DEX'S POV
Makalipas ang ilang araw ay natapos na ang mga kailangan kong tapusin para sa paglipat ko.
Wala na talagang makakapigil sakin, Ngayon nadin ang araw na paglipat ko sa bahay nang tita ko.
"Anak sigurado kaba na ayaw mong ihatid ka namin ng papa mo?" -mama
"Ma kaya ko na po wag nyo na po ako alalahanin"
"Basta lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin" -mama
"Iiyak na ba ako ma? haha wag nga kayong ganyan nalulungkot ako eh. Wag kayong mag-alala pag wala po akong pasok pupunta ako dito"
Niyakap ako nang mahigpit ni Mama ngayon palang naiiyak na ako dahil mamimiss ko ang bunganga nya.
"Anak Magpakabait ka sa bahay ng tita mo ha?" -papa
"Opo pa, Kayo din lagi kayong magiingat ni mama"
Niyakap din ako nang mahigpit ni papa at tinulungan nila ako na ilagay yung gamit ko sa taxi.
Mamimiss ko talaga sila nang sobra pero kailangan ko talagang gawin to para sa kanila dahil kapag nakapag tapos ako sa magandang university mas malaki ang chance na matulungan ko sila at para nadin sa sarili ko dahil kung patuloy kong makikita si Mark ay lalo kolang sasaktan ang sarili ko.
................................FLASHBACK....................................
"Be mamimiss kita promise" -Miles
"Mamimiss din kita tsaka yung mga payo mo sakin"
"Basta Be wag mo akong kakalimutan ha? ako padin ang number 2 Bestfriend mo" -Miles
"Ha? Bakit number 2?"
"Kasi si Mark ang number at kahit kailan hindi ko sya mapapantayan" -Miles
"Miles? wag mong isipin kung paano mo sya mapapantayan dahil unang una magkaiba kayo, Magiba kayo bilang kaibigan sakin kaya napaka swerte ko na naging kaibigan kita"
"Pero Dex hindi mo man lang ba sasabihin kay Mark na aalis kana?" -Miles
"Ayoko, Dahil alam kong pipigilan nya ako at baka makagulo pa sya sa desisyon ko"
Hinawakan ni Miles ang kamay ko at tumingin sakin.
"Dex ayaw sana kitang paalisin dahil hindi matatapos ang problema mo kung hanggat hindi ka umaamin sa kanya. Pero dahil alam kong ito ang paraan para hindi kana masaktan susuportahan kita" -Miles
"Miles, Ikaw na bahala kay Mark ha? Kapag kailangan nya ng tulong sa mga assignments nya tulungan mo sya"
"Wag kang mag-alala ako na bahala sa kanya. Kaya dapat kapag nakalipat kana sa bago mong school ay magfocus kana lang muna don" -Miles
"Basta miles mamimiss kita"
Sa huling pagkakataon ay niyakap ko si Miles ng mahigpit, Masakit din pala magpaalam sa kaibigan dahil nasanay ka na kasama mo sya, Na sya yung kasangga mo sa lahat ng oras.
.........................END OF FLASHBACK...........................
MARK'S POV
Simula nang hindi pagkakaintindihan namin ni Dex ay hindi kona din sya nakita at nakausap sinubukan kodin syang icontact kaso hindi sya nagrereply sakin nag-aalala na tuloy ako sa kanya.
Ano kayang nangyayari don bakit hindi pa sya nag-enroll ngayong Sem?
Nang makita ko si Miles ay tinawag ko sya pero hindi nya ako pinapansin kaya hinabol ko sya.
"Miles sandali, Pwede ba kitang makausap?"
"Pakibilis lang malelate na ako" -Miles
"Tungkol sana kay Dex, May balita ka ba sa kanya? Bakit hindi pa sya nag-eenroll ngayon?"
"Hindi ko alam Mark wala syang sinasabi sakin" -Miles
Pakiramdam ko may hindi sinasabi sakin si Miles, Nang paalis na sya ay hinawakan ko sya sa braso.
"Alam kong may alam ka, kaya please lang sabihin mo sakin nag-aalala na kasi ako sa kanya"
"Seryoso ka? Nag-aalala ka talaga sa kanya? Eh diba simula ng nagka girlfriend ka kinalimutan mo na Kaibigan mo sya" -Miles
"Kahit kelan hindi ko kinalimutan na kaibigan ko si Dex, San mo na nakukuha ang mga salitang yan?"
Siguro nga hindi kona madalas nakakasama si Dex pero ni minsan hindi ko sya nakalimutan, Bestfriend ko sya eh bakit ko naman gagawin yon.
"Mauna na ako Mark" -Miles
"Miles nakikiusap ako, Gusto kolang talaga malaman kung okay ang BestFriend ko. Kaya kung alam mo kung anong nangyayari sa kanya baka pwede kong malaman"
"Hindi kaba nagtataka Mark? Ikaw yung Bestfriend ni Dex pero wala kang alam sa nangyayari sa kanya. Wag kang mag-alala ayos lang si Dex at magiging maayos sya ngayong wala na sya dito" -Miles
"Anong wala na?"
"Hindi na sya dito mag-aaral, Lumipat na sya ng ibang school" -Miles
"Ano?! Bakit hindi nya sinabi sakin?"
"Wala ako sa lugar para sagutin lahat ng katanungan mo kung gusto mo malaman puntahan mo si Dex, Pero ewan ko nalang kung nandon pa sya sa kanila alam ko kasi ngayon ang alis nya" -Miles
Pagkasabi non ay umalis na sya, Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil naguguluhan ako sa nangyayari kay Dex, Bakit kailangan nya lumipat sa ibang school? At bakit ayaw nya akong kausapin? sa pagkakaalam ko wala naman kaming pinag awayan para hindi nya ako pansinin at kausapin ng ganito katagal.
Nagmadali agad ako pumunta sa bahay nila dahil ang sabi ni Miles ngayon ang alis nya sana lang talaga maabutan ko sya.
Pagdating ko sa bahay nila ay naabutan ko sa labas ang mama at papa ni Dex kaya dali dali akong bumaba ng taxi at lumapit sa kanila.
"Tita, Tito? Nandyan po ba si Dex?"
"Nako Mark huli kana kanina pa sya umalis, Hindi kaba nya nasabihan?" -Tita
"Hindi po eh"
"Talaga yong bata nayon, Pasensya kana ha? baka masyado lang naexcite kaya hindi ka nasabihan" -Tita
Tumango nalang ako kay Tita, Ano bang nagawa kong kasalanan kay Dex bakit parang galit sya sakin, Sinubukan ko syang tawagan pero hindi nya sinasagot.
Siguro nga tama si Miles na masyado akong nagfocus kay Sheena kaya nakalimutan ko na meron pala akong Isang Bestfriend na kailangan ng kausap.
Marami kaming pinagsamahan ni Dex kaya sobra syang importante sakin, Hindi naging Hadlang ang kasarian nya para maging magkaibigan kami tanggap at mahal ko sya kahit ano pa sya dahil pinakita nya kung gaano sya kabait.
Hindi na ako nagtanong kay Tita kung saan pupunta si Dex, Bumalik nalang ako nang school at bigla kong naalala yung mga panahong maayos pa kami at masaya yung feeling na walang makapaghihiwalay samin. Mahirap din pala mawalan ng isang tunay na kaibigan dahil nasanay ka na lagi syang nandyan.
DEX'S POV
Pagdating ko sa tapat nang bahay nila tita ay hindi ako makapaniwala sa ganda at laki, ibang iba sa bahay namin.
Si tita Emmanuel ay kapatid nang mama ko, Sinuwerte sa buhay kay ito yumaman nakapangasawa kasi nang amerikano. Pero sa kasamaang palad hindi sila biniyayaan ng sariling anak pero may anak yung asawa ni Tita sa dati nitong asawa na nandito din nakatira, Actualy hindi ko payon nakikita. Chismakers ko noh? hahaha well sinabi ko lang yon para may idea din kayo.
Matagal na ako gustong pag-aralin nang tita ko ako lang ang may ayaw dahil ayokong mapalayo kala mama at papa.
Nag dorbell agad ako at sinalubong nang isang katulong at pinapasok ako sa loob, Grabe mga bes mas maganda sa loob sinalubong naman ako ni Tita pati nang asawa nya na si Tito Greg nag mano naman ako sa kanila bilang paggalang.
"So you are Dex?" -Tito
OMG! ito na naman tayo sa english, mapapasabak na naman ako. Tumango nalang ako sa kanya.
"Dex umakyat kana muna para maayos muna din ang mga gamit mo papasamahan nalang kita sa magiging kwarto mo"
"Sige po tita Salamat"
Sinundan ko yung katulong at sinamahan nya ako mag ayos nang gamit sa kwarto ko.
Una kong pinuntahan yung kama grabe ang lambot firstime kong makahiga sa ganito kalambot na kama.
"Ang swerte mo napakabait nang mag-asawa nayan"
Nakakahiya para akong ignorante sa kama haha nawala sa isip ko na nandito pa pala yung katulong
"Oo nga po eh"
"Pero may isa kalang magiging kalaban dito" -yaya
"Ha kalaban sino naman po?"
Lumapit sya sakin at tumabi.
"Yung anak nila, Si Nathan" -yaya
Nathan! Oo nga pala yan yung pangalan nang pinsan ko, Ano kayang itsura nya sa personal? sa picture kolang kasi sya nakikita eh pagdumadalaw kasi si Tita samin hindi sya sumama.
"Bakit po ano pong meron sa kanya?"
"Bugnutin yon, Konting pagkakamali molang papagalitan ka. Sa mommy at daddy nya lang sya nakikinig" -yaya
Ay grabe naman pala itong si Nathan, Kwento palang ni manang nakakatakot na. Naimagine ko tuloy kung anong itsura nya kapag nagagalit.
"Pero wag kang mag-alala minsan naman may araw na mabait yon. Pano sige na maiwan na kita may gagawin pa ako sa baba. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako sa baba, siya ng pala ako si Manang baby"
Wow ang taray! baby haha.
Sinalansan ko na lang ang mga gamit ko, Nahiga sa malambot na kama.
Nang hapunan ay tinawag ako ni Tita para sumabay na sa kanila nuong una nahihiya pa ako kumuha ng pagkain pero dahil sabi ni tita wag ako mahiya, Hindi na talaga ako nahiya haha.
Ang sarap nang ulam nila, Sa bahay namin tuwing may okasyon lang kami nagkakaulam ng ganito kasarap. Naalala ko tuloy sila mama ano kayang ulam nila ngayon? hayss tayawagan ko nalang sila mamaya.
Tinanong ko din kay tita kung bakit wala si Nathan ang sabi niya ay naki Party daw baka mamayang hating gabi pa yon uuwe, Aba buti pumapayag si tita samantala ako pag inabot nang hating gabi may isang pektus ako kay mama haha. Mas matanda sakin si Nathan ng dalawang taon.
After naming kumain ay tinawagan ko agad sila mama, Grabe wala pa akong isang araw na nandito pero miss kona agad sila.
Kung ano anong pwesto na ang ginawa ko pero hindi padin ako dinadalaw nang antok namamahay ata ako huhu mabuti nalag wala pa akong pasok bukas pero ayaw ko talagang mapuyat, Inumpog umpog ko yung ulo ko sa unan baka sakaling antukin ako at nakailangang umpog na ako wala padin effect.
Maya maya ay naramdaman kong bumukas yung pinto, Kinabahan ako kasi baka magnanakaw yon huhu baka patayin nya ako hindi to pwede marami pa naman akong pangarap sa buhay. Inayos ko yung higa ko at nagpanggap na tulog, Hindi ko sya mamukaan dahil nakapatay ang ilaw. Ilang saglit pa ay tumabi sya sakin WTF! Bumilis lalo ang t***k ng puso ko, Sino kaya sya? anong ginagawa nya sa kwarto ko??? Babangon na sana ako pero bigla nyang pinatong yung kamay nya sakin, sinubukan ko namang alisin kaya lang mabigat.
Narinig ko humihilik sya Ay ano to? magnanakaw na nakikitulog? lakas trip nya ah! at naamoy ko din na amoy alak sya..
Hayss kahit anong tanggal ko sa kamay nya ay masyado syang mabigat dinantay pa nya yung paa nya kaya lalo akong hindi nakawala. Hanggang sa nalatulog nalang ako.
Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong mabigat na nakapatanong sakin, Naalala ko bigla namay pumasok pala na magnanakaw kagabi at bigla nalang tumabi sakin.
Dahan dahan kong minulat ang aking magagandang mata at nakita ko na mgkalapit na pala ang mukha naming dalawa at nararamdaman ko ang bawat paghinga nya. Napasigaw ako ng mega ultra sigaw.
"Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!"
Napabangon naman agad yung lalaki at halatang nagulat sa sigaw ko sorry sya 88% percent palang ng boses ko ang ginamit ko haha nagtira ako ng 12% para hindi sya mabingi.
"Who are you?!"
"Hoy anong who are you? ikaw ang who are you!"
"This is my room! and who the hell are you? and what are you doing here?"
Aba ang aga aga hinahamon ako ng lalaki nato sa english pwes hindi ko sya aatrasan!
"This is my room! and you? you are magnanakaw!"
hahaha hindi kona kaya mga bes, kinulang na ako sa english bukas nalang ulit.
"What are you talking about? This is my room! and definitely this is my house!"
Hinawakan nya ako at hinila palabas pero lumalaban ako, ang kapal nang mukha nya aya na nga ang biglang pumasok dito sya pa ang may ganang magpaalis? ganito naba ang modus nang mga magnanakaw ngayon?
Sayang sya gwapo pa naman kaso parang may pag ka engeng.
Mayamaya ay dumating si tita narinig siguro ang ingay namin.
"Nathan? Dex? What's happening here?" -tita
Nagkatinginan kami bigla kami nang magnanakaw na lalaki, OMG! Sya si Nathan? Siya ang Pinsan kong Amerikano? Hindi ko sya nakilala iba kasi ang itsura nya sa picture kesa sa personal.
"Mom? do you know him?" -nathan
"Yes son, He is your cousin" -Tita
"That guy is my cousin? no way!" -Nathan
Wow makapag inarte sya akala mo kung sino sya! at grabe sya maka gamit ng HIM at GUY!
"Dex ano bang nangyari bakit kayo nagsisigawan?" -Tita
"Kasi tita yang anak nyo bigla bigla nalang pumasok dito kagabi tapos sasabihin nya kwarto nya to"
"This is my room!" -Nathan
"Nathan this is not your room, Maybe you are drunk last night that's why you did not notice that you entered in a wrong room" -tita
Go Tita! Ipagtanggol mo ako! Luminga linga sya sa paligid, ano sya ngayon? oo mahirap lang ako pero nagsasabi ako nang totoo, Pagkatapos nyang tingnan ang paligid ay lumabas na sya agad.
"Dex pagpasensyahan muna yung pinsan mo ha? ganon lang talaga yon pero mabait yon" -Tita
"Okay lang po tita"
Wow ayon na pala ang pinakamabait ni Nathan? ang manghila? Ito siguro yung kinukwento sakin ni Manang kahapon. Pwes hindi sya uubra sakin! char! hahaha katakot sya kanina parang mangangain ng tao.
Pero dahil nakikitira lang ako dapat padin akong makisama.
Kung anong kinabait ng mga magulang nya ay syang kinaano ng ugali nya haha.