CHAPTER 20

1975 Words
DEX'S POV Isa pa naman sa dahilan kung bakit masaya ako na nandito ako dahil makikilala ko yung Pinsan ko kaya lang may sabit yung atittude nya haha, Saan kaya sya nag mana? yung daddy nya naman mabait, at lalong hindi sa tita ko. Siguro dun sya nagmana sa totoo nyang mommy, Judgmental ko noh? haha. Sabay sabay kaming nag-almusal pero hindi ako makakaing ng maayos dahil minamata ako ni Nathan, Siguro buntis sya at ako ang pinaglilihian nya ngayon? nako! ang swerte nya ang ganda ng napaglihian nya. "Dex bukas na ang start ng klase mo" -Tita "Oo nga po eh. Medyo kinakabahan ako" "Sa una lang yan masasanay kadin, sigurado ako na magugustuhan mo sa bago mong school" -Tita Ngumiti lang ako, Sa totoo lang nalulungkot padin ako dahil namimiss ko yung dati kong school syempre pati yung mga naging kaibigan ko at the same time sobrang excited ko dahil bukas na ako papasok sa bago kong school. Pero si Nathan ang sama padin ng tingin sakin may hang over pa ata sya eh kaya ganyan kung makatingin. After namin kumain ay tinulungan ko yung isa sa mga katulong na magligpit ng kinainan. "Nako sir wag napo,Kaya ko napo ito" "Hindi po gusto kopo talaga tumulong wala din naman ako gagawin ngayong araw" Pumayag naman din sya, Mukhang mababait din ang mga katulong dito. Tumulong din ako sa paglilinis ng bahay dahil sa wala nga akong magawa. Katakata na nagbubulungan yung dalawang katulong kaya sa sobrang curious ko ay nilapitan ko sila. "Ah hello po? ano pong pinagbubulungan nyo?" Nagulat naman sila sa pagdating ko. "Ay kalabaw!" Grabe sya sa daming pwedeng banggitin kalabaw talaga? pwede namang ay maganda! ay dyosa! pero kalabaw talaga? Bale apat pala ang katulong dito, Si manang baby ang mayordoma sa bahay nato dahil matagal na syang kasambahay dito si ate Lucy (yung tinulungan ko kanina na magligpit ng kinainan) medyo matagal nadin at itong dalawa na nasa harap ko si ate Vick short for Marivick at si ate Erna yung nagsabing "Ay Kalabaw!" Kanina kolang din sila nakakwentuhan after naming kumain. "Nakakagulat ka naman Dex" -Ate Erna "Ano po ba kasing pinagbubulungan nyo dyan?" "Ito kasing si Erna ang sabi ko sya na mag linis dito sa Sala kaso ayaw nya" -Ate vick "Ayoko nga ikaw nalang" -Ate Erna "Bakit po ba ayaw nyong maglinis dyan?" Nakakapagtaka lang kasi, bakit parang natatakot sila na maglinis sa sala wag nilang sabihin sakin namay multo dito huhu. Lumapit sakin si Ate Vick at may binulong. "Nandyan kasi yung anak nila mam Emman, Baka masigawan kami" -Ate Vick "Oo nakakatakot yon" -Ate Erna Ah kaya pala, Si Nathan lang pala ang kinakatukan nila. "Mga ate wag napo kayo mag away dyan. ako na po ang maglilinis sa sala" "Talaga?" ate Erna/Vick Sabay pa talaga sila na nagsalita at lumiwanag ang mga mukha nila parang nabunutan ng isang malaking tinik. Umalis na agad sila at ako naman ay pumunta na sa may sala nakaupo don si Nathan na nagcecellphone akala mo hari sya eh, Nang makita nya ako ay tumayo sya. "What are you doing here?!" -Nathan Grabe naman to pinaglihi siguro sya ng mommy nya sa sama ng luob. "Maglilinis?" Pinakita ko sa kanya yung dala kong tambo at dust pan, Lalo tuloy kumunot ang nuo nya. "I know, What do you think of me? Idiot?" -Nathan Hay nako ayokong masira ang magandang umaga ko kaya hindi ko nalang sya pinansin at nagwalis nalang. Dedma sya sakin noh! Kung dragon sya ako ano, Ano nga ba? hahaha diko din alam. Habang nagwawalis ako ay humarang sya sa harap ko, Aba nang iinis talaga tong lalaki nato ha? Inisan ba ang gusto nya? Pwes pagbibigyan ko sya.  