AYAH Napailing ako nang makita ko ang comfort room. Mukhang sinadya niyang magkalat dito para pahirapan ako dahil nagkalat ang pira-pirasong tisyu sa sahig, pati na rin ang liquid soap. Muntik pa akong madulas dahil naapakan ko ito, pero mabuti na lamang ay nakahawak ako sa lababo. Pero nauntog naman ang aking siko, kaya nasaktan talaga ako. Kahit naiinis ako kay Kuya Aliandre, itinuloy ko ang paglilinis hanggang natapos ako. Matapos maglinis, lumabas ako sa banyo, pero natigilan ako nang marinig ko ang tinig ni Kuya Dexter habang kausap ang asawa ko. “I'm sorry, Bro, wala na talaga akong ibang malapitan ngayon,” sabi ni Kuya Dexter, kaya natigilan ako. “Isinugod namin sa ospital si Daddy kanina dahil biglang nanikip ang dibdib niya, pero hindi namin inaasahan na ganoon na pala ang kon

