DEX'S POV
"Be anong nangyari sa double date nyo kahapon?" - miles
"Wala naman, kumain tapos naglaro ng kung ano-ano"
Nagulat nalang ako ng bigla akong batukan ni Miles ng mahina.
"Aray naman, Bakit mo ako binatukan?"
"Pano kasi sinungaling ka, Magkwento kana kasi" -Miles
Oo nga pala nakalimutan kong may pagkachismosa din pala si Miles gahaha, Kinuwento ko sa kanya na sinundo ako ni Tyrone sa bahay at ang loka todo kilig pinaghihila pa ang buhok ko, Tapos ayon kumain kami at nasaktan na naman ako dahil ang sweet ni Mark at Sheena. Tapos yung paghila nya sakin at pag iwan namin kay Tyrone para makapag bonding kami.
"Alam mo be, Kung ako sayo sabihin mona kay Mark na gusto mo sya" - Miles
"Hindi ko pa nga kaya sa ngayon"
"Hay nako be sinasaktan molang lalo ang sarili mo, Bahala ka ikaw den malay mo may gusto din sayo si Mark" -Miles
"Saan mo naman nakuha yan? eh may nililigawan ngayon"
"Malay mo, Bakit ba haha" -Miles
Malay lang pala eh! Imposibleng magkagusto sakin yon, Magkaibigan lang kami eh! Kaibigan lang ang turing nya sakin huhu.
Habang naglalakad kami ni Miles papuntang library ay dumating si Tyrone at inakbayan agad ako.
"Dex ang daya nyo kahapon ah, iniwan nyo ako" -Tyrone
"Ah kasi----"
"Ayos lang yon haha, Alam ko naman na mas gusto mo talagang kasama si Mark kesa sakin" -Tyrone
Hindi ako nakasagot sa sinabi nya bigla tuloy akong naguilty.
"Uii be ano yon? bakit parang close na kayo ni Mark?" -Miles
Nang makapasok kami sa library ay umupo muna kami at kinuwento ko sa kanya Na alam ni Tyrone na may gusto ako kay Mark at pati nadin sa naging kasunduan naming dalawa ni Tyrone.
"Bakit ka pumayag!?" -Miles
"Eh kasi baka sabihin nya kay Mark"
"Nako be kilala ko yung Girlfriend ng Tyrone nayon. Attitude yon" -Miles
Kinabahan naman ako sa sinabi nya, Na imagine ko tuloy yung itsura ni Nicole na galit na galit sakin tapos sasabunutan ako at kakaladkarin tapos bubuhusan ng tubig huhu. Ang lawak ng imagination ko noh? haha.
"Ah basta. Wala naman akong ginagawang masama hindi ko naman inagaw ang boyfriend nya"
Hanggat malinis ang konsensya ko hindi ako dapat kabahan ang kung may balak syang saktan ako syempre lalaban ako.
NICOLE'S POV
Habang naglalakad kami nila Julia At Chrisdel ay nakita ko si Tyrone lalapitan ko sana sya pero may nilapitan syang iba at inakbayan pa nya.
"OMG Girl, Diba si Tyrone yon? At yung inakbayan nya ay ayon din yung niyakap nya nuong nakaraang araw" -Julia
"Tssk kung sino mangyan lumalandi kay Tyrone makakatikim sya satin, Hindi ba nya alam na boyfriend na ang nilalandi nya" -Chrisdel
"Pwede ba, ayoko ng gulo at ako naman ang humingi ng space ka Tyrone"
Kasalanan ko naman kung bakit may ibang nilalandi ngayon si Tyrone dahil hindi ko kayang ipaglaban ang relasyon namin dahil natatakot ako sa sasabihin ng mga magulang ko.
Kahit masakit ay nakipaghiwalay ako sa kanya dahil masyado na akong nagiging unfair kay Tyrone sya mahal na mahal nya ako pero ako? Lagi ko syang tinatanggi at kinahihiya siguro ito yung consequence sa ginawa ko.
Kung sino man ang taong kasama ni Tyrone ngayon sana lang mahal din sya dahil ayon ang hindi ko nagawa ng magkasama kami.
"Pero Nicole? Space lang hininga mo hindi pa kayo totaly break pano kung nilalandi ng baklang yon si Tyrone? paano na kayo?" -Chrisdel
"Kung mahal ako ni Tyrone, Ako at ako lang ang pipiliin nya"
Pagkatapos non ay iniwan kona ang dalawa. Oo masakit dahil nakita ko may kasamang iba si Tyrone pero walang ibang dapat sisihin kundi ako lang kasi Ginusto ko naman ito eh.
..................................FLASHBACK..................................
Excited akong umuwe sa bahay dahil ngayon araw kolang din sinagot si Tyrone, Sa totoo lang ayaw talaga ng mga magulang ko na magboboyfriend ako pero sadyang mahal ko lang talaga si Tyrone, Pero sinagot ko sya sa kundisyong kami lang dalawa ang makakaalam pati ilang mga kaibigan tungkol sa relasyon namin.
"Pa may bisita po pala tayo"
Pagdating ko kasing galing school ay mag bisita na kaming isang medyo matandang lalaki at isang lalaki na siguro kaedad kolang.
"Oo anak maupo ka muna"
Nagmano muna ako kay Papa bago umapo. Seryoso silang lahat kaya medyo kinakabahan ako, Ano kayang meron? sino kaya yung mga bisita namin si mama naman ng handa ng meryenda para sa kanila.
"Anak nandito kana. Ngayon pwede na tayong magsimula" -papa
Kasali talaga ako? kinabahan tuloy ako dahil hindi ko naman kasi kilala tong dalawang bisita namin.
"Nicole anak, Makinig ka. Siya si Mr. Lee at ang anak nyang si Tommy" -papa
Nakipag kamay ako sa kanila bilang paggalang.
"At si Tommy ang mapapangasawa in the future"
Napatayo ako sa sinabi ni papa, Mapapangasawa ko ang isang lalaki na hindi ko man lang kilala. Balak kopa naman sana sabihin kala papa ang tungkol samin ni Tyrone kaya lang natakot nako bigla.
"Pa!? ano po ito? ipapakasal mo ako sa kanya?"
"Yes Nicole, Sa ayaw at sa gusto sya mapapangasawa mo" -papa
"Pa naman! Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking hindi ko kilala at lalong hindi ko mahal"
"Anak, Hindi pa naman kayo ikakasal sa ngayon kaya pwede mopa syang makilala" -papa
Sa sobrang inis ko ay tumakbo ako papasok ng kwarto at ni lock yung pinto, Sobrang sakit kasi hindi man lang inisip ni papa ang mararamdam ko. At hindi ko kayang magpakasal sa iba dahil si Tyrone lang ang mahal ko.
Lumipas ang mga araw ay hindi ako pinapansin ni Papa sa bahay galit siguro sya dahil sa pagtanggi ko, Kaya hindi kona din naipaalam sa kanila ang tungkol samin ni Tyrone at simula non mas pinili kong lalong isekreto ang relasyon namin. Pero dumating sa point na hindi kona kaya, Kaya kinailangan ko ng space.
.
.............. ...........END OF FLASHBACK..........................
Habang nasa klase ako ay hindi ako mapakali dahil narealize kona na hindi ko pala kayang mawala si Tyrone. Kailangan ko sya makausap. Tumayo ako at lumabas para hanapin si Tyrone.
DEX'S POV
"Miles samahan mona kasi akong ibalik itong hiniram nating libro sa library"
"Be, Tinatamad ako ikaw nalang. Kaya moyan" -Miles
Hindi kona sya napilit dahil hinawakan na nya ako sa balikat at tinulak sa palabas, Grabe talagang tamad ng babaeng yon.
Habang naglalakad ako papuntang library ay may humarang sakin na dalawang babae at nakataas pa ang kilay nilang dalawa.
Pero dahil sa hindi ko nga sila kilala wala akong balak na tanungin kung bakit nila ako hinarang, Lalapagsan kona sana sila pero hinawakan nung isang babae ang braso ko.
"Aalis kana agad eh hindi pa nga tayo nag-uusap" sabi nunh isang babae.
"Sino ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Ay sorry nakalimutan naming magpakilala, By the way ako nga pala si Julia at ito ang aking kaibigan na si Chrisdel"
"Hindi ko kayo kilala kaya pwede na bitawan mona ako"
"Hindi mo kami kilala pero ikaw kilala ka namin, Isang malandi at mang-aagaw ng boyfriend" -chrisdel
Ouch! grabe maka malandi ah! san ba nila pinagkukuha ang mga pinagsasabi nila eh wala naman akong inaagaw.
"Sorry miss ha? baka maling tao ang kinakausap nyo, Hindi ako yon"
Aalis na sana ako pero biglang hinila ni Julia ang buhok ko at mabilis na nila at tinulak.
"Sa susunod kasi pipiliin mo kung sino ang lalandiin mo" -Julia
Hindi na ako nakalaban dahil sa bilis ng pangyayari at ayaw kodin silang patulan dahil mga babae sila, Hindi ko din alam kung saan nanggagaling ang mga pinagsasabi nila huhu.
"Tigilan nyo na sya!"
Napalingo ako sa pinanggilang ng boses, Isang babae ang lumapit samin. Hindi ako pwedeng magkamali sya yung Girlfriend ni Tyrone.
"Nicole, Sayang hindi mo-----"
Hindi na natapos ni Julia ang sasabihin nya dahil nasampal na sya ni Nicole.
"Nicole bakit mo sya sinampal? Tinulungan ka na nga naman na iganti sa baklang yan" -Chrisdel
"Hindi ko kailangan ng tulong nyo kaya umalis na kayo!"
Sinigawan nya yung dalawa at nagmadali silang umalis, Parang kanina mga dragon sila tapos biglang naging maamong tuta. Katakot pala tong si Nicole, Lumapit sya sakin at tiningnan ako OMG! handa na ako sa gagawin nya sigurado ako na kakalbuhin nya ako. Sa takot ko ay napapikit nalang ako at nagantay nalang sa susunod na mangyayari.
"Ayos kalang ba?, pasensya kana sa dalawang yon ha?"
Napadilat ako kasi yung inaasahan kong gagawin nya ay hindi nangyari, Ang aliwalas ng mukha nya at nakangiti sakin.
"Diba ikaw yung Girlfriend ni Tyrone?"
"Oo ako nga, at ikaw yung bagong nililigawan bya diba?"
What nililigawan? haha san nya naman nakuha yon?
"Nako nagkakamali ka, Ikaw lang ang mahal nya"
Dirediretso sagot, Totoo naman kasi eh at mas mabuti ng sinabi ko nang maaga baka kung ank pa ang isipin nya.
Tinulungan nya akong tumayo, Pero biglang dumating si Tyrone at itinulak si Nicole.
"Nicole anong ginawa mo kay Dex?!" -Tyrone
"Tyrone wala akong ginagawa sa kanya" -Nicole
"Anong wala?! kitang kita ko ayan ang ebidensya oh, Tinulak mo sya!" -Tyrone
"Tyrone nag----"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko dahil pinigilan ako ni Tyrone, Kung inaakala nya na sinaktan ako ni Nicole nagkakamali sya.
"Hindi ko sya tinulak, Tinutulungan ko lang sya" -Nicole
"Nicole wag kanang magpaliwanag, Umalis kana lang!" -Tyrone
Kita kong umiya si Nicole dahil sa pagsigaw sa kanya ni Tyrone, Gusto kong magsalita pero natameme ako dahil ngayon kulang nakitang magalit si Tyrone. Tumakbo palayo si Nicole, at tinulungan ako ni Tyrone na makatayo naaawa ako kay Nicole tinulungan lang naman nya ako pero sya pa ang napasama.
"Tyrone salamat"
"Wala yon Dex, Diba sabi ko sya hindi ko hahayaang saktan ka ni Nicole" -Tyrone
"Nagpapasalamat ako hindi dahil ipinagtanggol mo ako kay Nicole, Salamat kasi Concern ka sakin pero hindi ako sinaktan ni Nicole maniwala ka"
"Ano? Pero bakit nasa sahig ka at magkasama kayo?" -Tyrone
"Dahil tinulungan nya ako, Yung naabutan mo? tinutulungan ako ni Nicole. Hindi ko nasabi agad kanina dahil ayaw kong sumabay sa galit mo"
Napahawak nalang si Tyrone sa ulo nya at pinagsusuntok ang pader.
"Ang tanga tanga ko! kalalaki kong tao nananakit ako ng damdamin ng isang babae!" -Tyrone
Pinigilan ko si Tyrone sa ginagawa nga dahil nasasaktan na nya ang sarili nya.
"Tyrone tama na, Sundan mo si Nicole hindi paa sya nakakalayo. Magsorry ka sa kanya"
Nabuhayan si Tyrone sa sinabi ko at tumakbo sya paalis para sundan si Nicole.
Sana lang talaga magkaayos na sila, Dahil ramdam ko kung gaano nila kamahal ang isat-isa at kung ano man ang humahadlang sa kanila ay sana malampasan nila yon nag magkasama.
NICOLE'S POV
Ang sakit nang nararamdaman ko ngayon dahil hindi man lang nya ako hinayaang magpaliwanag sa totoong nangyari, Ganon naba kalaki ang galit sakin ni Tyrone kaya hirap syang paniwalaan ako.
Umupo ako sa isang bench at doon umiyak, Hindi kona naisip kung may dadaan o makakakita pa sakin. Mahal na mahal ko si Tyrone at sobrang nagsisisi na ako dahil naging mahina at ako at hindi ko nagawang lumaban, Hinayaan ko ang sarili a lamunin ng takot kaya ito ang nangyari.
Habang umiiyak ako ay napansin kong may lalaking nakatayo sa harap ko at may inabot na panyo, pag angat ng mukha ko ay nakita ko si Tyrone. Anong ginagawa nya dito? akala koba galit sya sakin?
"Punasan mo nayang luha mo, Pumapangit ka kasi kapag umiiyak ka" -Tyrone
Natawa ako sa sinabi nya at kinuha yung panyo na inabot nya, at tumabi sya sakin.
"Nicole ano bang nangyari satin? bakit tayo umabot sa ganito? Minahal lang naman ang isat-isa diba?" -Tyrone
"Sorry Tyrone ako lahat ang dapat sisihin, Ako ang may kasalan kung bakit tayo nagka ganito"
"Kahit kailan hindi kita sinisi Nicole, Tinatanong kopa nga ang sarili ko kung may kulang pa ba sakin" -Tyrone
"Tyrone walang kulang sayo, Ako ang naging mahina at hindi lumaban. Pero nagising na ako simula sa araw nato ipaglalaban na kita"
"Anong ibig mong sabihin?" -Tyrone
"Ipapakilala na kita sa mga magulang ko"
Biglang sumaya ang mukha ni Tyrone at niyakap nya ako ng mahigpit.
"Wag kang mag-alala Nicole, Hindi ka nag-iisa nandito ako hindi kita iiwan" -Tyrone
Lalo akong nagkalakas ng loob dahil kay Tyrone, Tama sya hindi ako nagiisa at magkasama kami na haharapin lahat ng humahadlang samin.
"Pero Tyrone paano kayo ni Dex?"
Nagulat sya sa tanong ko, Na curious lang kasi ako sa closeness nilang dalawa.
"We're Just Friends" -Tyrone
"Akala ko nilalagawan mo sya, At bakit kayo magkayap nuong nakaraan?"
"Saan mo naman nakuha ang chismis nayan? sa mga kaibigan mo siguro noh? Magkaibigan lang kami ni Dex. At yung yakap nayon, Sinadya ko talaga yon na ipakita sayo para alamin kung magseselos ka. Kaso hindi effective eh" -Tyrone
"Hoy anong hindi! nagselos kaya ako non"
"Nicole ikaw lang ang mahal ko, At wag kang magagalit kay Dex dahil kung hindi dahil sa kanya hindi tayo magkakaayos" -Tyrone
Sobrang saya ko dahil ayos na ulit kami ni Tyrone at nakahanda na ako sa sasabihin ng mga magulang ko ang importante ngayon ay magkasama kami.
Saka ko nalang din ikukuwenta sa kanya ang dahilan kung bakit ginusto kong manghingi ng space sa kanya.
Magpapasalamat din ako kay Dex, Dahil kung hindi dahil sa kanya baka hindi kami magkakaayos ni Tyrone.