Dahil sa ayaw nya umalis ay winalis ko nalang ang paa nya, Mukhang nandiri sya sa ginawa ko. "What the!? are you out of your mind?" -Nathan "Eh ayaw mo kasing umalis eh, kaya ayan tuloy winalis kita" "Nanadya kaba talaga?!!" -Nathan Nagulat ako kasi kanina pa dinudugo ang ilong ko tapos marunong naman pala sya mag tagalog, Talaga naman ang lakas ng trip nitong lalaki nato eh. "Marunong ka mag tagalog?" "Ofcourse" -Nathan "Jusko naman Nathan, marunong ka naman pala. Pwede bang magtagalog ka nalang? sakit kasi sa head eh" "What if, I dont want to speak tagalog?" -Nathan "Kung ayaw mo edi wag, basta ako maglilinis dito kung ayaw mo umalis edi wawalisin kita" Akma ko syang wawalisin pero sa sobrang inis nya ay umalis nalang sya haha mabuti naman umalis na sya wala nang bara sa paglilinis ko. MARK'S POV Namimiss kona si Dex, Ilang beses kona din syang tinatawagan pero hindi nya sinasagot, Galit kaya talaga sya sakin? Pilit ko padin tinatanong sa sarili ko kung ano ba talaga ang nagawa ko sa kanya. Kamusta na kaya sya sa bago nyang school? Mag kaibigan na kaya sya? Sana lang talaga may magtatanggol sa kanya kapag may umaway sa kanya dahil wala na ako sa tabi nya para ipagtanggol sya. "Mark ang lalim na naman ng iniisip mo" -Sheena "Ah eh pasensya na Sheena" "Si Dex na naman bayan?" -Sheena "Pasensya na namimiss kolang talaga si Dex" "Mark?  hayaan mona muna si Dex, Siguro kailangan nya din ng time para makapagisip. Kung talagang mag Bestfriend kayo hindi mawawala yon"-Sheena "Si Sorry ha? kung palagi akong wala sa sarili kapag magkasama tayo" "Ayos lang Mark pero sana sa susunod ako naman muna ang isipin mo" -Sheena Naawa tuloy ako bigla kay Sheena, Girlfriend ko sya pero iba ang nasa isip ko kapag magkasama kami wala ako sa sarili. Masyado akong apektado sa pag-alis ni Dex nasanay kasi ako na lagi syang nandyan sa tabi ko. "Wag kang mag-alala Sheena babawi ako sayo" "Sapat na sakin na lagi kang nandyan, Nakakausap at nakakasama" -Sheena Niyakap ko ng mahigpit si Sheena na parang ngayon lang namin nakita ang isat-isa. "Sheena, Tutal malapit na ang monthsary gusto ko sana na ipakilala na kita kay mama" "Sure, Kelan ba?" -Sheena Napangiti ako sa sagot nya dahil wala nasyang patumpik tumpik pa. "Mamaya sana aftern ng class natin" "Sige ba" -Sheena "Sigurado ako na matutuwa si mama kapag nalaman nyang pupunta ka sa bahay" "Kinakabahan ako Mark" -sheena "Wag kang kabahan mabait ang mama ko sigurado ako na magkakasundo kayong talaga" Napangiti nalang si sheena sa sinabi ko halata yung excitement sa mukha nya. Tinext ko agad si mama na pupunta si Sheena, Gusto ko kasi na makapag luto sya dahil sa bahay nadin maghahapunan si sheena "Mark kinakabahan ako" -sheena Nandito na kami sa tapat ng bahay pero nag-aalangan si Sheena, Kahit sino naman kasing babae kakabahan din kapag makikilala mona ang magulang boyfriend mo. "Mabait ang mama ko kaya wag kang matakot, Hindi sya nangangain ng tao" Pinalakas ko yung loob ni Sheena, Pagpasok namin sa bahay ay si mama agad ang sumalubong samin. "Mark, Sya na ba ang Girlfriend mo?" -mama "Opo Ma, Si Sheena po" "Good evening po tita" -Sheena "Nako ang ganda ganda mo naman pala kaya pala nainlove sayo ang anak ko" -Mama Bago pa mag kwento si mama ng kung ano ano ay hinila kona si Sheena papunta sa may lamesa, Kilala ko kasi mama kapag may bisita ako kulang nalang ikwento nya kung saan ako pinanganak atsaka nagugutom nadin ako. Inalalayan ko si Sheena na umupo alam ko kasing kinakabahan pa sya. "Sheena wag kang mahiya sakin ha? kumain ka ng marami. Gusto ko maging healthy ang magiging Future manugang ko" -mama Napangiti naman kami pareho ni Sheena. Manugang talaga? Pero sa bagay dun din naman papunta to. "Anak asan pala si Dex? bakit parang hindi kona sya nakikita at hindi nadin kayo lagi magkasama?" -mama Natahimik ako sa tinanong ni mama. Napansin nya nadin siguro na hindi na kami madalas magkasama ni Dex. "Ah eh ma, lumipat napo kasi si Dex sa ibang school" "Ano? Bakit naman? siguro inaway mo sya noh kaya nagtampo. Nako Mark sinasabi ko sayo" -mama "Ma wala po akong ginawa kay Dex, Nagulat na nga lang po ako lumipat na pala sya Hindi man lang nya sinabi sakin" "Tama po si Mark tita kahit ako nga po nagulat din na bigla nalang lumipat si Dex" -Sheena "Ganon ba? alam nyo kasi parang anak nadin kasi ang turing ko kay Dex ang bait na bata kaya nya, Kaya nga tuwang tuwa ako na sya ang naging Bestfriend ng anak ko. Pero Kumain na kayo baka lumamig na yung pagkain haha" -mama Sabay sabay kaming kumain at itong si mama nagkwento na naman ng kung ano ano kay Sheena, Gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa dahil sa kahihiyan. After naming kumain ay nagpaalam nadin si sheena baka daw kasi magtaka yung mga magulang. Ang plano kasi naman kapag nag 1 month na kami ay ipapakilala na ako ni Sheena sa mga magulang nya. "Mark si Dex padin ba ang iniisip mo?" -Sheena "Pasensya na ha? hindi kolang kasi maiwasan na hindi sya maalala" "Ayos lang siguro namimiss molang sya dahil sa tagal nyo na naging magbestfriend Pero sa umpisa lang yan masasanay kadin" -Sheena Tama nga si Sheena masasanay din ako na wala dito si Dex. Hinatid kona sya hanggang sa sakayan dahil hindi ko pa nga siya pwedeng ihatid sa kanila. DEX'S POV Ito na naman ako ayaw na naman dalawin ng antok kainis naman oh, Hindi ako pwedeng maging zombie mode bukas first day ko yun eh. Tumayo muna ako para kumuha ng maiinom sa kusina, At habang umiinom ako ng tubig nakarinig ako ng mga yabag kinabahan ako bigla kasi kung hindi yon multo malamang magnanakaw yon. Hinanap ko kung saan ng gagaling yon at sakto pag dating ko main door may napansin akong tao hindi ko sya masyadong makita kasi na patay ang ilaw. Lalo akong kinabahan OMG! may nakapasok na magnanakaw samin anong gagawin ko? Hays bahala na hinahanap ko agad ang switch ng ilaw pagliwanag ng paligid ay pareho kaming nagulat ng makita namin ang isat-isa. "Nath--" Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan na nya ang bunganga ko. "Shhh" Tinanggal ko agad yung kamay nya at humarap sa kanya. "Saan ka pupunta ng ganitong oras?" "That's none of your business" -Nathan "Kung ayaw mong sabihin ay isusumbong nalang kita sa mommy at daddy mo" Pananakot ko sa kanya Grabe pala tong si Nathan napaka bulakbol. Aakyat na sana ako sa kwarto nila tita pero bigla nya akong hinawakan sa kamay at hinila palabas. "Hoy sandali saan mo ako dadalhin??" "I will kill you" -Nathan What! may balak syang patayin ako? No no no hindi to pwede marami pa akong pangarap sa buhay, Gusto kopang mag ka boyfriend. "Nathan maawa ka wag muna man ako patayin. Baka pwedeng pagusapan natin to" "Tssk, Do you really think that i can kill a person? tssk crazy" -Nathan "Hoy hindi ako crazy ha! ikaw nga yung crazy dyan bigla bigla mo nalang ako hinila" "Hinila kita para hindi ka magsumbong, understand?" -nathan Kainis tong lalaki nato oh! matutulog na nga ako eh. "Nathan pwede bang ikaw nalang umalis magisa? babalik nalang ako don. Promise hindi kita isusumbong" Naglalakad na kami palabas ng subdivision nila ang tahimik na ng paligid maghahating gabi nadin kasi. "Okay fine, But Make sure na hindi mo ako isusumbong kay mommy" -Nathan "Oo promise" Yes makakatukog nadin ako! Wooooooooohh! "Ingat kadin dyan meron kasi ditong gumagalang r****t" -Nathan WHAT THE! napakapit ako bigla kay Nathan sa sobrang takot "As if naman na marerape ka" -Nathan Okay na sana eh gumagaan na sana ang loob ko sa kanya pero lagi talaga syang nang iinis sakin, Hinampas ko sya sa balikat. "Hoy ang kapal mo! kahit ganito ako Vir--" Oopss! haha gusto kong sampalin ang bunganga ko dahil minsan may pagka bastos din eh. "Tssk tara na nga" -nathan Binilisan pa ni Nathan ang paglakad nya kaya sinundan ko sya natakot na kasi akong bumalik baka bigla kong makasalubong yung r****t at marape pa ako (Ganda ko noh?) Nagpunta kami ni Nathan sa isang bar, Tinanong nya kung umiinom ako ang sabi ko hindi. Nahihiya naman ako magtanong sa kanya kung bakit sya nagiinom at laging umuuwe ng gabi. Pero ayon sa nasagap kong chismis sa mga katulong, madalas daw talagang ganito si Nathan dahil baka stressed lang sya dahil sa paghihiwalay ng totoo nyang mommy at daddy nya, Actualy matagal na nangyari yon pero hanggang ngayon affected parin si Nathan. Laging bugnutin at hindi makausap. Close naman sila ni Tita kahit hindi sila tunay na magina kaya lang itong si Nathan namana siguro ang ugali sa totoong mommy nua at dahil narin siguro sa naimpluwensyahan sya ng mga naging barkada nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD