CHAPTER 1

1922 Words
KUNG AKO NALANG SANA DEX'S POV Ako na yata ang pinaka maswerteng Tao sa mundo, Biruin nyo ba naman sa dinamadami nang tao na tumaya sa lotto ako ang kaisa-isang nanalo nang Mega Jockpot! Nung una para akong hihimatayin dahil sa pagkapanalo ko pero tinatagan ko ang loob ko dahil sayang naman tong pera kapag inatake ako sa puso haha. So ito na nga ikeclaim kona yung napanalunan ko pero pagabot sakin nang check ay biglang nagkagulo yung mga tao sa office dahil yumanig yung paligid. OMG! LUMILINDOL! Natakot ako kasi hindi pwede lumindol dahil hindi kopa nakukuha yung pera ko! sayang naman! dapat bukas nalang badtrip tong lindol. "Anak gising na, Ano ba tanghali na hindi kapa ba papasok??!" Haysss si mama lang pala! niyugyog na naman ako akala ko lumindol na. Kahit inaantok ako ay napilitan ako Tumayo. "Ma? asan napo yung perang napanalunan ko? nakita nyo ba?" Tanong ko kay mama "Anong pera ka dyan? Nanaginip kalang kung ako sayo tumayo kana at maligo na ng mahimasmasan kana" -mama Pagkasabi palang ni mama na nanaginip lang ako ay nahimasmasan nako, Huhuhu ibig sabihin panaginip lang ang lahat??? Why o Why? akala kopa naman talagang nanalo ako. Kainis naman si mama ginising gising pa kasi ako edi sana mega winner na ang anak nya. "Ma kainis ka naman kukunin kona sana yung pera kaso ginising mo ako. Pera na naging bato pa" "Tigilan mo nga ako sa mga kalokohan mo, Puyat ka kasi ng puyat kaya kung ano ano tuloy ang napapanaginipan mo. Sa susunod pagbabawalan na kita gumamit nang Cellphone sa gabi" -mama "Sige na ma maliligo napo ako" Iniba ko nalang yung usapan pano kasi gigisingin lang ako ni mama ang dami pang sinasabi huhu ang aga aga inaarmalite ako haha at hindi lang yon nauna pasya sa alarm clock ko pero kahit ganon love na love ko yon si mama. Tiningnan ko muna yung oras sa phone ko, 9:30 palang naman si mama talaga 11:30 pa naman ang pasok ko. "Aba't mag cecellphone kapa talaga?" -mama "Ma tiningnan ko lang po yung oras, Eto na nga po maliligo na ang maganda nyong anak" Kinuha kona yung uniform ko sa Cabinet at pumasok na sa Cr si mama tiningnan pa talaga ako hanggang makapasok haha grabe si mama 3 in 1 hindi lang Alarm Clock, CCTV at ARMALITE pa san kapa? haha. Ako nga pala si Dex Vasquez 17 years old, Isang grade 12 student sa isang di kilalang school dito sa Antipolo. Public lang sya kasi hindi namin afford kung mag eenroll pa ako sa Private school, Ewan koba naman kasi dito sa gobyerno hirap na nga kaming mahihirap mag-aral ay dinagdagan pa nang dalawang taon, Pero syempre wala akong choice kundi mag-aral. "Oh anak pagkauwian dumiretso ka umuwe wag kanang pumunta kung saan saan" Inabot sakin ni mama yung baon ko nang matapos kaming magalmusal, Sya nga pala only child lang ako at ang Papa ko naman isang Jeepney Driver at ang mama ko umiextra lang sa labada kaya sapat lang talaga ang kita nila para sa panggastos namin araw-araw. "Madires? kelan po ba ako gumala alam nyo naman na bahay school, bahay school lang ako" "Sinisigurado kolang" -mama Ngumiti lang ako kay mama at nag paalam na umalis, Dahil baka traffic na naman at malate pa ako. Pagdating ko nang school ay hindi pa naman ako late kaya binagalan ko lang ang paglalakad at habang naglalakad ako ay may tumakip sa mga mata ko. "Wag mo nang takpan yung mata ko kilala na kita" inis na sabi ko. "Ano bayan Dex akala ko hindi mo ako makilala" "Sa araw-araw mo ba namang ginagawa yan sakin imposibleng hindi ko malaman" "Haha, Oo nga noh" Napakamot nalang sya ng ulo. Siya nga pala si Mark Ibarra ang kaisa isang Best Friend ko! Kaibigan ko mula nang Grade 8 kami. Dahil walang gustong makipag kaibigan sakin dahil mukha daw akong attitude, Actually mukha lang naman pero mabait at makulit ako kapag nakilala nyo na gusto kolang naman mukhang attitude tingnan para hindi ako mabully dahil uso yon ngayon. "Pwede ba Mark iba naman gawin mo dina bumibenta sakin yan" Lumapit sya sakin at ginulo yung buhok ko. "Ang init naman ng ulo mo, Kalma lang" -mark Hayys ang init na nga ng panahon sumasabay pa itong si mark, Kinuha ko yung baon kung Tubig dahil pakiramdam ko ay matutuyuan na ako, Pagkatapos kong uminom ay biglang inagaw ni Mark yung Tubigan ko at nakiinom din sya. "Ay bigla bigla? wala man lang pasabi?" "Sorry na Dex nauway lang din talaga ako haha" -mark Ganyan kami kaclose ni Mark ultimo sa tubig nagbibigayan kami, Kulang nalang magpakasal nadin kami. "Nagawa mo naba ang assignment mo sa Math?" Napakamot sya ng ulo at ngumit sakin, Alam kona yung ibig sabihin non hindi nya nagawa. "Ah eh nakalimutan ko kasi kahapon, Pwede bang pakopya nalang?" -mark "Sa tingin moba makakahindi ako sayo?" "Yonnn!! salamat Kaya love kita eh! Buti nalang ikaw ang best friend ko!" -mark Love din kita char! Lumapit sya sakin at niyakap ako nang mahigpit, Kulang nalang buhatin nya ako. "Mark Hindi ako makahinga" angal ko sa kanya "Ay oo nga sorry" Binitawan naman din nya ako. "Tara na habang wala pa yung teacher natin para makopya kona din" -mark Hinawakan nya ako sa kamay at hinila papuntang room. Sa 4 years namin magkaibigan nasanay nadin ako sa mga ginagawa nya. Pero kahit ganon hindi ko paden maiwasan ang hindi mainlove sa bestfriend ko. Oo sa 4 years naming mag bestfriend 4 years kona din syang palahim na minamahal hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin, Ayokong mailang sya sakin at higit sa lahat ayokong mawala sya sakin, Dahil sya ang BESTFRIEND ko. Pagdating namin sa room ay nakatingin na naman samin yung mga malesyosa at malesyo naming mga Classmates, Hayss Dedma sila sakin. Hindi kami magkatabi ni Mark dahil nasa bandang unahan sya at nasa dulo naman ako. "Uy Dex Kayo naba ni Mark?" Muntik na akong mabulunan sa tinanong ni Miles, Siryoso talaga yung mukha nya ng magtanong sakin. "Oo kami na may problema ba?" "We!!! di nga?!! Ayiieeee!!" -Miles Kulang nalang gilitan ako ni Miles dahil sa paghila nya sa Uniform ko, Grabe sya kilig na kilig. "Hoy wag ka nga dyan, Binibiro lang kita. Hindi kami ni Mark, Uulitin ko sayo BestFriend kolang sya okay?" "We? kaya pala magka holding hands kayong pumasok dito?" -miles Hala! we! OMG!!! Kaya pala Grabe makatingin yung mga Classmates namin kasi nakalimutan kong hinawakan nga pala ni Mark yung kamay ko! Huhuhu. "Kita mo? BestFriend nga talaga kayo" -miles Hindi ko nalang sya pinansin dahil hahaba lang ang usapan. Bakit normal lang naman sa magkaibigan ang mag holding hands diba? tssk ang dudumi ng mga utak nila, Pagbabae sa babae okay lang pero pag bakla at lalaki may malisya? Asan ang hustisya mga bes! Siya nga pala si Miles Talion, First day palang talaga dinadaldal nya na talaga ako mukha naman kasi syang mabait kaya inentertain kona din sya. Hiyang hiya talaga ako sa nangyari kanina kaya nang mag uwian ay tinaguan ko si Mark mahirap na baka kung ano na namang isipin nang mga Classmates namin at tuksihin na naman kami haha madali pa naman ako mamula. "Dex bakit ba parang may tinataguan ka?" -miles "Basta tara na wag kanang magtanong dyan" 7:30 pm kasi ang uwian naman kaya ng mag bell ay nagmadali na akong lumabas habang busy si Mark makipag usap sa iba naming classmates at itong si Miles ang nabitbit ko palabas actually sumunod lang sya sakin hahaha. "Oy be nag chat sakin si Mark tinatanong kung nasan ka at kung kasama kita" -miles "Sabihin mo hindi mo ako kasama o di kaya wag mo nalang replyan" "Hindi na kailangan Be ayan na si Mark" -miles Nagulat nalang ako nang makita ko si Mark na nasa Harap na namin , Grabe sya ang bilis naman nya hahaha. Lumapit naman agad sya sakin. "Oy Dex, Hinanap kaya kita kanina bakit mo ako iniwan?" -mark "Ah eh ito kasing si Miles hinila ako" "Anong hi----" Hindi kona pinatapos yung pagsasalita ni Miles dahil tinakpan kona yung bibig nya at ngumiti ngiti lang. "Ganon ba? Tara na gabi na din" -mark Ito yung pinakaayaw ko kapag PM shift ka agawan na naman ng Jeep mga besh! huhuhu akala mo sumali kami sa Marathon. Kapag may dumating na Jeep takbuhan kami at syempre wala munang kaibikaibigan haha dito masusukat ang pagkakaibigan nyo haha. Aminin nyo yung feeling na gusto mo nang umuwe kaso hindi ka makasakay kasi iniisip mo yung kaibigan mo, Gusto mo sabay kayo. Pero nakasakay naman kaming tatlo iisa lang kasi ang Jeep na sinasakyan namin pauwe sa kanya kanya naming bahay. Habang papasok ako sa Jeep ay naumpog ako sa parang ilaw na nakalagay sa gitna ng Jeep, Shemay ang sakit! gusto kong manapak eh hahaha char!. bakit ba kasi sila naglalagay don eh takaw untog yung mga ganon, Ngarag na nga yung utak ko sa mga lectures namin tapos nauntog pa ako haha. MARK'S POV Ako nga pala si Mark Ibarra 18 years Old. Pinigilan kong matawa sa nangyari kay Dex pano kasi naumpog sya at mukhang na nadtrip hahaha. Umupo na kami at magkatabi kami dahil si Miles nasa kabila naka upo. "Bakit naka ngiti ka dyan?" -dex "Ah eh wala may naalala lang ako" Hindi na nya ako pinansin at kumuha na sa bag nya ng pamasahe. "Akin na yung pamasahe mo para isang bagsakan nalang" -dex Bagsakan talaga? Ito talagang si dex ang daming words na alam magugulat nalang ako minsan may sinasabi sya na hindi ko maintindihan. Kinuha nya din yung bayad ni Miles. "Manong bayad po! Tatlong estudyante!" Sigaw nya, kasi ang lakas ng tugtog sa Jeep pati tenga ko nagbavibrate. "Naka megaphone kana naman" "Syempre para marinig, Kainis kasi yung sounds hindi na tayo magkarinigan dito sa loob. Feeling ba nya nakakatuwa yung Tugtug nya" -Dex "Galit kana nyan? Yung Puso mo ingatan mo haha" "Hindi, Nagpapaliwanag lang at saka iniingatan ko talaga ang puso ko" -dex Nginitian ko nalang sya, Yan kasi si Dex mapag usisa sa mga bagay basta alam nyang mali palagi syang may nasasabi, Si Dex lang ang kauna una kong kaibigan na bakla iba kasi sya sa lahat ng baklang nakilala ko. Simple lang sya Hindi katulad ng iba. Nauna silang bumaba ni Miles dahil mas malapit lang yung bahay nila kesa sakin. Nagbabye lang sila sakin at bumaba ng Jeep ako naman ay naidlip na muna dahil medyo malayo pa naman ang byahe ko. DEX'S POV Grabe ang sakit paden ng ulo ko bwiset kasi Yung Jeep namay bumbilya sa gitna lakas makapag biktima eh! Pagdating ko sa bahay ay nanunuod na sila mama ng Tv dahil kanina pa sila tapos kumain, Nagmano muna ako sa kanila bago magpalot ng damit . Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko, OO may kwarto ako wag kayong ano dyan! haha NagOpen ako ng f*******: at tiningnan ko kunh nakaopen din si Mark kaya chinat ko sya. "Oy antayin mo ako bukas ha? sabay tayo pasok" Chat ko sa kanya Nagreply naman agad sya. Ganito yung mga taong gusto kong ka chat yung madaling mag reply, Kainis kasi yung mga taong iseseen kalang tapos iinbox zone ka kunwari di nila nabasa! tsssk sarap ipa tokhang haha. "Sige sige, Antayin kita basta agahan mo ha? ayaw kong naghihintay. Sige na Good night na matutulog na ako" -mark "Oo aagahan ko. Good night naden" Kinuha ko muna yung at bag ko para kunin yung ballpen at papel ko dahil dudugtungan ko kung ginagawa kong spoken words dahil umaasa ako balang araw matatapos kodin to at mapaparinig ko din kay Mark yung tunay kong nararamdaman. Pagkatapos kong madugtungan ng ilang stanza ay Natulog nadin ako para hindi na ako mapuyat dahil baka mag rap na naman si mama bukas haha. At syempre panibagong araw na naman ng pagpapanggap na hindi ko mahal ang BestFriend na parang normal lang ang lahat sa amin saka ko nalang siguro aaminin sa kanya kapagnagkalakas na ako ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD