Chapter 5

1852 Words
He began to woo:) "to woo some body mean to make them fall for you, make them like you." or to try to get the love of." Naka ngiti siya kinabukasan na pumasok sa trabaho. Kahit hindi maganda ang nangyari sa kaniya kagabi mas pinili niyang isipin ang masayang moment niya kahapon. Lalo na ang nayakap at nakausap niya ang lalaking hinihiling niyang makita. Whoah thanks God kahit may masamang nangyari sa'kin, may maganda naman kapalit yun ay ang pagtulong sa kaniya ni Stephen. Napapangiti siya pag naalala yung concern ng lalaki sa kaniya ang pag aalala nito sakanya. Well, hindi na siya mahihirapan na mag-english kasi marunong itong magtagalog. Ang cute ng accent niya sa pagtatagalog nakakainlove yung boses niya. Yung mga ngiti niya nakakatunaw at ...... naputol ang pagdaydream niya ng tapikin siya ng kaibigan. "hoy bruha ang agang imagine yan ha! Ano masarap ba yang iniimagine mo?!"nakapamewang pa siya sa harap ko at titigan ako. "Bruha ka din."sabay tawa. "Kailangan magimagine ng magagandang bagay para maiwaksi ang masamang nangyari sa'kin kagabi."palusot niya pero half true naman yun. Kumunot naman ang noo ng kaibigan. "Ano ba nangyari sayo kagabi. Nakipagchukchakan ka?!"bulalas niya na hindi makapaniwala. Sumeryoso ang mukha niya sabay tingin sa kaibigan. "Sira ka talaga. Kamuntik lang akong gawan ng masama kagabi. Late na kasi ako umuwi nag overtime kasi ako sa Plus Eight Two Cafe doon sa Bras Basah road."sabi niya dito. "Bakit pa kasi kailangan mong magsideline eh wala ka naman sinusuportahan na kapatid since ikaw ang bunso diba?"may pagtataka pa niyang sabi sa kaibigan. "Ano kaba syempre may pangarap din naman ako. Ayaw ko naman na lahat nalang iasa ko sa family ko. Kailangan ko din mag ipon para sa sarili ko para sa kinabukasan ko someday. Bakit ka nagtataka diyan." simangot niya dito. "Okay, So balik tayo sa nangyari sayo kagabi. Napano ka ba? Tsaka bakit may suot kang long sleeve shirt sa loob ng uniform mo.?"usisa pa niya. "May pasa ako sa kanang braso ko at galos sa may kaliwa ko naman."mahina niyang sabi. Kaninang umaga lang niya yun napansin kasi naramdaman niyang masakit pag nahawakan kaya tinignan niya sa salamin may pasa pala siya. Siguro kuha yun sa higpit at pagpwersa sa kaniya ng lalaking yun. Tapos yung galos niya sa kabila dahil yun sa pagtama ng kamay niya sa matulis na bagay. Nagulat naman ang kaibigan niya."Bakit sino may gawa niyan sayo nag report kana ba sa pulis?"nag alala niyang sabi kay Elle. "Hindi kasi gabi na yun at madilim sa parting yun ng dinadaanan ko pag uwi. Hindi ko naman akalain na gagawin niya saakin yun. Kahit pa pala gaano kasafe ang isang lugar meron at meron parin mga masasamang tao. Pasalamat na lang ako dahil may nakarinig nung sumigaw ako ng tulong. Kahit papano nakahinga ako ng maayos sana 'wag ako balikan ng taong yun." may takot paring nararamdaman kahit ligtas na siya kahapon sa kapahamakan. "Mabuti nalang may nagligtas sa'yo. Lalaki ba ang tumulong sa'yo. Anong ginawa niya sa lalaking yun?" curious niyang tanong. "Sinuntok at tinadyakan. Tadyakan niya sana ulit pero mabilis ng nakatakbo ang salarin." "Anong ginawa ng lalaking yun sa'yo. Bakit ka niya ginawan ng masama.?" "Una kasi naramdaman kung parang may sumusunod sa akin binaliwa ko yun. Tapos nagulat nalang ako ng may tumakip sa bibig ko. Kinagat ko yung kamay niyang nakatakip sa bibig ko nabitawan niya ako. Tatakbo na sana ako pero mabilis niya akong nahawakan at pwersahan niya akong hahalikan sa labi nanlaban ako. Alam kong hindi ko siya kaya kasi ang lakas niya ei. Pero hindi ko hinayaan na mahalikan niya ako. Kaya ang ginawa ko nalang nagsisigaw ako. Thanks God may tumulong sa akin." mahaba niyang salaysay. "Thanks kay knight in shining armor mo nailigtas ka niya."ngiti niya dito at niyakap siya. "Mag iingat ka na next time ha!" sabi pa nito. "Opo inang"biro niya at gumanti ng yakap sa kaibigan. Kinurot naman siya nito sa tagiliran niya. Napa aray siya gagantihan niya sana ng mabilis na itong nakatakbo kaya hinabol niya ito. Hindi niya sinabi sa kaibigan niya na yung lalaking tumulong sa kaniya ay yung lalaking nabunggo niya ilang buwan na ang nakalipas dito sa store nila ay iisa. Baka tudo tukso nanaman ang gagawin niya sa akin. Lunch break niya palabas na siya ng store nila para kumain ng makasalubong niya sa labas ang binata. Nakangiti ito sa kaniya. Shocks ano gagawin ko self. tanong niya sa sarili. Agad itong lumapit pagkakita sakanya. "Hi..."bati ng binata sa kaniya. Tinignan niya ito at kiming ngumiti. Palihim niyang sinuri ang porma nito. Naka simpling maong pants lang ito at polo shirt nakasumbrero pa ito. Kahit simple lang ang hot parin niya tignan. Kaya sigurado siyang maraming nagkakandarapa sa lalaking ito. Baka madami na rin itong natikman na ibat ibang putahi. Shuta!kalma self. sabay pilig ang ulo niya. "A penny for your thoughts" sabi ng kaharap niya. Bigla naman siya nahiya baka nahalata niyang sinusuri ko siya. "Ahmmm hello" nahihiya niyang ngiti dito. "Sabi ko naman sa'yo 'wag kang mahiya sa'kin.There is nothing special about me but you are special to me" walang preno niyang sabi sa dalaga na ikinagulat naman ng dalaga sa sinabi nito sa kaniya. "Eh!" maikli niyang sagot Natawa naman ang binata. "Where are you going?" tanong pa niya sa dalaga. Alam niyang nahihiya ito sa kaniya. "Ah, k-kakain, lunch break ko. Kumain kana? Tara na kung hindi ka pa kumain." aya niya sa binata. "Libre mo ba ako.?"biro niya sa dalaga. Napatingin ang dalaga sa kaniya. "Naku wala pa ako sahod ngayon 'saka kana maglibre." mahina pa siyang tumawa para mawala ang hiya na nararamdaman niya. Natawa din ito sa sinabi niya."I'm just kidding."ngiti niya sa dalaga at iginaya na niya ito paalis hinawakan pa niya ito sa siko nabigla pa siya ng biglang inilayo ng dalaga ang sikong hinawakan niya. "I'm sorry!" hingi niya ng paumanhin sa dalaga napakamot pa siya sa batok. Na konsensya naman siya sa inakto niya kaya ipinaliwanag niya para hindi pamahiya ito sa ginawa niya. "Sorry sa inakto ko. N-nahawakan mo kasi ung sugat ko sa siko. Ngayon ako nagsisi na hindi ko nilagyan ng band-aid ang sugat ko nasasage kasi ng suot kung long sleeve." no choice siya para hindi ito mapahiya. Actually gusto ko naman na hawakan niya ako. Oh diba malandi lang ang bruha. "Bakit may sugat ka diyan sa siko mo? Anong nangyari diyan?" may pag aalalang tanong nito sa dalaga. "Yung sa kagabi. Hindi ko naramdaman dahil na din siguro sa kaba at takot na naramdaman ko kaya hindi ko na napansin may sugat pala akong natamo. Kaninang umaga ko lang napansin ng maramdaman kong masakit pagnahahawakan ko." mahaba niyang sabi dito. Nakita niya itong napatiim bagang. Naappreciate niya ang concern na ipinapakita nito sa kaniya. Nakakataba ng puso. Nagulat siya ng ipasok siya sa isang restaurant na nadaanan nila. "Let's go we can eat here."wala na siyang nagawa ng hilain siya sa nakitang bakante na lamesa sa loob ng restaurant. Agad naman may lumapit na waitress. Hinayaan niyang si Stephen nalang ang mag order siya naman ang naghila sa kaniya dito. Napangiti siya bigla. Nagulat pa siya ng marinig niyang nagsalita ng Chinese ang binata. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng binata. "Natural kasi nga Chinese boba"kutya ng isip niya sa kaniya. Pero nakakatuwa ang astig niya magsalita ng lengguwahe nilang Chinese. Nakakabilib lang kasi ang dami nitong alam na iba't ibang lengguwahe. Sana lahat matalino. Habang hinihintay nila yung order may lumapit na isang waitress at may inabot sa binata nagpasalamat naman ang binata sa waitress. Tumayo ito at lumapit sa dalaga. Napag tanto niyang isang box yun ng Band-Aids. Parang hinaplos naman ang puso niya sa pagka concern saknya ng binata. Kinikilig siya. "Straight your hand please?" sabi nito. Wala naman sa sariling inunat niya ito sa harapan niya. Kinuha naman ng binata ang kamay niya at ipinatong sa lemasa. Nakamasid lang din siya sa gagawin ng binata. Inilihis nito ang suot niyang long sleeve shirt hindi naman ito masikip at stretchable naman kaya hindi siya naiharapan na itaas ito may pag iingat pa nga para hindi masagi ang sugat niya. Gusto niyang matawa sa kaseryosohan ng mukha niya sa pag iinspeksiyon sa sugat niya. "Anong nilagay mo dito sa sugat mo?" tanong niya sa dalaga habang nakatingin sa sugat niya. May hindi naman kalakihan na sugat at mga gasgas na din hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng gasgas sa siko siguro sa mga tuyong mga kahoy na hindi tinatanggal at nakahalo sa mga buhay na halaman. Doon niya siguro nakuha yun ng nanlaban siya kagabi. "Nilagyan ko lang ng baby oil kaninang umaga. Mahapdi kasi pag alcohol ilagay ko."napagat siya ng ibabang labi niya ng makitang kumunot ang noo nito. Kaya agad siyang nag salita. "Okay lang naman kahit baby oil ang ligay kasi hindi naman yan gaano malaking sugat safe parin naman kung oil lang ilagay."paliwanag pa niya. Hindi na sumagot ang binata. Natapos na din niyang lagyan ng Band-Aids at inayos na ang nakalihis niyang damit. Bumalik na din sa upuan niya pagkatapos niyang lagyan ng Band-Aids ang siko niya. Tumingin sa kaniya ang binata. "Iyan lang ba ang natamo mo. Wala na bang ibang galos sa katawan mo?"concern pa niyang tanong ulit sa kaniya. Nag alangan siyang sabihin na may pasa pa siya sa kabilang kamay. Pero sa bandang huli sinabi parin niya dito. "May pasa pa ako sa braso ko. Siguro yung higpit na hawak niya saakin kaya nagkapasa ako."madilim na anyo nito na tumingin sa katawan niya particular sa bandang braso niya. "Don't worry na report ko na sa pulis kanina bago ako nagpunta dito. Naexplain ko na din ang buong pangyayari." assurance niya sa dalaga. "Maraming salamat Stephen." sinsero niyang pasasalamat sa binata. Dumating naman na ang pagkain nila kaya doon na natuon ang atensyon nila pareho. Tudo asikaso pa siya ng binata na lihim niyang ikinakilig kahit pigilan niya ito pero makulit kaya hinayaan na lang niya. Nakakahiya pa kasi pinagtitinginan pa sila ng ibang mga kumakain mas lalo na kay na agaw pansin dahil sa taglay nitong kagwapuhan idagdag pa ang lakas ng dating niya. Busog na busog siya dahil sa dami nitong inorder. Wala siya nagawa ng sabihin nitong ubusin nila ang mga inorder niyang pagkain idagdag pag huwag sayangin dahil nakakamalas daw iyon. "Sira na ang diet ko." bigla niyang sabi na ikinatawa naman binata. "Ang payat mo na nga nagdadiet ka pa sa lagay na yan. Much better na magpataba ka ng kunti." Sabi nito at may inabot siyang paper bag kaniya. "Ano 'to? takang tanong niya dahil hindi naman niya napansin kanina na may hawak itong paper bag. "Para sayo nakalimutan kong ibigay sayo kanina. Nilagay ko na din yung extra Band-Aids diyan." ngumiti pa ito saknya. "Salamat."nginitian din niya ang binata. Hinatid pa siya nito sa pinagtatrabahuan niya at sinabing susunduin siya nito. Ayaw niya kaso nakipagkulitan lang ito sa kaniya at wala siyang panalo dito. Kaya pumayag na rin siya. Naku lang na lalaki ka kasalanan mo pag mainlove ako sayo. saisip isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD