Chapter 21

1567 Words

AYAH Ang kanina ay marahas na paghalik sa akin ni Kuya Aliandre ay naging mabagal at sensual. Mula sa gitna ng kaniyang opisina, iginiya niya ako palapit sa sofa at pagkatapos, hinatak niya ako paupo at muli niyang sinunggaban ang aking mga labi. Kakaibang pakiramdam ang sensasyon na hatid ng bawat paghagod ng dila at labi ni Kuya Aliandre sa mga labi ko. Banayad lamang ito, pero sensual at tila ba inaakit ako, kaya napahawak ako sa kaniyang balikat at namalayan ko na lang na tumutugon na rin ako sa bawat panghahalik niya sa akin. Impit na ungol ang kumawala sa aking mga labi nang palalimin niya ang panghahalik sa akin. Ibinuka niya ang bibig ko, pero hindi ako tumutol nang hulihin niya ang dila ko at tila sabik na sinipsip ito ng asawa ko. Hinayaan ko siyang galugarin ng kaniyang dila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD