CHAPTER 7

1635 Words
DEX'S POV "Girl bakit tulala kana naman dyan?" Habang papasok kasi kami ni Miles ay nakita kong magkasama si Mark at Sheena, Kahit mali ay nakaramdam ako ng inggit at selos sumagi sa isip ko na sana ako nalang yung kasama ni mark hindi si Sheena. At simula ng dumating si Sheena nabawasan na yung oras na magkasama kami ni Mark, Alam kong wala akong karapatan dahil Bestfriend lang ako pero ito kasi yung sinasabi ng puso ko. "Tara na Miles baka dumating na yung Prof natin" Hinila kona si Miles dahil ang sakit sakit na makita sila na magkasama at nagtatawanan na dati ako ang gumagawa non kay Mark. Pasalampak ako na umupo ss upuan at tiningnan kung saan nakapwesto si Ryan at nagtataka ako kasi wala na naman sya. "Bakit kaya absent na naman si Ryan?" "Hindi ko din alam eh, Wala din naman akong number non" -Miles "Chat ka natin, Baka kasi may sakit yon" "Mamaya be" -Miles Tutal wala pa naman yung prof namin kinuha ko muna yung papel kung saan ko sinulat ang tulang ginagawa ko. "Hanggang kailan ba yan matatapos?" -miles "Patapos na nga, Dalawang line nalang" "TITIISIN KO KAHIT MASAKIT DAHIL NAG MAHAL AKO" Ayan yung huling parte na naisulat ko sa tulang ginagawa ko, Finally natapos din sya. "Ano yang ginagawa mo?" Muntik konang maitapon yung papel na pinagsulatan ko ng tula dahil sa gulat kay Mark, Nagkatinginan kaming dalawa ni Miles Bigla bigla nalang syang nagsalita. "Ah eh papel?" "Patingin nga" -mark Biglang hinalbot sakin ni Mark yung kaya nataranta ako kasi baka mabasa nya yung tulang ginawa ko para sa kanya. Bago pa niya mabasa yung nakasulat ay Naagawa kona sa kanya yung papel. "Grabe naman to patingin lang eh" -mark "Bawal nga, Hindi to pwede mabasa ng iba" "Bakit iba ba ako sayo? ako kaya yung BestFriend mo kaya ipakita muna sakin yan" -mark Hindi to pwedeng makita ni Mark dahil pagnabasa nya ang nakasulat sa papel Malalaman nya ang lahat lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. "Tula lang tong ginawa ko, Hindi kopa kasi tapos isulat kaya hindi pwede mabasa ng iba, ako lang ang pwede" "Tula lang pala dapat sinabi mo agad sakin, Good luck sa pagsusulat sana matapos mo" -Mark Kung alam mo lang Mark, Matagal konang inumpisahan ang tulang ito at ngayon tapos kona hindi ko nga lang alam kung paano ko ipaparinig sayo ang tulang ito. Dahil sa dumating na yung Prof namin ay bumalik nadin si Mark, Hayss nakahinga ako ng maluwag muntik na ako don. "Huhu be muntik na tayo don" -Miles "Oo nga eh" Tinago kona sa notebook ko yung papel baka kasi makita pa ni Mark mahirap na. "Okay Class dahil ngayong buwan ay ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika, Ang ating eskwelahan ay may ilang patimpalak na ginawa para sa mga inyong mga estudyante" Grabe tagalog na tagalog talaga magsalita si sir haha sabagay buwan ng wika ngayon kaya kailangan gamitin natin ang wikang atin. "Meron ba sa inyo ang gustong sumali?" -prof "Sir ano-ano po ba ang mga patimpalak na pwede naming salihan?" tanong ng isa kong kaklase. "Marami, Katulad ng "Sanaysay, Sabayang pagbigkas, Tula at ang pinakapatok ngayon na SPOKEN WORDS POETRY" meron ba sa inying gustong sumali? wag kayong mag-alala may dagdag puntos ito para sa inyong grado" -prof Natahimik bigla yung mga kaklase kong maiingay haha wala siguro ang gustong sumali kahit ako ayaw ko kasi nakakahiya magsasalita ka sa harap ng maraming estudyante. Nagulat ako kasi biglang nagtaas ng kamay si Mark wow sasali sya?. "Sir si Dex po magaling yang gumawa ng tula isali nyo sya" -Mark Nanlaki ang mata ko tapos biglang bumilis ang t***k ng puso ko, Ano bang pinagsasabi nitong lalaki nato. "Talaga?" Tumingin sakin si sir lalo tuloy akong kinabahan. "Sir wag po kayong maniwala kay Mark!" medyo napalakas yung boses ko, pano kasi hindi ako pwedeng sumali ayokong  humarap sa maraming tao. "Sir magaling yang si Dex, isali nyo sya sa paggawa ng tula at spoken words poetry siguradong panalo yan" -miles Napatingin ako Kay Miles at nakangiti sya sakin. Jusmiyo marimar pati ba naman si Miles gusto akong sumali? "Pano bayan Dex ililista kona ang pangalan mo" -prof Wala na akong nagawa kundi ang maupo nalang Pagkatapos non ay nagturo na sya, Anong gagawin ko? sa sunod na linggo nayon huhu kasalan to ni Mark eh. Mahiyain ako baka magkalat lang ako sa stage. "Go be kaya moyan" -miles "Ayoko talaga be, Samahan mo ako mamaya sa faculty kakausapin ko si sir na wag hindi na ako sasali" "Kailangan mong sumali Dex, Ito na yung tamang pagkakataon para maparinig mo kay Mark yung tulang sinulat mo" -miles Natahimik ako bigla sa sinabi nya, Tama sya mukhang ito na ang tamang pagkakataon para iparinig ko kay mark yung totoong nararamdaman ko. "Tama ka Miles, pero kinakabahan talaga ako" "Ano kaba wag kang matakot nandon kaming mga kaibigan mo at syempre ang buong section natin kaya wag kang matakot" -miles Ramdam ko ang suporta ni Miles sakin kaya naman kahit paano ay lumalakas ang loob ko. Recess time na kaya niyaya nako ni Mark na kumain Pumayag naman ako pero si Miles sinamaan ako ng tingin. "Dex Goodluck ha? galingan mo sa contest" -Mark "Ikaw kasi pinasali sali mopa ako eh!" "Haha ayaw mo non malalaman ng lahat kung gaano ka talaga kagaling" -mark "Sus binola mopa talaga ako" "Dex maiba tayo, Gusto ko kasing idate si Sheena kasi wala akong alam sa mga romantic na date. Tulungan mo naman ako" -mark Naiba talaga ang mood ko dahil sa sinabi ni Mark, Sa tuwing nagpapatulong sya sakin para kay Sheena ay para kodin naman pinapatay ang puso ko. "Alam mo kasi Mark, yang mga babae nayan kung talagang may gusto yan sayo kikiligin yan kahit anong gawin mo romantic man o hindi" "Talaga? ano bang kailangan kong gawin?" -mark "Syempre kung nagdedate kayo dapat sunduin mo sya sa bahay nila at dapat mas maaga ka para hindi naghihintay yung babae at ang pinaka mahalaga sa lahat ay maging active ka sa lahat ng bagay hindi yung parang patay na bata para hindi maboring yung kadate mo" Ang galing kong magadvice sa iba pero yung sarili ko hindi ko mabigyan ng advice para maging masaya. "Salamat talaga Dex! the Best BESTFRIEND ka talaga!" -mark Sa sobrang tuwa ni Mark ay napayakap sya sakin ng mahigpit yung puso ko parang nangangarera na naman sa kilig kasi alam kong dahil sa sinabi ko ay napasaya ko sya. "Mukhang sobrang tuwa nyo ah?" Napabitaw kami sa yakap ng marinig namin na dumating na si Sheena. "Sheena nandyan kana pala, pasensya kana masaya lang ako kasi---" -mark "Kasi  sasali ako sa Spoken words competition" Ako na yung nagsalita baka kasi kung ano oang masabi ni Mark at kung ano pa ang isipin ni Sheena. "Talaga? wow magaling ka pala sa Spoken Words?" -sheena "Ahaha hindi ah marunong lang" "Atlis marunong haha galingan mo ha? manunuod kami, diba Mark?" -sheena Humawak sya sa braso ni Mark kaya medyo nailang na naman ako hindi ko sila matingnan ng diretso. "Ah eh oo manunuod kami kaya galingan mo" -Mark "Salamat sa suporta, aasahan ko kayo don" Pinilit ko maging okay sa harap nila kahit gustong gusto kona talagang umalis. Sabay sabay kaming kumain at ang sweet nilang tingnan na dalawa. Totoo nga ang kasabihan na kahit gaano katalino ang isang tao pagdating sa love magiging tanga ka. "Dex bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" -sheena Nahalata siguro nya parang wala ako sasarili habang kasama nila. "Ah eh iniisip kolang kasi yung sa competition" "Yun ba? nako wag muna masyadong dibdibin yon basta kami susuportahan ka namin ni Mark" -sheena "Tama Dex kaya mag relax ka muna may one week kapa naman" -mark Yung competition? Wala naman talaga sakin yon dahil salita lang yon, Pero ang makita sila na magkasama yun ang masakit at unti unting pumapatay sa puso ko. "Mark gusto moba ng Coke?" -sheena "Nako Sheena bawal sya nyan kasi Acidic yan" "Talaga?" -Sheena "Oo nakalimutang sabihina sayo" -mark "Eh itong Siopao gusto mo?" -Sheena "Hindi yan kumakain ng siopao kasi gawa dyan sa pusa haha" Kawawa naman si Sheena nasayang yung mga binili nyang pagkain, ang malas nya kasi lahat ng binili nya hindi pwede kay Mark. "Sayang naman pala tong binili ko" -Sheena "Sorry ha?" -Mark "Ayos lang, Kami nalang ni Dex ang kakain" -sheena kaming dalawa ni Sheena ang kumain ng binili nya, Si Mark bumili nalang ng sarili nyang pagkain. MILE'S POV Kainis talaga tong si Dex kahit nasasaktan na go lang ng go at ang nakakainis pa nito ay pumayag pa sya na tulungan si Mark na Manligaw don sa Sheena nayon. "Bakit hindi ka sumama kala Dex?" Nagulat ako kasi biglang lumapit sakin si Tyrone, Himala kinausap nya ako? sa pagkakaalam ko yung kinakausap nya lang ay magagandang babae at kilalang estudyante dito. "Di kasi ako gutom kaya hindi ako sumama" "Ganon ba? ano kasi Miles pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" -Tyrone Si Tyrone hihingi ng pabor sakin? Tiningnan ko sya mukhang importante yung pabor na hinihingi nya. "Ano bayon?" "Ano kasi, Pwede mobang kausapin si Dex na para makausap ako? Pagnakakasalubong ko kasi sya lagi nya akong tinatarayan" -Tyrone "Bakit mo naman gustong kausapin si Dex?" "Kasi diba yung nagawa ko sa kanya? Gusto kolang kasi magsorry ng maayos" -tyrone "Alam mo Tyrone si Dex ang kausapin mo tungkol dyan o di kaya yung BestFriend nya ako kasi hindi ako nangingialam sa mga gusto ni Dex pero susubukan ko" "Salamat, Sige Kakausapin kodin si Mark" -Tyrone Pagkatapos non ay umalis na sya, akala kopa naman kung ano ang hihingin nyang pabor sakin, Alam kong Badtrip si Dex kay Tyrone kaya ayokong makialam baka magalit pa sakin si Dex. Hinanap ko sa f*******: yung pangalan ni Ryan baka sakaling nakalagay don yung address nya nag-aalala kasi ni Dex kung bakit hindi sya pumapasok sayang naman kasi yung mga namiss nyang lectures. Magkasabay na bumalik si Mark at Dex. Pero si Dex halatang lutang na naman. "Ano masakit ba?" Tumingin sya sakin at tumulala ulit. "Dex nakuha ko yung address ni Ryan bukas kung gusto mo agahan nating pumasok para madaanan natin sya" "Sige, Ichat mo nalang ako kung saan at anong oras tayo magkikita" -Dex "Yes boss" Haha ayaw kasi ni Dex na nalelate kapag sinabi nya yung oras kailangan nandon kana, Ayaw na ayaw na nahuhuli marunong daw kasi sya sumunod sa usapan pwera nalang kung may emergency.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD