AYAH Matagal na namagitan sa aming dalawa ni Kuya Aliandre ang katahimikan hanggang sa nakita niya akong gumalaw at humakbang palabas ng kaniyang silid. "Saan ka pupunta?" agad niyang tanong sa akin. "Kung tapos ka na, babalik na ako sa silid ko," mahina kong sagot. “Simula ngayon, you'll stay here in my room, Katelyn.” “Ha?” Napamulagat ako dahil para bang nabingi ako ng ilang segundo at wala akong nagawa kundi tingnan si Kuya Aliandre. “You heard me loud and clear,” tipid niyang sagot. “Bakit?” Halos wala akong maapuhap na isasagot sa kaniya, kaya tanging ito lamang ang lumabas sa mga labi ko. “Why not?” tanong rin niya, Kuya Aliandre, sa akin. “We're married, Katelyn. Do I need to remind you of that?” “Pero nagpakasal tayo ng walang relasyon at may fiancé ka, Kuya—” “Huwag

