DEX'S POV
Kahit nahihirapan akong pumasok ngayong araw ay pumasok paden ako dahil inalala ko yung mga mamimiss kong lectures kapag umabsent na naman ako at sigurado na yari ako kay mama baka isipin nya nagbubulakbol na ako.
Habang naglalakad ako papunta sa room ko ay nakita kong magkasamang naglalakad s Mark at Sheena, Bumalik na naman yung sakit na naramdaman ko nang sinabi sakin ni Mark na may nililigawan sya.
Kahit wala akong kasalanan ay nagtago ako sa kanila para hindi nila ako makita, Inantay ko muna na makadaan sila bago ako lumabas.
"Bakit ka nagtatago dyan?"
"Ay kalabaw!"
Jusko naman muntik na ko atakihin sa puso dahil bigla bigla nalang may nagsalita sa likod ko.
"Kalabaw talaga? sa gwapo kong to kalabaw?" -Tyrone
"Bakit ka kasi nanggugulat? at ano bang ginagawa mo dito?"
"Napansin kasi kita na nagtatago kaya nilapitan kita" -Tyrone
"Hindi kalang pala bastos, Chismoso kadin noh?"
Iniwan ko nalang sya dahil ayokong madagdagan yung iniisip ko, Ang sakit na nga eh! dadagdag pa sya.
Minsan may pagkatanga din ako kasi alam ko naman na magkaklase kami ni Mark pero tinataguan ko paden sya.
Pagpasok ko sa room ay dirediretso agad ako pumunta sa upuan ko at nang makita ako ni Mark ay nilapitan nya ako.
"Dex bakit hindi pumasok kahapon? may problema ba?" -Mark
"Problema? ah eh wala naman, Tinamad lang talaga ako kahapon hehe"
OO na! Marupok na ko! ako na yung mahina pag dating kay Mark. Sinabi ko sa sarili ko na hindi mona ako papaapekto sa kanya pero wala eh hindi sumusunod yung puso ko.
"Basta wag kana aabsent ha? ang lungkot kasi kapag wala ka eh" -Mark
OUCH so clown lang pala ako para sa kanya? na nagpapasaya sa twing malungkot sya na nagaaliw sa kanya kapag boring sya.
"Oo hindi na ako aabsent"
"Yowwn! alam mo ba gusto kang makilala ni Sheena kaya sabay samin kumain mamaya ha?" -Mark
Tumango lang ako at bumalik na sya sa upuan nya na abot tenga ang ngiti. Ako nakatulala lang iniisip kung ano ang susunod na mangyayari.
"Ano girl? oo lang ng oo?" -miles
Napalingon ako kay Miles at nakasimangot sakin alam kona yung gusto nyang sabihin at tanggapin ko kung magagalit sya sakin dahil sa katangahan ko.
"Sorry Miles" yan lang ang nasabi ko sa kanya.
"Dex naman bakit ka naman pumayag na sumabay pa sa kanila? parang kumuha kana ng kutsilyo nyan at sinaksak sa puso mo" -Miles
"Alam mo Miles siguro nga kabaliwan tong mga ginagawa ko pero hindi ko kasi mahindian si Mark dahil ayokong makita syang malungkot at kung ito lang yung paraan para makita ko sya na masaya? gagawin ko kahit kapalit man nito ay masaktan ako"
"Dex ikaw bahala, Pero pag masakit na? please lang itigil mona" -Miles
Tumango lang ako sa kanya, Wala akong masabi kay Miles napaka bait at maalalahanin nya kahit minsan ay lagi nya akong pinapagalitan.
Katulad ng sinabi ni Mark ay sumabay ako sa kanila na mag recess, Pero kahit kasama ko si Mark yung utak ko lumilipad sa kawalan.
Magkatabi si Mark at Sheena sa upuan at nasa harapan nila ako tiningnan ko silang dalawa at nasabi ko nalang sa sarili ko na
"BAGAY SILA"
"Dex anong kakainin mo?" -mark
"Wala, busog pa ako kayo nalang"
"Haha ikaw masubog? eh ang takaw takaw mo nga" -mark
"Sshh wag ka ngang maingay, kainis to!"
"See? Ano ba kasing bibilhin?" -Mark
"Wala nga, nagtitipid ako" inis na sabi ko sa kanya, Actually gutom na talaga ako pero wala akong gana kumain.
"Ano bayan, Ikaw Sheena anong gusto mo?" -mark
"Ikaw bahala Mark" -Sheena
Ngumiti lang si Mark sabay alis para bumili ng kakainin nila, ako naman ay kinuha yung Phone ko at nagpakabusy sa pag fefacebook.
"Sobrang Close nyo ni Mark noh?" -Sheena
Nagulat ako kasi biglang nagsalita si Sheena ayoko pa naman sanag umimik muna, Pero ayoko namang maging bastos kaya sinagot kodin sya agad.
"Oo matagal na kasi kaming magkaibigan nyan"
"Oo nga eh nakwenta nya sakin at alam mo ba kapag magkasama kami lagi ka nyang kinukwento sakin. Kaya nga excited ako na makita ka." -Sheena
Wow pinaguusapan pala nila ako mabuti nalang hindi ko nakakagat yung dila ko haha.
"Siguro kung ano ano ang kinuwento sayonm ng lalaking yon"
"Haha wag kang mag-alala puro magaganda naman ang nakwento nya sakin" -Sheena
"Buti naman ahaha kung hindi yari sakin yon"
Nagtawanan kaming dalawa at mayamaya ay dumating nadin si Mark at may inabot sakin na Fries namay kasamang fishballs.
"Alam mo talaga yung paborito ko ha?"
"Syempre Bestfriend kita, 30 lang yan" -mark
Isusubo kona sana yung Fries pero nilapag ko ulit kasi sinabi nyang may bayad.
"Busog pa pala ako"
"Hahaha joke lang libre ko nayan" -Mark
"Puro ka kalokohan! sumbong kita kay Tita Rose mamaya!"
"Sige subukan mo, Yari ka sakin" -mark
"Kain na tayo? baka kasi lumamig yung pagkain hindi na masarap" -sheena
"Haha mabuti pa nga" -Mark
Pinagmasdan kolang silang dalawa ang sweet nilang tingnan at si Mark halatang sobrang saya dahil kasama nya yung taong mahal nya.
Nahiya tuloy ako sa sarili ko pakiramdam ko kasi wala akong lugar dito at pinipilit kolang na ipagsiksikan ang sarili ko.
Yung Sakit na nararamdaman ko ay idinaan ko nalang sa pagkain, Wala din naman akong magagawa para hindi masaktan habang nakikita sila.
"Mark Cr lang ako"
"Ang bilis mo nama mn kumain, ang takaw mo talaga. Sige antayin ka nalang namin" -Mark
"Wag na ayos lang diretso nalang kayo sa room"
Ayokong makita nila na naiiyak nako, Tumakbo ako papuntang Cr at sinarado yung pinto para walang makapasok at makarinig sa pagiyak ko.
Yung luhang kanina kopa pinipigilan ay malayang nakalabas sa mga mata ko, Ang sakit pala mainlove lalo na kapag sa BESTFRIEND mo hindi mo magawang lumayo dahil may pinagsamahan kayo hindi mo kayang magsalita dahil wala din namang mangyayari.
"Sige lang iiyak mo lang yan, Masakit sa una pero masasanay kadin"
Napalingon ako sa nagsalita at nagulat ako kasi si Tyrone na naman, Tssk kabute ba sya at bigla bigla nalang sumusulpot kung saan.
"Anong ginagawa mo dito? sinusundan moba ako?"
"Hindi kita sinusundan, Nag Umihi lang ako nagulat na nga lang ako dahil may narinig akong umiiyak akala ko may multo na yun pala ikaw lang" -Tyrone
"Hindi ako umiiyak, May sipon lang ako"
palusot ko sa kanya baka ipagkalat pa nitong lalaki nato ang nakita nya.
"Alam kong umiiyak ka, Bakit kaba kasi umiiyak?" -Tyrone
"Wala kana don at ano naman sayo kung umiiyak ako ha?"
"Wala, Pero sana iiyak ka dun sa walang nakakarinig sayo para hindi ka nakakaistorbo" -Tyrone
Aba! bastos din pala tong lalaki nato! sa tingin nya ba talaga na ginusto kong may makarinig na umiiyak ako? Malay koba na nandon sya.
"Edi sorry!"
Inayos ko muna yung itsura ko bago tumakbo palabas, Sana lang talaga hindi nya ipagkalat yung nakita nya dahil hindi kona talaga kakayanin kung machichismas pa.
MARK'S POV
"Salamat pala sa libre mo ha?" -sheena
"Wala yon basta para sayo"
"Haha sasusunod ako naman ang manlilibre sayo" -sheena
"Wag na, Ako ang lalaki kaya ako dapat talaga ang manlilibre lalo na nililigawan kita. Paano mo ako sasagutin kung kuripot ako"
"Puro ka talaga kalokohan, Alam mo masaya talagang kasama si Dex kahit saglit lang kami nagkausap" -Sheena
"Oo masaya talaga yon kasama lalo na kapag naging close kayo"
Masaya ako dahil mukhang magiging magkasundo silang dalawa ni Dex akala ko hindi eh pero sadyang mabait lang talaga si Dex kaya hindi sya mahirap makasundo.
Speaking of Dex bakit kaya bigla bigla yong umalis kanina, Nitong mga nakaraang araw napapansin kong parang naging malungkutin at seryoso nya ano kaya ang Problema nya?
Hindi ko muna si Sheena sa Room nila bago pumunta sa room ko nakita ko si Dex na nakatungo, Nakakapanibago dahil kapag ganito lagi syang nakikipagdaldalan kay Miles. Umupo na ako sa Upuan ko pero iniisip ko parin si Dex dahil mukhang may problema sya.
"Tol diba bestfriend mo si Dex?" -Tyrone
"Oo bakit?"
"Nakita ko kasi sya na umiiyak kanina sa Cr" -Tyrone
Si Dex umiiyak? bakit naman kaya?
"Sigurado ka?"
"Oo" -Tyrone
Tumingin ako sa pwesto ni Dex at nakatungo parin sya, Talaga kayang umiyak sya kanina?
Kung may problema sya bakit kaya hindi sya nagsasabi sakin. Hayss nagaalala tuloy ako sa kanya baka may pinagdadaanan sya at hindi nya lang sinasabi sakin dahil nahihiya sya.
Nag maguwian na ay nilapitan ko si Dex dahil gusto ko sana syang kausapin ng masinsinan.
"Dex sabay na tayo"
"Sigurado ka? pano si Sheena?" -dex
"Itetext ko nalang sya na hindi ko muna sya maihahatid"
"Ikaw bahala baka magalit yon" -dex
Mas kailangan ako ni Dex ngayon dahil ako ang BestFriend nya at kung may problema man sya dapat tulungan ko sya.
Pero itetext kopa lang sana si Sheena ng bigla syang dumating.
"Mark bakit ang tagal mo inantay kaya kita, Ano uuwe naba tayo? Hi Dex" -Sheena
"Hello sheena" -dex
"Ah eh ano kasi Sheena sasa---"
"Sige kayo nalang sasabay nalang ako kay Miles para naman makapag usap kayong dalawa" -dex
Hindi kopa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Dex.
"Sigurado ka? pwede ka namang sumabay samin" -sheena
"Hindi ayos lang, Nakakahiya naman kung makikisama ako sa inyo" -dex
Nang dumating si Miles ay nagpaalam na si Dex samin, Nakaramdam tuloy ako ng guilty dahil hindi ko man lang nakausap ng masinsinan si Dex kung may pinagdadaanan ba sya o wala. Siguro bukas ko nalang sya kakausapin kapag kaming dalawa nalang.
DEX'S POV
Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ni Miles ay lutang ako dahil iniisip kona naman si Mark at Sheena.
"Ano girl Martir talaga ang Peg? kahit masakit lang ayos lang?" -miles
"Ayos lang ako Miles wag kang magalala"
"Nako Be wag ako, kahit naka ngiti ka iba yung sakit na nakikita ko sa mata mo. Ano hanggang kailan ka magpapanggap na okay ka?" -miles
"Hanggang kaya ko, Hanggang kayo kong tiisin ang lahat ng sakit"
"Ay nako, Pag ako nainis ako mismo ang magsasabi kay Mark na Mahal mo sya para hindi kana nasasaktan" -Miles
"Miles salamat kasi dahil lagi kang nandyan sa tabi ko, Nagpapasalamat ako bukod kay Mark nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo. Pero sana hayaan mo nalang ako na magaabi kay Mark na Mahal ko sya. Sasabihin kodin naman sa kanya"
"Basta be, Support kita lagi lam moyan" -miles
Kahit papano ay nakangiti ako dahil sa pagsuporta ni Miles Kahit papano nawala yung sakit at nakalimutan ko si Mark at Sheena.
Promise bigyan lang ako ng Perfect time aamin talaga ako kay Mark, Tanggapin man nya o hindi wala na akong pakialam basta ako nasabi ko ang nararamdaman ko.