CHAPTER 18

1654 Words
DEX'S POV Kahit wala akong gana pumasok ngayong araw ay bumangon padin ako. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko, Ang laking ng eyebag ko at halatang stress ako. Ganito ba talaga ang gusto ko? ang kawawain ang sarili ko? Tama ba talaga ang naging choice ko na mahalin si Mark kahit ang kapalit ay masasaktan ako? Andaming katanungan sa isip ko pero lahat yon hindi ko alam ang kasagutan, Alam kong sobra na akong nagpapakatanga siguro nga dapat may gawin na ako. Kinausap ko si mama at sinabi sa kanya ang gusto kong mangyari tungkol sa pag-aaral ko. Habang papunta ako sa school ay malalim ang iniisip ko, Sana lang talaga tama ang desisyon na gagawin ko. Makakabuti nadin siguro to para sakin para maka move on nadin ako. Pagpasok ko sa room namin ay nandon na si Mark at nginitian nya ako pero hindi ko sya pinansin dumiretso agad ako sa upuan ko. "Dex ayos kana ba talaga?" -Miles "Oo be salamat pala sa mga sinabi mo nung nakaraang gabi ha?" "Wala yon, kung kinakailangan kitang sabihan araw araw gagawin ko maliwanagan kalang na talagang sinasaktan mona ang sarili mo" -miles Maya maya ay lumapit sakin si Mark kaya tumigil muna si Miles sa pagsasalita, Kainis naman balak kopa naman sana na umiwas muna kahit ngayong araw lang. "Dex bakit hindi ka pumasok kahapon?" -mark Tumabi sya sakin pero Hindi ko sya pinansin nagFocus nalang ako sa kunwaring ginagawa ko. "Hoy bakit dika nagsasalita napipi kana ba?" "Sayang hindi mo nakita yung Pag oo sakin ni Sheena, At sobrang saya nya" Pinaalala na naman nya sakin, Gusto ko na nga muna wag isipin ang tungkol sa kanila para makapag focus ako. "Dex salamat pala sayo ha, nako kung hindi dahil sayo hindi ko alam kung maging success ang ginawa ko kahapon" -mark "Mark pwebe ba? ayoko munang makipag usap ngayon! pwede?! at hindi ako interesado sa mga sasabihin mo!" Hindi ko na pigilan na hindi magtaas ng boses, Napatingin tuloy yung mga kaklase namin pati si Miles nagulat sa ginawa ko. Tumayo si Mark at parang nalungkot. "Sorry, akala ko kasi gusto mong marinig ang mga ikukwento ko" -Mark "Minsan magtanong kadin kasi" Kinuha ko yung gamit ko at lumabas, Yung mga kaklase magbubulungan lang abot hanggang kabilang bansa. Na guilty ako sa ginawa at nasabi ko kay Mark, Sa buong buhay ko ngayon kulang sya nasigawan ng ganon. Pumunta ako sa guidance office dahil may kailangan akong gawin. "Good afternoon po sir?" "Yes come in, What can i do for you" OMG! English huhu hindi pa naman ako magaling mag English baka dumugo ilong ko hehe. "Sir? Ano po kasi, Balak ko na po kasi lumipat ng school after matapos ang sem nato" "Bakit naman? ayaw mo na ba sa school natin?" -Sir "Sir hindi naman po sa ganon, May problema lang po kasi kaya kailangan ko lumipat" "I understand, Pero uunahan na kita dapat sa school na lilipatan mo ay same lang ng curriculum natin dito kasi baka hindi ma credits ang mga subjects na tinake mo. Sayang naman" -sir Naisip ko nadin ang tungkol dyan, Pero nakapag search na ako ng school na pwede kong lipatan ilang kilometro lang ang lapit. ...............................FLASHBACK..................................... Pagkatapos ng paguusap namin ni Miles ay medyo naliwanagan na ako. Matagal ko na din iniisip kung paano ko makakalimutan si Mark, Hindi ko man makalimutan ang lahat sa kanya pero baka makalimutan ko ang pagmamahal ko sa BestFriend ko. At magagawa kolang yon kung hindi ko makikita si Mark at ang paglipat ng ibang school ang tanging naisip ko para mangyari yon. Kinabukasan ay kinausap ko agad si mama tungkol sa gagawin ko. "Anak sigurado kaba dyan?" -mama "Opo ma" "Ikaw bahala, Pero dapat ipaalam muna natin to sa papa mo ha? " -mama "Sige po ma" "Bakit ba bigla bigla mo nalang naisip na lumipat sa ibang school? May nang aaway ba sayo sa school? Gusto mo puntahan ko?" -mama Kahit kelan talaga to si mama napaka warfreak haha tinalo pa si papa. "Ma walang nang-aaway sakin, atsaka napagisip isip ko nadin yung offer sakin ni Tita na pag-aralin nya ako. Diba mas mabuti yon? para mabawasan ang iniisip nyo ni papa" "Napaka bait mo talaga Dex, sorry kung hindi ka namin mapag-aral sa magandang school ha" -mama "Ayos lang yon ma, Walang problema sakin" "Pero anak kung may nang aaway talaga sayo sa school. Sabihin molang reresbakan ko" -mama "Ma wala nga po" Mabuti nalang hindi na masyado nagusisa pa si mama kung bakit bigla bigla ko nalang naisipan na lumipat sa ibang school. Si Mark naman talaga ang dahilan kung bakit gusto kong lumipat sa ibang school given nalang yung offer sakin ni Tita. Naisip kodin kasi na sayang kung hindi ko igagrab ang oppurtunity at para makalimutan ko nadin yung feelings ko kay Mark. . .........................END OF FLASHBACK........................... Inexplain sakin ni Guidance kung ano ang dapat kung gawin para maging maayos at madali ang paglipat ko. Wala akong ibang pinagsabihan tungkol dito maliban kay Mama at kahit kay Miles hindi kopa nasasabi bukas nalang siguro kapag kalmado na ang pag-iisip ko. Umupo ako sa isang tabi at yumuko, Ang sakit na kasi nang ulo ko kakaisip. Maya maya ay may naramdaman ako na tumabi sakin. "Iiyak kana lang ba palagi?" -Tyrone "Hindi ako umiiyak" "Sus Dex, Kilala kita alam kong si Mark yan. Bakit hindi mona kasi sabihin sa kanya yung nararamdaman mo?" -Tyrone "Para saan pa? Para masaktan ako?" "Lalo kalang masasaktan kung hindi mo sasabihin sa kanya dahil hanggang hindi mo nasasabi yan hindi maalis sa puso sa isip mo ang lahat ng katanungan na gumugulo sayo ngayon" -Tyrone Hindi na ako nakaimik sa sinabi nya, Tama naman silang lahat na dapat umamin na ako. Pero anong gagawin ko? Hindi ako kasing lakas ng iba para umamin sa mahal ko. Umalis din agad si Tyrone dahil pupuntahan pa nya si Nicole, Masaya ako sa kinalabasan nang lovelife nya. MARK'S POV Hindi ko akalain na masisigawan ako ng ganon ni Dex kanina, Sa tagal naming magkaibigan ay ayon ang unang pagkakataon na nasigawan nya ako. May problema kaya sya? Pero bakit hindi nya sinasabi sakin? Bestfriend nya ako kaya handa akong makinig sa ano mang sasabihin nya. "Ui Mark" Narinig ko nalang na nagsalita si Sheena, Nawala sa isip ko na magkasama pala kami ngayon. Iniisip ko kasi si Dex hindi ako sanay na ganon sya. "Mark may problema kaba? bakit nakatulala ka?" -Sheena "Si Dex kasi mukhang may Problema sya" "Kung may problema sya edi dapat kausapin mo sya diba mag Bestfriend kayo? Sigurado ako sasabihin nya yon sayo" -sheena "Pero kasi kanina. Nasigawan nya ako at mukhang ayaw nya ng kausap ngayon" Tumabi sakin si Sheena at niyakap ako. "Wag kanang mag-alala Mark ako ang kakausap sa kanya, Baka sakaling kausapin nya ako" -Sheena "Talaga?" "Oo naman, Syempre lahat ng kaibigan mo kaibigan ko nadin at lahat ng importante sayo ay importante nadin sakin kaya ako na ang bahala kumausap sa kanya" -sheena "Salamat Sheena" "Pero bago ang lahat kumain na muna tayo" -sheena Napakabait talaga ni Sheena, Sana lang talaga ay makausap nya si Dex para malaman kona din kung ano ang problema nya medyo matagal nadin kasi nang huli akong pumunta sa bahay nila kaya hindi ko na natatanong si Tita tungkol kay Dex. DEX'S POV Final na talaga to wala nang atrasan, habang naglalakad ako ay pinagmasdan ko yung paligid ng school kahit saglit ako nandito ay marami na akong masasayang alala na nabuo dito kaya kapag umalis na ako mamimiss ko ang school. Habang naglalakad ako ay may tumawag sakin. "Dex?!!!" Hinarap ko si Sheena at hingal na hingal sya, san kaya sya sumali ng marathon? "Dex buti nakita na kita, kanina pa kasi kita hinahanap" -Sheena Mukhang alam kona kung anong kailangan nya sakin. "Kung inutusan ka ni Mark para kausapin ako please lang wag muna ituloy" "Pero Dex, Nag-alala sayo yung kaigan mo. Anong problema mo?" -sheena "Wala akong problema" "Pero bakit ayaw mong kausapin si Mark? Galit kaba sa kanya" -sheena Paali na sana ako pero hinawakan nya ang kamay ko. "Hindi ako galit kay Mark!" Tinanggal ko yung kamay at aksidente syang natumba, Lalapitan kona sana sya pero biglang dumating si Mark. "Dex anong ginawa mo?! bakit mo tinulak si Sheena?" -mark Halata sa mukha ni Mark na nagagalit sya dahil sa nangyari. "Mark hin----" "Dex kung may problema ka sabihin mo! hindi yung nanakit ka! pati ba naman si Sheena? Alam mo hindi na ikaw yung kilala kong Dex, Ang laki nang ipinagbago mo" -mark Galit na talaga si Mark, Pero nagbago na nga ba talaga ako? kaya kolang naman nagawa ang mga nagawa ko kanina ay dahil naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa kundi ang magtiis at umiyal dahil wala naman akong karapatang magalit o ipakita sa kanila na nagseselos ako. Pero ang mas masakit yung sa tingin nya talaga kaya kong manakit ng ibang tao. "Sa tingin mo ba talaga Mark nagbago ako? o baka naman sating dalawa ikaw lagi yung wala, Asan ka ng mga panahon na kailangan ko nang kaibigan? asan ka?!!!!" Hindi kona napigilan ang mga luha sa mata ko. Gusto konang yakapin si Mark para sabihing mahal na mahal ko sya pero hindi ko kaya, Natatakot ako. "Dex sorry Akala ko kasi tinulak mo siya" -Mark "Bakit ka magsosorry? wala ka namang ginawa diba? Pero ito lang yung sasabihin ko sayo kahit kelan hindi ko magagawang manakit ng ibang tao maliban nalang kung sinaktan din ako" Lumapit sakin si Mark at niyakap ako ng mahigpit ramdam ko sa yaka nayon ang pag-aalala nya, Pero kailangan kong tatagan ang loob ko kung gusto kong makalimot dapat kayanin kong tiisin sya. "Mark uuwe na ako" "Hindi pa tapos ang klase natin ha?" -Mark "Sumama na ang pakiramdam ko, Sheena sorry pala hindi ko sinasadya." Ngiti lang ganti sakin ni Sheena, Alam ko naman na naging atittude ako dala narin siguro nang bugso ng damdamin. "Dex kapag ready kana, Nandito lang ako at handa ko makinig" -Mark Hindi na ako lumingon sa kanila at dirediretso nalang akong nanglakad. Sana talaga mapabilis na yung process para makalipat na ako sa ibang school Gusto kona din kasi makapag move on. Wala nadin kasing silbi kung aamin pa ako kay Mark, May Girlfriend na sya at lalo lang ako masasaktan kung sa bibig pa nya mismo manggaling na hanggang magkaibigan lang kami. Pero kung gugustuhin ng tadhana na umamin ako, Hindi ako magdadalawang isip na sabihin Kay Mark na gustong gusto ko sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD