AYAH Ramdam ko ang kaba at malakas na pintig ng aking puso habang paakyat ang elevator, pero kinagat ko ng mariin ang aking labi habang nakapikit para mailihis ang atensyon ko sa iba kapag nasaktan ako. Nagtagumpay naman ako dahil sandaling nakalimutan ko ang labis na pag-iisip nang malasahan ko ang dugo mula sa nasugatan kong mga labi. “Oh my God, Katelyn, saan ka galing?” tanong agad ni Andeng sa akin nang makita akong palapit sa kaniyang mesa. “Kanina ka pa tinatawag ni Boss sa loob.” Nangunot ang aking noo at napatingin sa pintuan ng opisina ni Kuya Aliandre. May topak rin ang lalaking iyon dahil matapos niya akong palayasin kanina at ipagtabuyan ay hahanapin naman pala niya ako. “Bakit niya ako hinahanap?” nakasimangot na tanong ko kay Andeng. Inabot niya ang braso ko at hinatak

