"cassy! cassy! tulungan mo ako. Please parang awa mo na tulungan mo ako." yon lang at nagising na si Cassy. Butil butil ang kanyang pawis sa noo, at sa leeg.
"sino kaya sya? hindi ko makita ang mukha nya kahit isipin ko pa. Parang totoong totoo na kausap ko sya at humihingi ng tulong. Bakit naman kaya sa aking panaginip sya nagparamdam pwede naman sa iba.Hindi kaya nakita ko na sya? iiiihhhh kainis hindi ko maalala mukha nya. Kung kailangan nya ng tulong hindi magtatagal ay magpapakita ulit sya sa aking panaginip. haiiissst." Tila natuto na syang kausapin ang kanyang sarili mula ng mapanaginipan nya ang babae. Dahil sa kanyang napanaginipan tila ayaw pa nyang bumangon kahit alam nyang mabagal syang kumilos. Nakaraan ang tatlumpong minuto ay narinig nya ng kumakatok ang kanyang ina. Inaasahan nya na iyon dahil alam ng kanyang ina na dapat sa mga oras na ito ay nakababa na sya.
"cassy anak gising ka na ba?"
"opo ma,,lalabas na po ako" sagot agad nya at kung hindi nya gagawin yon ay tiyak niyang mag aalala na naman yon.
" sige na anak hihintayin kita,,nkahanda na ang hapag kainan."
"opo ma andyan na po"
" oh bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong ng ina nong maupo ang anak para kumain ng nakapantulog pa.
"oo nga po ma eh,,ewan ko po ba parang tinatamad akong kumilos. Hindi kasi ako nkatulog ng maayos."
"sa anong dahilan kaya at hindi ka na naman makatulog? Gusto mo bang ipacheck up kita? Baka kung ano na yan nag aalala na ako."
"hindi na po ma,,kulang lang po ako sa tulog. Sama kasi ng napanaginipan ko"
"tungkol saan?" nag aalalang tanong ng kanyang ina.
"Ma isang estudyante po humihingi sa akin ng tulong. Hindi ko malaman kung bakit at sa anong paraan ko sya matutulungan."
"naalala mo ba ang mukha nya?"
"malabo nga po ma eh. Kasing edad ko lang sya ma eh. Ayoko ko na pong kumain ma," Bigla sabi nya na nakaka tatlong subo pa lang.
"aba eh wala ka pang kinakain halos ah. Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko? Gusto mo bang lutuan kita ng iba?Ano bang gusto mong ulam?"
"Wala po ma.talaga po sigurong wala akong gana ngayon. Babalik na po ako sa kuwarto."
"sige anak,ang mabuti pa eh wag ka na munang pumasok. Pupunta ako sa eskwelahan mo at kakauspain ko ang iyong guro na hindi ka muna papasok."
"ma,,kaya ko pong pumasok"
"hindi! mahiga ka dyan at magpahinga. Pupunta na rin ako sa palengke okay?" ito na lang ang sinabi ni Aling Hilda para pumayag ang anak na manatali na lang muna ito sa bahay. Totoo naman na mamamalengke din sya kaya't isasabay nya na ang pagpunta sa eskwelahan ng anak.
Pagkatapos maligo ni Aling Hilda ay nagpaalam na sa anak na ito ay aalis na. Nang walang sumagot ay inisip na lang nya na natutulog na nga ito kaya't hindi na nya ito pinuntahan sa kwarto.
Sa pagpasok ng gate ng eskwelahan ay mayroong nakapaskil na larawan ng dalawang estudyante na kapwa mga babae. "missing" ang nakalagay sa bandang ibaba ng larawan pati impormasyon ng mga naghahanap dito ay nakasulat din doon. "anong nangyari dito, meron ba talagang nangyayari sa mga estudyante" yon ang nasa isip ni Aling Hilda.
Pumasok sya sa loob ng eskwelahan para hanapin ang classroom ng anak na sinabi nito sa kanya. Hanapin nya raw si Ms. Delos Santos.
"kapag hindi nyo nahanap ang anak ko at kung may nangyaring masama sa kanya ipapasara ko ang eskwelahang ito. Tandaan nyo.!" galit na galit ang boses na iyon na tila anumang mangyari ay tototohanin ang pagbabantang binitawan nito. Ito ang narinig ni Aling Hilda sa Principal's office ng school. Hindi nya iyon sinasadya ngunit dahil nabigla sya sa malakas na boses ng babae napasilip sya sa nakasiwang na pinto at sinamantala iyon para mapakinggan nya ng maayos ang pinag uusapan ng mga ito. Subalit tila huli na ang lahat mukhang tapos na ang kanilang pag uusap at yon ay tinapos na ng nagagalit na babae.
Dahan dahang pumasok si Aling Hilda sa Principal's office. Ginawa nya yon para kunwari ay itanong kung pumasok ba ang guro na hinahanap nya. Ngunit ang totoo ay para makiusyoso lang para naman yon sa ikabubuti ng anak at baka may maitutulong din sya.
"magandang umaga po Ma'am Irene de Jesus. Ito ang pangalan ng prinsipal base sa nakasulat sa manipis na board sa ibabaw ng lamesa nito. Mahina lang ang pagbating iyon dahil baka masinghalan sya ng principal,ngunit alam nya na narinig sya nito.
"tuloy po kayo, ano pong maitutulong ko sa inyo?" sabi ng prinsipal kay Aling hilda.
Parang nakahinga naman ito ng maluwag ng hindi sya nito sigawan. At least kahit papano eh may respeto talaga ang prinsipal.
"hinahanap ko po kasi si Ms. Delos Santos. Nandito po ba sya s Eskwelahan ngayon? Ipapaalam ko po kasi ang aking anak.Si Cassandra Imperial. Walang ganang kumain,,hindi makatulog ng maayos sa gabi kaya't andon ngayon sa bahay pinagpapahinga ko po at baka sakaling bumalik ang sigla ng anak ko."
"ahhhh okay sige kilala ko po ang inyong anak,masipag mag aral at hindi naman umaabsent. Sige po kung isang araw lang naman ang kailangan eh sige lang po pagpahingahin nyo na muna sya. Ngunit ipaalam nyo pa rin po sa kanyang guro ang nangyari sa kanya para hindi sya mamarkahan ng absent. "
"sige po salamat po, saan po ba ang room ni Ms. Delos Santos ngayon?"
"dyan lang po yon sa room na katabi nito"
"ahh--hh s-sige po s-salamat po." Meron pa po ba kayong kailangan?" tanong ng prinsipal ng hindi pa rin tumatayo mula s upuan ang kausap. Nagpaalam na pero hindi naman tumayo para lumabas.
"ahh-ahh o-opo sa- sana..kaya lang nag aalangan po ako. Pero sige po salamat na lang po.Lalabas na po ako."
"tungkol po ba yan sa kaninang kausap ko?Hanggang saan po ba ang iyong narinig?"
Tumango lang si Aling Hilda.
"maupo ka po ulit Mrs.Imperial."
tumalima naman agad ito.
"ganito po yon, may isang estudyante na isang linggo na ata na hindi pumapasok. Halos kaedad lang din ito ni Cassy sa ibang section nga lang ito.Ang pangalan ng estudyante ay Regina Crisostomo.Inirireport naman sa akin ng guro nya na araw araw absent. Pinapuntahan ko sa teacher ang bahay ng estudyante na ito ngunit wala ang mga magulang ng bata, katulong lang ang kanilang naabutan.
Ang sabi eh nasa ibang bansa nga raw ang mga ito. Ang alam dw ng katulong eh nasa kaibigan at doon muna habang nagpapalipas ng sama ng loob sa magulang. Kaya't hindi nila alam na hindi pala pumapasok isang linggo na.
Ang ginawa ng katulong ibinalita sa magulang ng estudyante na hindi pala pumapasok si Regina. Yong kaninang nakita mo,,sya ang ina ni Regina na dumating kagabi lang, kaya't galit na galit. Eh naiintindihan ko naman po ang damdamin ng isang ina na nawawala ang anak dahil ina din po ako. Nalulungkot lang ako kung bakit hindi ko nalaman na dito pala nawala si Regina. Meron kasing nakapg sabi na isinakay ito sa isang van na puti isang linggo na ang nakakaraan. ang inakala kasi ng guard namin eh sundo nito. Dahil wala naman syang nakita na kakaiba o sapilitang pagsakay." noo'y gusto nang umiyak sa sama ng loob at frustration ang prinsipal.
"siguro po mam hindi nyo po iyon kasalanan kaya't huwag nyo na pong sisihin ang sarili mo." pag aalo nya sa prinsipal.
"ngunit dalawa po ang nawawala. Sino yong isa?" tanong pa ni Aling Hilda.
"si Desiree naman yon classmate po ng anak nyo. Kahapon lang po iyon nawala. Parehas lang po na sitwasyon ang nangyari sa kanilang dalawa"
"ipinagbigay alam nyo na po ba ito sa mga pulis, maam?"
"opo ngunit ngayong araw lang din dahil nagyon ko lang nalaman ang mga nangyari" ngayon eh umiiyak na ang prinsipal sa kanyang harapanat wala syang magawa para damayan ito.
"naku diyos ko po mahabaging langit huwag nyo po silang papabayaan." usad na panalangin ni Aling Hilda.
"alam mo bang umiiyak ako dahil sa nangyari sa mga bata. Hindi ko kailangang umiyak dahil posibleng isarado ang eskwelahang ito kundi sa kanila. At ang tanging hiling ko po ay iligtas nyo po sila oh aming Diyos." yon lang at tulyan nang humagulgol ang Prinsipal. Si Aling Hilda man ay naiiyak din ngunit kaya nya pang pigilan.Ang magagawa lang nya ay hagurin ang likod nito.