Fetch her..
"to go to where someone is and bring them home, especially in your car."
Excited siyang pumasok sa loob ng locker room nila at agad tinungo kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Check niya agad yung phone niya at excited niyang In open ito dahil baka nag message si Stephen. Napapangiti siya ng meron nga itong message na dalawa.
Nasa labas na daw siya ng department store nila naghihintay. Shuta, tinutoo nga niyang susunduin ako. Kinikilig ka girl. Ito nanaman ang isip niyang kontrabida. Pero ang puso niya kinikilig na. Bahala kayong magkontrahan na dalawa basta ako magkikita kami ni Stephen. Evil laugh singit ng utak niya. Oh diba nabaliw na ang sarili ko. Napailing nalang siya.
"Oh, bruha excited kang umuwi huh! Susunduin ka ba ng lalaking nagbigay sa'yo ng mga yan?" sabay turo sa paper bag na hawak niya.
Kimi siyang ngumiti sabay tango ng marahan. Nahihiya kasi siya.
"Naku pag ikaw niloko ng impakto na yan igigilitan ko ang jumbo niya." nanlalaking mata na sabi niya sa akin. Palibhasa bitter ito.
"Salamat bruha, una na ako nasa labas na kasi siya naghihintay." humalik muna siya sa kaibigan bago nagmamadaling umalis na. Hindi na niya pinansin pa ang ibang katrabaho nilang mapanuring tumingin saknya.
Paglabas nga niya andun siya nakatayo sa gilid ng hallway malapit sa escalator. Pagkakita sa kaniya agad itong lumapit habang may ngiti sa mga labi.
"Hi how's your work?" bungad agad niya sa dalaga.
"Okay lang, nakakapagud pero no choice ako." ngiti niya dito. Nagsimula na silang nag lakad ng tanungin siya ng binata kung saan ko gusto kumain. Nakakahiya na talaga sa binata. Ang hirap tumanggi lalo na't nagugustuhan naman ng puso ko ang mga pinapakita sa kaniya ng binata.
"Nakakahiya na sayo. Bakit mo ba ginagawa ito. Wala kana bang ibang pinagkakaabalahan na iba?" tanong pa niya sa binata.
"Don't worry tapos na ang trabaho ko bago ako nagpunta dito. At ginagawa ko ito dahil gusto ko. Just tell me kung nakukulitan kana sa akin para every other day ako magpapakita sayo?". napatawa pa siya sa sarili dahil sa sinabi niya sa dalaga.
Hindi rin niya mapigilan na tumawa sa sinabi nito my schedule na siya agad. "Hindi naman gaano medyo makulit ka lang ng kunti." pinakita pa sa lalaki yung dalawang daliri niya kung gaano kakulit ito. Ginawa niyang big letter L yung hinlalaki at hintuturo ng daliri niya. Natawa naman ang binata sa kaniya.
"Nahiya ka pa ginawa mo na sanang isang dipa" nangingiti nitong sabi sa dalaga.
"Okay na yan at least my measurements kung gaano ka kakulit." natatawa niyang pakli sa binata.
Pagkarating nila sa basement ng parking lot ng mga sasakyan. Ang luma niyang sasakyan ang gamit niya ngayon dahil ayaw niyang mailang sa kanya ang dalaga pag nalaman nitong ubod siya ng yaman. Baka iwasan siya nito at hindi na pansinin. Nagsuot din siya ng simple lang para hindi mailang ito pag magkasama sila.
Pinagbuksan niya ng pintuan ng sasakyan ang dalaga bago siya pumasok sa loob din ng sasakyan niya. Hindi niya muna pinaandar ang sasakyan niya at tinanong muna niya ulit ang dalaga kung saan niya gustong kumain.
"Saan mo gustong kumain Elle?"
"Ikaw kung saan mo gustong kumain. Kung ako lang naman okay na ako sa food court or sa kopitiam kasi mura lang mga pagkain dun" alanganin niyang sagot sa binata. Hindi niya sure kung kumakain sa ganoong lugar ang binata.
"Ahmmm...S-sa Somerset nalang kaya tayo kakain. Malawak naman ang kainan doon at maraming choices na pagkain. I'm sure magiging conformable ka doon. Pwede rin na sa labas tayo kumain sa may terrace dun. Hindi nga lang maganda ang view." mahabang sabi niya sa binata. Napatigil siya ng nakitang nakatitig sa kaniya ang binata. Nailang siya bigla. At napahawak pa sa mukha niya.
"May dumi ba ako sa mukha?" agad niyang tanong sa binata. Umiling lang ito at ngumiti sa kaniya. Huh! Weird.
"Okay kung saan mo gusto then let's go." ngiti niya sa dalaga at pinaandar na ang sasakyan niya.
Habang patungo sila sa Somerset hindi maiwasang magtanong ang dalaga.
"Steph, You know the place Serangoon Garden?
"Yeah why?"
"You know, the chuwap... chump.. champ.." natatawa siya dahil hindi niya alam ipronounce yung word na gusto niyang sabihin kaya kinuha niya yung phone niya at nagtype siya dun at pinabasa sa binata.
"This place the food centre there. How to pronounce it again.?" nahihiyang natatawa siya sa sarili. Alam niyang nagpipigil ang binata na hindi matawa sa pagkakaprounce niya kanina. Eh sa hindi niya mapronounce bakit ba..
"It's Chomp chomp food centre. Bakit gusto mo ba diyan kumain?" tanong ng binata sa kaniya. Agad naman siyang umiling.
"No, Actually i want to go there again someday. I'd been there once before. I really like the foods there lalo na yung mga inihaw. At yung ang cute na cute na mga small jar na lagayan Ng mga drinks if only I can put it in my pocket madami na siguro akong nanakaw." Wala sa sariling sabi niya. Naikinahagalpak naman ng binata sa pagtawa.
"Silly." my amusement sa mukha niya na tumingin sa dalaga. "I'll bring you there next time." sabi pa nito. Tumigil na ang sasakyan nito ng hindi niya namalayan at nakapark na pala sila. Lumabas agad ang binata at pinagbuksan siya ng pinto. Nagpasalamat naman siya sa binata. Iginaya na siya nito patungong 6floor nasa taas kasi ang food court 313 sa Somerset.
Tinanong siya nito kung ano gusto niyang pagkain. Sinabi niyang siya nalang mag order ng para sa sarili niya, pero ito nanaman ang lalaking makulit na pinagpipilitan na ito na ang mag order ng pagkain nila maghanap nalang daw siya ng mauupuan nila. Dahil wala siyang nagawa, yun na lang ang ginawa niya maghanap ng bakanteng lamesa.
Habang nakaupo siya hindi niya mapigilan na igala ang mata niya para tignan kung saan ito bumili ng pagkain nila. Kahit ano naman ang pagkain na bilhin niya para sa akin okay lang hindi naman ako mapili sa pagkain.
Nakita niya itong iginagala ang paningin sa paligid niya mukhang hinahanap siya kaya agad siyang tumayo at kinawayan niya ito. Ang bilis niya akong nakita. bulong niya sa sarili niya.
Nilapag niya sa lamesa ang mga inorder niyang pagkain. Napanganga siya dahil mga favorite niyang pagkain ang nasa harapan niya. Hot plate sizzling Tofu and sizzling black pepper beef. Wow parang gusto niyang yakapin sa tuwa Ang binata dahil isa ang mga ito na favorite food niya dito sa Singapore. Natakam na siya at excited kumain nabigla pa siya ng tumunog ang tiyan niya. Heck nakakahiya. Napakagat nalang siya ng labi.
"Hindi na nahiya yung tiyan ko." nahihiya at natatawa niyang sabi sa binata. Natawa naman ito sa kaniya.
"Take this." sabay abot sa knya yung isang cup of rice, siya na din naglagay sa Plato at inabutan niya sakin ang chopsticks at isang plastic na kutsara. "You can eat first if you want. Kukunin ko lang yung iba ko pang na order.
"Salamat sana hindi kana nag order ng madami." nakakahiya na talaga.
"It's okay. Para naman yun sa atin. It's just a soup and drink. Ayaw ko naman na magreklamo ka nanaman pag nasira diet mo." tudyo pa niya sa dalaga. Kimi lang siyang tumawa ng mahina. Pasaway na lalaki joke lang naman yun kanina. Matakaw kaya ako kumain hindi lang talaga ako tumataba kahit Isang kalderong kanin pa ang kakainin ko at isang Tuyo lang Ang uulamin ko. Huh! ako pa! naiiling nalang siya.
Agad naman nakabalik ang binata hawak na ang soup and drink yun nga lang mineral water lang. Lihim siyang napasimangot kasi gusto niya ice lemon tea sana.
"It's better to drink water than any kind of juice, water is more healthier and good to your body." Sabi nito napansin niya sigurong sumimangot ako kasi hindi ice lemon tea ang binili niya para saknya. "Bakit Hindi ka pa nagsimula na kumain.?" tanong pa niya sa dalaga.
"Syempre hinihintay kita. Gusto ko sabay tayo kumain nakakahiya naman kung mauna na akong kumain sayo."
Sumaya naman ang mukha ng binata sa sinabi niya. "Okay lets eat then."
Masaya silang nagsalo sa pagkain. Kahit papano nagiging comfortable na siya sa binata. Gentleman ito at subrang maasikaso. Ang sweet lang. Ide kinikilig ka nanaman girl. Ito nanaman yung kuntrang isip niya.
Tapos na silang kumain at nasa loob na sila ng sasakyan ng binata. As usual nabusog nanaman siya. At ayaw tanggapin ng binata ang share ng bayad niya sa pagkain. Habang nasa biyahe sila nagsimula ng magtanong Ang binata.
"That night saan ka galing at ginabi ka ng uwi?" tanong niya sa dalaga.
"Galing akong trabaho nag overtime ako sa pinapasukan kong Coffee shop Cafe."
"You have two job?" gulat pang tanong ng binata. Tumango lang siya ng bahagyan siyang lingunin ng binata.
"Ano lang naman Sabado at linggo lang ako pumapasok dun. Day off ko kasi pag weekend kaya pumasok nalang ako dun wala naman ako ginagawa sa apartment ko ei." paliwanag niya dito.
"Sana nag pahinga ka nalang. Ang hirap Kaya yung nakatayo ka maghapon sa work mo. Saan banda yang coffee shop na yan."
"Sa Bras Basah Road along the highway lang yun. Sa Plus Eight Two Cafe." sabi nito.
Kumunot ang noo niya na parang iniisip saan banda yun. " Malapit ba yan sa Rendezvous Grand Hotel yan?"
"Oo dun mismo ang ganda dun. May kainan pa sa tabi ng pinagtatrabahuan ko parang hiring din sila at...."
"Don't tell me may balak kang magsideline dun." putol niya sa gustong sabihin pa ni Elle.
"Ahmm... parang ganun na nga sana hehehe."
"You're not a superwoman 'wag mong sagadin ang sarili mo sa trabaho. Mahirap magkasakit lalo na at malayo ka sa pamilya mo. You should take good care of yourself." concern niyang paalala sa dalaga.
"Salamat sa concern i appreciate it." ngiti niya kay Steph.
Nagtaka siya sa inaabot niyang card sa kanya. Wala sa sariling kinuha niya ito. Nagulat pa siya ng mapagtatantong yung buscard niya yun alam niya kasi may sticker dun na butterfly.
"Where did you get this.?" takang tanong niya kay Steph.
"I saw you in the MRT at muntik ka ng maipit. Huwag ka ng papasok pag nagblink na ang kulay pula na ilaw dun sa harap ng pintuan madidisgrasya ka sa ginagawa mo. And that nakita kung nahulog mo dahil sa pagmamadali mong sumakay ng train." seryoso niyang sabi sa dalaga.
Nakagat nalang niya ang hintuturo niya. Nahihiwagaan parin siya kung bakit alam niyang muntik na akong naipit sa pintuan ng train. Hindi kaya sinusundan niya ako. Tsk.. baka nagkataon lang na sasakay din siguro ito ng train. Maybe.. sang ayon ng utak niya.
"Opo tatay." mahina niyang sabi sa binata. Tumawa lang ang binata.
Naalala niya yung binigay niyang flowers at chocolate. " Salamat nga pala sa flowers and chocolate. Ang mahal ng mga ito. Gusto mo lang din pala ako bilhan nito sana sa value dollar ka nalang nagbili. Ang Isang chocolate bar ay 1dollar lang naka mura ka pa. Hindi naman ako mabili importante bukal sa loob mong magbigay. Pero thank you parin dito." mahaba niyang lintiya sa katabi.
"Welcome and you are special kaya ko binili yan para sa'yo." nilingon siya nito at kumindat. Namula naman ang mga pisngi niya sa ginawa nito. Langya kang lalaki ka sinasabi ko sayo pag ako nainlove sa'yo naku lang hindi na ako magpapakipot pa! Baka ako pa magpropose sayo. Wait agad agad self mahiya ka naman. sansala agad ng isip niya.
Tahimik na silang pareho hanggang sa makarating na sila sa building na tinutuluyan niya. Hinatid siya ulit hanggang sa apartment niya sa taas level 11 ang floor kung saan siya nangungupahan.
"Salamat ulit sa'yo Steph nag enjoy ako at salamat sa libreng pagkain." ngumiti siya ng abot hanggang tainga.
"You're always welcome Elle" lumapit siya sa dalaga at hinalikan niya ito sa noo at bumulong ng goodnight sa kanya. Hindi naman siya makagalaw sa ginawa niyang yun sa kaniya.
Nang mahimasmasan agad siyang pumasok sa loob hindi na niya nilingon ito o nag goodnight man lang.. OMG hinalikan niya ako sa noo. "So gusto mo sa pisngi or sa labi ganurn mukhang dismayado ka yata girl" Ang kontrabida talaga ng isip niya panira sa moment. Masama bang mashock ako. Hayyzt nabaliw nanaman ako.
writer notes:
Warning: Wrong typos and grammatical errors ahead. Please support my story
THANK YOU SO MUCH.