Chapter 4

1501 Words
Following her 101 "just to make sure she is always safe and sound" Dalawang buwan na siyang nakasunod sa dalaga walang palya niya itong sinusundan gabi-gabi. Hindi siya aalis doon hangga't hindi niya makitang papasok na ito sa apartment niya. Gustong gusto na niyang lapitan ito pero nag alangan siyang baka hindi siya nito pansinin. Pag sa trabaho naman niya nakamasid lang siya ng lihim dito at hindi nagpapakita dito. "I'm billionaire pero ito ang ginagawa ko stalking a saleslady. It's really pathetic isn't it."tanong pa niya sa sarili niya. Para na akong tanga sa ginagawa ko. Napabuntong hininga nalang siya. I need to do something maybe pupunta siya sa coffee shop cafe na pinagtatrabahuan ng dalaga pag wala siya pasok bilang saleslady. I admire her even more. At mas lalo pa akong nahumaling sa kaniya. This feeling is really different from my past relationships with my ex-girlfriend. Hindi ko ito naramdaman sa kaniya. Nakaka baliw pag hindi ko makita kahit likod lang ng dalaga. Kahit may mga stolen shot siyang picture na kuha niya araw-araw sa dalaga ay iba parin yung actual na makikita niya ito. Ang bilis ng mga araw at buwan wala parin progreso sa pagsunod sunod niya sa dalaga at nayayamot na siya. Hindi naman ako ganito katorpe. At lalong hindi ako ganito kahibang sa isang babae. Sa nag iisang babae lang ako nagkakagito at kay Berry Ellerriene Valmento lang. Ito nga at sinusundan ko siya pasakay na siya ng MRT. Ang bilis niya maglakad nakita niya itong tumakbo dahil papasara na ang pintuan ng train. Napansin niyang may nahulog nagamit ng dalaga. Napanganga nalang siya dahil kamuntik na itong maipit buti nalang maagap siya. Pasaway na babae. Bulong niya. At nilapitan ang nahulog niyang gamit. Isang iyong buscard. sigurado hahanapin niya ito. Kaya nagdesisyon siyang hintayin nalang niya ito sa baba ng building na tinutuluyan niya. Bigla nalang siyang tinatamad pumasok sa trabaho since hindi na niya nakikita ang lalaking dahilan ng excited niyang pagpasok araw-araw sa trabaho nagbabasakaling makita niya ulit ito. Simula ng makabunggo niya ito ilang buwan na ang nakakaraan hindi na niya ito nakita pa. Nanlumo siya bigla at nanghinayang. Ngayon feeling niya makikita na niya ang lalaking nagpapatibok ng mailap niyang puso saka naman ito hindi na nagpakita. Hayyyy. Ito na nga pauwi na ginabi na siya masyado nag overtime kasi siya sa coffeeshop na pinapasukan niya dahil yung pang gabi hindi pumasok may sakit daw siya. Naglalakad na siya sa may parting madilim patungong building kung saan siya nangungupahan ng maramdaman niyang parang may nakasunod sa kaniya. Ipinag walang bahala niya ito pero binilisan niya ang paglalakad. Ganoon nalang ang gulat niya ng may tumakip sa bibig niya kaya ang ginawa niya kinagat niya ito dahilan para matanggal ang pagkakatakip sa bunganga niya. Hindi na siya nagdalawang isip na sumigaw. "Help, help,!!"malakas na sigaw niya panalangin niya na sana may makakarinig sakanya. Paalis na sana si Stephen dahil hindi na niya mahintay ang dalaga. Hindi niya sigurado kung nakauwi na ba ito o hindi pa. Wala naman kasi ito sa lagi niyang tambayan. Nabobored na din siya. Pero nakarinig siya ng sigaw boses babae yun. Hayaan na niya sana ng makarinig nanaman siya pangalawang sigaw. Doon na siya nacurious at tinungo niya saan banda yung humihingi ng tulong. Napatda siya sa nakikita pinipilit ng isang lalaki na halikan ang isang kawawang babae. Kahit manlaban ito wala parin siya panalo sa lalaking manyak. Agad siyang lumapit dito at sabay hila sa braso ng lalaki. Inundayan niya ito ng malakas na suntok sa mukha at Isang tadyak sa sikmura nito. Lapitan niya sana ulit ito para tadyakan ng kumaripas ito ng takbo. Agad naman niyang binalingan ang babaeng nakatulala at ngayon ay umiiyak na. "Your safe now."pang aalo niya dito. Nagulat siya ng biglang yumakap sa kaniya ang dalaga. Napatigil siya ng maamoy niya ang pabango nito. Kung hindi siya nagkakamali ganito ang pabangong gamit ni Elle ang babaeng kinahuhumalingan niya. "T-thank you...Thank you so much. Thank you for saving me."umiiyak niyang sabi habang mahigpit na nakayakap parin sa kaniya. Iginaya niya na ito paalis sa madilim na lugar. Nanginginig parin ang buong katawan nito ramdam niya yun dahil nakayap parin ito sa kaniya. And he is right si Elle nga ang muntikan ng magawan ng masama. Napatiim bagang siya. "Calm down okay?. Next time you need to be more extra careful. And don't go home late." paalala niya dito. "I didn't expect this to happen. I'm so thankful you save me. I owe you for helping me." may takot parin nababakas sa tuno ng boses niya. Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa taong nagligtas sa kaniya. Ganun nalang ang pagkagulat niya, lumaki pa ang kaniyang mga mata dahil hindi siya makapaniwala na ang lalaking tumulong sa kaniya ay ang lalaking hinihiling niyang makita. "Y-you...ahmmm I-i re-remember you."nautal niyang sabi at biglang nahiya dahil sa pagkakayakap niya dito kanina. Nagyuko siya ng ulo at napakagat labi siya dahil hito nanaman ang lumalakas niyang t***k ng puso niya na parang Ang daming tumatambol doon sa loob. Napangiti naman ang binata sa inasta niya. "Yeah i still remember you too. Your working in the Orchard Gateaway Mall am I right?!"tumango lang siya hindi siya makapagsalita mukhang nalunok na niya ang dila niya. "Huwag ka ng mahiya sa'kin."nangingiti pa niyang sabi sa dalaga. Hindi na yata matapos tapos ang pagkakagulat niya sa kaharap. Marunong itong magtagalog. Mukhang wala naman itong lahing pilipino.. sa isip isip niya. Mukhang nahulaan naman ng binata ang nasa isip niya kaya nagsalita ulit ito. "Mga pinsan ko both father side and mother side half Filipino sila. Ako lang ang walang dugong Filipino. Dahil ayaw kong naa-out of place pag nagkikita kaming magpipinsan nag aral ako ng salitang Tagalog so yeah fluent na ako magtagalog."nakangiting paliwanag niya sa dalaga. Nahiya siyang ngumiti dito. Nahulaan pa niya talaga ang nasa isip niya. "Eh..ikaw? Anong lahi ka? Singaporean ka ba or American?" kahit nahihiya nagtanong na din siya kasi nga curious siya. "Both, My mom is a Chinese Singaporean and my father is American."nakangiti parin niyang sabi at sabay titig niya sa dalaga. "Ang galing,"masayang naibulalas niya. "Pero mukhang hindi ka Chinese mas halatang Americano ka." bigla niyang naibulalas pa. Napatigil siya ng biglang may naalala. "Hindi ko pa pala alam ang pangalan mo. Para sana makapagpasalamat naman ako ng maayos sayo."ayon nanaman yung mga titig niyang nakakapanghina ng mga tuhod. Natawa naman ang binata. "I'm Stephen Fellan Hormes. Just call me Stephen since everyone call me that name. And you are?"agad naman niyang pakilala sa sarili. Kunwaring nagtanong din siya sa pangalan niya. "Berry Ellerriene Valmento. Just Elle for short masyadong mahaba ang pangalan ko."natawa na siya at dagling nakalimutan ang nangyari kanina. At nagshake hands sila. Yung feeling na parang nakuryente ka sa paglapat ng inyong mga kamay at bahagyan pang pinisil ng binata ang kamay ko na hawak niya.. Naramdaman din kaya ito ng binata yung kuryente yung spark. "Saan ka dito nakatira gabi na ihahatid na kita sa inyo.?"tanong ng binata. "Diyan lang."sabay turo sa tabi nilang building. "Maraming salamat talaga sayo. Hindi ko alam kung paano Kita pasasalamatan. Pero subrang salamat talaga sayo." paulit ulit siyang nagpasalamat sa binata. "Coffee with me some other time.And your always welcome. Hindi ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamolistiya sayo ng lalaking yun dahil madilim sa parting yun ng lugar dito Hindi ko din nakita ang mukha ng gagong lalaki na yun. Kaya I'm sorry."may galit sa boses niyang sabi. "Okay lang malaking pasasalamat ko parin at ligtas ako dahil sayo. Paano nalang kung walang nakarinig sa'kin. Baka kung ano na ang nangyari sa'kin."naiiyak nanaman niyang sabi. "Thanks God at hindi pa ako tuluyan na umalis that time. Nailigtas pa kita."pang aalo niya sa dalaga. "So, tinatanggap mo ba ang offer kong coffee date?"kindat niya dito. Pinamulahan naman siya ng pisngi sa ginawa ng binata. "Y-yeah sure."alanganin niyang sagot. bahagyan pa siyang napangiwi dahil nakakahiya date agad ang hiling nito. "Mukhang napipilitan ka? Okay lang pag ayaw mo"ngiti niya dito. "No,no, of course gusto ko."agad niyang sagot na kinangiti ng binata. "Shocks"..mahina niyang sabi. nakakahiya ka talaga bulong niya sa sarili. "Let's go, hatid na kita sa tinutuluyan mo. And by the way, if you don't mind can i get your phone number.?"lakas loob niyang sabi sa dalaga. Nagcross fingers pa siya at kinabahan baka hindi ibibigay ng dalaga ang number niya. Wala namang pag aalinlangan na binigay Niya sa binata ang number niya. Hinatid nga siya nito hanggang sa may gate ng apartment niya. Umalis lang ito ng tuluyan ng nakapasok sa loob ang dalaga. Finally masaya niyang bulong sa sarili. Makakatulog na siya ng maayos dahil sa wakas nakausap at nayakap niya ulit ang dalaga. But unfortunately sa hindi magandang pagkakataon sila nagtagpo. Yun na siguro talaga ang way para makausap niya ito. Masaya na nakakagalit dahil muntik na ito magawan ng masama. Gagawa siya ng paraan para malaman kung sino ang lalaking yun. Gagawin niya lahat para sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD