DEX'S POV
Masaya ako dahil mukhang magkakaayos na si Tyrone at Nicole sana lang talaga malampasan nila kung ano man ang bumabalakid sa kanilang relasyon.
"Dex!?"
Ito na naman ang isa sa mga problema ko, Si Mark dahil hanggang ngayon hindi ko padin nagagawang umamin sa kanya.
Lumapit sya papunta sa sakin at todo ngiti, Bakit kaya nakangiti ang mokong nato? anong meron?
"Dex, Kailangan ko nang tulong mo" -Mark
"Bakit para saan?"
"Gusto kona kasing hingiin yung oo nya" -Mark
Natahimik ako sa sinabi nya, Talagang mahal na mahal nya si Sheena at mukhang wala na talaga akong pag-asa. Ito na naman nasasaktan na naman ang tanga kong puso, Mark hindi moba talaga alam na may gusto ako sayo???
"Dex ano tutulungan mo ba ako?" -Mark
Bumalik ako sa ulirat ng magsalita sya, Nakatulala na naman pala ako.
"Ah eh oo tutulungan kita"
Gusto kong bawiin yung sinabi ko dahil sa katangahan ng bibig ko.
"Talaga!?"
Sa sobrang tuwa nya ay niyakap nya ako ng mahigpit, Buti pa sya masaya eh ako? nagluluksa at durog na durog ang puso. Bakit ba ang unfair ng buhay? Kung sino pa yung mahal sya pa yung hindi pwede mapasayo, At sa dami dami ng taong pwede mong mahalin ay sa kaibigan mopa.
"Mark bitawan mona ako hindi ako makahinga" Malungkot kong pagkakasabi.
"Ay sorry, Pero bakit parang malungkot ka? Hindi kaba masaya para sa Bestfriend mo?" -Mark
"Ah eh ako hindi masaya? Syempre masaya ako" Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay nasasaktan na ako.
"Wag kang mag-alala Dex, Ikaw paden ang kaisa-isa kong Bestfriend at hindi ka mapapantayan sa puso ko" -Mark
Bestfriend! Bestfriend? Oo na siguro nga dapat tanggapin kona yung katotohanan na hanggang Bestfriend lang ako sa buhay ni Mark at hindi na hihigit yon.
Umupo muna kami ni Mark sa isang Bench at nag-usap kung paano ang gagawin namin para mapasagot si Sheena, Naiisip kopa lang na kapag nalam ni Miles na ako ang tumulong kay Mark para mapasagot si Sheena ay natatakot na ako sa pwede nyang gawin at sabihin sakin, Siguro masasampal na nya ako sa sobrang katangahan ko (Sampal ng kaibigan).
"Dex kinakabahan talaga ako bukas" -Mark
"Ang OA mo dipa naman kayo iikasal"
"Kahit na, Pero alam mo darating din kami dyan dahil alam ko si Sheena na ang babaeng makakasama ko habang buhay" -Mark
Sige Mark ipamukha mopa sakin na mahal mo si Sheena, Kulang pa ata yung sakit para sakin.
"Hindi mo masasabi yan Mark dahil nababago ang panahon baka bukas yung mahal mo may mahal ng iba, At yung totoong nagmamahal sayo ay ayon ang makikilala mo"
Ang taray ko! may pag hugot haha double meaning yan! Sana lang tamaan si Mark.
"Wag ka ngang ganyan Dex, Naiisip kopa lang na maghihiwalay kami ni Sheena eh hindi kona kaya" -Mark
"Bakit totoo naman yung sinabi ko ha? Pero kung talagang kayo edi kayo"
"Pero Dex paano moba malalaman na sya yung taong para sayo?" -Mark
Napaisip ako sa sinabi ni Mark, Oo nga noh? paano mo kaya malalaman kapag nalaman mong sya na?
"Ibabalik ko sayo yung tanong Mark, Anong naramdaman mo nang makita mo si sheena?"
Nag-isip mona sya bago nya sinagot ang tanong ko.
"Nang makita ko si Sheena, Biglang nag STOP ang mundo yung parang kami nalang ang tao sa mundo. Walang ibang magkasama kundi kami lang at parang sa amin lang ang mundo" -Mark
Ang drama ni Mark kainis! Nag stop talaga? Pwes darating ako don para iPLAY ang mundong pinatigil nila (Feeling Kontrabida).
"Alam mo Mark mas naniniwala padin ako na kapag nakita mo ang mahal mo or Natagpuan mona si The One? Fast Forward ang makikita mo. Yung Feeling na kapag nakita mo sya biglang bibilis ang lahat makikita mo na masaya kayo na magkasama, Na magpapakasal kayo sa isang Simbahan at sabay nyong buuhin ang bahay na pinapangarap nyo at magkakaroon kayo ng mga anak at higit sa lahat hanggang sa pagtanda kayo paden ang mag-kasama."
"Wow Dex Saan naman nanggaling ang Hugot nayan?" -Mark
Pashnea! nadala ako ng damdamin! Hindi ko namalayan ang mga pinagsasasabi ko huhu nakakahiya humuhugot na naman si Ako!
"Ah eh Basta wag muna tanungin"
Pagpapalusot ko sa kanya
"Bakit nahanap mona ba si The One? Sino yon Si Tyrone?" -Mark
"Hoy Anong si Tyrone!!! Magkaibigan lang kami!"
"Haha Joke lang ito talaga hindi mabiro, Pero Dex kung sino man yang Nagugustuhan mo napakaswerte nya at Napakatanga din nya kung hindi ka nya maappreciate" -Mark
Lumungkot bigla yung mukha ko,Gaano kaba katanga Mark?? dahil hanggang hindi mopa din alam na ikaw yung Mahal ko.
"Sana nga maappreciate nya ako"
"Mukhang inlove na talaga ang Bestfriend ko, Sino bayang maswerteng lalaking yan? kilala koba yon?" -Mark
"Oo Mark kilang kilala mo sya"
"Talaga? Sino yon? sabihin mona sakin nang makilatis ko kung talagang pwede sya sayo" -Mark
"Wag na Mark, Siguro sasabihin ko nalang sayo sa Tamang panahon"
"Ano bayan Dex and daya mo naman ako nga sinabi ko agad sayo namay nililigawan ako, Tapos ikaw may Tamang Panahon kapa talagang nalalaman?" -Mark
"Gusto mo ba talagang makilala kung sino sya?"
"Syempre oo" -Mark
Sasabihin koba o Hindi?? Parang may bumubulong sakin na "Dex Sabihin mona ito na ang tamang panahon na hinihintay mo" At yung isa pang bumulong " Wag mong sabihin dahil masasaktan kalang sa magigiring reaksyon nya".
Grrr kainis naman! Ganito ba talaga kahirap mag mahal? Yung tipong pag amin nalang nahihirapan ka na.
"Mark kasi Ikaw talaga yung Gu--------"
"Dex!!!!!!"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumigaw si Miles. Jusko naman Miles ito na nga eh, aamin na nga ako pero bigla ka namang sumingit sa eksena.
"Anong problema Miles? Bakit parang hingal na hingal ka?"
"Be Halika kana" -Miles
Bigla akong hinila ni Miles kaya naiwan namin si Mark, Ano kayang ipapakita sakin nang babaeng to? Pag hindi lang talaga importante yon may kotong sya sakin (mga 3 jahhaha), Nakarating kami sa Quadrangle ng school at nakakapagtaka kasi ang daming mga studyante ano kayang meron may artista kaya?
Nakisingit kami sa mga estudyanteng nag kukumpulan hanggang sa makarating kami sa pinaka Harap.
Nakita kong magkasama si Tyrone at Nicole, At sakto pagdating namin ay muling hiningi ni Tyrone ang matamis na oo ni Nicole, Umuo naman si Nicole sa kanya kaya todo kilig ang sangkabaklaan at mga kababaihan sa school, Kahit ako hindi naiwasang hindi kiligin. Buti pa sila hayss sana all my Love life din.
Nang makita kami nila Tyrone ay lumapit sila samin.
"Congrats sa inyong dalawa" Bati namin ni Miles.
"Salamat Dex" -Nicole
"Dex Gusto kolang magpasalamat sa pagtulong mo sa amin" -Tyrone
"Wala akong ginawa Tyrone, Sadyang mahal nyo lang talaga ang isat-isa"
"Pero kahit na ikaw padin ang naging susi para maliwanagan kami. Kaya ikaw sana Masabi mona kay Ano na mahal mo sya bago oa mahuli ang lahat" -Tyrone
Pinandilatan ko naman si Tyrone kainis sya pasalamat sya nandyan si Nicole dahil kung wala baka nakatikim to sakin si Tyrone.
"Change topic" Sabi ko nalang para hindi na nila ako tuksuhin.
Masaya ako para kay Tyrone at Nicole sana nga talaga may Forever para sa kanila.
Lumapit din sakin yung dalawang kaibigan ni Nicole na sina Chrisdel at Julia. Humingi sila ng sorry dahil sa nagawa nila sakin alam ko naman na hindi nila sinasadya yon dahil nagawa lang nila yon dahil gusto nilang tulungan ang kaibigan nila kaya pinatawad kodin sila.
MARK'S POV
Kinakabahan na ako para sa gagawin ko bukas sana lang talaga magustuhan ni Sheena ang gagawin ko.
Maganda naman ang naging plano namin ni Dex mabuti nalang talaga meron akong kaibigan na maasahan at laging nandyan sa tabi ko at hindi ako iniiwan.
"Anong ginagawa mo dyan?"
Nasa harap ko na pala si Sheena, Hindi ko agad napansin kasi malalim ang iniisip ko.
"Ah eh nagpapahangin lang"
"Ganon ba? bakit wala ka sa Quadrangle kanina?" -Sheena
"Bakit anong meron don?"
"Si Tyrone may ginawang surprise para kay Nicole na girlfriend na nya ngayon" -Sheena
Ayon siguro yung dahilan kaya biglang hinila ni Miles si Dex, Hindi ko akalain na may nagugustuhan din pala yong lalaking yon.
"Alam mo sayang naman" -Sheena
"Bakit naman sayang?"
"Kasi akala ko si Dex yung gusto nya, Diba nuong nakaraan lang magkasama yung dalawa at ang sweet sweet pa nila?" -Sheena
Napaisip ako sa sinabi ni Sheena, Pero ang sabi sakin ni Dex kaibigan lang ang tingin nya kay Tyrone at base sa pagkakakwento nya sakin ay may iba syang gusto.
"Si Dex At Tyrone magkaibigan lang yon"
"Ay akala ko may something sa dalawa haha" -Sheena
"Wag na natin silang pag-usapan"
Niyaya kona si Sheena na tumayo para hindi na namin pagusapan ang something tungkol kay Dex at Tyrone.
Buong mag hapon ay hindi ako makapag focus sa klase kakaisip sa gagawin ko bukas, Grabe na yung kaba ko ganito pala ang Feeling kapag hihingin mona ang Oo nang isang babae. Mas madali lang pala manuod sa mga video kesa sa actual na ikaw mismo ang gagawa.
"Mukha malaki ang problema ha?" -Tyrone
"Hindi, Sumakit lang bigla ang ulo ko"
Nagdahilan baka kung ano pang itanong ng mokong nato, Medyo naging close nadin kaming dalawa dahil kay Dex.
"Kung ano man yan Goodluck" -Tyrone
Easy easy lang sya palibhasa napasagot na nya yung Girlfriend nya, Ako kaya sasagutin din ni Sheena? sana Sagutin nya ako.
DEX'S POV
"Ano masakit ba?" bulong sakin ni Miles
Magkakasabay kasi kaming unuwe nila Mark at Sheena. Oo masakit talaga, Pero kaya kong magtiis kaya kong saluhin lahat ng sakit.
"Guys Gusto nyo ba sumama sakin?"
Biglang tanong ni Miles sa aming tatlo.
"San na naman yan Be?"
"Basta sumama na kayo" -miles
Tiningnan muna ni Mark si Sheena at nagaantay ng sagot kung papayag sya, Tumango naman si Sheena kaya sumunod na kami Kay Miles. Saan kaya kami dadalhin ng babaeng to.
Pumasok kami sa mall at naglakad ba nang medyo mahaba at huminto kami sa tapat nang isang babae.
"Nandito na tayo" -Miles
"Ano bang gagawin natin dito?"
"Sya si Madam Hula, Kaya nyang hulaan ang kapalaraan ng isang tao" -Miles
"Miles? Naniniwala kapa din ba sa mga hula? nasa 21st Century na tayo"
"Nako be Magaling yan si Madam Hula" -Miles
Si Mark at Sheena naman nakatingin lang.
"Nakikita ko. May Mahal ka, Pero hindi mo masabi sa kanya dahil natatakot ka"
Natahimik agad ako sa sinabi nang manghuhula OMG! paano nya nalaman yon????? Totoo kayang manghuhula sya huhu.
"Ah eh hello Madam Hula? ano po yung sinasabi nyo?" Nagtanong ulit ako sa kanya kasi baka nangtitrip lang sya haha.
"Maupo ka"
Kinabahan ako bigla huhu, Katakot kasi sya parang mangangain ng tao char! Hinawakan nya yung kamay ko at tinitigan ang palad ko.
"Masasaktan ka, Hanggang Minamahal mo sya masasaktan ka. Kaya samibihin muna sa kanya hanggat maaga pa"
Ay grabe sya sakin, Masasaktan talaga? Grabe naman ka malas nang love life.
Tumayo na ako tapos tinawag nya si Mark.
"Bilog ang mundo, Ang nasa taas pwedeng bumaba. Ang Taong mahal mo pwedeng hindi muna mahal at ang isang naghihintay ang pwedeng pumalit"
Totoo kaya yung sinasabi nang manghuhula?
Nag matapos kaming hulaang apat ay umalis na kami, Pero nakatatak padin sa isip ko ang mga sinabi nya. Ano kayang ibig sabihin nang mga sinabi nya?
Hayyss pero kahit ano pang sinabi nya ako padin ang dapat gumawa ng sarili kong tadhana.