CHAPTER 16

1721 Words
DEX'S POV Ang bigat nang pakiramdam ko ngayon at parang ayaw kona namang pumasok, Siguro dahil ngayong araw na yung gagawing surpresa ni Mark kay Sheena. Pagopen ko ng f*******: ay andami na agad messages sakin ni Mark. "Dex asan kana?" "Dex agahan mo pumasok ha? mag aayos pa kasi tayo don" "Dex asikaso nako, asikaso kana din para maaga tayo" "Dex kita tayo sa school" Kainis tinadtad na nya ako, Excited naman sya masyado eh maaga pa naman. Kahit labag sa puso't isip ko ay bumangon ako pakiramdam ko lalagnatin ako sa sobrang pag-iisip sa mangyayari mamaya. Hindi kopa nga nasasabi kay Miles ang tungkol dito dahil sigurado ako pipigilan nya ako. Pagdating ko sa school ay medyo madami nang tao sa quadrangle mga kakuntyaba ni Mark at nag-aayos na sila nang makita ako ni Mark na paparating ay agad syang lumapit sakin. "Dex bakit ngayon kalang?" -Mark "Traffic kasi, Sorry" "Ayos lang, ano maganda ba?" -Mark Tumango nalang ako at pinagmasdan ang disenyong ginagawa nila maraming balloons na nakalagay sa halaman, At mariming petals ng rose na kinorteng puso sa gitna ng quadrangle. At yunh mga estudyangteng may mga hawak ng mga Letters ay nagreready nadin. Okay naman na siguro ang lahat, Baka hindi na ako kailangan dito. "Mark maganda sya, Mukhang wala na dapat idagdag. Paano una na ako ha? may gagawin pa kasi akong assignment" "Sandali lang Dex, Ano kasi pwede bang ikaw ang mag-papunta kay Sheena dito? Please" -Mark Ito na naman ang paawa effect, Gusto kong mainis sa kanya pero natatabunan yon ng pagmamahal ko. "May klase yon ngayon, ayokong makaabala" "Dex please gawan mo nang paraan pwede? Please lang Dex. " -Mark Makakahindi paba ako? pag humindi ako alam kong madidisappoint sya sakin at ayokong mangayari yon. "Oo na, Ako na ang bahala" Napayakap naman sakin si Mark sa sobrang tuwa nya, Minsan naiinis nadin ako sa sarili ko dahil sa mga tangang desisyon na nagagawa ko. Inalis kona ang pagkakayakap nya at naglakad na ako palayo pakiramdam ko kasi ano mang oras bubuhos na ang mga luha sa mata ko. Tumakbo ako palayo sa kanila at humanap na lugar kung saan walang makakakita sakin, Nakarating ako sa likurang bahagi ng school at doon ko binuhos ang lahat sakit at hapding nararamdaman ko. Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? Kailangan talaga nasasaktan ka? Humawak ako sa kaliwang bahagi ng aking dibdib, Nahihirapan ako huminga. Umiiyak ako na parang wala nang bukas pero iniwasan kong lumikha ng ingay dahil baka may makakita sakin para akong baliw dahil sa ginagawa ko. Ilang minuto din ang luhang yon pero hinang hina ako, inayos ko ang sarili ko dahil kailangan kopang puntahan si Sheena, Nang mga aros nayon sumasagi din sa isip ko na wag nang puntahan si Sheena pero masyadong matibay ang pagiging magkaibigan namin ni Mark kaya kahit masakit gagawin ko kahit sa kabila nito ay namumukhang tanga na ako. Nang makarating ako sa tapat ng room nila Sheena ay nakisuyo ako sa isa nyang Classmate na tawagin sya. "Dex tawag mo daw ako?" -Sheena "Ah eh oo, Kasi si Ano. Si Mark" "Bakit anong meron sa kanya? wait are you crying?" -Sheena WTF napansin nya siguro yung mata ko na pakiramdam ko nga namamaga eh. "Hindi ah, Nasundot lang ni Miles kanina habang naghaharutan kami" "Ganon ba? Ano nga ulit yon? may Nangyari ba kay Mark?" -Sheena Lord help me anong idadahilan ko sa kanya, Hayss bahala na si Batman. "Si Mark nabugbog nandon sya sa may quadrangle" "Ano!!!! Sino ang bumubog sa kanya?" -Sheena "Basta puntahan mo nalang" "Sige, Sige" Nagmadali tumakbo si Sheena halata sa mukha nya ang pag-aalala. Ako naman hindi kona nagawang sumunod dahil baka hindi ko makaya ang mga makikita ko mamaya. Siguro sasarilinin ko nalang ang sakit. SHEENA'S POV Grabe yung kaba ko dahil sa sinabi ni Dex, Bakit naman kaya mabubogbog si Mark eh wala naman syang kaaway. Pagdating ko sa quadrangle ay lalo akong kinabahan kasi ang daming estudyante, Sumingit ako sa mga nagkukumpulang estudyante pero pagdating ko sa gitna ay wala naman don si Mark, May lumapit sakin na dalawang at hinila ako papunta sa gitna lahat sila nakatingin sakin OMG? ano bang nangyayari dito bakit lahat sila nakatingin sakin?? may mga lobo sa gilid. Meron kayang may Birthday? huli kona napansin na nasa gitna pala ako nang hugis puso na gawa sa mga petals ng rose. Mayamaya ay may Tumugtog, kanta yon ni ED SHEERAN na "PERFECT" Bawat linya ng kanta ay may lumalapit sakin na mga estudyante at may inaabot na roses. Ano ba talagang meron?? naguguluhan na ako. Nang patapos na yung kanta ay nakita ko si Mark at papalapit sya sakin, Yung ngiti nya sakin lalong nagpapasaya sa puso ko. Nang makalapit sya sakin ay may inabot ulit syang bulaklak. "Mark ano to?" Lumuhod sya sa harap ko, Sa harap ng mga estudyante dito meron din mga teachers na nanonood. "Sheena? Mahal na mahal kita, Can you be my Girlfriend?" -Mark Luminya ang mga estudyante at may mga letters silang hawak na naka sulat "CAN YOU BE MY GIRLFRIEND". Tumingin ako sa mga mata ni Mark at nag-aantay nalang sya ng oo ko. Nagsigawan naman yung iba ng YES!!!!. Dahil mahal ko din naman si Mark at Alam kong mahal nya din ako ay Umuoo na ako sa kanya. Umingay naman ang buong paligid at ang ngiti ni Mark ay aabot na sa tenga, Masaya ako dahil alam kong masaya din si Mark. "Sheena salamat" -Mark "Bakit ka nagpapasalamat?" "Kasi umuo ka sakin" -Mark "Napilitan lang ako kasi ang daming tao, ayaw kitang mapahiya" Lumungkot bigla ang mukha ni Mark dahil sa sinabi ko, Haha ang cute nya magtampo. "Seryoso ka?" -mark "Joke lang! ito naman hindi mabiro" "Akala ko totoo yon, wag muna ako lolokohin sa susunod ha?" -mark Ngumiti lang ako sa kanya, Sobrang tuwa ko dahil sa effort ni Mark sa pag surprise sakin at yung sinabi sakin ni Dex kanina parte lang pala ng plano nya haha paniwalang paniwala na ako eh. Pakiramdam ko ako na ata ang pinakaswerteng babae sa mundo dahil alam kong mahal ako ng mahal ko. Hinatid ako ni Mark hanggang sa room ko at grabe yung mga kaklase ko todo kilig, Tinalo pa ako parang sila yung sumagot na oo. DEX'S POV Dumiretso agad ako sa room namin kinuha ko yung gamit ko dahil uuwe nalang ako. "Be saan ka pupunta?" -Miles "Uuwe muna ako dahil sumama ang pakiramdam ko" Lumapit agad sakin si Miles at hinimas ang leeg ko. "Hindi ka naman mainit ah? Dex bakit namamaga ang mata mo, Umiyak kaba?" -Miles "Napuwing lang ako Miles" "Napuwing? bakit gaano ba kalaking dumi ang pumasok sa mata mo at namaga yan ng ganyan? Sabihin mo nga sakin si Mark na naman ba yan?" -miles Hindi ako nakasagot sa sinabi nya, Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya. "Sabi ko na nga ba eh, Dex ano bang nangyari?" -Miles "Miles uuwe muna ako. Sa susunod nalang ako magpapaliwanag" Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng classroom. Alam kong nag-alala sakin si Miles pero hindi ko pa talaga kayang mag kwento ngayon. Hindi ko na nga din nagawang magpaalam sa mga teachers ko eh, Mabuti nalang close ko yung guard kaya pinalabas nya din ako agad. "Dex!" Paglingon ko si Tyrone kasama si Nicole. "Hello sa inyo?" Hindi ako makatingin sa kanila dahil ayaw kong makita nila ako. "Dex, Gusto lang namin mag thank you sayo dahil official na kami ni Nicole." -Tyrone "Talaga? mabuti naman kung ganon" "Oo nga eh, Mabuti nalang nagkalakas ako ng loob para ipaglaban ang pagmamahalan namin ni Nicole" -Tyrone Mabuti pa sya nagkaroon na ng lakas ng loob, eh ako kelan kaya? magkakaroon pa kaya? "Masaya ako para sa inyo" "Masaya pero bakit parang malungkot ka?" -Tyrone "Wala masama lang ang pakiramdam ko, Pano una ako ha?" Gusto kopa sanag makipag-usap sa kanilang dalawa kaso lang hindi kopa kayang makipagusap sa ngayon at ayaw kong makita nila na ganito ang itsura ko. Kinuha ko yung earphone na nasa bag ko at nagpatugtog tinodo ko ang volume dahil ayaw ko muna marinig ang ingay ng paligid. Una kong napindot ang kanta ni Krizza Nerri na "Bat diko ba Nasabi" Heto na naman ako nag-iisa Nakalutang lang sa hangin at lagi nang tulala Sobra ang pagsisisi at parang hindi na tatagal Di ko nasabi na kita’y minamahal "Kasalanan koba talaga? Ganon ba ako katanga dahil hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko sya" Pag bumabalik sa isip ko ang nangyari Kung paano ang damdamin ko’y di nasabi May pag-asa ba ang tulad kong hangal Di ko nasabi na kita’y minamahal "Bakit ngayon alam kong sila Mark at Sheena na ay parang nagsisi ako dahil hindi ko nasabi sa kanya yon" Ba’t di ko pa nasabi tanong ko sa sarili Panahong lumipas sa ‘tin ay nasayang lang Ba’t di ko pa nasabi ang puso ko’y nagsisisi Kung maibabalik ko lang sana Kung maibabalik ko lang sana Sa tuwing nasasalubong kang kasama siya Masaya kayo sa piling ng isa’t isa Para bang ang puso ko’y sinasakal Di ko nasabi na kita’y minamahal Ba’t di ko pa nasabi tanong ko sa sarili Panahong lumipas sa ‘tin ay nasayang lang Ba’t di ko pa nasabi ang puso ko’y nagsisisi Kung maibabalik ko lang sana Kung maibabalik ko lang sana Ooohhhh Araw-araw sa isip ko’y ikaw Sa paghimbing maging sa panaginip Nangangarap baguhin ang ikot ng mundo Babalik sa mga sandaling ako pa ang mahal mo Hoooohhhhh Ba’t di ko pa nasabi tanong ko sa sarili Panahong lumipas sa ‘tin ay nasayang lang Ba’t di ko pa nasabi ang puso ko’y nagsisisi Kung maibabalik ko lang sana Kung maibabalik ko lang sana Sana'y nasabi. Nakakainis yung message ng kanta sapol na sapol talaga ako, Parang ginawa talaga sya para sakin. Habang tumitingin ako sa Cellphone ko ay may Sasakyan na pala na papalapit sakin agad kong tinanggal yung earphone sa tenga ko at napapikit nalang. "Hoy!! Kung magpapakamatay ka wag dito!! wag kanang mandamay ng iba!" Gumilid agad ako bigla, Mabuti nalang nakapreno agad yung sasakyan huhu mapalad padin ako, akala ko mababangga na ako eh. HaBang pauwe ako sa bahay ay hindi ko padin maiwasan ang hindi isipin ang nangyayari sa school, Siguro nag saya saya na ni Mark dahil napasagot na nya si Sheena. "Anak bakit ang aga mo namang umuwe?" -mama "Ma wala po kaming Prof. kaya maaga ang uwian namin ngayon" Dumiretso na agad ako sa kwarto ko at pasalampak na humiga at iniyakan ko na naman ang kawawa kong unan. Masasabi kong isang kaibigan kona dina ng unan ko dahil kasama ko sya sa mga panahong malungkot ako at sya ang saksi sa bawat luhang lumalabas sa mata ko. Nagbukas ako ng f*******: dahil gusto kong makabalita, Ewan koba kahit nasasaktan na ako sige parin ako ng sige. Unang bumungad sakin yung status ni Mark. In a realionship with Sheena. Andami ng comment at binati sila, ako naman binasa kolang ang lahat ng mga comments don. Wala eh ito yung choice ng puso ko kahit ayaw ng utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD