DEX'S POV
Eto na naman ako panibagong araw na pagpapanggap, Minsan pumapasok din naman sakin na umamin na talaga kay Mark.
Pero Hanggang ngayon wala paden akong lakas ng loob na sabihin sa kanya yung totoong nararamdaman ko dahil natatakot na baka mabago yung lahat sa amin.
Na baka masira yung pagkakaibigan na iningatan namin pareho ng ilang taon
Nag-aantay ako ngayon kay Mark dahil sabay nga kami papasok, Tssk kainis sya sabi nya kagabi aagahan nya pero ako pa pala ang nag-aantay sa kanya.
Ilang saglit din ay dumating naman na sya.
"Sorry Traffic kasi" bungad nya sakin
"Tara na baka malate pa tayo"
Naglakad na kami papunta sa sakayan, at katakataka kasi tingin sya ng tingin sa Cellphone nya.
Sumakay agad kami sa Jeep at ang loko hindi nagsasalita dahil parang may Ka chat ata at parang kinikilig pa.
"Sino yan?" tanong ko sa kanya.
Bigla nyang tinago yung Cellphone nya.
"Ah eh wala mga kalaro ko lang" -mark
"Kalaro? Pero bakit ka kinikilig? Siguro nililigawan mo yan ah?"
"Ha? Kalaro ko nga lang promise" -mark
"Wag ako Mark, Ikaw ha nagsisinungaling kana sakin akala ko ba Bestfriends Tayo?"
"Promise nga mga kalaro ko lang yon"
Sumangayon nalang ako sa kanya Pero alam kong nagsisinungaling sya, Kilala ko si Mark alam ko kung nagsisinungaling sya o hindi.
Pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso, Hayysss! Hindi ako mapakali! ano ba tong nararamdaman ko?
Nagseselos ba ako? Hindi ito pwede!
Hanggang sa makarating kami sa school ay tahimik lang ako muntik pa akong madapa dahil sa lalim nang iniisip ko, Mabuti nalang nakaalalay sakin si Mark.
"Ayos kalang ba? bakit parang ang lalim ng iniisip mo? may problema kaba?" -mark
"Ah eh wala, medyo masama lang yung pakiramdam ko"
Lumapit sya sakin at hinipo ang noo ko.
"Wala naman ah, Hindi ka naman mainit" -mark
Hindi ko nalang sya pinansin at nagdire diretso papunta sa room.
"Girl anyare sayo? may LQ ba kayo ni Mark?" - miles
Tiningnan ko lang sya nang masama, LQ talaga? Eh hindi nga naging kami ni Mark.
Si Mark panay tingin sakin Pero hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, Iniisip ko padin yung sa ka chat nya.
Ilang saglit lang ay dumating na yung Prof. namin sa subject na UNDERSTANDING THE SELF kaya umayos kami nang pwesto.
"Okay Class, i want you to choose you partner dahil meron tayong activity na gagawin"
Tumingin agad sakin si Mark, Tumayo sya at lumapit sakin biglang bumilis yung t***k nang puso ko. Kakaiba to sa lahat ng naramdaman ko kay Mark dati kinakabahan ako na ewan.
"Dex partner na tayo" -mark
"Sorry Mark partner na kami ni Miles"
"Ganon ba?" -mark
Hala naguilty ako sa ginawa ko!! huhu
"Hindi Dex kayo nalang ni Mark ang magpartner, May partner nadin kasi ako" -miles
Tiningnan ko nang masama si Miles tssk! hindi sya marunong makisama kainis naman sya eh!
"Yun naman pala eh" -mark
Tumabi si Mark sakin at itong si Miles pumunta na sa kapartner nya at pangiti ngiti pa.
"Ngayon nakapili na kayo ng mga partner nyo, Ang activity na gagawin natin ay isusulat nyo sa isang papel ang first impression nyo sa kapartner nyo. Then iiexplain nyo yon isa-isa sa harap" -prof
Nag-angalan yung iba kong Classmate dahil papapuntahin pa kami sa harapan, Kahit ako gusto kodin umangal kasi medyo nakakahiya.
Pero wala din kaming nagawa kasi estudyante lang kami Prof. sya.
Kumuha ako nang papel sa bag, at inumpisahan ng magsulat. Nakatitig ako kay mark habang nagsusulat sya Wala akong maisip na isulat sa kanya dahil lahat halos ng magagandang salita pwedeng idescribe sa kanya.
"Dex ayos kalang ba talaga?" -mark
Bumalik ako sa katinuan nang magsalita si Mark.
"Ah eh oo"
Yumuko ako at inumpisahan na na magsulat.
Sulat dito, sulat doon. Tapos haha.
Isa-isa nang tinawag ng prof namin ang mga Classmates ko, Yung iba nahihiya at yung iba tumatawa at tinatawanan nang iba.
Lalo akong kinabahan kasi baka tuksihin ako ng mga classmates ko.
Tumayo na kaming dalawa ni Mark dahil tinawag na kami ng Prof. nagka hiyaan pa kaming dalawa kung sino ang mauuna. Pero sa huli si Mark din ang nauna.
"Yung word na isinulat ko na unang impression ko kay Dex ay "SERIOUS", Serious kasi nang una ko syang makita ay hindi sya namamansin at panay aral lang"
Tumingin sya sakin, kaya napayuko ako. Pinagpatuloy na nya yung pagsasalita nya.
"Pero nang makilala ko sya, Serious talaga sya sa lahat ng bagay pati sa pagkakaibigan. Seryoso sya, kapag naging kaibigan mo sya makakasiguro na talagang mapagkakatiwalaan at maasahan mo sya lahat ng araw ganyan sya kaseryoso sa Friendship namin" -mark
Kinurot nya ako sa pisngi kaya at itong mga classmates ko nakisawsaw na naman.
"ayyiieeeeee!!!"
Lalo tuloy akong kinabahan huhu nanlalamig na ako sa kaba, What to do guys!
SIMENTO help me kainin mona ako para hiindi ko muna makita ang mga classmates ko na pang-asar.
"Class Quiet magsasalita pa si Dex" -prof
Sinimulan ko na ang magsalita sa harap para matapos na.
"Ang sinulat ko naman kay Mark ay
"EVERYTHING", Everything kasi nang makilala ko si mark lahat nang katangian ng isang kaibigan nasa kanya na. Wala na akong mahihiling pa. Yun lang"
Pumunta agad ako sa upuan ko at pakiramdam ko namumula ako.
"Nako Girl, Everything pala ha?" -miles
Hinampas ko ng mahina si Miles kainis kasi sya dapat sya nalang ang partner.
Kailangan ko maging relax para hindi ako mahalata, Huminga ako nang malalim at nakinig nalang sa iba ko pang mga classmates.
"Class Listen, sila ang magiging ka partner nyo for your next Activity. Now i want you to create a video"
Sinulat nang Prof namin ang maging gagawin namin sa video Jusmeo wala pa ngang Finals pero andami na nyang pinapagawa samin.
After magsulat ay nagpaalam na sya samin dahil recess na.
MARK'S POV
Ano na naman kayang problema ni Dex at nag iba ang mood nya, Kanina lang bago kami sumakay ang saya saya nya tapos ngayon seryoso na naman at ayaw mamansin.
Nilapitan ko sya sa upuan nya.
"Ui dex tara recess tayo nagugutom na kasi ako eh"
"Ikaw nalang hindi ako gutom" -dex
"We? tara na kasi"
Hinila ko pa sya kamay pero ayaw nya talaga sumama sakin.
"Ikaw nalang nga okay! busog pa ako" -dex
"Tol tara sama kana samin" yaya sakin ng mga lalaki naming classmates.
Tumingin ako kay Dex pero busy sya kaka Cellphone.
Hinayaan ko nalang sya dahil ayaw din naman nyang papilit, Mahirap na baka umusok na naman ang tenga nya.
Pero habang kasama ko yung mga classmates kong lalaki ay naalala ko si dex, hindi kaya may problema sa bahay nila kaya sya nagkakaganon? Hindi kasi ako sanay na tahimik sya mas gusto ko yung masayahin at maingay na Dex.
DEX'S POV
"Girl ano na namang ini emote mo dyan?" -miles
"Wala, Tinatamad lang akong pumuntang canteen"
"Talaga ba? wag ako girl, Kung ako sayo umamin kana kasi kay Mark." -Miles
Tumingin ako nang diretso sa kanya, Yung mukha nya seryoso talaga sya sa pagkakasabi sakin.
"Ano na namang aamin ko kay Mark?"
"Na mahal mo sya" -Miles
Natahimik ako sa sinabi nya at biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Magkaibigan lang kami ni Mark, yon lang yon"
"Nako bahala ka ikaw den baka sa huli pagsisihan mo kasi hindi ka umamin sa kanya" -miles
Tama naman si Miles pero wala pa talaga akong lakas nang luob na sabihin sa kanya eh.
Mayamaya ay dumating na si Mark at may binigay sya saking Tubig at tinapay.
"Bakit ka nandito? akala koba kasama mo yung mga classmates natin?"
"Syempre mas gusto kitang kasama, Ikaw kaya yung BESTFRIEND ko" -mark
Ouch! kailangan talaga ipagdiinan na bestfriend lang talaga kami? OO na BESTFRIEND LANG! alam ko naman yon eh huhuhu
Pero yung tampo ko sa kanya kanina ay napalitan ng kilig ngayon dahil mas inuna pa niya ako kesa sa iba naming classmates. Kainis ang rupok rupok ko.
"Ayan naka ngiti kana, Kanina kasi nakasimangot ka" -mark
"Andaya naman mark bakit si Dex meron tapos ako wala?" -Miles
Binatukan ko nang mahina si Miles.
"Wag ka nga dyan Miles, babayaran ko to noh. Magkano ba ito Mark?"
"Wag na libre ko nayan sayo" -mark
"We talaga?"
"Ayaw mo?" -mark
"Sinabi ko ba?"
Kinain ko nalang yung binili nyang tinapay kasi yung totoo? kanina pa talaga ako nagugutom.
Nagpapabebe lang talaga ako kanina.
Ewan kopa parang gusto kong magpapansin kay Mark. Ito naman si Miles pangisi ngisi pa sarap kurutin sa singit.
Sabay na naman kaming umuwe ni Mark at katulad ng nagyari kanina busy na naman sya sa Cellphone nya at parang may ka chat, Tsssk kumirot na naman yung puso ko.
Ang sakit mga bes habang nasa byahe kami ay malalim na naman ang iniisip ko, Hindi ako napapansin dahil busy sya ka chat nya ayaw nya naman sabihin sakin kung sino yon. Grrr gigil si ako.
"Dex lutang kana naman dyan?" -mark
Hindi ko sya pinansin kunwari wala akong narinig, Naiiyak ako ganito pala yung feeling na nagseselos ka wala kang magawa kundi ang manahimik dahil wala kang karapatang magalit.
Hanggang sa makarating ako ng bahay ay wala akong gana hindi ko nadin pinansin sila mama kasi dumiretso agad ako sa kwarto.
Kinuha ko ulit yung papael at ballpen ko para dugtungan ang spoken words na ginagawa ko, Konti nalang talaga malapit ko na syang matapos.
Hindi nadin ako nag open para hindi kona muna maalala si Mark lalo lang kasi akong nasasaktan. Naalala kodin tuloy yung sinabi sakin ni Miles na dapat umamin na ako bago mahuli ang lahat.