Binabawi ko na 'yong sinabi kong storbo 'yon tumatawag. Bulong niya sa sarili niya. Excited niya itong sinagot.
"Hello! Good Morning Steph!" masaya niyang bati sa kabilang linya.
"Hi! How's your sleep wô de ài?"malambing niyang tanong kay Elle sa kabilang linya.
"I slept well!" masaya niyang sagot. "Nasa work ka na ba? Mukha kasing hindi ka busy at may time ka ng tumawag sa'kin."Anya sa binata.
"I have a meeting in just a few minute. I just want to hear your voice, that's why I called. I missed you already."malambing na boses niyang sabi sa dalaga.
Nayakap niya ang unan sa kilig. Sana hindi siya mahalata sa kabilang linya. Putsa! landi ng lalaking ito. Nangingiti niyang bulong.
"Hoy! Steph, 'wag mo nga akong nilalandi! Kahapon lang tayo nagkita, ah! Miss mo na ako agad agad?" kunwari'y sita niya sa binata. Pero deep inside subrang kinikilig na siya.
"Eh, sa namiss kita. Ganito siguro pag nasanay nang kasama ka. Ilang buwan na ba kitang nakakasama ng every other day. Apat? Limang buwan na? Kung pwede lang araw arawin kong puntahan ka, eh. Baka lang kasi magsawa ka agad sakin."
Naiimagine niyang nakanguso ito habang nagsasalita. Ang cute lang niya. "Nagdrama ka na diyan." natatawa niyang biro sa binata. Ito din kasi ang hiling niya kani-kanina lang. Pero itong lalaki na ito napaka straight forward walang preno magsabi ng mga gusto niyang sabihin sa kaniya.
"I'm serious, Elle! Okay I gotta call you again later. Kumakatok na 'yong secretary ko. I mean may kumakatok na sa pintuan baka start na ang meeting namin. See you and I miss you, bye!" pinatay na niya agad ang tawag. Baka mabuking pa siya na isa siyang Boss.
Ayaw lang niyang mahiya ang dalaga sa akin or mailang. Baka iwasan pa niya ako. Base kasi sa observation ko sa dalaga ay mahiyain ito at hindi mapagsamantala. Masaya din itong kasama at very vocal siya sa mga sinasabi niya.
Kapag may hindi maipronounce na English words itatype niya sa phone niya at ipapabasa sa'kin. She did that a lot time. She's cute. Napangiti siya. I think I really like her since the first time I saw her in the Shopping Mall. Hindi lang gusto parang Mahal ko na din siya. He sighed. Ready na ba ulit akong sumubok ng seryosong pakikipag relasyon? He sighed.
Ayaw din nito na palaging siya ang nagbabayad sa kinakain nila. Dahil pareho daw silang nagtatrabaho dapat share sila sa bayad. Dahil mas makulit ako at hindi niya kaya ang kakulitan ko, wala itong magawa sa kanya. Sisimangot nalang ito at hindi siya kikibuhin.
Ito na late na ako sa meeting kakaisip sa dalaga. Naiiling nalang siya.
Secretary? So it means boss si Steph. Obvious naman kasi sa itsura at kilos niya napaka intimidating minsan pag nakakasama niya itong kumakain ng lunch. Bagay na bagay saknya ang suot niyang long sleeve shirt with neck tie, minsan with coat pa. Na mas lalong nakadagdag sa lakas ng dating niya. Mas mahal pa ang mga suot niyang damit kisa sa sahod ko. She sighed. Nakakahiyang kasama minsan kasi parang nagmumukha akong alalay niya lang pag magkasama kami.
Kahit magsuot pa ito ng mga simpling damit hindi parin maitatangging anak mayaman ito. Kita sa kilos niya at pananalita nito. Full of Confidence, Full of Power and Full of Authority.
Pansin kung nagsusuot ang binata ng mga simple clothes just to please me. Para siguro hindi ako mailang pagmagkasama kami. He is so considerate. A gentleman and a sweet guy. I think I love him na. Yeah, you heard it right Mahal ko na ang lalaki na 'yon. Hangga't kaya kung ilihim, ililihim ko. Ayaw kong isipin niya na easy to get akong babae.
Super busy nila dahil ang dami na namang mga kabataan na nagpapa event, sa araw na 'yon sa coffee shop na pinagtatrabahuan niya. Pag ganitong may event wala silang pahinga at kain man lang. Buti nalang at kumain siya ng early lunch kanina bago pumasok sa trabaho niya.
Alas otso na ng gabi siya nag out. Nagugutom na rin siya. Kaya agad siyang nag tungo sa toilet. Sa dulo pa iyon madadaanan niya ang restaurant na katabi lang ng coffee shop. Nagmamadali ng pumasok sa loob at nagbihis ng damit. Hindi na sana siya magbibihis pero pawisan siya dahil sa dami ng mga tao sa coffee shop kanina. Nakakapagud.
Paglabas niya sa toilet, namataan niya si Stephen, may kausap na mga lalaki, sa labas ng restaurant na katabi lang ng coffee shop, katrabaho niya siguro ang mga ito.
Dahil wala siyang ibang madadaanan kundi doon lang no choice ako. Bumuntong hininga muna siya bago naglakad na. Panalangin pa niya na sana hindi siya makita ni Stephen. Pero napaka impossible naman kung hindi niya ako makikita. Kausap niya sa sarili niya.
Papalapit palang siya napansin na niya ako agad. Ang lakas naman ng pakiramdam ng lalaki na ito. Sabi niya sa loob-loob niya.
Pagkakita nito sa kaniya ngumiti ito agad sa kanya. Agad niya akong nilapitan ng hindi man lang nagpapaalam sa mga kasamahan niya.
"Hi Elle!" bati agad ng binata sa kaniya.
"Hi."nahihiya niyang bati. Kasi ramdam niyang nakatingin ang mga kasamahan ni Stephen sa gawi nila.
"Tapos na ang duty mo? Tara hatid na kita." walang paligoy ligoy na sabi ng binata sa kaniya.
"Naku, paano ang mga kasama mo? Iiwan mo na lang ba sila? Mukhang may pinag-uusapan pa kayong mahalaga, eh." sabay sulyap sa mga kasama ng binata mukhang sinusuri siya ng mga ito. Nailang siya bigla.
"No. Don't worry, we are already done talking. At plano ko talagang hintayin ka alam ko kasi nakaduty ka." ngumiti siya sa dalaga.
Naramdaman niyang hindi ito comfortable. Kaya nilingon niya ang mga kasama niya. I saw how they look at Elle.
Parang sinusuri ng mga ito ang dalaga at iba ang paraan ng pagkakatitig nila dito. Sinamaan ko sila ng tingin. Ngumisi lang sila sa akin.
"Let's go, 'wag mo silang pansinin, ok." Hinawakan na niya ang kamay ng dalaga at pinisil ito na ikinatingin ng dalaga sa kaniya.
"Nakakahiya sa mga kasama mo, baka kung ano isipin nila sa'kin." ayaw ko naman na husgahan nila ako agad-agad. Mukhang mga bigatin din ang mga ito.
"I told you! Don't mind them." sabay hila na nito sakanya. "We'll go ahead. See you all next time." Sabi nito sa mga kasamahan niya. Iginiya na siya sa nakaparadang sasakyan nito.
"Anong sabi nila? Bakit parang galit ka diyan?" usisa niya sa binata habang naglalakad na sila patungong sasakyan nito. Chinese kasi 'yon. She sighed.
Huminto ito at hinarap siya, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat niya. Tinitigan niya ako sa mata. "You are not that kind of person, they think you are. Even though, we are just know each other a few months ago. I know, you are a good person. Kaya 'wag mo ng tanungin kung ano 'yong sinabi nila. It's not important. At ayaw kong masaktan ka, hmmm!" inakay na siya papalapit sa kotse niya. Lihim siyang napamura ng napagtanto niyang sports car ang gamit niyang sasakyan.
Napatulala naman si Elle sa nakikita niya sa harapan niya. Ang ganda ng sasakyan ni Stephen. Nakakahiyang sumakay dito. I know, some of the brand name ng mga sasakyan. Alam kong super mahal ang mga ganitong sasakyan. Nakakalula sa presyo at ganda ng sports car nito. Pag i-convert sa Peso milyonarya kana. Pwede ka na din makabili ng house and lot at sasakyan.
I think this car is Lamborghini or Ferrari not sure, gotta search it later. Sa isip isip niya. Nakita niyang napakamot sa batok ang binata wari'y nahihiya ito sa kaniya.
"Hindi pa ba tayo aalis? I mean nakakahiyang sumakay sa sasakyan mo baka madumihan ko." napayuko siya dahil sa nasabi kong 'yon na ikinalingon naman ng binata sa gawi niya.
"Tssk...What are you talking about! Kahit pa dumihan mo or whatever you want to do inside my car, it doesn't matter to me. Come on, get inside now!" inalalayan pa niya itong makapasok sa loob ng kotse niya at agad din siyang umikot para sumakay sa driver seat nito.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ng binata ng paandarin na niya ang kotse niya.
Bumuntong hininga muna siya bago tumingin sa binata na sa ngayon ay nagdadrive na. "Hindi ba parang inispoiled mo na ako ng subra sa ginagawa mo sa'kin, Steph? I mean subrang nakakahiya na sa'yo. Paano nalang kung may iba pang nakakakilala sayo at makita nila tayong magkasama. Ano nalang ang sasabihin nila, lalo na pag nalaman nilang Isang hamak lang akong saleslady sa isang Mall. Hindi ba kahihiyan 'yon sa'yo?" nakagat niya ang ilalim ng kanyang labi. Parang panghinaan siya at nanliit sa sarili. Kahit hindi niya sabihin sa'kin alam kong subrang yaman ito.
Naalala ko 'yong ex-boyfriend ko noon na may kaya din sa buhay. Pinakilala niya ako sa parents niya. Okay, lang sana kung ayaw nila sakin. Pero 'yong ipahiya ako ng Mama niya ng harap harapan sa buong pamilya nila, naku, ibang usapan na 'yon. Kesyo hindi daw ako bagay sa anak niya. Hindi daw ako bagay sa pamilya nila dahil mahirap lang ako etc. Kaya nakakatrauma din 'yong ganito. Baka matapobre din ang magulang ng lalaking ito. Lihim siyang napasimangot.
"We can talk later. Kumain ka muna. I know, you haven't eat yet." seryosong sabi ng binata.
Hindi siya sumagot at tahimik lang siya sa kinauupuan niya.
"Gusto mo bang mag drive thru nalang tayo? And we can eat at the park or you want to eat rice? I'll bring you to the nearest restaurant na madadaanan natin if you want?" malumanay niyang tanong sa dalaga. Ilang minutong hindi nagsalita ang dalaga. Kaya nag-aalala siya na baka hindi na siya nito papansinin sa mga susunod pang mga araw. Napabuntong hininga nalang siya pero hindi niya sinasadyang napalakas niya ang pagbuga ng hangin. "Sorry." hingi niya agad ng paumanhin sa dalaga.
Nagulat siya sa pagbungtong hininga ni Steph. Naglalakbay kasi ang diwa niya kaya hindi niya agad ito nasagot. "Ahm...pwede na sa drive thru nalang. Pero sigurado ka bang gusto mong kumain ng mga pagkain sa Fast Food Chain?" alanganin niyang tanong dito.
Natawa naman siya sa tanong ng dalaga."Oo naman. My siblings and I, love eating in the McDonald's especially, if we're complete even now. But always a drive thru not a dine-in.
"Okay."Sabi nalang niya dahil biglang nawalan na siya ng sasabihin dito.
Mahaba habang biyahe pa bago sila makarating sa lugar niya. May malapit na McDonald's din doon, kaya napagkasunduan nalang nilang dalawa na doon bibili. Kaya umidlip nalang muna siya, para ipahinga ang katawan dahil sa pagud kanina......