P A S I M U L A
"D*MN!" Mabilis na pumreno si Zion. Nagising naman ang kasintahan nya at tinanong kung anong problema. Hindi nito sinagot ang nobya at agad na lumabas ng sasakyan
Nagsilabasan din ng sasakyan sina Marcus at Lei na kapwa nagmamaneho din ng kani-kanilang mga sasakyan.
"What's wrong?" kunot noong tanong ni Marcus sa kababata nya.
Maging si Lei ay nagtanong na din kung ano ba ang problema ng biglaan pag preno ng binata.
"May dumaan kasi.." hindi na nito tinapos ang sasabihin. Marahil ay namalik mata lamang sya
"Baka pusa lamang iyon" suhestyon ni Marcus. At ginala ang paningin sa madilim pang lugar
Napagkasunduan kasi nilang mag camping na bagay na lagi naman nilang ginagawa kada matatapos ang taon. Hobbies na nila ito simula nung College pa sila
Napa iling na lamang si Lei at hindi na nag komento pa. Isa isa na silang nagbalikan sa kani-kanilang mga sasakyan at muling binagtas ang kahabaan ng lugar.
HINDI NA NAMAN nakatulog pa si Liezl, ang girlfriend ni Zion kaya minabuti na lamang nitong tumingin sa labas ng bintana. Puro puno na ang nakikita sa daan, wala ng kabahayan kaya naman nagtaka sya ng may lalaking naglalakad sa kadiliman. Wala itong suot na pang itaas, naka maong itong pantalon. Sandali pa nya itong napagmasdan hanggang tumapat na ito sa kanilang sasakyan
Bigla itong lumingon sa kanya na syang nakapagpabilis ng t***k ng puso nya ng mag tama ang kanilang mga mata
"Love?" tawag sa kanya ni Zion. Agad naman syang lumingon sa boyfriend
"Ano tinitignan mo dyan?" tanong nito
"May lalake.." mabilis na sagot nya. Nang binalik nya ang tingin at lumingon sya ay wala na syang nakita
Nasan na 'yun?
"Anong lalake?" kunot noo na tanong nito.
"M-may lalake kanina. Nadaanan pa nga natin sya, love. Hindi mo ba nakita?" umiling ang boyfriend nya bilang pag sagot.
Sa sasakyan naman ni Marcus ay nandoon sina Shey na nasa passenger seat at si Erin na nasa backseat. Sa huling sasakyan naman ay si Lei
----
Maliwanag na ng makarating sila sa b****a ng gubat. Ang Tinago Forest
Sa b****a ng gubat ay kapansin pansin ang karatulang
DO NOT ENTER
Nakasulat ito sa isang tabla. Mukhang matagal na iyon nakalagay duon dahil kita na ang pagka luma ng sign board, mukhang napaglipasan na ito ng panahon dahil medyo nabubura na ang sulat nito
"Do not Enter. Famous line pft" natatawang saad ni Lei. Halos lahat naman kasi ng gubat na napupuntahan nila ay may ganyan karatula, mga babala o sabihin na natin mga panakot sa mga pupunta.
Inilibot naman ni Liezl ang tingin sa lugar. May anong kilabot syang naramdaman ng dumampi sa kanya ang malamig na simoy ng hangin
Bigla syang nahilo at mabuti na lamang at katabi nya ang Bestfriend nyang si Shey
"Okay ka lang?" tanong nito. Tumango lamang sya pero ang totoo'y hindi. Ngayon nama'y nakakaramdan naman sya ng pagduduwal
Inaayos naman nina Zion at Marcus ang mga dadalhin nila. Si Erin nama'y walang ibang ginawa kundi ang mga picture
"Love?" tawag pansin ni Zion kay Liezl ng magpunta ito sa sulok at doon nagsusuka
Agad itong dinaluhan ni Zion at masuyong hinagod ang likod nito. Agad gumuhit ang ngiti sa kanyang labi sa pag aakalang baka buntis na ang kasintahan
Hindi naman nakaligtas ang ganon eksena sa mata ni Marcus lalo't may lihim syang nararamdaman para sa girlfriend ng Bestfriend nya
"Are you alright?" malambing na tanong ni Zion kay Liezl matapos nitong sumuka. Tango lang ang naisagot ng dalaga
Niyakap syang mahigpit ni Zion
"C'mon lovebirds! Baka abutin na tayo ng katirikan ng araw" paalala ni Lei
Kanya kanya na silang sukbit ng bag nila. kinuha naman ni Zion ang ilang mabigat na dala ni Liezl para hindi ito mahirapan
Nang maka lagpas na silang lahat sa karatula'y nakarinig sila ng isang alulong ng isang malaking aso
"W-what's that?" kinakabahan tanong ni Erin
Aa-woooOo