CHAPTER 17

1753 Words
MARK'S POV Maaga akong gumising dahil susunduin ko si Sheena sa meeting place namin hindi kopa kasi sya pwedeng sunduin sa kanila dahil hindi pa nya nasasabi sa parents nya ang tungkol saming dalawa, Sobrang excited ko kasi ito ang unang araw namin biglang magkasintahan. "Anak bakit abot tenga yang ngiti mo? Sinagot kana ba ng girlfriend mo?" -mama "Ah eh paano nyo po nalaman?" "HighTech na ang panahon ngayon, Nakita ko sa f*******:" -mama Oo nga pala feeling millenial to si Mama haha mas updated pa nga sya kesa sakin eh, Ayaw nya daw kasi tumanda kahit wala na sa kalendaryo yung edad nya. Lumapit sakin si Mama at ginulo ang buhok ko, Kainis naman si mama inayos ko kaya tong buhok ng matagal tapos guguluhin nya lang. "Ma yung buhok ko po" "Binata na talaga itong anak ko. May girlfriend na, kelan moba sya ipapakilala sakin?" -mama "Tatanong kopa po sa kanya ma, Kung kelan sya pwedeng pumunta dito" "Sige anak" -mama Nagpaalam na ako kay Mama dahil baka matraffic ako, Mabuti nalang ayos lang kay mama at mukhang excited sya na makilala si Sheena. Ngayon ko nalang ulit naranasan ang mainlove at kiligin ng ganito kaya sobrang excited ko talaga. 10 minutes na akong naghihintay kay Sheena pero wala paden sya, Nakailang messages nadin ako sa kanya pero walang reply. Bigla ko tuloy naalala si Dex, Kasi kami pag magkikita kami kailangan talaga on time maliban nalang kung nagka emergency. Habang nag-aantay ako kay Sheena ay nakita ko si Dex na naglalakad kaso bakit kaya hindi sya naka uniform, Nilapitan ko agad sya ay tinakpan yung mata nya katulad ng lagi kong ginagawa sa kanya. Kaya lang nagulat ako dahil nang humarap yung tinakpan ko ay hindi sya si Dex, Ibang tao sya. "Bakit po may problema ba?" "Ah eh sorry po, akala ko kasi ikaw yung kaibigan ko" Umalis din naman agad sya Nakakahiya yung ginawa ko mabuti nalang hindi sya nagalit sakin. Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago sya dumating. "Mark sorry ha? traffic kasi eh, Kanina kapa ba dito?" -Sheena "Hindi naman, Ano tara na?" Tumango lang sya sakin at naglakad na kami papunta sa sakayan ng Jeep, Habang naglalakad kami ay pasimple ko syang hinahawakan sa kamay (Hokage moves) at nang nahawakan ko yon ay hindi naman sya umangal kaya hindi kona binitawana ang kamay nya hanggang sa makasakay kami. Ako nadin ang nagbayad ng pamasahe namin, At pinaypayan kodin sya ng mapansin kong naiinitin sya. Gusto ko kasing ma feel ni Sheena na talagang mahal ko sya. Hinatid kodin sya hanggang sa makapasok sya at habang naglalakad ako ay nasalubong ko si Tyrone. "Tol san ka galing?" Tanong nya sakin. "Ah hinatid ko lang yung Girlfriend ko" "Naks naman, Ang sweet mo namang boyfriend" -Tyrone "Haha hindi naman, Parang ikaw hindi mo hinahatid ang girlfriend mo" "Ganon talaga tol, Baka kasi may umaligid alam mo na" -Tyrone May pag segurista din pala tong si Tyrone eh. "Asan pala si Dex?" -Tyrone Speaking of Dex kahapon kopa sya hindi nakikita, At hindi kona nadin sya nagawang ichat dahil nawala sa isip ko masyado kasi akong nasiyahan kahapon. Kung hindi dahil sa kanya hindi magiging tagumpay ang surpresa ko kahapon. "Baka nandon nayon sa room" Sabay kaming pumasok ni Tyrone at una kong tiningnan ay yung pwesto ni Dex, Pero sa kasamaang palad bakante yon. Sayang naman marami pa naman akong ikukwento sa kanya, Lumagpas ang isang subject pero wala padin si Dex. Inisip ko nalang na baka tinamad na naman yon. DEX'S POV Ganito pala pag broken hearted ka noh? tatamarin ka sa lahat ng bagay, Tiningnan ko yung oras at 10 na nag isip pa ako kung papasok ako o hindi. Mayamaya ay narinig kona ang boses ni mama, Nako po ayan nasya maagang pamisa na naman ito nagtaklob agad ako ng kumot para kunwari tulog pa ako. Naramdaman ko nalang namay yumuyugyog sakin alam kong si mama yon kaya nagpanggap ako nakagigising lang. "Ano Dex wala kang balak pumasok? anong oras na oh? Yan na nga ba ang sinasabi ko eh puyat ka kasi ng puyat. Nako sa susunod kukunin kona yang cellphone, Baka sa susunod malaman laman ko nalang na may boyfriend kana lagot ka talaga sakin" -mama Kita nyo guys? ang ganda ng gising sakin ni mama noh? at grabe sya nagcecellphone lang may boyfriend agad? haha pero hindi naman ako naiinis sa kanya kasi sanay nako, Natural nya kaya yon. Mas maiinis ako sa kanya kung tahimik sya haha. "Ma linggo po ba ngayon?" "Friday palang Bakit?" -mama "Talaga ma? eh bakit nagmimisa kayo?" "Puro ka talaga kalokohan Dex" Lumapit sakin si mama at hinampas ako sa pwetan, Natawa naman ako kasi G NA G sakin si mama haha. "Bumangon kana dyan anong oras na" -mama "Ma hindi po ako papasok ngayon, Bukas na" "Anong bukas eh saturday na, M W F lang ang pasok mo" -mama "Talaga ma? ay haha nakalimutan ko edi sa monday na" "Nako Dex, dyan nag-uumpisa yan sa pagbubulakbol  baka sa susunod hindi kana mag-aral" -mama Bulakbol agad hindi ba pwedeng broken lang si Ako, Oo tanga ako dahil kahit nasasaktan na ako ay nagagawa ko padin lumapit kala Mark pero may kahihiyan pa naman ako sa sarili ko ayaw ko naman na makita nila na malungkot ako habang sila masaya. "Ma mag-aaral pa po ako, Umabsent lang ako ma hindi ako titigil" "Osya sige na bumangon kana dyan at ikaw nalang ang bumili ng iuulam natin para mamayang gabi tutal hindi ka naman papasok" -mama "Mama naman, Ayaw kong pumuntang palengke" "Sige pag-ako bumili wag kang kakain mamaya" -Mama Bumangon agad ako, grabe talaga manakot si mama wala talaga akong pagpipilian. "Ito na nga ma mag-aayos na nga ako" Nakakatamad talaga pumuntang palengke ng ganitong oras kasi mainit, Ewan koba naman kasi kay mama at napagtripan akong utusan. "Anak palengke ang pupuntahan mo hindi mall" Napatingin tuloy ako bigla sa suot ko, Naka tshirt lang naman ako. Alangan naman magsuot ako ng punit punit. "Ma, Syempre kailangan maayos akong tingnan" "Sige na umalis kana, Ang daldal mo" -mama Wow? bandang huli ako pa ang naging madaldal haha. "Ma paano ako makakaalis eh wala pa yung pera" Binigay na sakin ni mama yung pera at umalis na ako para makabalik agad. Kahit paano ay nalibang ako sa pag-uusap namin ni Mama nakakawala ng lungkot. Nang makarating ako sa palengke ay parang nakarinig ako ng sampong mama ko sa ingay haha, Hinanap ko agad yung bilihin ng gulay dahil magpapakbet daw si mama wala kasi kaming budget pambili ng karne. "Ganda dito ka bili samin mura lang" Ang saya saya dito sa palengke lahat ng klaseng papuri na pwede mong matanggap ay makukuha mo. Lumapit ak sa kanya at tiningnan ang mga gulay nya. "Sariwang sariwa yan kaya bili kana" Napatingin ako sa talong at kinuha yon, Gusto sanang sabihin sa kanya na pano naging sariwa tong talong eh kulobot. "Ate magkano sa talong nyo?" "30 isa" binitawan ko agad, pano kasi ang mahal kasi paano ko pagkakasyahin ang dala kong pera kung ganito kamahal ang mga bilihin. "Ate ang mahal naman" "Nako Mura nayan, kung sa iba ka bumili mas mahal pero kung madami kang bibilhin bababaan ko para sayo" Dahil sa madiskarte ako ay napagkasya ko yung dala kong pera, Kahit hindi pa naluluto ni mama ay naiimagine kona na masarap yon. OMG! EXCITED MUCH! Pagdating ko sa sakayan ay sumisigaw yung konduktor. "Oh dalawa nalang! Dalawa nalang para sa magjowa!" "Kuya paano pag magisa lang?" "Wag munang ipilit kung alam mong para sa kanila lang dalawa" Aww!! double meaning yon ah! parang gusto nyang wag na akong umamin kay mark at manahimik nalang ako. "Pero kung ayaw mo silang magsama edi sumakay ka" Grabe si Kuya humuhugot! This time parang gusto nyang sabihin sakin na may choice ako kung hahayaan ko sila na maging masaya at pumagitna sa kanila. Hayss lalo lang ako naguluhan dahil sa mga sinabi ni kuya, Pero sumakay nadin ako dahil kung maghihintay pa ako ay matagal pa. Pagsakay kopa sa Jeep yung tugtog pa parang na nanadya Tapos may mag jowa pang naghaharutan sa tapat ko ang sikip sikip na nga naghaharutan pa! ano bang akala nila sa Jeep? Park? Edi sila na masaya! ako na ang malungkot! sila na may lovelife ako na ang wala! hahaha di ako bitter (Medyo lang) MILE'S POV Dinamdam na naman siguro ni Dex ang nangyrai kahapon kay Mark at sheena ewan koba naman kasi sa baklang yon hindi naman ako nagkulang na sabihan sya na umamin kay Mark kaso ang lola nya tanga tangahan kahit nasasaktan na go lang ng go. "Miles alam moba kung bakit hindi pumasok si Dex? -mark OO mark alam ko kung bakit, at ikaw ang dahilan non. "Hindi eh, baka tinamad lang yon" "Siguro nga" Gusto ko sana sabihin sa kanya na kung tanga si Dex sya naman Manhid kasi imposible naman na hindi nya maramdaman na may feelings sa kanya si Dex. Nang makauwe ako ay tinawagan ko agad si Dex, Alam ko kasi na nasasaktan yon dahil sa nangyari. "Hello Dex? kamusta okay kana ba?" "Oo be" Kahit sinabi nya sakin na okay lang sya ay hindi ko magawang maniwala para kasing malungkot sya eh. "Dex hindi masamang umamin kung nasasaktan kana" "Be aaminin ko nasasaktan na talaga ako" -Dex Naawa talaga ako kay Dex dahil sobra na ang sakit na nararamdaman nya dahil lang sa nainlove sya sa BestFriend nya kahit ako ay hindi ko alam kung paano ihahandle ang kalagayan nya. Madali lang kasi magsalita dahil wala ka sa posisyon pero kapag nasa sitwasyon kana ng kagaya ng kay Dex kahit gaano ka katalino ewan kolang kung hindi ka maging bobo. Gusto ko sanang puntahan si Dex para damayan sya kaso gabi na at wala din akong perang pamasahe papunta sa kanila. "Hindi naman sa pinangungunahan kita o nakikialam ako, Pero siguro dapat this time pairalin mo naman yung isip mo wag lagi yung puso" "Anong ibig mong sabihin?" -Dex "Minsan kasi Dex puso ang nagiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan pero kapag ginamit natin ang isip hindi man natin mapigilan na hindi tayo masaktan atlis malalaman natin kung hanggang kelan tayo magpapakatanga" Kahit man lang sa mga salita ko ay matulungan ko si Dex para mapagaan ang dibdib nya. "Salamat Miles, Mabuti nalang nandyan ka kahit paano ay naliliwanagan ako" -dex "Dex kaibigan kita kaya syempre tutulungan kita, Pero uulitin ko hindi masama ang umiyak kung nasasaktan kapa iiyak molang yan. Pero kung alam modin na marami na aapektuhan dahil sa pag-iyak mo ay mag-isip kana" "Alam ko naiinis kana sakin Miles dahil sa katangahan ko" -Dex "Oo naiinis ako sayo, Pero humahanga din ako sayo dahil kahit nasasaktan kana ay nagpapatuloy kapa din. Hindi katulad ng iba Tanga na nga sa lovelife pinapabayaan pa ang sarili nila." Humaba pa ang naging pag-uusap namin ni Dex at sinanihan ko sya na pumasok na sa monday para harapin ang katotohanan base sa naging paguusap namin ay masasabi kong sa kabila ng kalungkutan nya ay may isang katangian sya na hindi nawawala ayon ay ang tumawa at pangitiin ang mga tao sa paligid nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD