DEX'S POV
Ano bang susuotin ko ngayon??? di ako makapili sa mga damit ko (Wala kasing pagpipilian) haha.
Kanina pa ako hindi mapakali ayoko namang mag mukhang basura sa tingin nila mamaya. Maya maya ay Nag message sakin si Tyrone.
"Papunta na ako sa inyo" -Tyrone
What! paano nya nalaman kung saan ako nakatira?! ang aga naman nya wala pa nga akong susuotin eh.
"Dex bakit ba hindi ka mapakali dyan? para sinisilihan ang pwet mo dyan" -Mama
"Ma hindi kasi ako makapili ng susuotin ko"
"Sus naman anak yun lang pala akala ko naman may nawawala na sayo, Bakit ba may ka date kaba?" -mama
Natahimik ako sa sinabi ni mama pero hindi ko nagpahalata baka asarin na naman nya ako eh haha.
"Wala akong Date ma"
Ngumiti lang si mama at bumalik na sya sa paglilinis, Hays kahit ano na nga lang ang isusuot ko haha bahala sila. Nag T-Shirt nalang ako at nag pants.
Minadali kuna ang pagligo at pagbihis kasi papunta nadaw yung Tyrone nayon, Humarap na muna ako sa salamin at tinitigan ang mukha ko Grabe ang ganda ko talaga ( #Selfconfidence )Hahaha. Di naman ako mahilig mag lagay ng mga kolorete sa mukha sapat na sakin yung Pulbo.
Ilang minuto lang ay tapos na ako, Ready to go na me.
"Anak! may bisita ka!"
Grabe yung sigaw ni mama, Rinig ng buong barangay kalmado pa sya nyan. Pano pa kaya pag galit? Buong mundo na haha char!
"Ma hayaan mo sya dyan!"
Pumunta si mama sakin at pinandilatan ako, Takot si ako haha.
"Ano bang problema mo Dex? Nandon na yung ka date mo" -mama
"Ma! hindi ko yon ka date"
"Sus anak, Pinagpaalam kana nya sakin. In Fairness anak Gwapo sya ha?" -mama
"Aalis na kami ma"
Tumayo na ako at pinuntahan si tyrone kukulitin na naman kasi ako ni mama.
"Ano aalis na tayo?" -Tyrone
Gwapo nga talaga si Tyrone pero sorry sya hindi ko sya Type haha, At ano na naman kaya ang pinagsasabi nya kay mama.
Paalis na sana kami pero si mama may pahabol pa.
"Tyrone anak, alagaan mo ang anak ko ha?" -mama
"Opo tita ako po bahala sa kanya" -Tyrone
"Ikaw Dex, Magpakabait ka ha?" -mama
"Opo ma, Alis napo kami"
Hinila kona palabas ng bahay si Tyrone at nagmadali ako sa paglalakad, Dahil naiinis na ako sa kanya. May pa Tita akala mo naman close sila ng mama ko.
"Uii Dex antayin mo naman ako" -Tyrone
Nagpatuloy lang ako sa paglalalad at hindi ko sya pinansin.
"Dex! Baka magalit sakin si Tita kapag hindi kita binantayan" -Tyrone
Tumigal ako sa paglakad at humarap sa kanya with matching taas kilay.
"Bantayan talaga? ano ako bata? at Feeling close kadin kay mama noh? Maka Tita ka akala mo close kayo"
"Oo bakit, close naman kami ah tuwang tuwa nga sakin yung mama mo at tinawag pa akong manugang" -Tyrone
"Ano?!!!! Sinabi ni mama yon?"
"Oo nga" -Tyrone
si mama talaga! Pinapangunahan ako huhuhu.
"Tara na nga baka malate pa tayo"
"Ikaw kasi eh, Bakit ba ang init ng ulo mo sakin lagi?" -Tyrone
Bakit nga ba? Hindi ko din alam eh siguro natataon lang na nakakainis sya kapag nagkikita kami.
"Drama mo, Tara na"
Ako na ang humila sa kanya para hindi na sya makapagsalita, Mabait naman ako eh hahaha hindi nga lang halata.
Pagdating naming sa meeting place namin ay nandon na sila Mark at Sheena, Nahiya tuloy ako sa sarili ko dahil kahit ang simple lang nang suot ni Sheena ang ganda nya paden.
"Sorry ha? ito kasing si Dex ang bagal eh" -Tyrone
"Haha oo mabagal talaga yan, Dati nga kapag sinusundo ko yan sa kanila inaabot pa ako ng isang oras sa paghihintay" -Mark
"Grabe naman pala sya hahaha" -Tyrone
Aba! bastos tong dalawa nato ah! pagkwentuhan talaga ako?
"Wag nyo nang pagtawanan si Dex, Tara na para makapag enjoy tayo" -Sheena
Actualy wala talaga akong idea sa gagawin namin ngayon araw, nandito kami ngayon sa isang mall. Mall talaga? nagtitipid nga ako eh pero bahala si Tyrone sagot nya daw eh edi sya na mayaman.
Kulang nalang nang langgam dahil sa ka sweetan ni Sheena at Mark, Lakas maka JADINE EH! may pa HHWW pa sila.
"Yung mata mo parang sasaktan mona si Sheena" Bulong sakin ni Tyrone, Pero hindi ko sya pinansin. Oo na iinggit ako pero hindi ako mapanakit na tao dibaleng ako nalang.
"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanila.
"Pwede bang kumain muna tayo? nagutom na kasi ako" -Tyrone
"Sige ba, Para marami tayong energy mamaya" -Mark
Nagdesisyon kaming kumain sa isang Fastfood at itong si Tyrone andaming inorder akala mo may Anaconda sa Tyan. Hindi ako makakain nang maayos dahil ang sweet talaga ni Mark at Sheena sinusubuan ni Mark si Sheena.
Dahil hindi kona naman kaya yung sakit tumayo ako sa kanila at nagpaalam na magCcr kunwari, Nang makapasok ako sa Cr ay hindi kona napigilan ang umiyak Pero pinilit kong palakasin ang loob ko dahil ayaw kong masira ang araw namin ng dahil lang sa nararamdaman ko.
Pagbalik ko ay nagtatawanan silang Tatlo.
"Dex bakit ang tagal mo?" -Mark
"Ah eh kasi ang may nauna pa sakin kaya nag-antay pa ako"
"Ganon ba? May inorder akong fries para sayo, Alam ko kasing Favorite moyon eh" -Mark
"Salamat"
Umupo ulit ako at itinuloy na ang pagkain, Si Tyrone naman panay ang tingin sakin. siguro pinagtatawanan na ako ng lalaki nato dahil sa katangahan ko pagdating sa pag-ibig.
Nang matapos kami ay nagpunta naman kami sa (WORLD OF FUN) nitong mall. Andaming Rides (mga 3 haha) marami pang iba hindi kona kasi alam yung tawag don haha basta marami kayo nalang mag imagine.
Una kong tinry yung mag huhulog ka ng tokken tapos kukunin mo yung stuff toy. Pero nakailang hulog nako wala man lang akong nakuha! Kainis to pinagloloko lang naman ata kami nito eh dahil ang hirap kaya manalo! Nasipa ko tuloy ng wala sa oras haha.
"Nilalaro yan hindi sinisira" -Tyrone
"Eh ang hirap kasi eh"
Nasa kabila sila Mark at Sheena naglalaro nung basketball ata yon.
"Ganito lang kasi yan"
Naghulog si Tyrone nang Tokken tapos hinawakan nya yung controler, Seryoso lang sya at pinagmasdan kolang kung paano nya makukuha ang stuff toy. At ilang segundo lang BOOM! nakuha nya!!!!!!! kinuha nya yung napanalunan nya at ipinakita sakin, Ako naman mangha mangha sa ginawa nya paano nya nagawa yon?!!!?! Ako nakailang hulog na pero walang nakuha pero sya isa lang nanalo agad??
"Sabi ko naman sayo madali lang eh" -Tyrone
"Pano mo nagawa yon?"
"Kasi Gwapo ako" -Tyrone
Nice answer, Kinuha ko yung stuff toy na napanalunan nya at hinampas sa mukha nya hahanap nalang ako ng ibang malalaro.
"Hoy Dex wag mo akong iwan dito" -Tyrone
"Bahala ka sa buhay mo"
"Sige isusumbong kita kay Mark" -Tyrone
Natigil nako at binalikan ko sya.
"Ito naman hindi mabiro, San moba gusto? tara na wag kanang Pa bagal bagal dyan"
"Haha dun tayo kala Mark" -Tyrone
Talaga inaasar ako nitong Tyrone nato eh, Dahil wala akong Choice tumabi kami kala mark.
Naghulog si Tyrone ng tokken at lumabas na yung mga bola.
"Ano papatalo kaba sa kanila?" -Tyrone
Nilingon ko yung dalawa at mukhang enjoy na enjoy talaga sila.
"Syempre hindi"
Kinuha ko yung isang bola at shinoot ko at na shoot koyon kaya natuwa ako, Nagshoot din si Tyrone para akong nakawala sa bundok haha.
Konti nalang malapit na namin ma beat yung High score.
"Tyrone galingan mo naman, Ako nalang lagi ang nakakashoot" pagmamayabang ko.
"Sus yabang mo, Eh mas marami pangang na shoot sayo si Sheena" -Tyrone
Lalo akong na motivate sa pangaasar nya ginalingan ko pa sa pagshoot at yun na nga na beat namin ang high score at mas mataas ang puntos na nakuha namin kesa kala Sheena.
"YEHEY!!!!!!!!!"
Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako ng wala sa oras kay Tyrone.
"Dex, di ako makahinga" -Tyrone
"Ay sorry"
Napabitiw ako sa pagkakayakap sa kanya, haha nakakahiya.
"Ang sweet nyo naman" -sheena
"Oo nga eh ang sweet sakin nito" -Tyrone
Umakbay sakin si Tyrone tssk di kaya ako sweet sa kanya! Bitter ako! Bitter!
MARK'S POV
Ngayon kona lang ulit nakitang ganyan kasaya si Dex pero sa pagkakataong ito hindi ako ang dahilan ng mga ngiting yon.
"Mark sorry kailangan konang umuwe" -Sheena
"Ha? Bakit naman??"
"Nagka emergency kasi sa bahay" -Sheena
"Gusto mo ihatid kita?"
"Wag na Mark mag stay kana lang dito kasama nila, Ayoko namang masira ang magandang araw mo" -Sheena
Nagpaalam din si Sheena kala Tyrone at Dex bago umalis. Kainis naman nawala tuloy bigla ang mga plano ko.
"Mark ayos kalang? Boring kana ba?" -Dex
"Ah eh hindi naman, Nandito kan man eh"
"Sus! kanina lang dimo ako pinapansin" -Dex
"Uii anong hindi! Selos ka ba? haha wag kang magselos kay Sheena ikaw padin naman ang Besyfriend ko"
Inakbayan ko si Dex, hindi naman ako boring ngayon kasi kasama ko ang Bestfriend ko.
"Ehem" -Tyrone
Napabitaw ako bigla kay Dex, Problema ni Tyrone? selos sigura sya kasi mas close kami ni Dex haha sorry nalang sya ako ang Bestfriend.
"Ano naba ang susunod nating gagawin?" -Dex
"Kahit saan maglibot nalang tayo dito" -Tyrone
Sinundan ko ko lang silang dalawa hanggang sa makarating kami sa may bilihan ng mga sapatos, Ang sarap sanang bumili kaya lang kulang ako sa budget ngayon.
Napansin kong parang medyo boring na si Dex kaya naisipan kong ihalihin sya.
"Mark saan mo ako dadalhin?" -Dex
"Sa labas"
"Ha anong gagawin natin don? pano si Tyrone?" -Dex
"Basta, Hayaan mo na si Tyrone malaki na sya kaya na nya ang sarili nya"
Lumabas kami mg mall at dinala ko sya sa nadaan namin ni Sheena na mga nagtitinda ng streetfoods, Kita ko sa mata ni Dex na takam na takam sya.
"Kuha kana, Libre ko"
"We? dinga?" -Dex
"Ayaw moba? sige ikaw nalang magbayad"
"Ito naman niloloko kalang eh, Alam mo naman nagtitipid ako" -Dex
Habang nagsasalita sya ay sigeng tuhog nya ng fishball haha.
"Naalala moba dati Dex, Inuulam natin to nung Nasa Junior high palang tayo"
"Oo! hahaha ang sarap kasi lalo na kapag maanghang yung sauce" -Dex
Ang ingay naming dalawa ni Dex, Natatawa tuloy samin yung nagtitinda.
"Grabe mark, ang sakit ng tyan ko" -Dex
"Ang takaw mo kasi kulang nalang kainin mo yung nagtitinda"
"Haha baliw ka talaga" -Dex
"Haha sakto lang"
"Alam mo Mark na miss ko to, Akala ko hindi na kita makakasama ulit" -Dex
"Ako din na miss koto"
"Pero nag-aalala ako kay Tyrone baka hinahanap na tayo non" -Dex
"Wag kang mag-alala chinat kona kanina pagkalabas natin at nakauwe na siguro yon"
"Hay buti naman" -Dex
"May gusto kaba kay Tyrone?"
"Ako may gusto kay Tyrone???? wala noh!!! sya lang naman yung lapit ng lapit sakin" -Dex
"Mabuti naman, Pero kung magugustahan mo man sya kikilatisin ko muna"
Dahil madilim nadin ay nagdesisyon na kami na umuwe na, Kahit hindi ko nakasama ng matagal si Sheena atlis nakasama ko si Dex ang tagal nadin kasi namin na hindi lumalabas ng kami lang.