Chapter 22

1506 Words

AYAH Maliit lang ang silid na pinagdalhan sa akin ng babaeng kasama ko, pero ayos na ito dahil ang mahalaga sa akin ay mayroon akong peace of mind kahit mag-isa lang ako. “Ikaw lang ang mag-isang titira ngayon dito, kasi umalis na yung dating nakatira dito,” sabi ng kasambahay ni Kuya Aliandre. “Sa kabilang silid lang ako tumutuloy. Kumatok ka lang kapag may kailangan ka, ha?” “Sige,” nakangiting sagot ko. Inilapag ko ang dala kong mga gamit sa sahig. Agad namang nagpaalam sa akin ang babae at sinabing may gagawin daw siyang trabaho, kaya tumango ako. Agad kong inayos ang mga gamit ko, at nang matapos, naligo agad ako dahil maghapon akong pagod sa labas. Bago lumabas ng silid, sinubukan kong tawagan si Rachel, pero nakapatay pa rin ang kaniyang cellphone, kaya hindi ko siya makontak.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD